Pages

Friday, April 8, 2016

Telebesyon at Computer

Sa ating henerasyon ngayon, halos lahat ay may telebesyon o computer sa kanilang mga tahanan at iilan lamang sa mga ganitong uri ng kagamitan ang sadyang ginagamit sa kabutihan. Madalas silang ginagamit sa mga kasamaan at nakakasirang bagay tulad ng mga VCRs sa panonood ng sine o pelikula. Sa pagiging laganap ng satellite ang mga iba’t ibang uri ng panoorin ay nakarating sa ating tahanan hanggang sa ating silid tulogan na mahirap ng mapangasiwaan.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga talaan ng mga nakakasira at nakakasama na dulot ng panonood ng telebesyon at sa paggamit ng computer. Pagkatapos nating pag-isipan ang mga ito, sinuman ang nagnanais kaluguran ng AllahU at maiwasan ang poot ng AllahU ay gumawa ng hakbang upang baguhin ang kasalukuyang kalagayan:

Ang maidudulot sa ating ‘Aqeedah (Paniniwala)’:

*      Panonood sa mga simbulo ng mga kuffar at ang kanilang maling mga tanda sa relihiyon tulad ng Krus, Buddha, ang mga Templo, mga inukitang diyus-diyosan, diyablo, liwanag, sakuna at ulan. May mga palabas ng mga misyonaryo na nanawagan sa mga tao upang sumamba sa kanilang relihiyong kristiyanismo, hudyo at marami pang iba.
 
*      May mga programa na nagpapahayag na ang nilikha ay makikipagpaligsahan sa Allah sa paglikha at pagbibigay buhay sa mga patay, tulad ng mga palabas na nagpapakita sa mga manonood ang pagbuhay muli ng patay sa pamamagitan ng krus, mahiko o salamangka.

v      Pagpapalaganap ng kasinungalingan, pamahiim, kuwento, hula, kulam at ang lahat ay kabaligtaran ng Tawheed.

v      Nagbibigay ng maling paniniwala na kinakailangan nating magbigay galang sa mga kinatawan ng ibang pananampalataya, tulad ng mga Papa, Obispo, at Madre na nagpapagaling sa mga may sakit at gumagawa ng kabutihan.

*      Sa mga palabas na drama, ang mga artista ay nagbibigay panata ng maliban sa AllahU, o paglaruan ang mga pangalan ng Allah, tulad halimbawa sa isang artista na tawagin ang iba na ‘Abd al-Qeesaah. Ito’y panangalang walang kahulugan at nilalapastanganan ang mga pangalan ng Allah.

*      Naghahasik ng kawalan ng tiwala sa kapangyarihan ng AllahU, o ang kanyang kakayahang lumikha; o ang pagpapalabas na ang buhay ay isang sigalot ng AllahU at ang tao.

*      Ang mga taong nanonood ng ganitong uri ng palabas ay nawawala ang konsepto ng paglayo o pag-iwas sa mga kaaway ng Allah, sapagka’t ang mga panooring ito ay nagpapakita ng mga katangian at lipunan mga Kuffar na nakakaakit sa mga nanonood at binabasag ang pagitan ng mga Muslim at Kuffar. Kapag ang paniniwala sa pagmamahal at pagkapoot ng dahil sa Allah lamang ay nawala, magsimula nilang tularan ang mga Kuffar at makakuha ng mga banyagang kaisipan.

Ang maidudulot sa ating ‘Lipunan’:

*      Ang paghanga sa mga kaafir na katauhan kapag napalabas silang mga bayani sa mga pelikula.

*      Ang pagpapalaganap ng kremin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga palabas ng kaguluhan, pagpatay, pagdukot at panggagahasa.

*      Ang pagtatatag ng mga gang tulad ng mga palabas sa pelikula, ang paglabag sa karapatan ng iba at paggawa ng krimen. Ang mga kulungan ng mga kabataan ay saksi sa mga dulot ng pelikulang ito.

*      Ang pag-aaral sa sining ng pandaya, pangungupit at pagpapalsipika, pagtanggap ng suhol, at marami pang ibang mabibigat na kasalanan.

*      Ang pagtatawag sa mga kababaihan na tularan ang mga kalalakihan o ang kalalakihan na tularan ang mga kababaihan ay isang malinaw na paglabag sa hadith ng propeta na kanyang isinusumpa ang mga gumagawa nito. Kaya’t makikita natin ang lalaki na tinutularan ang babae sa pananalita, paglakad, kasuotan tulad, alahas, at marami pang iba. O mga kababaihang sa pananamit ng lalaki, trabaho at gawain. Ito ay nagdudulot ng kaguluhan sa lipunan at nagiging sanhi ng paglabas ng ‘pangatlong kasarian.’

*      Sa halip na ang Propetar, mga Sahabah, Eskolar at mujahidin na gawaing halimbawa ng mga tao ay sinusunod ang mga actor, mang-aawit, mangsasayaw at mga manlalaro.

*      Ang mga kalalakihan ay nawawala ang damdamin sa kanilang mga pamilya, kaya’t ang mga mahalagang pangangailan ay nakakaligtaan at maging ang mga anak ay napapabayaan, sapagka’t ang ulo ng tahanan ay abala sa panonood ng telebesyon at maari pang saktan ang kasapi sa pamilya na aabala sa kanyang panonood.

*      Ang pag-aalsa ng mga anak sa kanilang mga magulang ay naipapalaganap sa telebesyon at sa mga pelikula.

*      Ang pagkawasak ng mga tahananan sapagka’t ang mga magulang ay inuubos ang kanilang oras sa panonood ng telebesyon o sine. Kapag kaharap ang pamilya, wala silang panahon na pag-usapan ang mga suliranin o pangangailangan ng mga kasapi sa pamilya sapagka’t tahimik silang nakapalibot at nanonood sa harap ng telebesyon.

*      Ang mga tao ay hindi mabigyan ng magandang pangangalaga ang kanilang mga panauhin.

*      Ang pagpapalaganap ng katamaran at pamamalagi at ang pagbagal ng produksyon sapagka’t ang telebesyon ay inuubos ang panahon ng mga Muslim.

*      Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob, pag-usbong ng masamang pagseselos, kapag ang lalaki ay purihin ang ganda ng isang babae sa telebesyon sa harap ng kanyang maybahay, at gaganti ang babae sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang matipunong actor o tagapagbalita.

*      Ang pagkawala ng tamang pagseselos (gheerah), sapagka’t ang mga tao ay nasanay sa mga palabas na magkahalo ang babae’t lalaki, ang mga kababaihan ay nagtatanggal ng hijab sa harap ng mga lalaking hindi mahram at maari silang maakay sa tawag ng kalayaan ng mga kababaihan.

Ang maidudulot sa ating ‘Asal o Moralidad’:

*      Ang pang-aakit sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng babae sa lalaki at larawan ng mga matipunong lalaki sa babae.

*      Ang panghihikayat sa lipunan upang ilantad ang mga itinatago sa pamamagitan ng mapang-akit na pananamit at ang mga tao’y masanay makita ang mga ito.

*      Ang panawagan para sa mga ugnayan sa pagitan ng magkaibang kasarian at turuan ang mga tao kung paano mapalapit sa ibang kasarian, anong pananalita ang maaring sabihin sa una, mga paraan upang umunlad ang ipinagbabawal na ugnayan, nagsasabi ng mga kuwento ng pag-iibigan at lambingan at paghahawak-kamay…. atp.

*      Ang mahulog sa kahalayan at zinaa dahil sa mga palabas na nagpapahiwatig sa mga bagay na ito. May mga taong ginagaya ang kanilang napapanood sa mga pelikula sa ilan sa kanilang mahram at kamag-anak. Nawa’y ipagtanggol tayo ng AllahU.

*      Ang pagtuturo sa mga kababaihan ng iba’t-ibang sayaw na naglalantad sa kanilang ‘awraat’ at ito ay nakakaakit sa mga kalalakihan. Ito’y isang kahalayan at paglihis sa tuwid na landas.

*      Ang pagkakaroon ng mapagbirong pagkatao at hindi na nagiging seryoso sa lahat ng bagay, dagdag pa rito ang katotohanang ang labis na pagtatawa ay sinisira ang puso dahil sa mga komedyong palabas.

*      Ang pagkalat ng masasamang salita na palaging nakikita sa pelikula at telebesyon.

*      Gawing malimutan ng mga tao ang Salat ul-Fajr sapagka’t nananatili silang gising sa lalim ng gabi sa panonood sa telebesyon.

*      Nagiging sanhi sa mga tao upang mahuli sa pagdadasal hanggang sa makaligtaan ang pagdadasal sa masjid sapagka’t ang kanilang mga puso ay labis na natangay sa eksenang drama, tunggalian o paligsahan sa larangan ng esport.

*      Nagiging sanhi upang ang ibang tao ay kamuhian ang ilang gawaing pagsamba na minsan nangyayari kapag labis na nasisiyahan at ang laro ay natigil sapagka’t ang mga tao ay magdadasal.

*      Binabawasan ang gantimpala ng ilan sa mga nag-aayuno o nagiging sanhi upang mawala ang lahat ng gantipala dahil sa pagkakasala sa panonood sa mga bagay na haraam dito.

*      Ang panunuligsa sa mga hukom ng Shari’ah tulad ng hijab at malalaswang ugnayan

Ang maidudulot sa ating ‘Kasaysayan’:

*      Ang pagbabago sa kasaysayan ng Islam at paglilihim sa mga katotohanan; malimutang banggitin ang mga nakamit o naabot ng mga Muslim sa mga pelikula na nagsasabi tungkol sa kasaysayan ng sangkatuhan.

*      Ang pagbabago sa mga napatunayang katotohanan sa kasaysayan, sa pamamagitan ng pagpapalabas sa mga mang-aapi na parang naapi, katulad ng paniniwalang ang mga Hudyo ay may mahustisyang ipinaglalaban.

*      Ang pagmamaliit sa mga bayani ng Islam sa harap ng mga nanonood, tulad ng ilang palabas sa mga pelikula sa ang actor ay gaganap bilang isa sa mga Sahabah, ang mga pinuno sa mga pananakop ng Islam o mga Eskolar at ganapin ang katauhang ito sa hindi tamang pamamaraan, paghahalo ng kasaysayan sa mga pagtatalik o kahalayan, na ang actor ay taglay ang masamang asal at kasamaan.

*      Pagpapaniwala sa mga Muslim na talunan at naghahasik na takot sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila sa mga makabagong sandata sa kamay ng mga kaafir at iminumulat sa kanila na hindi sila maaring matalo.

Ang maidudulot sa ating ‘Psykolohiya’:

*      Ang pagkakaroon ng magulong katauhan mula sa panonood ng wrestling at mga digmaan, patayan at matatalim na armas.

*      Nagtatanim ng takot sa puso ng mga taong nanonood sa mga nakakatakot na palabas upang magising ang isang tao na simisigaw dahil sa kanyang panaginip sanhi ng kanyang napanood at nanatili sa kanyang isipan.

*      Ang pagsira sa damdaming makatutuhanan ng mga anak at magulang sa pamamagitan ng panonood ng walang katotohanang palabas, sapagka’t ang AllahU ang nag-utos na dapat may dahilan at epekto. Ang halimbawa dito ay ang ilang walang katotohanang palabas na kartoon na may epekto sa pag-uugali ng mga bata sa tunay na buhay.

Ang maidudulot sa ating ‘Kalusugan’:

*      Ang pinsalang maidudulot sa paningin, na ang mata ay isang biyaya na ating pananagutan.

*      Ang pagpapabilis sa tibok ng puso, pagtaas ng dugo at ang paninikip ng paghinga at pagod, atp, habang nanonood ng nakakatakot na palabas at madugong labanan.

*      Ang labis na pagpupuyat dahil sa panonood ay nakakasira sa katawan, at bawa’t tao ay tatanungin sa Araw ng Muling Pagkabuhay kung papaano niya ginamit ang kanyang katawan.

*      Ang pinsalang pisikal sa mga bata na tuluran si Superman at ang Taong Bakal at marami pang iba, pinsala sa mga tao kapag tularan at boksingero at wrestler.

Ang maidudulot sa ating ‘Pangkabuhayan’:

*      Salaping pambili ng telebesyon at pelikula, pagbayad sa pagpapaayos at pagpapabuti at ang mga receiver [disks, etc]. Ang tao ay tatanungin tungkol sa mga salaping ito sa Araw ng Muling Pagkabuhay, saan niya ito ibinili?

*      Maraming tao ang magmadaling bumili ng mga bagay na hindi nila kailangan, o sila’y nakikipag-unahan sa pagbili ng mga damit dahil sa mga palabas na nakikita nila sa mga telebesyon.


-------------------------------------------------------------
Ang lathalaing ito ay hango sa Aklat na akda ni  Sheikh Muhammed Salih Al-Munajjid

No comments:

Post a Comment

Share