Pages

Friday, March 27, 2015

Pyramid at Networking na Negosyo

Tanong Bilang: 42579
Ang Standing Committee for Academic Research and Issuing Fatwas ay nakatanggap ng maraming katanungan tungkol sa pyramid marketing companies tulad ng “Business” at “Hibbat al-Jazeerah” na kumpanya, na ang uri ng trabaho ay ang pag-eengganyo sa tao na bumili ng produkto at ang usapan ay manghihikayat rin siya ng ibang tao upang bumili; at bilang kapalit ay gagawin rin nila ito, ang mangumbinse ng iba, at magpapatuloy ang ganitong gawain. Habang dumarami ang bilang ng mga nakikisali sa ganitong gawain, ay mas lalong lalaki ang komisyon na matatanggap ng tao na naunang naengganyo, na umaabot pa sa libong riyal. Ang bawat kasapi ay nangungumbinse ng iba na sumali rito kapalit ng malaking komisyon, kung siya ay magtatagumpay na makahikayat ng bagong kostumer na mapapabilang sa listahan ng mga miyembro. Ito ang tinatawag na pyramid marketing o network marketing.
Sagot: Ang Papuri ay kay Allaah.
Ang Komite ay sumagot:
Ang ganitong uri ng transaksiyon ay haraam, sapagkat ang layunin ng ganitong pakikitungo ay ang makakuha ng komisyon at hindi ang makabili ng produkto. Ang komisyon ay maaaring umabot ng libo-libo, gayong ang produkto ay wala pang ilang daan ang halaga . Ang sinomang matalinong tao na papipiliin sa dalawa ay siguradong ang komisyon ang pipiliin niya. Kung kaya, ang ganitong kumpanya ay umaasa sa pagbibili at pagpapakilala ng kanilang produkto na ang binibigyan ng diin ay ang malaking komisyon na matatanggap ng sinomang sasali, at nag-aalok rin ng malaking kita kapalit ng maliit na halaga, na siyang presyo ng produkto. Ang produkto na ipinagbibili ng ganitong kumpanya ay pantakip lamang nilao paraan lamang nila upang makakuha ng komisyon at kumita. At dahil ang transaksiyon ay nakatuon sa komisyon, ito ay haraam ayon sa sharee’ah batay sa sumusunod na kadahilanan:
1 – Ito ay nagtataglay ng dalawang uri ng riba, riba al-fadl (palitan ng parehong uri ng produkto ngunit magkaiba ng dami) at riba al-nasi’ah (mas malaki ang ibabayad kung ihahambing sa halaga ng dapat ibayad kung ito ay agarang babayaran). Ang kasapi ay magbabayad ng maliit na halaga upang kumita ng malaking halaga ng pera, sa madaling sabi, magbabayad siya upang makakuha ng mas malaking halaga ng pera na ipinagpaliban muna ang pagbabayad. Ito ang uri ng riba na ipinagbabawal ayon sa Qur’an at Sunnah at sa napagkaisahan ng mga Ulamaa. Ang produkto na ipinagbibili ng kumpanya ay pantakip lamang sa ganitong transaksiyon ; hindi ito ang hinahabol ng mga lumalahok at hindi ito nakaaapekto sa patakaran.
2 – Ito ay isang uri ng gharar (hindi malinaw na transaksiyon) na ipinagbabawal sa sharee’ah, dahil hindi alam ng kalahok dito kung siya ba ay magtatagumpay sa paghanap ng itinakdang bilang ng mamimili o hindi. Gaano man kahaba o katagal bago matapos ang pyramid o network marketing , ang katotohanan ay magwawakas rin ito, at kapag ang isang tao ay sumali sa pyramid, hindi niya alam kung siya ba ay mapupunta sa tuktok at kikita ng pera o siya ay sa ibaba ang punta at malulugi. Ang katotohanan rito ay karamihan sa mga miyembro ng pyramid ay nalulugi, maliban doon sa iilan na nasa itaas. Kaya ang karaniwang nangyayari ay ang pagkalugi, na siyang hantungan ng mga transaksiyon na hindi malinaw. Isa sa dalawang bagay ang posibleng mangyari, at kalimitan ay iyong kinatatakutan ang siyang kinahahantungan. Ang Propeta (salallaahu alayhi wa salam) ay ipinagbawal ang mga transaksiyon na hindi maliwanag at ito ay matatagpuan sa salaysay ni Muslim sa kanyang Saheeh.
3 – Ang ganitong transaksiyon ay naglalaman ng walang katarungang pagkamkam sa kayamanan ng tao, dahil ang kontratang ito ay nagbibigay pakinabang doon lamang sa kumpanya at sa iilang kasapi na hinimok ng kumpanya upang lokohin ang iba. Ito ang ipinagbawal sa Qur’aan, kung saan sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala): “O kayong mga matatapat sa inyong paniniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at sa inyong pagsunod sa KanyangSugo na si Muhammad (salallahu alayhi wa salam)! Hindi ipinahintulot sa inyo na lustayin ang yaman ng iba na wala kayong karapatan, maliban na lamang sa kung ito ay nababatay sa batas at legal na pakikipagkalakalan, na may kasunduan sa isa’t isa” [an-Nissa’ 4:29]
4 – Ang ganitong transaksiyon ay may kalakip na panlilinlang, panloloko, at pang-uuto sa tao, sa pamamagitan ng pagpapakita ng produkto na kunwari ay siyang layunin ng transaksiyon, gayong hindi ito ang katotohanan, at sa pamamagitan ng pang-aakit sa kanila sa pagkakaroon ng malaking komisyon na hindi karaniwang kinikita ng tao. Ganito ang uri ng panloloko na ipinagbawal ng sharee’ah. Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi: “Sinoman ang manloko sa amin ay hindi kabilang sa amin.” Isinalaysay ni Muslim sa kanyang Saheeh. At siya (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi: “Ang dalawang mangangalakal ay mayroong mapagpipilian hanggat hindi pa sila naghihiwalay. Kung sila ay tapat at bukas sa kanilang pakikipagkalakalan, ang transaksiyon ay bibiyayaan para sa kanila, ngunit kung sila ay nagsinungaling at may itinago, ang biyaya ng kanilang transaksiyon ay mabubura.” [napagkasunduang hadeeth]. At tungkol naman sa sinasabi na ang ganitong transaksiyon ay katulad lamang ng brokerage, ito ay walang katotohanan. Ang Brokerage ay transaksiyon kung saan ang broker ay tumatanggap ng kabayaran sa pagbibili niya ng produkto, samantalang sa network marketing, ang mga kalahok ay nagbabayad upang maipagbili ang produkto. Ang Brokerage ay nangangahulugan ng pagbebenta ng produkto sa tunay nitong kahulugan, hindi katulad ng network marketing na ang tunay na layunin ay ang maipagbili ang transaksiyon , at hindi ang produkto, kaya ang mga kalahok ay ipagbibili ito sa iba, na ipagbibili naman sa iba, na ipagbibili naman sa iba, hanggang sa magpatuloy-tuloy na, hindi katulad sa brokerage na ang ipinagbibili ng broker ay ang produkto doon sa mga taong may gusto nito. Maliwanag ang pagkakaiba ng dalawa. At tungkol naman sa nagsasabi na ang transaksiyon na ito ay kahalintulad ng isang regalo, ito ay walang katotohanan. Kahit pa tanggapin natin ito, ayon sa sharee’ah, ‘hindi lahat ng regalo ay pinahihintulutan’. Ang regalo na kapalit ng utang ay riba. Kaya si ‘Abd-Allaah ibn Salaam ay nagsabi kay Abu Burdah (radiyallahu anhuma): “Ikaw ay nasa lupain kung saan laganap ang riba sa mga tao. Kung ikaw ay mayroong karapatan sa isang tao at binigyan ka niya ng bunton ng dayami , o bunton ng trigo, o bunton ng kumpayan, ito ay riba.” Isinalaysay ni al-Bukhaari sa kanyang Saheeh. Ang regalo ay napapaloob sa batas ayon sa dahilan kung bakit ito ibinigay. Ang Propeta (salallaahu alayhi wa salam) ay nagsabi, tungkol sa tagakolekta ng zakaat-na lumapit sa kanya at nagsabi: “Ito ay para sa iyo at ito naman ang ibinigay sa akin bilang regalo”: “Bakit hindi ka pumirmi sa bahay ng iyong ama at ina at tingnan mo kung may matatanggap kang regalo o wala?” Napagkasunduang hadeeth. Ang mga komisyon na ito ay ibinibigay lamang upang sumali sa network marketing scheme, kahit ano pang pangalan ang ibigay dito, kahit tawagin pa itong regalo o ano pa man. Hindi nito mababago ang batas tungkol dito.
Mabuti rin na banggitin natin na mayroong mga kumpanya na ngayon ay nasa merkado na sumusunod sa paraan ng network marketing o pyramid marketing, tulad ng “Smartest Way”, “Gold Quest” at “Seven Diamonds”. Ang batas para sa mga kumpanyang ito ay walang ipinagkaiba sa batas na nabanggit sa itaas, kahit pa ang produkto nila ay nagkakaiba-iba.
At si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang Pinanggagalingan ng lakas. Ang salam at salawat ni Allaah ay mapasa kay Propeta Muhammad at sa kanyang pamilya at mga Sahabah.
********
[Standing Committee for Academic Research and Issuing Fatwas. Fatwa no. 22935, dated 14/3/1425 AH]

No comments:

Post a Comment

Share