Pages

Friday, April 8, 2016

Telebesyon at Computer

Sa ating henerasyon ngayon, halos lahat ay may telebesyon o computer sa kanilang mga tahanan at iilan lamang sa mga ganitong uri ng kagamitan ang sadyang ginagamit sa kabutihan. Madalas silang ginagamit sa mga kasamaan at nakakasirang bagay tulad ng mga VCRs sa panonood ng sine o pelikula. Sa pagiging laganap ng satellite ang mga iba’t ibang uri ng panoorin ay nakarating sa ating tahanan hanggang sa ating silid tulogan na mahirap ng mapangasiwaan.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga talaan ng mga nakakasira at nakakasama na dulot ng panonood ng telebesyon at sa paggamit ng computer. Pagkatapos nating pag-isipan ang mga ito, sinuman ang nagnanais kaluguran ng AllahU at maiwasan ang poot ng AllahU ay gumawa ng hakbang upang baguhin ang kasalukuyang kalagayan:

Ang maidudulot sa ating ‘Aqeedah (Paniniwala)’:

*      Panonood sa mga simbulo ng mga kuffar at ang kanilang maling mga tanda sa relihiyon tulad ng Krus, Buddha, ang mga Templo, mga inukitang diyus-diyosan, diyablo, liwanag, sakuna at ulan. May mga palabas ng mga misyonaryo na nanawagan sa mga tao upang sumamba sa kanilang relihiyong kristiyanismo, hudyo at marami pang iba.
 
*      May mga programa na nagpapahayag na ang nilikha ay makikipagpaligsahan sa Allah sa paglikha at pagbibigay buhay sa mga patay, tulad ng mga palabas na nagpapakita sa mga manonood ang pagbuhay muli ng patay sa pamamagitan ng krus, mahiko o salamangka.

v      Pagpapalaganap ng kasinungalingan, pamahiim, kuwento, hula, kulam at ang lahat ay kabaligtaran ng Tawheed.

v      Nagbibigay ng maling paniniwala na kinakailangan nating magbigay galang sa mga kinatawan ng ibang pananampalataya, tulad ng mga Papa, Obispo, at Madre na nagpapagaling sa mga may sakit at gumagawa ng kabutihan.

*      Sa mga palabas na drama, ang mga artista ay nagbibigay panata ng maliban sa AllahU, o paglaruan ang mga pangalan ng Allah, tulad halimbawa sa isang artista na tawagin ang iba na ‘Abd al-Qeesaah. Ito’y panangalang walang kahulugan at nilalapastanganan ang mga pangalan ng Allah.

*      Naghahasik ng kawalan ng tiwala sa kapangyarihan ng AllahU, o ang kanyang kakayahang lumikha; o ang pagpapalabas na ang buhay ay isang sigalot ng AllahU at ang tao.

*      Ang mga taong nanonood ng ganitong uri ng palabas ay nawawala ang konsepto ng paglayo o pag-iwas sa mga kaaway ng Allah, sapagka’t ang mga panooring ito ay nagpapakita ng mga katangian at lipunan mga Kuffar na nakakaakit sa mga nanonood at binabasag ang pagitan ng mga Muslim at Kuffar. Kapag ang paniniwala sa pagmamahal at pagkapoot ng dahil sa Allah lamang ay nawala, magsimula nilang tularan ang mga Kuffar at makakuha ng mga banyagang kaisipan.

Ang maidudulot sa ating ‘Lipunan’:

*      Ang paghanga sa mga kaafir na katauhan kapag napalabas silang mga bayani sa mga pelikula.

*      Ang pagpapalaganap ng kremin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga palabas ng kaguluhan, pagpatay, pagdukot at panggagahasa.

*      Ang pagtatatag ng mga gang tulad ng mga palabas sa pelikula, ang paglabag sa karapatan ng iba at paggawa ng krimen. Ang mga kulungan ng mga kabataan ay saksi sa mga dulot ng pelikulang ito.

*      Ang pag-aaral sa sining ng pandaya, pangungupit at pagpapalsipika, pagtanggap ng suhol, at marami pang ibang mabibigat na kasalanan.

*      Ang pagtatawag sa mga kababaihan na tularan ang mga kalalakihan o ang kalalakihan na tularan ang mga kababaihan ay isang malinaw na paglabag sa hadith ng propeta na kanyang isinusumpa ang mga gumagawa nito. Kaya’t makikita natin ang lalaki na tinutularan ang babae sa pananalita, paglakad, kasuotan tulad, alahas, at marami pang iba. O mga kababaihang sa pananamit ng lalaki, trabaho at gawain. Ito ay nagdudulot ng kaguluhan sa lipunan at nagiging sanhi ng paglabas ng ‘pangatlong kasarian.’

*      Sa halip na ang Propetar, mga Sahabah, Eskolar at mujahidin na gawaing halimbawa ng mga tao ay sinusunod ang mga actor, mang-aawit, mangsasayaw at mga manlalaro.

*      Ang mga kalalakihan ay nawawala ang damdamin sa kanilang mga pamilya, kaya’t ang mga mahalagang pangangailan ay nakakaligtaan at maging ang mga anak ay napapabayaan, sapagka’t ang ulo ng tahanan ay abala sa panonood ng telebesyon at maari pang saktan ang kasapi sa pamilya na aabala sa kanyang panonood.

*      Ang pag-aalsa ng mga anak sa kanilang mga magulang ay naipapalaganap sa telebesyon at sa mga pelikula.

*      Ang pagkawasak ng mga tahananan sapagka’t ang mga magulang ay inuubos ang kanilang oras sa panonood ng telebesyon o sine. Kapag kaharap ang pamilya, wala silang panahon na pag-usapan ang mga suliranin o pangangailangan ng mga kasapi sa pamilya sapagka’t tahimik silang nakapalibot at nanonood sa harap ng telebesyon.

*      Ang mga tao ay hindi mabigyan ng magandang pangangalaga ang kanilang mga panauhin.

*      Ang pagpapalaganap ng katamaran at pamamalagi at ang pagbagal ng produksyon sapagka’t ang telebesyon ay inuubos ang panahon ng mga Muslim.

*      Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob, pag-usbong ng masamang pagseselos, kapag ang lalaki ay purihin ang ganda ng isang babae sa telebesyon sa harap ng kanyang maybahay, at gaganti ang babae sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang matipunong actor o tagapagbalita.

*      Ang pagkawala ng tamang pagseselos (gheerah), sapagka’t ang mga tao ay nasanay sa mga palabas na magkahalo ang babae’t lalaki, ang mga kababaihan ay nagtatanggal ng hijab sa harap ng mga lalaking hindi mahram at maari silang maakay sa tawag ng kalayaan ng mga kababaihan.

Ang maidudulot sa ating ‘Asal o Moralidad’:

*      Ang pang-aakit sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng babae sa lalaki at larawan ng mga matipunong lalaki sa babae.

*      Ang panghihikayat sa lipunan upang ilantad ang mga itinatago sa pamamagitan ng mapang-akit na pananamit at ang mga tao’y masanay makita ang mga ito.

*      Ang panawagan para sa mga ugnayan sa pagitan ng magkaibang kasarian at turuan ang mga tao kung paano mapalapit sa ibang kasarian, anong pananalita ang maaring sabihin sa una, mga paraan upang umunlad ang ipinagbabawal na ugnayan, nagsasabi ng mga kuwento ng pag-iibigan at lambingan at paghahawak-kamay…. atp.

*      Ang mahulog sa kahalayan at zinaa dahil sa mga palabas na nagpapahiwatig sa mga bagay na ito. May mga taong ginagaya ang kanilang napapanood sa mga pelikula sa ilan sa kanilang mahram at kamag-anak. Nawa’y ipagtanggol tayo ng AllahU.

*      Ang pagtuturo sa mga kababaihan ng iba’t-ibang sayaw na naglalantad sa kanilang ‘awraat’ at ito ay nakakaakit sa mga kalalakihan. Ito’y isang kahalayan at paglihis sa tuwid na landas.

*      Ang pagkakaroon ng mapagbirong pagkatao at hindi na nagiging seryoso sa lahat ng bagay, dagdag pa rito ang katotohanang ang labis na pagtatawa ay sinisira ang puso dahil sa mga komedyong palabas.

*      Ang pagkalat ng masasamang salita na palaging nakikita sa pelikula at telebesyon.

*      Gawing malimutan ng mga tao ang Salat ul-Fajr sapagka’t nananatili silang gising sa lalim ng gabi sa panonood sa telebesyon.

*      Nagiging sanhi sa mga tao upang mahuli sa pagdadasal hanggang sa makaligtaan ang pagdadasal sa masjid sapagka’t ang kanilang mga puso ay labis na natangay sa eksenang drama, tunggalian o paligsahan sa larangan ng esport.

*      Nagiging sanhi upang ang ibang tao ay kamuhian ang ilang gawaing pagsamba na minsan nangyayari kapag labis na nasisiyahan at ang laro ay natigil sapagka’t ang mga tao ay magdadasal.

*      Binabawasan ang gantimpala ng ilan sa mga nag-aayuno o nagiging sanhi upang mawala ang lahat ng gantipala dahil sa pagkakasala sa panonood sa mga bagay na haraam dito.

*      Ang panunuligsa sa mga hukom ng Shari’ah tulad ng hijab at malalaswang ugnayan

Ang maidudulot sa ating ‘Kasaysayan’:

*      Ang pagbabago sa kasaysayan ng Islam at paglilihim sa mga katotohanan; malimutang banggitin ang mga nakamit o naabot ng mga Muslim sa mga pelikula na nagsasabi tungkol sa kasaysayan ng sangkatuhan.

*      Ang pagbabago sa mga napatunayang katotohanan sa kasaysayan, sa pamamagitan ng pagpapalabas sa mga mang-aapi na parang naapi, katulad ng paniniwalang ang mga Hudyo ay may mahustisyang ipinaglalaban.

*      Ang pagmamaliit sa mga bayani ng Islam sa harap ng mga nanonood, tulad ng ilang palabas sa mga pelikula sa ang actor ay gaganap bilang isa sa mga Sahabah, ang mga pinuno sa mga pananakop ng Islam o mga Eskolar at ganapin ang katauhang ito sa hindi tamang pamamaraan, paghahalo ng kasaysayan sa mga pagtatalik o kahalayan, na ang actor ay taglay ang masamang asal at kasamaan.

*      Pagpapaniwala sa mga Muslim na talunan at naghahasik na takot sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila sa mga makabagong sandata sa kamay ng mga kaafir at iminumulat sa kanila na hindi sila maaring matalo.

Ang maidudulot sa ating ‘Psykolohiya’:

*      Ang pagkakaroon ng magulong katauhan mula sa panonood ng wrestling at mga digmaan, patayan at matatalim na armas.

*      Nagtatanim ng takot sa puso ng mga taong nanonood sa mga nakakatakot na palabas upang magising ang isang tao na simisigaw dahil sa kanyang panaginip sanhi ng kanyang napanood at nanatili sa kanyang isipan.

*      Ang pagsira sa damdaming makatutuhanan ng mga anak at magulang sa pamamagitan ng panonood ng walang katotohanang palabas, sapagka’t ang AllahU ang nag-utos na dapat may dahilan at epekto. Ang halimbawa dito ay ang ilang walang katotohanang palabas na kartoon na may epekto sa pag-uugali ng mga bata sa tunay na buhay.

Ang maidudulot sa ating ‘Kalusugan’:

*      Ang pinsalang maidudulot sa paningin, na ang mata ay isang biyaya na ating pananagutan.

*      Ang pagpapabilis sa tibok ng puso, pagtaas ng dugo at ang paninikip ng paghinga at pagod, atp, habang nanonood ng nakakatakot na palabas at madugong labanan.

*      Ang labis na pagpupuyat dahil sa panonood ay nakakasira sa katawan, at bawa’t tao ay tatanungin sa Araw ng Muling Pagkabuhay kung papaano niya ginamit ang kanyang katawan.

*      Ang pinsalang pisikal sa mga bata na tuluran si Superman at ang Taong Bakal at marami pang iba, pinsala sa mga tao kapag tularan at boksingero at wrestler.

Ang maidudulot sa ating ‘Pangkabuhayan’:

*      Salaping pambili ng telebesyon at pelikula, pagbayad sa pagpapaayos at pagpapabuti at ang mga receiver [disks, etc]. Ang tao ay tatanungin tungkol sa mga salaping ito sa Araw ng Muling Pagkabuhay, saan niya ito ibinili?

*      Maraming tao ang magmadaling bumili ng mga bagay na hindi nila kailangan, o sila’y nakikipag-unahan sa pagbili ng mga damit dahil sa mga palabas na nakikita nila sa mga telebesyon.


-------------------------------------------------------------
Ang lathalaing ito ay hango sa Aklat na akda ni  Sheikh Muhammed Salih Al-Munajjid

Friday, March 18, 2016

“Time is gold!”

Wika ni Ibn Qayyim :
Pag-aaksaya ng oras ay mas masahol pa kaysa sa kamatayan dahil ang kamatayan ay naghihiwalay sayo mula sa Mundo,ngunit ang pag-aaksaya ng oras ay naghihiwalay sau mula sa Allah.
Kung magagawa na ngayon ay h’wag nang ipagpabukas pa, ‘yan ang pangaral ng ng anak ni Omar bni khattab kalugdan silang dalawa ng Alllah.
إذا أمسيـْتَ فلا تَنْتَظِرِ الصَّباحَ، وإذا أَصْبَحْتَ فَلا تَنْتَظِرِ المساءَ
kong sapitan ka ng hapon wagnang hintayin pa ang umaga,at kong sapitan ka ng umaga wagnang hintayin ang hapon.
Isang napakagandang gawain ang pagbibigay ng halaga sa bawat minuto at oras na lumilipas sa buhay natin.ang oras ay hindi nabibili at walang katumbas na halaga kaya ang nagdaang na sandali sa buhay ng bawat isa ay di – na kailan man maibabalik pa.
gaya ng kasabihan , “Opportunity knocks only once,” ang pagkakataon ay isang beses lang kumatok at kapag nangyari iyon sunggaban mo kaagad ito, dahil hinding – hindi na mauulit pa.
Kapag isasalaysay mo ang mga pangyayari tungkol sa buhay natin, kailan man di – na tayo babalik pa sa muling pagkabata. Lahat ng nagdaan sa buhay natin mula sa pagkabata na di – mo man lang pinahahalagahan ay di – na mababalik pang muli, upang ito ay ulitin at baguhin.
Halimbawa nito ay ang edukasyon na pilit na ibinibigay sa iyo ng iyong magulang upang ikaw ay umunlad sa buhay. Napakaraming nangyayari, sapagkat hindi nila pinahalagahan at pinansin ang pag-aaral noong sila ay bata pa at, nagresulta ito sa di – nila pagkakatapos ng kanilang pag-aaral kaya sila ay nahirapan makamit ang kanilang minimithing pangarap.
Wika ng isang pantas :
ليس الندم متقدما إلا متأخرا
“Nasa huli ang pagsisisi,
subalit kahit ano pa man ang gawin nila hindi na nila maibabalik pa ang mga oras na hindi pinahalagahan at nasayang lamang.
ngunit wagkang malungkot dahil marami kapang magagawa sa inaharap at ang nalalabing buhay na natira sau ay pwde mo pa itong gugulin pra maging malapit ka sa Allah at makamit mo ang pinaka mataas na antas ng pangarap yun ay Paraiso limutin muna ang nakaraan at harapin ang inaharap bilang isang mabuting lingkod at alipin ng Allah,kya go go go na magbalik loob kna sa Allah:
قُلْ يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ أَسْرَفُوا عَلَى أَنْفُسِهِمْ لا تَقْنَطُوا مِنْ رَحْمَةِ اللَّهِ إِنَّ اللَّهَ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ
Sabihin mo, O Muhammad, sa Aking mga aliping nasa kasamaan at nagmalabis sa pang-aapi sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsagawa ng anumang ipinag-uutos ng kanilang mga sarili na kasalanan: “Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Awa ng Allâh; dahil kahit sa dami ng inyong kasalanan, katiyakan, ang Allâh ay pinatatawad Niya ang lahat ng kasalanan ng sinumang nagsisi at umiwas sa kasalanan kahit anuman ito. Katotohanan, Siya ay ‘Al-Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad sa mga kasalanan ng mga nagsipagsisi mula sa Kanyang mga alipin, na ‘Ar-Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa kanila.”(39:53)
Mag-aral sa islam at sanayin ang sarili na bawat minutong lumilipas ay hind masayang at magpursigi na gamitin ang oras sa kinalulugod ng Allah,
lagi natin isa-isip na nagmamadali ang bawat minuto sa buhay ng bawat tao. Kailangan ng masusing pagmamatyag at pagpapaunlad sa buhay ng bawat isa lalo na sa kaalaman sa Islam, pahalagahan at pagsikapang matamo ang lahat ng nais matupad sa buhay na ito at ng may pagpapahalaga sa bawat minutong lumilipas sa ikauunlad ng iyong buhay at makamit ang walang hanggang kaligayaan sa kabilang buhay.


Ang mabuting babae ay mas higit na mainam kaysa isang libong lalaki na hindi mabuti

Ang babae ang isa sa mga pinakaingat-ingatan, pinakamamahal at nirerespeto sa Islam.
ayun sa sinabi ng Propeta Muhammad (ang Kapayapaan Naway Sumasakanya): Dumating at nagtanong ang isang Sahabah (kasamahan) "Sino po sa mga tao ang lalong karapat-dapat sa magandang pakikisamahan ko?"Nagsabi ang Propeta (Sumasakanya ang Kapayapaan):
"Ang iyong ina." Nagtanong i muli: "Pagkatapos ay sino pa po?" Nagsabi muli ang Propeta (Sumasakanya ang Kapayapaan): "Ang iyong ina." Nagsabi muli ito: "Pagkatapos ay sino pa po?" Nagsabi la siya (Sumasakanya ang
Kapayapaan)): "Ang iyong ina."Nagsabi muli ito: "Pagkatapos ay sino
mu pa po?" Nagsabi siya (Sumasakanya ang Kapayapaan): "Ang iyong
ama." ( Hadith mula kay Bukhari at Muslim)
Sa islam ay mahalaga ang pagkilatis sa angkan, kaya naman ang babae ay
pinakaingat-ingatan, dahil sila ang magiging ina ng mga susunod na salin lahi o angkan.
Hindi pinapayagan na magsagawa ng mabibigat na gawain ang mga
kababaihan, upang sa gayon ay hindi masira ang porma ng kanilang mga
katawan, upang maging manatiling pambabae ang kabuuan ng kanilang katawan, upang manatili at magiging malusog siyang ina. dahil ang malusog na ina ay magiging malusog din ang magiging supling. Ang babae ay hindi puwedeng salingin o hawakan ang kanilang mga kamay ng ibang lalaki,
(na pwede siyang maging asawa), mahigpit itong pinagbabawal, Kong nag-iisa lamang ang babae sa bahay, ang lalaki (na pwede siyang maging asawa), ay hindi pwede pumasok sa bahay, hanggang tarangkahan o hagdanan lamang, at hindi rin pwedeng kausapin ng lalaki na nag-iisa ang babae. Hindi rin pinalalakad ang babae na nag-iisa na walang Mahram (kasama-magulang o kapatid). Hindi rin pinapayagan na ipakita ng kababaehan ang kanilang kahubaran at ganoon din naman sa kalalakihan,
ito ay Haram pinagbabawal ng Allah.Kong may lalaki na darating sa bahay,
ang babae ay aakyat agad sa paga (parte ng bahay sa may bandang itaas-nakakuwarto na hindi mo makikita ang nasa loob.)dahil hindi nakikisali.
Hindi rin lumalabas sa publiko ang babae na hindi natatakpan ang kanilang kahubaran, bilang pagpahalaga sa kanilang dangal. (mgaparte ng katawan na dapat takpan maliban sa mukha, kamay at paa). Sa pagsambayang ang babae ay hindi nakikihalubilo sa mga kalalakihan, ito ang katuruan ng Islam na ang babae ay hindi dapat makisalamuha sa kalalakihan upang ingatan ang kanilang mga dangal o dignidad. At dahil sa pagdating ng mga banyagang kanluranin, ang mga paniniwala at pagbibigay ng islam ng dangal sa mga kababaihan ay unti-unti na nilang nakakalimutan.


Sunday, January 17, 2016

ANO ANG MAGAGAWA SA LOOB NG ISANG MINUTO?

Katanungan:
Sa ating opisina at pinagtatrabahuan, nahihirapan tayong humanap ng oras para magsagawa ng mga kilos pagsamba at ilan pang mga mabubuting gawa. Ano ang maaaring gawin sa kaunting oras na ating masusumpungan sa ating maghapon? Paano natin ito magagamit?
Kasagutan:
Magbigay ng Papuri sa Allaah.
Ang oras ay sadyang mahalaga upang sayangin o hindi bigyang-pansin. Ang taong matalino ay yaong pinahahalagahan ang kanyang oras at hindi niya ito itinuturing na sisidlang paglalagyan ng mga bagay at pananalitang walang halaga at kapakinabangan. Sa halip, ginagamit niya ito sa pagsasagawa ng mga kabutihang kalulugdan ng Allaah at makatutulong sa ibang tao. Ang bawa’t minuto sa buhay ng isang tao ay maaaring makapag-angat ng kanyang katayuan at makapagdulot ng kasiyahan sa ibang tao.
Kung nais makamit ang pinakamataas na katayuan at makapagbigay-saya sa ibang tao, tanggalin sa isipan ang pasasawalang-bahala at iwasan ang walang-kabuluhang pag-aaliw.
Sa loob ng isang minuto, marami maisasagawang kabutihan at makakamit na gantimpala. Sa pamamagitan ng pagbibigay-limos, pag-aaral, pagsasaulo, o pagsisikap sa paggawa ng kabutihan, makatitiyak ang sinuman na ang isang minutong ito sa buhay ay hindi nasayang. Ang isang minuto ay maitatala sa talaan ng mabuting gawa sa sinumang may kaalaman kung paano ito gagamitin at iingatan.
Gawin ang makakaya upang magamit nang maayos ang bawa’t isang minuto. Kung makaligtaan ito, hindi malayong makaliligtaan din ang pinakamahalagang bagay—ang katotohanan.
May mga bagay na maaaring gawin sa loob ng isang minuto, sa kapahintulutan ng Allaah:
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Soorat al-Faatihah ng 3 ulit nang tahimik. May ilang pantas na nagsasabi na ang gantimpala sa pagbabasa ng al-Faatihah ay mahigit sa 600 hasanaat. Kaya sinumang nakapagbasa ng 3 ulit, sa kapahintulutan ng Allaah, magkakamit siya ng 1800 hasanaat—lahat sa loob lamang ng isang minuto.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Soorat al-Ikhlaas ng 20 ulit nang tahimik. Ang pagbigkas nito ng 1 ulit ay katumbas ng 1/3 ng Qur’an. Kung binasa ito ng 20 ulit, katumbas ito ng pagbabasa ng Qur’an ng 7 ulit. Kaya kung babasahin ito ng 20 ulit sa isang minuto sa bawat araw, mababasa ito ng 600 ulit sa loob ng isang buwan, at 7200 ulit sa loob ng isang taon, at ang lahat ng ito ay katumbas ng gantimpala na makukuha mula sa pagbabasa ng Qur’an ng 2400 ulit.
Maaaring basahin ang isang pahina ng Qur’an sa loob ng isang minuto. Maaari ring isaulo ang isang ayah ng Qur’an sa loob ng isang minuto.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Laa ilaaha ill-Allaah wahdahu laa shareeka-lahu lahu’l-mulk wa lahu’l-hamd wa huwa ‘ala kulli shay’in qadeer (Walang tunay na Diyos na karapat-dapat samabahin maliban sa Allaah at wala Siyang katambal; sa Kanya ang Kapangyarihan at Pagpupuri, at Siya ang makagagawa ng lahat ng bagay) ng 20 ulit. Ang gantimpalang makukuha mula sa pagbigkas nito ay katulad ng pagpapalaya ng 8 alipin para sa Allaah.
Sa loob ng isang minuto, maaari mong bigkasin ang Subhaan Allaahi wa bi hamdhi (Ang Luwalhati at Pagpupuri ay sa Allaah) ng 100 ulit. Sinumang bumigkas nito sa isang araw ay mapapatawad ang kanyang mga kasalanan kahit na ang mga ito ay kasing-dami ng mga bula sa dagat.
Sa loob ng isang minuto, maaari mong bigkasin ang ang Subhaan Allaahi wa bi hamdihi Subhaan Allaah il-Azeem (Ang Kaluwalhatian at Pagpupuri ay sa Allaah, Ang Luwalhati ay sa Allaah, Ang Pinakamakapangyarihan) ng 50 ulit. Ang dalawang pangungusap na ito na sadyang magaan sa dila ay mabigat sa timbangan at kinalulugdan ng Allaah, ang Maawain, ayon sa salaysay nina al-Bukhaari at Muslim.
Ang Propeta (Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) ay nagsabi: “Kapag binigkas ko ang Subhaan Allaah, wa’l-hamdu Lillah, wa laa ilaah ill-Allaah, wa Allaahu akbar (Ang Kaluwalhatian ay sa Allaah, ang Pagpupuri ay sa Allaah, walang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allaah, at ang Allaah ang Dakila),’ ito ay higit na kalugud-lugod sa akin kaysa anumang bagay na sinisikatan ng araw. (Isinalaysay ni Muslim). Sa loob ng isang minuto maaaring bigkasin ang mga salitang ito ng 18 ulit. Ang mga salitang ito ay sadyang kinalulugdan ng Allaah, ang pinakamainam sa Allaah, at mabigat sa timbangan ng mabubuting gawa, ayon sa salaysay sa saheeh al ahaadeeth.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Laa hawla wa laa quwwata illa Billaah (walang lakas at kakayahaan maliban sa Allaah) nang mahigit sa 40 ulit. Ito ay isa sa mga kayamanan ng Paraiso, ayon sa salaysay nina al-Bukhaari at Muslim. Ito rin ay pamamaraan upang makayanan ang mga pagsubok at paghihirap at ang pag-aasam na makamtan ang mga dakilang bagay.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang La illaaha ill-Allaah ng 50 ulit. Ito ang pinakadakilang salita sapagka’t ito ang salita ng Tawheed, ang mabuting salita, ang salitang nananatiling matatag. Kapag ito ang huling salitang binanggit na isang tao bago siya mamatay, siya ay papasok sa Paraiso, at may iba pang mga salaysay na nagpapatunay kung gaano kadakila ang salitang ito.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Subhaan Allaahi wa bi hamdih, ‘adada khalqihi, wa ridaa nafsihi, wazinata ‘ashihi , wa midaada kalimaatihi (Ang Luwalhati at Pagpupuri ay sa Allaah, tulad sa bilang ng Kanyang mga nilikha, tulad sa kung ano ang ninanais Niya, tulad ng timbang ng Kanyang trono, at tulad ng tinta ng Kanyang mga Salita) ng higit sa 15 ulit. Ang mga salitang ito ay magkakaloob ng maraming bilang na gantimpala kaysa ibang mga tasbeeh at dhikr, ayon sa salaysay sa saheeh alhaadeeth ng Propeta (Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam).
Sa loob ng isang minuto, maaaring humingi ng kapatawaran sa Allaah ng mahigit 100 ulit sa pamamagitan ng pagbigkas ng “Astaghfiru'llaah (Humihingi ako ng tawad sa Allaah). Ang kabutihan ng paghingi ng tawad ay hindi lingid sa ating kaalaman sapagka’t ito ay paraan ng pagkakamit ng kapatawaran at pagpasok sa Paraiso. Ito rin ang paraan ng pagkakamit ng magandang buhay, pagkakaroon ng karagdagang lakas, pag-iwas sa mga sakuna, pagpapadali sa mga bagay-bagay, pagbuhos ng ulan, at karagdagang ari-arian at mga anak.
Maaaring bumigkas ng iilan nguni’t makahulugang mga salita sa loob ng isang minuto, magdudulot ang Allaah ng mga mabubuting bagay bunsod nito nang hindi mo aakalain.
Sa loob ng isang minuto, maaaring humingi ng biyaya para sa Propeta ((Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) nang 50 ulit sa pamamagitan ng pagbigkas ng Sall-Allaahu ‘alayhi wa sallam (Nawa’y pagpalain siya ng Allaah at dulutan siya ng kapayapaan). Kapalit nito, pagkakalooban ng Allaah ang sinumang bumigkas nito ng 500 ulit na biyaya dahil ang isang biyaya ay katumbas ng 10 ulit na tulad nito.
Sa loob ng isang minuto, maaaring hikayatin ang iyong puso na magpasalamat sa Allaah, mahalin Siya, matakot sa Kanya, umasa nang dahil sa Kanya, at maglakbay sa mga baitang ng ‘uboodiyyah (pangkalahatang pagkaalipin para sa Allaah). Magagawa mo ito kahit habang nakahiga sa iyong higaan o kaya'y habang naglalakad sa daan.
Sa loob ng isang minuto, maaaring magbasa ng dalawang pahina ng isang mahalagang aklat o babasahin na madaling intindihin.
Sa loob ng isang minuto, maaaring patatagin ang bukluran ng iyong pamilya at kamag-anakan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila sa telepono.
Maaaring itaas ang iyong mga kamay at humiling o magsagawa ng du’a sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbigay salaam sa ilang bilang ng tao sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbawal ng isang masamang gawain sa loob ng isang minuto.
Maaaring manghikayat ng isang mabuting gawain sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbigay ng isang matapat na payo sa isang kapatid sa loob ng isang minuto.
Maaaring gawing magaan ang loob ng isang kapatid na nakararanas ng kalungkutan, sa loob ng isang minuto.
Maaaring alisin ang isang bagay sa daan na maaaring makapinsala, sa loob ng isang minuto.
Ang paggawa ng bagay na makabuluhan sa loob ng isang minuto ay maghihikayat sa iyo upang umiwas sa mga bagay na maaaring makapag-aksaya sa iyong oras.
Si Shaafa’i (nawa’y kalugdan siya ng Allaah) ay nagsabi: Kapag ang mga tao ay matutulog na, hinahayaan kong tumulo ang aking mga luha at binibigkas ko ang pinaka mahuhusay na talata – Qur’an.
Hindi ba pag-aaksaya na hayaang lumipas ang mga gabi nang hindi nadaragdagan ang ating kaalaman, samantalang ang oras na ito ay nabibilang sa ating buhay?
At ang panghuli, kung gaano ang ating katapatan sa Allaah at kung gaano natin Siya nakikilala, ganoon din karami ang bilang ng ating gantimpala at makararagdag sa ating hasanaat.
Pakaisipin natin na ang mga gawaing ito ay hindi nangangailangan ng anuman mula sa atin, ni hindi ito nangangailangan ng Tahaarah (kadalisayan) at ni hindi ito nakapapagod. Sa halip, maaari itong gawin kahit tayo’y naglalakad o nasa loob ng sasakyan, nakahiga, nakatayo, nakaupo, o habang may hinihintay.
Ang mga pagkilos na ito ay kabilang sa mga paraan upang magkamit ng kaligayahan, nakapagpapaaliwalas sa dibdib (sa pamamagitan ng pagdudulot ng ginhawa at lugod) at nakapagtatanggal ng kapaguran at pagkabalisa. Nawa’y tulungan tayo ng Allaah na maisagawa ang mga bagay na Kanyang kinalulugdan at nagugustuhan. At nawa’y igawad Niya ang Kanyang biyaya sa ating Propeta Muhammad.
ANO ANG MAGAGAWA MO SA LOOB NG 10 MINUTO?
Naririto ang listahan ng sampung bagay na hindi nangangailangan ng mahigit sa 10 minuto ng ating oras. Kung mauunawaan lamang natin ang kaligayahang maidudulot nito sa ating buhay dito sa daigdig at maging sa kabila, gugugulin natin ang ating buhay sa paggawa ng mga ito:
1. Magsagawa ng 2 rakaat (Salatul Duha) sa anumang oras sa pagitan ng pagsikat ng araw at bago dumating ang Salatul Dhuhr.
Si Abu Hurayrah, radi Allahu anhu ay nagsabi, “Ang aking khaleel, ang Sugo ng Allah ay nagpayo sa akin na gawin ang tatlong bagay: (1) Na ako ay mag-ayuno ng 3 araw sa bawa’t buwan, (2) na magsagawa ng 2 rakaat ng Duha, at (3) Na ako ay magsagawa ng Witr bago matulog. (Bukhari at Muslim).
2. Ipagdasal ang RasulAllah (S.A.W.)
Ang Propeta ((Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) ay nagsabi: “Sinuman ang ipinagdarasal ako ng kahit minsan, binibiyayaan ng Allah ang taong iyon ng 10 ulit (nang dahil sa kanyang dasal).” (Muslim).
3. Ulitin ang sinasabi ng Mu’adhdhin.
Si Abdullah ibn Amr ay nagsalaysay: May isang lalaki na nagsabi: “O Sugo ng Allah, ang mga taong tumatawag ng pagdarasal ay nakatatanggap nang higit na maraming gantimpala kaysa sa amin.”
Kaya tumugon ang Sugo ng Allah: “Sabihin mo kung ano ang kanilang sinasabi, at kapag ika’y natapos, manalangin (du’a) ka ng kahit ano at ito ay ipagkakaloob sa iyo.” (Abu Dawood).
4. Bigkasin ang SubhanAllah nang 100 ulit.
Si Mus’ab ibn Sa’d ay nagsabi: Nasabi sa akin ng aking ama na noong kasama niya ang Sugo ng Allah, siya ay nagsabi: “Mayroon bang isa sa inyo na may kakayahang magkamit ng 1000 hasanaat (mabubuting gawa) araw-araw? Hayaan siyang magsagawa ng Tasbeeh (SubhanAllah) ng 100 ulit at ito ay maitatala sa kanya bilang 1000 hasanaat o 1000 na kasalanan ay maaalis sa kanyang talaan.” (Muslim).
5. Maglaro kasama ng iyong mga anak alang-alang sa Allah.
Si Jabir ay nagsalaysay: Kasama namin ang Sugo ng Allah, na papunta sa isang paanyaya upang kumain nang madaanan namin si Al-Husayn na naglalaro sa daraanan kasama ang ibang batang Ansar. Ang Sugo ng Allah, ay naglakad nang higit na mabilis upang habulin ito at makipaglaro. Inilabas niya ang kanyang kamay upang kunin ito ngunit si Al-Husayn ay tumakbo at tuwang-tuwang naghumiyaw, hanggang sa mahuli siya ng Sugo ng Allah. Matapos ito, hinawakan ng Sugo ng Allah ang baba ni Al-Husayn sa isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa ulo nito, at hinalikan niya ito at niyakap. (Bukhari).
6. Magsagawa ng Du’a nang madalas sa panahon ng kaginhawaan.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Sinuman ang humihiling sa Allah na dinggin ang kanyang mga pagdarasal sa oras ng kalamidad at paghihirap, hayaang dagdagan niya ang kanyang pagdarasal sa mga oras ng kaginhawaan.” Tirmidhi at Al Hakim).
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Sinuman sa inyo na matapos maisagawa ang kanyang wudu ay magsabi: ‘Ash hadu an laa ilaaha illaa Allaah, was ashhadu anna Muhammadan ‘Abduhu wa Rasooluh (Sumasaksi ako na walang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay kanyang alipin at Sugo), ang walong tarangkahan ng Jannah ay magbubukas para sa kanya at hahayaan siyang pumasok sa alin man dito na kanyang nanaisin.” (Muslim)
7. Kunin ang telepono at tawagan ang iyong ina (o sinumang malapit na kamag-anak) at sabihin sa kanila kung gaano mo sila kamahal.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Ang Wasil (Sinumang tumutupad sa mga karapatan ng kanyang mga kamag-anak) ay hindi yaong gumagawa ng mabuti sa mga miyembro ng kanyang pamilya kapag ang mga iyon ay gumagawa ng mabuti sa kanya, bagkus ang Wasil ay yaong itinatakwil ng mga miyembro ng kanyang pamilya subali’t ginagawan pa rin niya ang mga ito ng kabutihan.” (Bukhari).
8. Sa loob ng kaunting minuto, bigyang pansin at magmuni-muni sa mga nakabibighaning mga likha ng Allah, ang iyong mga mata, ang iyong boses, at ang iyong buong katawan. Ang Allah ay nagsasabi sa Qur’an:
“At sa mundo ay mga palatandaan para sa mga may katiyakan (sa pananampalataya). At sa inyong mga sarili, hindi ba kayo makakakita (at mag-iisip)? (Az-Zariyat 51:20-21)
9. Magbahagi ng iyong pagkain sa iba.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “O Abu Dharr! Kung magluluto ko ng sabaw, dagdagan mo ito ng tubig, hanapin ang iyong mga kapitbahay at bigyan sila nito.” (Muslim).
10. Ipanalangin (du’a) ang iyong kapatid sa panahong siya ay wala.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Kapag ang isang tao ay nagdarasal para sa kanyang kapatid sa panahong siya ay wala (at hindi niya nalalaman), isang anghel (na naririnig ang du’a) ang sumasagot: ‘Ameen! Nawa’y bigyan ka rin ng Allah ng katulad nito.’
Katunayan, kapag ang mga Sahaabah at Taabi’een ay nagnanais na magkaroon kaagad ng kasagutan ang kanilang du’a, hihilingin rin nila ang bagay na iyon para sa kanilang kapatid upang ang anghel ay sumagot ng, ‘Ameen! Nawa’y bigyan ka rin ng Allaah ng katulad nito.’
InshaAllah gawin natin ang mga ito, at nawa'y kahit papaano’y makakuha tayo ng isang bagay mula sa listahang ito na maisasagawa natin sa mga susunod na araw o linggo. At pagkatapos na ito ay makasanayan at gawin nang palagian, sumubok uli tayo na isa pa at atin itong ipagpatuloy. Ito ang pamamaraan upang tayo ay patuloy na sumibol.


Share