Ang literal na kahulugan nito sa wikang arabik ay ang isang bagay na inimbento lamang na hindi katulad ng anumang nauna dito.
Ang kahulugan naman nito sa Islam ay ang mga bagay na idinagdag sa relihiyon nang walang batayan. Ang pangngalang pangmaramihan nito ay bida'.
...
MGA URI NG MGA BID'AH
1. IBTIDA' BIL 'ADAT (PAGDARAGDAG SA MGA TRADISYON)
Kabilang dito ang mga bagong imbentong mga kaugalian. Ito ay pinahihintulutan dahil ang saligan sa mga kaugalian ay ang pagpapahintulot liban sa ipinagbawal ng Islam.
2. IBTIDA' FID DIN (PAGDARAGDAG SA RELIHIYON)
Ito ay ipinagbabawal dahil ang saligan sa usaping ito ay ang pagbabawal. Ito ay nahahati sa tatlong uri.
a. Bida' I'tiqadiyah (Bid'ah sa paniniwala)
Ito ay ang mga paniniwala na taliwas sa ipinabatid sa atin ni Allah at ng Kanyang Sugo. Halimbawa nito ay ang mga bida' ng tamthil (pagtutulad kay Allah sa Kanyang mga nilikha), Ta'til (pagtanggi sa ilang mga katangian ni Allah) at pagtanggi sa Qadr.
b. Bida' 'Amaliyah (Bid'ah sa mga pagsamba)
Ito ay ang pagsamba kay Allah sa pamamaraang hindi niya pinag-utos. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
• Pag-iimbento ng mga pagsambang hindi bahagi ng Islam.
• Pagdaragdag o pagbabawas sa mga itinakdang pagsamba.
• Ang paggawa ng mga itinakdang pagsamba sa bago o kakaibang pamamaraan.
• Ang pagtatakda ng iba pang oras o panahon sa paggawa ng mga pinahihintulutang pagsamba maliban pa sa takdang oras na itinakda ng Islam.Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng gusali saibabaw ng mga libingan, pagkakaroon ng iba pang mga 'eid o araw ng pagdiriwang at mga pagtitipong pangkasiyahan na inimbento lamang.
c. Bid'atut tark
Ito ay ang pagtalikod sa isang bagay na pinahihintulutan o kaya ay bagay na obligado bilang pagsamba. Halimbawa nito ay ang hindi pagkain ng karne at pagtalikod sa pag-aasawa bilang pagsamba.
MGA URI NG MGA BIDA' AYON SA HATOL SA KANILA
1. BID'AH MUKAFFIRAH (NAKAKAPAG-ALIS SA ISLAM)
Ito ay nag-aalis sa gumagawa nito mula sa hanay ng mga Muslim. Halimbawa nito ay ang bid'ah ng mga Rafidhah o Shi'ah at ang pagsasabing mga ligaw na sekta na nilikha ang Qur’an.
2. BID'AH MUFASSIQAH
Ang gumagawa nito ay nagkakasala ngunit hindisiya naaalis sa pagiging Muslim. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sabay-sabay na pagsasagawa ng dhik, o ang pagtatakda ng gabi ng kalagitnaang araw ng buwan ng Sha'ban bilang panahon ng pagsamba.
ANG PAGBABAWAL SA BID'AH AT PAGTAKWIL DITO
Sinabi ni Allah:
Sa araw na ito ay ginawa Kong ganap ang inyongrelihiyon at kinumpleto ang Aking biyaya sa inyo at pinili Ko ang Islam bilang inyong relihiyon. (Suratul Maidah: 3)
Sinabi ni Propeta Muhammad:
Sinuman ang magdagdag ng anumang bagay sa ating relihiyon na hindi kabilang dito ay hindi tatanggapin.
Sinumang gumawa ng gawaing hindi kabilang saating relihiyon ay hindi tatanggapin. [Iniulat ninaImam Al Bukhari at Muslim]
Ang pinakamasamang gawain ay ang pagdaragdag sa relihiyon, at lahat ng pagdaragdag ay bid'ah, at lahat ng bid'ah ay pagkaligaw at ang lahat ng pagkaligaw ay ikapupunta ng tao sa impiyerno. Iniulat ni Imam Muslim at ang karagdagan ay iniulat ni Imam An-Nasai.
MAYROON BANG MABUTING BID'AH?
Sinumang maghati sa bid'ah sa dalawang uri bilang bid'ah hasanah o mabuting bid'ah at bid'ah sayyi ah o masamang bid'ah ay nakagawa ng napakalaking pagkakamali dahil sa sinabi ni Propeta Muhammad na ang lahat ng bid'ah ay pagkaligaw. Si Propeta Muhammad ay nagsabi na lahat ng bid'ah ay pagkaligaw at hindi maaaring magsasabi ang isang tao na mayroong bid'ah hasanah.
ANG MGA DAHILAN NG PAGKALUGMOK NG TAO SA BID'AH
1. Ang kamangmangan sa mga hatol panrelihiyon.
2. Ang pagsunod sa kapritso.
3. Ang labis na pagsunod sa opinyon ng ilang mga tao kahit sila ay mali.
4. Ang paggaya sa mga Kuffar.
5. Ang pagsangguni sa mga kathang hadith na walang batayan.
6. Mga tradisyon at mga pamahiin na walang batayan sa Islam at hindi pinaniniwalaan ng bukas na pag-iisip.
DALAWANG MAHALAGANG SALIGAN NA MAGAGAMIT SA PAGTUKOY NG MGA BIDA' AT PAGTULIGSA DITO
1. Ang saligan ng lahat ng pagsamba ay pagbabawal, pagkamapanganib at kawalan ng karagdagan o kabawasan liban sa kung anumang may batayan sa Islam.
2. Ang lahat ng mga gawaing pagsamba na dapat gawin ay ipinaalam na sa atin ni Propeta Muhammad noong kapanahunan niya kaya't anumang gawaing hindi niya ginawa o ng kanyang mga sahabah ay hindi bahagi ng Islam.
DALAWANG MAHAHALAGANG BABALA
1. Sinabi ni Imam Malik:
Sinuman ang magdagdag sa relihiyong Islam at nakakakita dito ng kabutihan ay nag-aangkin din na si Propeta Muhammad ay nanlinlang sa kanyang Pagkasugo dahil sinabi ni Allah:
Sa araw na ito ay ginawa kong ganap ang inyongrelihiyon…
Kung ang relihiyon ay hindi naging kumpleto ng araw na iyon ay hindi ito kumpleto sa ngayon.
2. Sinabi ni Sheikh Al-Albani:
Kailangan nating ipaalam na ang pinakamaliit na bid'ah na ipinapakilala ng isang tao sa relihiyong ito ay Muharramah din dahil walang bid'ah – na katulad ng sinasabi ng ilan – na makruh o kinamumuhian lamang at hindi haram.
ILAN SA MGA BID'AH NA LAGANAP NGAYON SA UMMAH
1. Ang pagdiriwang ng kaarawan ni Propeta Muhammad at iba pang kaarawan.
2. Ang pagdiriwang ng gabi ng Al-Isra' wal Mi'raj.
3. Ang pagdiriwang ng gabi ng kalagitnaang araw ng buwan ng Sha'ban.
4. Ang pagdiriwang ng Araw ng Pasko.
5. Ang Tabarruk sa mga lugar, makasaysayang mga pook at mga taong buhay o patay.
6. Sabay-sabay na pagsasagawa ng dhikr.
7. Pagpapabasa ng Suratul Fatihah para sa kaluluwa ng mga namatay at sa mga pagdiriwang.
8. Pagpili sa buwan ng Rajab sa pagsasagawa ng 'Omrah at iba pang natatanging pagsamba.
9. Ang pagsasambit ng intensiyon sa Salah.
10. Ang tawassul sa pamamagitan ng katauhan at karapatan ng ilang mga tao.
MGA AKLAT NA KAPAKI-PAKINABANG PARA SA PAG-AARAL UKOL SA MGA BID'AH
1. At-tahdhir minal bida' (Ang Babala Laban sa mga Bida') ni Sheikh 'Abdul'aziz bin Baaz.
2. As-sunan wal mubtadi'aat (Ang mga Gawaing Sunnah at mga Mubtadi'at) ni Sheikh Muhammad'Abdussalam Al-Qushayri.
3. Al-bida' wal muhdathat wa ma la asla lahu (Mga bid'ah, karagdagan sa relihiyon at iba pang gawain na walang batayan) tinipon ni Hamud Al-Matr.
4. Al-ibda' fi madaril ibtida' ni 'Ali Mahfudh.
5. Al-bid'ul hawliyah ni Sheikh ‘Abdullah At-Tuwayjiri
No comments:
Post a Comment