Pages

Friday, March 27, 2015

Paano Naligaw Ang Biblia


Si Ibn Hazm ay nagwika:

At tungkol naman sa mga Kristiyano, kung gayon ay walang pagtatalo sa lupon nila o sa iba pang grupo na nagmula sa kanila, na noong ang Messiah (Jesus) ay nandirito sa mundo ay walang ibang naniwala sa kanya maliban sa isang daan at dalawampung katao (120). At ang lahat ng mga taong ito na naniwala sa kanya ay itinago ang kanilang pananampalataya (dala ng takot) habang ang Messiah ay narito pa sa lupa at maging noong iniakyat na siya sa mga kalangitan. Inanyayahan nila ng palihim ang ibang tao sa na yakapin ang kanilang relihiyon, at walang lantaran na nag-anyaya para sa kanilang relihiyon. Walang lantaran na nagpakita ng pagsasabuhay ng kanilang relihiyon, sapagkat ang lahat ng nahuhuli na nagsasagawa nito ay binitay o hinatulan.
Nanatili sila sa ganitong kalagayan, na hindi man lamang ipinahahayag ang kanilang relihiyon, at walang ligtas na kanlungan upang maisabuhay nila ang kanilang relihiyon sa loob ng tatlong daang taon (300) matapos na iakyat sa mga kalangitan ang Messiah Jesus . Sumakanya nawa ang kapayapaan. Sa mga panahong ito, ang Gospel (Injil) na ipinahayag ni Allah (subhanahu wa ta’ala) ay naglaho maliban sa iilang talata na pinahintulutang manatili ni Allah (subhanahu wa ta’ala) bilang argumento at kahihiyan laban sa kanila.
At katulad ng aming nabanggit; ng si Emperor Constantine ay naging Kristiyano, ang mga Kristiyano ay naging malakas, at nagkaroon sila ng kakayahan na hayagang isabuhay ang kanilang relihiyon, at ligtas na silang nakapagtipon-tipon maging sa publikong lugar.
(Translator’s note: Edict of Milan 313 C.E.)
Kung ang relihiyon ay ganito, kung gayon ay imposibleng mapagtibay kung ano ang naisalin-salin sa tuloy-tuloy na kawing ng tagpagsalaysay, sapagkat ang mga naghahatid ng salaysay ay kinakailangan na ilihim ang gawaing ito habang sila ay natatakot na mahatulan at mabitay. Kung kaya, sila ay walang kakayahan na pangalagaan ang Injil o ang pigilan na ito ay mabago at maging baluktot
(Taken from: The difference between the religions and sects)
Si Shaykh of Islam ibn Taymiyyah (rahimahullaah) ay nagwika:
At tungkol sa Ebanghelyo na hawak ngayon ng mga Kristiyano, ito ay apat na Ebanghelyo; Ebanghelyo ni Matthew, Luke, Mark, at John. At sila ay nagkaisa na sina Luke at Mark ay hindi nakita ang Messiah (Jesus), sa halip ang nakakita lamang sa kanya ay sina Matthew at John. Itong apat na ito na tinawag nilang Ebanghelyo at ang bawat isa ay tinawag nilang Ebanghelyo—ang lahat ng ito ay naisulat lamang ng apat na tao noong matapos na iakyat sa mga kalangitan ang Messiah (Jesus) . Kung kaya’t hindi nila sinabi na “Ito ay salita ni Allah (subhanahu wa ta’ala) , o ng Messiah (Jesus) na isinalin sa kanya mula kay Allah; sa halip ay nagsalaysay sila ng ilang mga salita na nagmula sa Messiah, ilan sa kanyang mga ginawa at ang kanyang kilos at ang ilan sa kanyang mga himala.
(: mula sa : The Correct answer for those who altered the religion of the Messiah)
tinipon ni : Rasheed ibn Estes Barbee )

No comments:

Post a Comment

Share