Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah
Imaam Muhammad Ibn Saalih al-Uthaymeen (rahimahullaah):
Ang Pagbati sa pasko ng kuffaar at sa iba pa nilang relihiyosong pagdiriwang/pista ay haraam, batay sa pinagkaisahan, katulad ng sinabi ni Ibn al-Qayyim:
Ang pagbati sa kuffaar sa kanilang mga ritwal na tanging para sa kanila lamang ay haram ayon sa pinagkaisahan, tulad ng pagbati sa kanilang pagdiriwang at pagaayuno sa pamamagitan ng pagsabi ng ‘Masayang pagdiriwang sa iyo’ o ‘ maging masaya sana ang pagdiriwang ninyo at iba pa. Ito ay ipinagbabawal kahit ang taong nagsabi nito ay nailigtas mula sa kufr. Ito ay katumbas ng pagbati sa isang taong lumuluhod sa krus, o mas higit pa dito. Ito ay napakalaking kasalanan kahalintulad ng pagbati sa taong umiinom ng alak, o ang pumatay ng tao, o ang nakiapid, at iba pa. Karamihan sa nahuhulog sa gawaing ito ay silang mga walang respeto sa kanilang relihiyon; hindi nila alintana ang kamalian ng kanilang ginagawa. Ang sinumang bumati sa tao sa kanyang pagsuway o bid’ah o kufr ay inilalantad niya lamang ang sarili sa matinding galit ng Allaah.
Ang pagbati sa kuffaar sa kanilang pagdiriwang na may kinalaman sa kanilang relihiyon ay haraam ayon sa pagsasalarawan ni Ibn al-Qayyim dahil ito ay nagpapahiwatig na sumasang-ayon o pinahihintulutan ng isa ang ritwal ng kufr, kahit para sa kanyang sarili ay hindi niya ito tinatanggap. Hindi dapat tanggapin ng Muslim ang mga ritwal ng kufr o ang batiin ang sinuman para sa kanila, sapagkat hindi tinatanggap ng Allaah ang anuman sa mga ito, gaya ng Kanyang sinabi, “Kung kayo ay hindi maniwala, O kayong mga tao, sa inyong ‘Rabb’ at tumanggi kayo sa Kanya at hindi kayo sumunod sa Kanyang mga Sugo, walang pag-aalinlangang Siya ay hindi nangangailangan sa inyo, kundi kayo ang ganap na nangangailangan sa Kanya, at hindi Niya tinatanggap sa Kanyang alipin ang pagtanggi at hindi Niya ito ipinag-uutos sa kanila, at ang katanggap-tanggap lamang sa Kanya ay ang pagtatanaw ng utang na loob sa Kanyang biyaya sa kanila…” [Soorah az-Zumar 39:7]
‘…Sa araw na ito ay kinumpleto Ko nang ganap para sa inyo, ang inyong ‘Deen,’ na ito ay ‘Deen Al-Islâm…” [Soorah al-Maa’idah 5:3]
Kaya ang pagbati sa kanila ay hindi pinahihintulutan, maging sila ay kasamahan sa trabaho o iba pa.
Hindi dapat tayo sumagot kapag tayo ay kanilang babatiin sa pagdiriwang nila dahil ito ay hindi natin pagdiriwang at dahil ito ay mga pagdiriwang na hindi katanggap-tanggap sa Allaah. Ang mga pagdiriwang na ito ay bid’ah sa kanilang relihiyon, at maging iyong mga dating pinahintulutan noon ay pinalitan na ng relihiyong Islaam, sa pamamagitan ng pagpapadala ng Allaah kay Muhammad (sallallaahu ‘alayhi wa sallaam) sa sangkatauhan. Ang Alllaah ay nagsabi, “At sinuman ang maghahangad ng ‘Deen’ maliban sa ‘Deen’ na ‘Al-Islâm’– na ito ay ang pagsuko sa Allâh sa Kanyang Kaisahan, pagpapasailalim sa Kanya bilang pagsunod at pagkaalipin; at paniniwala sa Kanyang huling Sugo na si Muhammad – pagsunod sa kanya, pagmamahal na lantaran o lihim – angsinumang magnais ng iba maliban sa ‘Deen Al-Islâm’ ay hindi ito tatanggapin sa kanya at sa Kabilang-Buhay ay kabilang siya sa mga talunan.” [Soorah Aal ‘Imraan 3:85]
Haraam para sa isang Muslim na tanggapin ang mga imbitasyon para sa ganitong pagdiriwang, dahil mas higit pa ito kaysa pagbati sa kanila sapagkat ito ay nagpapahiwatig na siya ay nakikiisa sa kanilang mga pagdiriwang. Bukod pa dito, ang mga Muslim ay hindi pinahihintulutang gayahin ang mga kuffaar sa pagkakaroon ng kasiyahan sa ganitong pagdiriwang, o ang pagpapalitan ng regalo, o ang pagbibigay ng mga matamis o pagkain, o ang pagliban mula trabaho at iba pa, dahil ang Propheta (sallallaahu alayhi wa sallaam) ay nagsabi: “Sinuman ang gumaya sa iba, siya ay kabilang sa kanila” [Isinalaysay ni Abu Daawood sa al-Libaas, hadeeth 3512]
Sinabi ni Shaykh al-Islaam Ibn Taymiyyah (rahimahullaah): “Ang paggaya sa kanilang mga pagdiriwang ay nagpapahiwatig na ang isa ay nasisiyahan sa kanilang maling paniniwala at mga kinaugalian, at nagbibigay sa kanila ng pag-asa para magkaroon ng pagkakataon upang manghamak at ilihis ang mga mahihina.’ [Iqtidaa’ al-Siraat al-Mustaqeem Mukhaalifat Ashaab al-Jaheem]
Ang sinuman gumawa ng ganitong bagay ay isang makasalanan, maging ito ay ginawa niya dala ng paggalang o pakikipagkaibigan, o dahil siya ay nahihiya upang ito’y tanggihan, o para sa kung anumang dahilan dahil ito ay isang pagbabalatkayo sa Islaam at ito ay nagbibigay ng lakas sa mga kuffar upang ipagyabang ang kanilang relihiyon.
Tanging sa Allaah lamang tayo hihiling ng tulong upang bigyan ng lakas ng loob ang mga Muslim na ipagmalaki ang kanilang relihiyon, at tulungan sila upang maging matatag dito at gawin silang matagumpay laban sa kanilang mga kaaway, sapagkat Siya ang tanging Malakas at walang Kapantay.
~
Imaam Muhammad Ibn Saalih al-Uthaymeen (rahimahullaah)
Mula sa: Majmoo’ah Fataawa wa Rasaa’il
No comments:
Post a Comment