Pages

Sunday, March 26, 2017

Sino ang tama ikaw o ang Diyos at si Hesus?

Alam mo malaking palaisipan na sinasabe muna ang Diyos ay tao at si Hesus na naman ay diyos, kong tatanungin natin ang diyos kong tao sya, ito ang sagot nya:

1- Sapagkat Akoy Diyos At Hindi Tao (Oseas 11: 9).

2- Sapagkat Akoy Diyos,At Walang Iba Liban Sa Akin,Akoy Diyos,At Walang Gaya Ko(Isaias 46 : 9).

3- Huwag Kayong,Gagawa Ng Ibang Mga Diyos Na Iaagapay Sa Akin(Exodo 20 : 23).

4-Ang diyos ay hindi tao na magsisinungaling, o ni anak ng tao na nagsisisi(Mga bilang 23 : 19)

Kong si Hesus naman ang tanungin natin kong Diyos sya ang sagot naman nya:

1-Datapuwat Ngayoy Pinagsisikapan Ninyo Akong Patayin,Na TAONG Sa Inyoy Nagsaysay Ng Katotohanan,Na Aking Narinig sa diyos(Juan 8 : 40)

2-"Sapagkat ang Anak ng TAO (Hesus) ay paparitong nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama.(Mateo 16:27)

3-Sapagkat may isang diyos at may isang Tagapamagitan sa diyos at sa mga tao,ang TAONG si cristo Jesus(1Timoteo 2 : 5)

4-"makaraan ang walong araw upang tuliin siya,
tinawag siyang hesus"(Lucas 2:21)

5-Akoy Nagmula At Nanggaling Sa Diyos,Sapagkat Hindi Ako Naparito Sa Akin Sarili Kundi Sinugo Niya Ako(Juan 8 : 42)

6-At Nang Pumasok Si Jesus Sa Jerusalem,Ay Nagkagulo Ang Buong Bayan,Na Nagsasabi Sino Kaya Ito?At Sinabi Ng Mga Karamihan,Itoy Ang Propeta(Jesus Sugo Ng Allah)Na Taga Nazarit Ng Galilea(Mateo 21 : 10)

7- " …totoong ito nga ang PROPETA na paparito sa sanlibutan."(Juan 6:14)

8-"… muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang sabi mo tungkol sa kanya (Hesus),na siyang nagpadilat sa iyong mga mata? At sinabi niya, Siya ay isang PROPETA."(Juan 9:17)

9-At ito ang buhay na walang hanggan,na ikaw ay makilala nila na iisang diyos na tunay,at si jesus-cristo na iyong sinugo(Juan 17:3)

Ngayun napakalinaw ayun sa mga talata na ang Diyos ay nanatiling diyos at hindi maging anak ng tao,at ganoon din c Hesus na pinagdiinan nila na Diyos sya o kabahagi ng Diyos ngunit ating mababasa na subrang linaw na mismo sya nagsabe na tao lang sya at anak ng tao at sugo o propheta lang at yan ang pagkakilala ng mga tao mismo sa kanyang lugar,

Tanong;
Sino ang dapat paniwalaan ikaw na nagsasabeng ang Diyos ay tao at si Hesus ay taong naging Diyos! o ang Diyos mismo at si Hesus?


1 comment:

Share