Pages

Sunday, March 26, 2017

Mga Relihiyon gawa gawa ng tao

Kung ang katotohanan lang naman ang pinag uusapan ay simple lang ang pag huhusga .Ibabatay lang sa pinag mulan kung ito ay banal ba o kagalang-galang o karapat-dapat.Ang kristiano ay nag aangkin ng katotohanan. At maliligtas ka lamang daw sa dagat-dagatan apoy ng impiyerno kung ikaw ay kristiano.Ang Hukom sa buong mundo ay sang ayon ang lahat ng sangkataohan sa pamamaraan na may dalawa o higit na saksi na magpapatunay.
Balik tanaw muna sa kristiano.
Ang kristiano ay hango sa salitang chris[English].At ang chris ay hango sa salitang kristos[Greek]at ang kristos ay hango sa salitang messiah [Hebrew]o Masih sa [Arabic]ang ibig sabihin ay pinahiran o napili.
Ang kristiano sa banal Biblia.
Ang mga pagano at mga hudyo doon sa antioquia noon humigit –kumulang 43 A.D.,matagal nang panahon wala na si kristo[sakap]dito sa mundo . Basahin mo ang Mga Gaw: 11:26”…at ang mga alagad ay pinasimulan tawagin mga Cristiano sa Antioquia.”Ang ikalawang gumamait nito ay si Haring Agripa ll sa sabi niya kay Pablo sa Mga Gawa 26:28” at sinabi ni Agripa kay Pablo,Sa kakaunting paghihikayat ay ibig mo akong maging Cristiano”.Ang pang huli,ni Pedro sa kanyang sulat upang aliwin ang tapat sa 1 Pedro 4:16”Nguni`t kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristaino,ay huwag mahihiya …”
May kaligtasan na kaya sa lagay na to.Sa halip na sa Diyos mag mula ang banal na katawagan ay sa kaaway pa nagsimula ang pananampalatayang Cristianismo.
Sa buong buhay ni Jesus chris o sa tunay buhay na Iesa Masih na kailan man ay di nangaral ng cristiano o narinig ang salitang Christ.
Ang pamemeke ay isang uri panloloko sa kapwa tulad halimbawa: Pag- papanggap,pangongopya, pag-kukunyari panlilinlang at kilala na dito sa Manila ang Recto o bansag na University of Recto.Itoy alam natin na labag sa batas ng tao na may pataw na kaparusahan o maging sa batas ng Diyos ay may kaparusahan sa impiyerno.
Sinabe ng Allah:
Ang sinasamba ninyo bukod sa Allâh ay mga pangalan lamang na wala itong kahulugan, na ito ay inyong gawa-gawa lamang na mga sinasamba – kayo at ang inyong mga ninuno dahil sa inyong kamangmangan at pagkaligaw – at hindi nagpahayag ang Allâh ng anumang kapahintulutan na ito ay sasambahin, na walang sinuman ang karapat-dapat na mag-atas nito kundi ang Allâh lamang na Bukod-Tangi na Siya ay walang katambal, na ipinag-utos Niya sa inyo na wala kayong susundin na sinuman bukod sa Kanya, na wala kayong karapat-dapat na sasambahin kundi Siya lamang; ito ang Matuwid na Landas – ang Tunay na Relihiyon – subali’t ang karamihan sa mga tao ay hindi nila ito batid, na kung kaya, hindi sila sumusunod sa katotohanang ito.Qur'an 12:40
Katotohanan,ang relihiyon tatanggapin ng Allah ay Islam lamang. Qur’an 3:19
Kung sino ang maghahangad ng ibang relihiyon maliban sa ISLAM kailan man ay hindi tatanggapin sa kanya at sa kabilang buhay ay isa sya sa mga talunan. Qur’an 3:85

Sino ang tama ikaw o ang Diyos at si Hesus?

Alam mo malaking palaisipan na sinasabe muna ang Diyos ay tao at si Hesus na naman ay diyos, kong tatanungin natin ang diyos kong tao sya, ito ang sagot nya:

1- Sapagkat Akoy Diyos At Hindi Tao (Oseas 11: 9).

2- Sapagkat Akoy Diyos,At Walang Iba Liban Sa Akin,Akoy Diyos,At Walang Gaya Ko(Isaias 46 : 9).

3- Huwag Kayong,Gagawa Ng Ibang Mga Diyos Na Iaagapay Sa Akin(Exodo 20 : 23).

4-Ang diyos ay hindi tao na magsisinungaling, o ni anak ng tao na nagsisisi(Mga bilang 23 : 19)

Kong si Hesus naman ang tanungin natin kong Diyos sya ang sagot naman nya:

1-Datapuwat Ngayoy Pinagsisikapan Ninyo Akong Patayin,Na TAONG Sa Inyoy Nagsaysay Ng Katotohanan,Na Aking Narinig sa diyos(Juan 8 : 40)

2-"Sapagkat ang Anak ng TAO (Hesus) ay paparitong nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama.(Mateo 16:27)

3-Sapagkat may isang diyos at may isang Tagapamagitan sa diyos at sa mga tao,ang TAONG si cristo Jesus(1Timoteo 2 : 5)

4-"makaraan ang walong araw upang tuliin siya,
tinawag siyang hesus"(Lucas 2:21)

5-Akoy Nagmula At Nanggaling Sa Diyos,Sapagkat Hindi Ako Naparito Sa Akin Sarili Kundi Sinugo Niya Ako(Juan 8 : 42)

6-At Nang Pumasok Si Jesus Sa Jerusalem,Ay Nagkagulo Ang Buong Bayan,Na Nagsasabi Sino Kaya Ito?At Sinabi Ng Mga Karamihan,Itoy Ang Propeta(Jesus Sugo Ng Allah)Na Taga Nazarit Ng Galilea(Mateo 21 : 10)

7- " …totoong ito nga ang PROPETA na paparito sa sanlibutan."(Juan 6:14)

8-"… muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang sabi mo tungkol sa kanya (Hesus),na siyang nagpadilat sa iyong mga mata? At sinabi niya, Siya ay isang PROPETA."(Juan 9:17)

9-At ito ang buhay na walang hanggan,na ikaw ay makilala nila na iisang diyos na tunay,at si jesus-cristo na iyong sinugo(Juan 17:3)

Ngayun napakalinaw ayun sa mga talata na ang Diyos ay nanatiling diyos at hindi maging anak ng tao,at ganoon din c Hesus na pinagdiinan nila na Diyos sya o kabahagi ng Diyos ngunit ating mababasa na subrang linaw na mismo sya nagsabe na tao lang sya at anak ng tao at sugo o propheta lang at yan ang pagkakilala ng mga tao mismo sa kanyang lugar,

Tanong;
Sino ang dapat paniwalaan ikaw na nagsasabeng ang Diyos ay tao at si Hesus ay taong naging Diyos! o ang Diyos mismo at si Hesus?


Share