Pages

Thursday, February 19, 2015

ANG BANAL NA QUR'AN NA BATAYAN NG MGA MUSLIM

SA NGALAN NG ALLAH ANG MAHABAGIN ANG MAAWAIN ang Banal na Aklat na ito ay nanatili sa dalisay at tunay niyang anyo na Arabic texto mula noong ipahayag kay Propeta Muhammad(sakap) sapamamagitan ni Anghel Gabrel hanggang ngayon 1432 taon na ang nakalipas nananatili paren sa orehinal na kapahayagan at nasa pangangalaga ng milyun milyun na muslim sa buong Mundo na may, Chapter na 114, Verses na 6,349, Words na 77,439,Letters na 321,671. Kaya mahirap dayahin at madaling matuklasan ang sinomang pangahas na sisira nito. Kung ikaw kapatid ay nagbasa ng Banal na Quran ay hindi mo na kailangan pa ang Pare,Pastor,menistro para anong sekta ka aanib dahil ang kausap mo sa Quran mesmo ay ang nagmamay-ari ng pananampalataya. Ito ang Aklat (Quran) na walang pag-alinlangan (na nagmula kay Allah), ang tunay na patnubay sa mga may pangangamba kay Allah.(Quran2:2) Ang pinakamahabagin(si ALLAH)! ,Siya na nagturo(sa inyo ,Sangkatauhan)ng Quran (sa pamamagitan ng Kanyang Habag).Siya ang lumikha sa tao. Siya na nagturo sa kanya nang maindayog napananalita. (Quran55:1,2,3,4) Katotohanan Kami ang nagpapanaog ng Dhikr(ang Quran)at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan(at katiwalian). (Quran15:9). Ang kasinungalian (kabulaanan) ay hindi sasanib dito(Quran),maging sa harapan o likuran nito .Ito ay ipinadala ng IsangTigib ng Karunungan,ng Isang Karapat-dapat sa lahat ng Pagpupuri.(Quran41:42) Hindi baga nila isinasaalang-alang(pinag-iisipan nang mabuti) ang Quran?Kung ito ay nagmula (sa iba)maliban pa kay Allah, Katotohanan sila ay makakatagpo rito ng maraming pagkakasalungatan.(Quran4:82) At katotohanan inihantad sa mga tao sa Quran na ito ang lahat ng uri paghahambing (talinhaga o paliwanag) upang sila ay makatanggap ng paala-ala.(Quran39:27) Isang (Aklat na) Quran sa(wikang)Arabik na walang anumang kalihisan (sa katotohanan), upang kanilang maiwasan ang lahat ng kasamaan na ipinag-utos ni Allah na kanilang talikdan.(Quran39:28)

(ANG PAGMAMAHAL NG MAGULANG AY HINDI MASUSUKLIAN KAILAN MAN)

Mayroon dalawang mag-asawa noon na maligayang nagsasama matagal na nilang nais magkaraoon ng supling hanggang sa pinagkalooban sila ng Allah,di naglaon dumating ang oras na malapit ng isilang ng babae ang kanilang supling na bunga ng kanilang pagmamahalan; sa hindi inaasahan na pangyayari dumating ang pagkakataon na binawian ng buhay ang lalaki pero bago siya binawian ng buhay kanyang naiabilin sa kanyang asawa na kong sakaling maisilang na ang kanilang anak ay papag-aralin nya at hubugin nya ng magandang asal upang maging isang mabuting bata, Hanggang sa naisilang na nya ang kanilang anak isang batang lalaki maligayang maligaya ang babae na kapiling ang nag-iisang anak dahil napapawi ang kanyang pangungulila sa kanyang asawang lumisan tuwing nakikita nya ang kanyang anak,di nagtagal pinapag-aral na nya ang kanyang anak sa paaralan at doon narin nya ito pinatira sa pagnanais nyang makapag-aral ng maayus ang kanyang anak at sya naman ay nagsusumikap para maitaguyod ang magandang kinabukasan ng anak ngunit sa kabila ng pagsusumikap nya at kaligayahan nadarama nya napalitan ito ng kalungkutan dahil simula ng nakapag-aral ang bata hanggang sa nakapag highschool at college hindi man lang nakadalo ang kanyang nanay sa kanilang paaralan pinagbawalan nya ito at ikinakahiya nya sanhe ng kapansanan ng kanyang nanay na wala itong isang mata,hanggang sa nakatapos sa pag-aaral ang lalaki na hindi man lang nasilayan ang kanyang nanay na nangungulila sa sa kanya,sya ay umalis patungo sa ibayong lugar na hindi man lang nagpaalam sa kanyang nanay at hindi man lang ito tumawag,hanggang sa napag-alaman ng kanyang nanay na nakatapos na ang kanyang anak at pumunta sa ibayong lugar at kanyang ipinagtanung sa mga kaibigan ng kanyang anak kong saan lugar pumunta ang anak nakuha nya ang address ng kanyang anak sya ay nag-ipon ng pera upang puntahan ang kanyang anak hanggang sa sya ay dumating sa lugar nayun kanyang natagpuan ang bahay ng kanyang anak nakita nya na mayroon narin itong sariling pamilya kumatok sya sa Gate at NAGSALAM habang sya ay kumakatok kanyang natanaw ang mga batang maligayang naglalaro ito ay kanyang mga apo pero ng Makita ng mga bata ang matanda sila ay natakot at umiyak tinanung sila ng kanilang ama kong bakit sila napaiyak? sinabe ng katulong na may nakita silang matanda na may kapansan na nag-iisa lang ang kanyang mata ng malaman ng lalaki napagtanto ng lalaki sa kanyang sarili na nanay nga nya yun lumabas at inarap nya ang kanyang nanay ngunit sa kabila ng pagsusumikap ng babae Makita ang kanyang pinakamamahal na anak sya ay napahiya dahil tinatakwil sya ng kanyang anak at sinabe bakit pumunta kapa dito?hindi mo ba alam ng dahil syo natakot at naiyak ang aking mga anak! sa oras nayun hindi mapaipagkakaila na namumutawi ang mga ngiti sa labi nya at nababakas ang pananabik nya sa kanyang anak na matagal narin nya ito hindi nakita gustong gusto nya itong yakapin sa mga sandaling iyon,pero dahil sa hiya mas ginusto ng babae ang magtiis at umalis na daladala ang kasawian sa kanyang puso dumating ang babae sa kanyang bahay na nakakadama ng subrang kalungkutang dahil doon nawalan na sya ng gana kumain uminum at higit sa lahat mabuhay hindi rin naglaon sya ay nagkasakit at binawian ng buhay,hanggang pinaabut ng mga kaibigan ng lalaki na namatay na ang kanyang nanay at sya ay pumunta doon at sinabe ng mga kapitbahay ng kanyang nanay na hindi mo man lang naabutan at nakita ang nanay mo,pero bago sya namatay mayroon syang sulat na iniwan sau,binuksan ng lalaki ang sulat at kanyang nabasa, AKING PINAKAMAMAHAL NA ANAK, AKO ANG NANAY MO NA TINAKWIL MO AT KINAKAHIYA MO DAHIL SA AKING KAPINTASAN,NGUNIT IYONG PAKATANDAAN KAILAN MAN HINDI KA MAWAWALA SA PUSO KO AT HINDI KITA MALILIMUTAN HANGGANG SA HULING TIBUK NG PUSO KO AT HINDI AKO NAGAGALIT SAU,MAHAL NA MAHAL KITA AT ANG PAGMAMAHAL NAYUN AY MANANATILI SAU HABANG IKAW AY NABUBUHAY DAHIL NOONG MALIIT KAPA LANG IKAW AY MAYROON KANG KAPANSANAN NAG-IISA LANG MATA MO KAYA MAS GINUSTO KO NA ANG ISANG MATA KO AY MAIBIGAY NALANG SAU PARA HINDI KA IKAHIYA NG IBA,MAHAL NA MAHAL KITA ANAK. Pagkatapos mabasa ng lalaki ang lihim ng kanyang nanay sya ay nanglulumo at nagsusumamo sa Allah sa nagawa nyang kasalan sa kanyang nanay ang luha sa kanyang mga mata ay animoy ulan na bumabagsak sa lupa, subra syang nagsisi kong bakit hindi nya naiapadama ang pagmamahal nya sa kanyang nanay? pero ano pa ba ang magagawa nya hindi na nya kayang ibalik ang mga panahon na lumipas at panahon na nangugulila ang kanyang nanay at nangangarap na makapiling ang anak gaya noong maliit palang, Sinabe ng Propheta Muhammad (Skap): KASAWIAN SA ISANG TAONG INABUTAN PA NYA ANG PAGTANDA NG KANYANG MAGULANG O ISA MAN LANG SA KANILA O SILANG DALAWA NGUNIT SYA AY HINDI NAKAPASUK SA PRAISO(INULAT NI MUSLIM) 1-Naipadama mo ba sa nanay at tatay mo kong gaano mo sila kamahal? 2-Naranasan munabang hindi kumain o matulog hanggang hindi mo natitiyak na okye lang sila? 3-Kinukumusta murin ba sila madalas o minsan lang? 4-Isinishare murin ba sa kanila ang bawat plano mo? 5-Nasabe murin ba sa magulang mo tuwing nag-uusap kayo na (i love u so mch nay tay)o sa bf/gf mulang?

Ang Pangangalaga ng Islam Para sa Babae Bilang Asawa

Ang Allah, Ta'ala, ay nagsabi, Qur’an 30:21: At isa sa Kanyang palatandaan (ayah) ay ito, na nilikha Niya mula sa inyong sarili ang (babae para) maging asawa upang sakaling inyong matagpuan ang katiwasayan (katahimikan) sa kanila. At Kanyang inilagay sa pagitan ninyo ang pagmamahal at awa. Katotohanan, sa mga ito, ay tunay na palatandaan para sa mga taong nag-iisip. Isa sa dakilang palatandaan ng Allah ay ang pagkakalikha sa babae bilang asawa ng lalaki upang sila (lalaki) ay magkaroon ng kaginhawahan, kapahingahan at magkaroon ng kasiyahan at pangangalaga mula sa isa't isa. Ang lalaki at babae ay kapwa nagkakaroon ng kaginhawahan, kasiyahan at pangangalaga mula sa isa’t isa. Ang asawang babae, ayon sa Islam, ay isa sa pangunahing haligi at pundasyon ng buong lipunan. Siya ang pangunahing pundasyon na kung saan itinatatag ang lslamikong tahanan. Ang Islam ay nagbibigay sa babae ang mga itinakdang karapatan at ipinag-uutos sa kanya na magsagawa ng mga itinakdang tungkulin katulad ng paglalahad sa mga sumusunod na pahina. Ang Mahar (Dote o handog) Ang Mahar (dote o handog) ay isang karapatan ng bawa’t babae bago ikasal. Ito ay isang handog na itinakda at ipinag-utos ng Islam. Ang kasunduan sa kasal ay hindi maaaring maging ganap maliban at hanggang ang Mahar ay hindi sinasang-ayunan. Ang Mahar ay hindi maaaring hindi isaalang-alang kahit na sang-ayunan ng ikakasal, hanggang hindi naisasagawa ang kasunduan sa Kasal. Ang babaing ikakasal ay may karapatan kung ano man ang kanyang gawin sa kanyang mga ari-arian pagkaraan ang kasunduan sa kasal ay natupad. Ang Allah, Ta'ala, ay nagsabi, Qur’an 4:4: Handugan ng Mahar ang babaing inyong pakakasalan ng mabuting puso, ngunit kung sa kanilang sariling kapasiyahan, isauli ang ilang bahagi nito sa iyo, tanggapin ito at tamasahin ito ng walang pangamba (sapagkat ginawang lehitimo ng Allah ito). Ang Mahar ay isa sa karapatan ng babae. Ang asawang lalaki ay hindi pinahihintulutang bawiing muli ang Mahar kung siya ay nagpasiyang magdiborsiyo. Ang Allah, Ta'ala, ay nagsabi, Qur’an 4:20-21: Kung naisin ninyong palitan ang inyong asawa ng isa at bigyan mo ang isa sa kanila ng isang Quintar (100 kg ng ginto) bilang Mahar, huwag ninyong bawiin itong muli. Kukuhanin ba ninyo ito ng may kamalian na walang karapatan at ng may hayag na kasalanan? At paano ninyong babawiin ito samantalang kayo ay nagkasama sa isa’t-isa. At sumang-ayon sila mula sa inyo ng isang matatag at matibay na kasunduan? Ang Allah, Ta'ala, ay nagsabi rin, Qur'an 4:19; O, kayong mananampalataya! Ipinagbabawal sa inyo ang manahin ang babae ng laban sa kanyang kalooban, at hindi kayo dapat makitungo sa kanila ng may kalupitan, na inyong babawiin ang ilang bahagi ng inyong ipinagkaloob maliban kung sila ay nagkasala ng pakiki-apid at mamuhay sa kanila (piling) ng may dangal. Kung hindi ninyo sila nais, maaaring hindi ninyo nais ang isang bagay at ang Allah ay nagbibigay mula dito ng isang dakila (nag-uumapaw) na buti. Ang talatang ito ay nagbibigay katiyakan sa karapatan ng babae katulad ng pagkakalarawan sa itaas. Ipinagbabawal at hindi ito pinahihintulutan na manahin ang mga babae ng laban sa kanilang kalooban. Ating inilarawan sa mga naunang ang mga Arabo sa panahon bago dumating ang Islamikong Lipunan ay laging minamana ang kababaihan. Kung ang asawang lalaki ay namatay na mayroong mga anak na lalaki sa mga unang pag-aasawa, ang nabalong babae ay mamanahin ng nakatatandang anak sa unang pag-aasawa o kung hindi naman ay ipamimigay ang biyuda sa ibang lalaki. O kaya ay pinagbabawalang mag-asawang muli ito. Sa Qur'an, ipinagbabawal ng Allah, Ta'ala, sa lalaki na pagmalupitan ang asawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pasakit, pang-aapi at pagpapasan ng mabibigat na gawain, pang-iinsulto, pananakit at paggasta ng kanyang yaman, pagpigil sa kanya na lumabas ng bahay. Ipinahihintulot ng lslamikong batas at aral na patawan ng lalaki ang babae ng parusa kung ang babae ay nagpapakita ng kahalayan o kalaswaan at nagdudulot ng kahihiyan sa lipunan. Ang isang babaing nangangalunya o gumagawa ng kalaswaan ay maaaring pakitunguhan ng malupit sa pamamagitan ng pagbawi ng kanyang mahar. Pagkaraan nito, siya ay maaaring idiborsiyo. Ang Allah, Ta'ala, ay nag-utos na ang asawang lalaki ay dapat mamuhay ng marangal kasama ng asawang babae. Ang lalaki ay dapat magsalita ng may kabaitan at gumawa ng magagandang bagay sa kanyang asawa. Ang lalaki ay dapat magbihis ng disente katulad ng pagnananais niyang maayos na pagbibihis ng kanyang asawa. Ang,Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang pinakamabuti sa inyong mga nananampalataya ay silang may mabuting asal. Ang pinakamabuti sa mga lalaki ay silang mababait sa kanilang mga asawa. (Tirmidhi.) Ang Sugo ng Allah (sas) ayon sa pagsasalaysay ay laging maayos, kaaya-aya at mabait sa lahat. Siya ay nakikipaglaro at nagbibirong maayos at malinis sa kanyang pamilya. Si Imam Ahmad ay nagsalaysay tungkol sa Sugo ng Allah (sas) na nagsabi: Ang lahat ng laro na maaaring laruin ng isang lalaki ay walang kabuluhan at ito’y pag-aksaya ng oras maliban sa tatlong bagay: pagsasanay ng palaso, pangangabayo at pakikipagkatuwaan sa kanyang asawa. Ang tatlong bagay na ito ay lehitimo at makatotohanan. (Tirmidhi.) Ang Sugo ng Allah (sas) ay gumugugol ng salapi sa kanyang pamilya sa abot ng kanyang makakayanan. Siya (sas) ay kilala sa disenteng paglalaro at pagbibiro. Si Aisha (raa), ang ina ng mga mananampalataya ay nagsalaysay: Ang Sugo ng Allah ay nakipaghabulan sa akin at tinalo ko siya bago ako tumanda at bumigat... pagkaraan noon, nang ako ay may edad na at mabigat, siya ay nakipaghabulan muli sa akin at siya ay nanalo. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi sa akin pagkaraang siya ay manalo, ‘Ang pagkapanalo ko sa iyo ay binubuo ng pagkakapanalo mo. (Imam Ahmad) Kung siya ay nasa bahay, ang Sugo ng Allah (sas) ay nakikipag-usap sa kanyang pamilya, sinasamahan niya ang mga ito at nagpapakita sa kanila ng kabaitan bago matulog at pagkaraang magdasal sa gabi. Ang Allah, Ta’ala, ay nagsabi, Qur’an 33:21; Katotohanan, nasa katauhan ng Sugo ng Allah ang isang huwaran na dapat pamarisan ng mga naniniwala sa Allah at sa Kabilang Buhay at nag-aalaala tuwina sa Allah. Kayat ang Sugo ng Allah (sas) ay siyang huwaran (at halimbawa) para sundin ng mga Muslim sa lahat ng kanyang gawain, pansarili man o pampubliko. Ang Katarungan, Ang Pagkakapantay-pantay Ito ay ipinatutupad lalo na sa mga lalaking mayroong higit sa isang asawa. Ang isang lalaki na mayroong higit sa isang asawa ay nararapat na pantay at makatarungan sa lahat ng kanyang mga asawa at dapat na pakitunguhan ng pantay tungkol sa pagpapakain, pagbibigay ng damit at panahon. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Sinumang may dalawang asawa at hindi nagbigay ng pantay na pakikitungo ay darating sa Araw ng Paghuhukom na paralitiko ang isang bahagi ng katawan. (Tirmidhi.) Ang Paggugol (Paggasta) Ang asawang lalaki ay dapat na gumasta mula sa kanyang kinikita at yaman para sa kanyang asawa. Siya ay nararapat na magbigay ng maayos na pamamahay, pang-araw-araw na pangangailangan katulad ng pagkain, damit at anumang gamit sa pamamahay. Ang Allah, Ta'ala, ay nagsabi, Qur'an 65:7: Hayaang ang mayamang lalaki ay gumastos ayon sa kanyang kakayahan at ang lalaking mahirap ay gumastos ayon sa ipinagkaloob ng Allah sa kanya. Hindi nagbibigay pahirap ang Allah sa kaninumang tao ng higit sa anumang Kanyang ipinagkaloob sa kanya. Ang Allah ay nagbibigay ng ginhawa pagkaraan ng kahirapan. Si Hakim bin Muawiyah Al Qushairee ay nagsalaysay tungkol sa kanyang ama: Ako ay nagtanong sa Sugo ng Allah (sas), ‘Ano ang karapatan ng isang babae sa kanyang asawa?’, Siya ay sumagot, Ang kanyang karapatan ay pakainin siya katulad ng pagpapakain sa iyong sarili, bihisan siya katulad ng pamimihis mo sa iyong sarili, huwag mo siyang saktan sa mukha, huwag gumamit ng masasakit na salita at huwag mong iwanan sa higaan kapalit ng ibang lugar maliban sa tahanan. (Ibn Hibban at Abu Dawood.) Samakatuwid, kung ang mayamang lalaki ay hindi gumagastos para sa kanyang pamilya at ang asawang babae ay nakakakuha ng bahagi ng kanyang yaman kahit hindi nito nalalaman, siya (ang asawang babae) ay maaaring kumuha ng sapat na panggastos sa pangangailangan niya at ng kanyang mga anak. Ang pasiyang ito ay batay sa isang insidenteng naganap sa buhay ni Hind bint Utbah na lumapit sa Sugo ng Allah (sas) at dumaraing tungkol sa kanyang asawang si Abu Sufyan; Ang aking asawa ay kuripot at ayaw na gumastos sa akin at sa aming mga anak. Ang Sugo ng Allah (sas) ay sumagot, Kumuha ka ng anumang makasasapat sa iyo at sa iyong mga anak. (Al- Bukhari at Muslim) Kung ang asawang lalaki ay may suliraning pananalapi at hindi niya kayang tuparin ang pangangailangang pananalapi ng kanyang pamilya o kung iniwan niya ang kanyang asawa sa mahabang panahon at nasaktan ito ng dahil sa pagkakalayo niya, ang babae ay may karapatang magsampa ng kairaingan sa korte upang ipawalang saysay ang kasal nila. Ito ay batay sa Hadith na isinalaysay ni Abu Hurayrah. Ang Sugo ng Allah (sas) ay tinanong kung sakaling ang asawang lalaki ay walang sapat na pananalapi upang mabigyang kasiyahan ang pangangailangan ng kanyang asawa, ano ang dapat gawin tungkol sa ganitong pag-aasawa? Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang ganitong pag-aasawa ay dapat ipawalang saysay sa pamamagitan ng paghihiwalay ng lalaki at ng kanyang asawa. Ang Islam ay nagpapayo sa kalalakihan na pakitunguhan ang kanyang mga asawa ng kabaitan at pagmamahal. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang isang may ganap na pananampatataya ay yaong may mabuting asal. Ang pinakamabuti sa inyo ay silang mabait sa kanilang mga asawa. (Tirmidhi) Hindi kinalimutan ng Islam ang karapatan ng mga babae sa larangan ng damdamin at kaisipan. Marami pang karapatan bukod sa materyal na karapatan para sa babae. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa pangkaisipan at emosyonal na karapatan ng babae: Ang mga babae ay nararapat pangalagaan mula sa mga masasamang tao. Sila ay hindi dapat ilantad sa mga pook na malalaswa tulad ng night clubs, disco at iba pa. Ang Allah, Ta’ala, ay nagsabi, Qur’an 66:6; O, kayong nananampala, ilayo ang inyong sarili at ng inyong mga pamilya sa sa Apoy (Impiyemo) na ang panggatong ay mga tao at bato na binabantayan ng mga angel na malulupit at mahihigpit. Na hindi sumusuway sa Kautusang tinatanggap mula sa Allah, at ginagawa kung anong ipinag-uutos. Ang mga babae ay nararapat turuan ng mga mabubuti at kapaki-pakinabang na bagay. Ang lahat ng kanilang mga lihim at pagkukulang ay nararapat itago. Ang mga pansariling gawain ay hindi dapat ipamalita kaninuman maging sa kanilang mga malalapit na kaibigan. Anumang ginagawang pribado ng lalaki sa kanyang asawa ay hindi dapat ibunyag kaninuman. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang isa sa pinakamasamang tao sa paningin ng Allah sa Araw ng Paghuhukom ay silang mga asawang lalaki at babae na ibinubunyang ang mga pribadong gawain nila sa ibang tao. (Muslim.) Ang Pagdaan ng Gabi at ang Pagsasakatuparan ng pangangailangang Seksuwal Ang isa sa karapatan ng Babae sa Islam na binibigyan ng kahalagahan ay ang pagsasakatuparan ng seksuwal na obligasyon mula sa kanyang asawa. Ito ay upang mabigyang katiyakan ang kasiyahan nito at makaiwas ang asawang babae sa mga nakakahiyang gawain na ipinagbabwal ng Allah. Sa katotohanan, ang Islam ay nagbabawal sa asawang lalaki na ibuhos ang lahat ng panahon sa (nawafil- mga salah na kusang loob (hindi obligadong salah)]) pagdarasal at pag-aayuno kung ito ay nakakahadlang sa pag-aasikaso at likas na pangangailangan ng kanyang asawa. Si Salman Al Farsi (raa) ay nagsalaysay ng ganito: Aking dinalaw si Abu Darda, pagdating ko sa kanila, ako ay binati ng kanyang asawa na nakasuot ng karaniwang pambahay na damit. Nang makita ko ang kanyang kasuotan tinanong ko siya kung bakit nakasuot siya ng simple at karaniwang damit at hindi damit na makasisiya sa kanyang asawa. Ang babae ay sumagot: Ang iyong kapatid ay walang interes sa anupamang bagay dito sa mundo. Ginugugol ang gabi sa pagdarasal at sa araw naman ay ang pag-aayuno. Nang dumating si Abu Darda, binigyan nito ng pagkain at si Salman ay nagsabi, "Bakit hindi ka sumalo sa akin.” Si Abu Darda ay sumagot, "ako ay nag-aayuno." Si Salman ay nagsabi, "ako ay nangako sa Allah na lisanin mo ang pag-aayuno at kumaing kasalo ko." Si Abu Darda ay kumain. Lumipas ang gabing kasama ni Salman si Abu Darda. Tumindig si Abu Darda upang mag-alay ng dasal. Pinigil siya ni Salman at siya ay nagsabing, "Ang iyong katawan ay may karapatan sa iyo, ang iyong Panginoon ay may karapatan sa iyo at ang iyong pamilya ay may karapatan sa iyo. Mag-ayuno sa ilang mga araw at huwag mag-ayuno sa ibang araw, lumapit ka sa iyong asawa at bigyan mo ng katuparan ang kanyang likas na pangangailangan. Ibigay ang karapatan ng ibang tao." Sa pagsapit ng madaling araw, pinahintulutan ni Salman si Abu Darda na tumayo at magdasal. Kapwa sila nagdasal at tumungo sa Masjid para sa Salatul Fajr. Pagkaraan ng Dasal, si Abu Darda ay lumapit sa Propeta ng Allah (sas) at nagsabi kung ano ang ginawa at sinabi sa kanya ni Salman. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagpatunay, 'Sinabi ni Salman ang katotohanan” (Al-Bukhari) Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karapatan ng asawang babae ayon sa Islam: Ang asawang lalaki ay hindi dapat maglakbay at lumayo sa tahanan ng higit sa anim na buwan. Ang asawang babae, batay sa kanyang likas na katangian, ay maaaring hayaan ang pagkakalayo ng kanyang asawa ng higit sa anim na buwan o maaari din siyang magsabi sa kanyang asawa na umuwi bago ang takdang panahong ito. Ang asawang lalaki ay hindi dapat tumanggi sa pakiusap ng kanyang asawa maliban kung ito ay may matibay at matatag na dahilan. Ang asawang lalaki ay hindi dapat magpasiya sa anumang sa ngalan ng asawang babae. At hindi siya dapat makialam sa anumang pananalaping gawain ng asawang babae maliban kung ito ay bigyan ng pahintulot. Ang asawang lalaki ay walang karapatangkuhanin ang ari-arian ng asawa ng walang pahintulot. Ang asawang lalaki ay dapat kumunsulta sa kanyang asawa tungkol sa malalaking pampamilyang kapasiyahan, sa mga gawain ng mga anak at pinagkaisang mga gawain. Hindi makatuwiran na diktahan ng lalaki ang lahat ng kasambahay at hindi makinig sa payo o opinyon ng kanyang asawa. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagbigay na isang praktikal na halimbawa noong Araw ng Pakikipagkasunduan ng Hudaibiyah (Peace Treaty of Hudaibiyah) nang siya ay nag-utos sa kanyang mga kasamahan na ahitin ang kanilang mga anit at alisin ang kanilang Haj/Umra na damit-lhram, ngunit sila ay napakabagal at hindi nila minadali ang pagsasagawa nito. Si Umm Salamah (raa), na asawa ng Sugo ng Allah (sas) ay nagbigay ng payo na mauna itong gawin at lumabas upang makita ng kanyang kasamahan. Sinunod ng Sugo ng Allah (sas) ang suhestiyon ng kanyang asawa. Kapagdaka'y nakita ng mga kasamahan niya ito at sila ay dali-daling isinagawa ang ipinag-uutos sa kanila. Ang asawang lalaki ay dapat iwasan ang pagsubaybay sa maliit na pagkakamali na nagawa ng kanyang asawa. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang asawang lalaki ay hindi dapat dumating ng huli sa gabi mula sa paglalakbay ng walang maayos na paghahabilin. (Al-Bukhari at Muslim.) Ang asawang lalaki ay dapat na maging mabait, maasikaso at mapagbigay sa kanyang asawa. Siya ay dapat maging matapat, magalang, matiisin at dapat isa-alang-alang ang kanyang likas na pagkatao. Ang asawang lalaki ay dapat magpakita ng pagmamahal, tunay na pangangalaga sa kanyang asawa. Ang Allah, Ta'ala, ay nagsabi, Qur'an 4:19: O, kayong mananampalataya! Ipinagbabawal sa inyong manahin ang babae laban sa kanyang kalooban, at hindi kayo dapat makitungo sa kanila ng may kalupitan, na inyong babawiin ang ilang bahagi ng mahar na inyong ipinagkaloob maliban kung sila ay nagkasala ng pakiki-apid at mamuhay sa kanila (piling) ng may dangal. Kung hindi ninyo nais sila, maaaring hindi ninyo nais ang isang bagay at ang Allah ay nagbibigay mula dito ng isang dakila (nag-uumapaw) na kabutihan. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang isang nananampalataya ay hindi dapat magpahayag ng pag-ayaw sa kanyang nananampalatayang asawa. Maaaring mayroong bagay na hindi nais ang lalaking asawa ngunit katiyakan na mayroong din pagnanais sa ibang katangian nito. (Muslim) Ang Pangangalaga ng Islam Para sa Babae Bilang lsang Ina Ang Qur'an ay nagbigay pansin sa karapatan ng babae bilang ina ng tahanan. Ang Allah, Ta'ala, ay nagsabi, Qur'an 17:23; Ang inyong Panginoon ay nag-utos na wala kayong dapat sambahin maliban sa Kanya. At maging masunurin, mabait at mapagmahal sa inyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapwa sila ay nasa katandaan, huwag magsalita sa kanila ng masakit na salita o daing o walang paggalang o pagsigaw sa kanila. Bagkus sila ay igalang. Ang Allah, Ta'ala, sa bersikulong ito ay inilagay ang Kanyang karapatan kasunod ng karapatan ng magulang sa anak. Ito ay nagpapatunay lamang ng kahalagahan ng magulang sa Islam. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang paraiso ay nasa paanan ng Ina. (Ang Hadith na ito ay isinalaysay ni Al Nasaiee at Ibn Majah ng ganito: lsang tao ang lumapit kay Propeta Muhammad (sas) at nagsabi: O, Propeta ng Allah, ako ay naglalayong sumama sa Jihad. Ako po ay naparito upang humingi ng payo. Ang Propeta ay nagtanong, Mayroon ka pa bang (buhay) na ina? Ang lalaki ay sumagot na, Opo. Ang Propeta ay nagsabi: Huwag mong iwan ang iyong ina. Ang Paraiso ay nasa kanyang paanan.") Ito ay nagpapahiwatig na ang, pagmamahal, pag-aasikaso at paglilingkod sa ina ay isang paraan upang makamit ang kasiyahan ng Allah at ang paraan tungo sa Paraiso na siyang pangako Niya sa mga matutuwid na Muslim. Ang mga ina, bago ang ama ay una na dapat bigyan ng kabaitan, pangangalaga at magandang pakikitungo. Si Abu Hurayrah (raa) ay nagsalaysay: Isang lalaki ang lumapit sa Sugo ng Allah at nagtanong, O Propeta ng Allah, sino ang unang dapat kong pagsilbihan at pangalagaan? Ang Sugo ng Allah (sas) ay sumagot; Ang iyong Ina. Ang lalaki ay muling nagtanong, Sino ang sumunod sa kanya? Ang Sugo ng Allah ay sumagot; Ang iyong Ina. Ang lalaki ay nagtanong muli, Sino ang sumunod?, Ang iyong Ina. Ang lalaki ay muling nagtanong, Sino ang sumunod sa kanya? Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang iyong Ama. (Al-Bukhari at Muslim.) Ang Hadith na ito ay nagpapahiwatig lamang na ang ina ay nakahihigit ng tatlong ulit sa karapatan kaysa sa ama. Ito ay ipinagkaloob ng Islam sa ina dahil sa pagsasaalang-alang sa kahirapang dinaranas ng ina sa ibat-ibang antas ng buhay mula sa panganganak, pagsilang, pangangalaga at pagpapalaki ng mga anak. Habang ang bata ay nasa sinapupunan, ang ina ay tunay na nagtitiis ng siyam na buwan. At sa pagsilang ng bata, ang ina ay nagpapasuso sa anak, nagpupuyat sa gabi para sa pag-aasikaso ng kanyang anak. Ang Qur'an 31:14, ay naglarawan ng ganito: At Aming ipinag-utos sa tao na maging masunurin (maasikaso) at mabait sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ina ay nagtiis sa pagpapasan sa kahinaan at kahirapan. Ang pagpapasuso ay dalawang taon. Magpasalamat sa Akin at sa iyong mga magulang. At sa Akin ang inyong pagbabalik. Ang mga ina samakatuwid ay binigyan ng nakahihigit na pagpapahalaga kaysa sa mga ama at sa kaninuman sa ganitong bagay. Na ang tao ay dapat bigyan ng higit na kabaitan, pag-aasikaso, pagmamahal, pagsunod at pagtulong ang ina. Ang mga magulang, ayon sa Islamikong aral at prinsipiyo, ay nararapat sundin, igalang hanggang hindi sila nag-uutos sa kanilang mga anak na sumuway sa kanilang Panginoon, ang Allah, Ta'ala. Kung ang magulang ay mag-utos sa kanilang mga anak na gumawa ng mga bagay ng pagsuway sa Allah, Ta’ala, sa anumang uri, sila (magulang) ay hindi dapat sundin, sa Qur'an 31:15; At kung ang mga magulang ay mag-utos sa inyo na sumamba kayo sa iba bukod sa Akin, huwag ninyo silang sundin ngunit pakitunguhan sila, dito sa mundo ng may kabaitan at sumunod sa landas ng sinumang nagbalik-loob (nagsisi) at tumalima sa Akin. At sa Akin ang inyong pagbabalik at Aking sasabihin sa inyo kung ano ang inyong ginawa sa buong buhay ninyo. Ang pag-aasikaso at pagmamahal sa magulang lalo na sa kanilang katandaan ay higit kaysa sa pagsasagawa ng Jihad. Hanggat hindi puwersahan ang makilahok sa Jihad, ang pag-aasikaso sa magulang ay dapat bigyan ng higit na pansin. Si Ibn Mas'ud (raa) ay nagsabi Tinanong ko ang Sugo ng Allah, Ano ang gawaing ikasisiyang higit ng Allah? Ang Sugo ng Allah ay nagsabi; Ang pagiging mabait, maasikaso, magalang sa inyong mga magulang. Ano ang sumunod dito? Ang Sugo ng Allah (sas) ay sumagot; Ang pakikipaglaban (Jihad). (Al-Bukhari at Muslim.) Si Abdullah bin Amr bin Al Aas (raa) ay nagsalaysay na: May isang lalaki ang lumapit sa Sugo ng Allah at nagsabi; O, Propeta ng Allah, aking ibibigay ang pakikipagkasundo sa pamamagitan ng paglikas (hijrah) at pakikipaglaban (Jihad) na ang tanging layunin ko ay magkaroon ng gantimpala mula sa Allah. Nang siya ay narinig ng Sugo ng Allah (sas) kanya itong tinanong, Buhay pa ba ang iyong mga magulang? Ang tao ay sumagot, O Propeta ng Allah, Sila ay buhay pa. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi, Kung ang kasiyahan at gantimpala ng Allah ang iyong hinahanap, bumalik ka sa iyong mga magulang at tiyakin mo na ang gagawin mo ang pinakamahusay, para asikasuhin sila, alagaan sila, lalo na sa panahon ng kanilang katandaan. (Al-Bukhari at Muslim.) Ang mga magulang ay nararapat igalang, sundin at bigyan ng salaping panustos ng kanilang mga anak kahit na sila ay hindi Muslim hanggang hindi sila nag-uutos sa kanilang mga anak na anumang gawang pagsuway sa Allah, Ta'ala. Si Asma, ang anak na babae ni Abu Bakr (raa) ay nagsabi: Ang aking ina, na isang pagano ay dumalaw sa akin. Ako ay nagpunta sa Sugo ng Allah (sas) at humingi ng payo kung ano ang aking dapat gawin tungkol sa pagkakadalaw ng aking ina sa kabila ng katotohanan na ang aking ina ay nagkakaroon ng interes sa Islam. Akin ba siyang pakikitunguhan (na may kabaitan at bibigyan ng salapi?) Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Oo, dapat na ikaw ay maging mabait sa kanya (at bigyan ng salapi bilang pangangalaga sa kanya kahit na siya ay isang pagano). Ang isang anak ay nararapat na tumulong at magbigay ng pangangalaga sa kanilang mga magulang sa iba't-ibang gawain sa pang araw-araw. Ang Sugo ng Allah (sas), ay nagsusulsi, ng kanyang sariling damit, inaayos ang sariling sapatos at tumutulong sa kanyang pamilya. Ang katotohanan pa nito, si Aisha (raa), minsan ay tinanong ng iba. Ano ang palagiang ginagawa ng Sugo ng Allah (sas) habang siya ay nasa bahay? Si Aisha (raa) ay sumagot: Ang Sugo ng Allah (sas) ay laging naglilingkod at tumutulong sa gawaing bahay, ngunit kung kanyang marinig ang tawag ng Salah, siya ay dali–daling umaalis ng bahay. Ang kabutihan, kabaitan, pagsunod at pangangalaga sa pangangailangan ng magulang, sa katotohanan, ay higit na bibigyan ng pagsasaalang-alang kaysa sa ibang uri ng ibadah (pagsamba). Ito ay batay sa isang Hadith na isinalaysay ni Abu Hurayrah na nagsabing; Wala na maliban sa tatlong sanggol ang nagsalita habang sila ay nasa duyan: Ang una ay si Hesus, anak ni Maria (as). Ganito ang kasaysayan ; Nang si Maria ay nagsilang kay Hesus, ang kanyang mga kababayan ay nagparatang (at nagbintang) na siya ay masamang babae. Hindi nila matanggap na siya (Maria) ay manganak sa pagkadalaga sa dahilang wala silang alam na asawa nito. Ang angkan ni Maria ay kilala bilang mga banal at mabuting angkan. Iginagalang ang kanilang lahi. Walang ibinigay na paliwanag si Maria bagkus kanyang itinuro ang batang sanggol na si Hesus na nasa duyan. Nang itinuro ni Maria ang sanggol na si Hesus, ang mga tao ay nagsabi ‘Paano makapagsasalita ang isang batang paslit na nasa duyan?’ Ang sanggol na si Hesus ay himalang nagsalita at siyang nagpatunay at nagpaliwanag sa naging katayuan ng kanyang ina: Sa Qur’an (19: 29-32) ay nagpahayag tungkol sa sinabi ni Hesus nang siya ay nasa duyan pa lamang: At kanyang (Maria) itinuro. At sila (mga tao) ay nagsabi: Paano makapagsasalita ang isang sanggol na nasa duyan? Siya (Hesus) ay nagsalita: Katotohanan! ako ay alipin ng Allah, ipinagkaloob sa akin ang Kasulatan at ginawa Niya akong isang Propeta. At ako ay Kanyang pinagpala saan man ako naroroon at ipinag-utos sa akin ang pagdarasal, at pagkakawanggawa (Zakah) habang ako ay nabubuhay. At naging masunurin sa aking Ina... Ang ikalawa ay isang Israelita sa panahon ni Juraij. Si Juraij ay isang hermitanyo na nag-iisang namuhay sa isang selda at inilaan ang kanyang panahon sa pagdarasal at pagsamba sa Allah. Isang araw, ang ina ni Juraij ay humingi ng tulong sa kanya habang siya ay nagdarasal. Siya (Juraij) ay nagsabi: O, Allah, ako ay nalilito kung sino ang dapat kong bigyan ng pagsasaalang-alang, ang aking pagdarasal o ang aking ina? lpinagpatuloy niya ang kanyang pagdarasal at tinalikdan niya ang pagsusumamo ng kanyang ina. Nang makita niya ito, ang kanyang ina ay umalis. Kinaumagahan, ganito rin ang pagsusumamo ng kanyang ina at patuloy pa ring nagdarasal si Juraij at hindi binigyang pansin ang ina. Nang sumunod pang araw, tinawag siyang muli ng kaniyang ina at humihingi ng tulong katulad ng naunang dalawang araw. Hindi rin binigyang pansin ito ni Juraij. Nang makita nito, ang ina ay nagsabi: O, Allah, itulot ninyo na bago mamatay si Juraij, naway makatagpo siya ng babaing nagbibili ng aliw. Ang mga Israelitas ay humahanga sa pamamaraan ng pagsamba, pagdarasal at pag-iisa ni Juraij. Noong panahong yaon, may isang maganda at kaakit-akit na babaing nagbibili ng aliw ang nagbigay ng suhestiyon sa mga Israelitas. Kung nais ninyo, aakitin ko si Juraij at hahayaan ko siyang umibig sa akin at gumawa ng pangangalunya. Ang babaing ito ay umalis na may layuning isagawa ang balakin. Ginawa niya ang lahat upang mahulog sa tukso si Juraij ngunit siya ay nabigo. Gayunpaman, nilapitan niya ang isang pastol na malapit sa tirahan ni Juraij at ipinagkaloob ang kanyang sarili. Siya ay nabuntis. Matapos ng panganganak, inakusahan niya si Juraij bilang ama ng kanyang anak. Ang mga Israelitas ay sumugod sa tirahan ni Juraij at ito ay pinagtabuyan, sinira ang bahay at siya ay sinaktan. Si Juraij ay nagtanong kung bakit siya nilapastangan ng mga ito. Sila (mga Israelitas) ay nagsabi: Ikaw ay nangalunya sa isang babaing nagbibili ng aliw at ito ay nagkaanak mula sa iyo samantalang ikaw ay nagkukunwaring isang makadiyos na tao. Si Juraij ay nagsabi: Maaari ba ninyong dalhin sa akin ang sanggol at hayaan ninyo akong mag-alay ng dasal upang patunayan ko sa inyo na hindi ako ang ama ng batang yan. Pinahintulutan ng mga Israelitas na magdasal si Juraij at dinala ang sanggol. Nang matapos ang pagdarasal niya, siya ay lumapit sa sanggol at tinanong ito: Sino ang iyong tunay na ama? Ang sanggol na nasa duyan ay nagsalita; Ang aking ama ay yaong pastol. Nang marinig ang pagpapahayag ng sanggol, niyakap ng mga Israelitas si Juraij at humingi ng kapatawaran at nagsabing: Dapat ba naming ipagpatayo kang muli ng tirahan mo na yari sa ginto? Siya ay sumagot; Hindi, ngunit ipagpatayo ninyo ako ng yari sa lupa katulad noong dati. At sila ay gumawa. Ang ikatlo ay isang sanggol na sumususo sa ina nang ang isang kabalyero na nakasuot ng maringal na damit at nakasakay sa magandang kabayo. Ang nagpapasusong ina ay nagsabi: O, Allah, gawin mo pong katulad ng kabalyerong ito ang aking anak na lalaki. Nang marinig ng sanggol ito, siya ay huminto sa pagsuso at nagsabi habang nakatingin ito sa sundalo. O, Allah, huwag Mo po akong gawin katulad ng kabalyero ito. Pagkaraan nito, siya ay muling sumuso sa ina. Pagkaraan nito nadaanan ng ina at sanggol ang isang alipin na sinasaktan ng kanyang amo at pinagbibintangang nangalunya at nagnakaw. Ang alipin ay nagsabi: 'O, Allah, sapat na po kayo sa akin at Kayo ang aking Tagapagtanggol.’ Ang ina ay nagsabi: O, Allah, huwag ninyong itulot na matulad ang anak ko sa aliping ito. Nang marinig ito ng sanggol, siya ay huminto sa pagsuso at nagsabi: O, Allah, gawin mo po akong katulad ng babaing ito. Nang marinig ng ina, siya ay nagsabi, O, anak, ano bang nangyari sa iyo? Isang magandang bihis na kabalyero na nakasakay sa magandang kabayo, makapangyarihan at hinangad kong maging katulad ka niya, ikaw ay tumanggi. Nang nadaanan natin ang isang alipin na sinasaktan ng kanyang amo at dinidisiplina ng dahil sa pangangalunya at pagnanakaw, at hiniling ko sa Allah na huwag kang matulad sa aliping yaon ngunit tinanggihan mo rin ang aking dalangin. Ang sanggol ay nagsalita: O, aking ina, yaong kabalyero ay isang mabagsik at masama. Samakatuwid, dinalangin ko sa Allah na huwag akong gawing katulad niya. At yaon namang alipin na pinagbibintangan, siya ay hindi tunay na nangalunya at nagnakaw. Kaya, nagsumamo ako sa Allah na gawin akong inosente at malinis na katulad niya. (Al-Bukhari at Muslim.) Nagbigay babala ang Islam laban sa pagsuway sa mga magulang, sa di-pagbibigay galang at di-pagbibigay ng salaping panustos. Si Abu Bakrah (raa) ay nagsalaysay na ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Ang kaparusahan sa makamundong kasalanan ay maaaring ipagpaliban hanggang sa Araw ng paghuhukom maliban sa kasalanan ng mga anak sa kanilang mga magulang. Ang kaparusahan sa kasalanang ito ay dapat itakda sa panahon ng tao (habang buhay pa ito sa mundo) at hindi ipagpaliban hanggang sa huli. (Al Hakim) Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi rin: Katotohanan, ipinagbawal ng Allah ang pagsuway sa inyong ina, pagpigil sa mga tao mula sa kanilang mga karapatan at ang paghiling sa tao ng anumang hindi nararapat. Ipinagbabawal din sa inyo ang paglilibing ng buhay sa inyong mga anak (sanggol) na babae. Hindi rin Niya nais sa inyo kung sabihin ninyo ng; Ang ibang tao ay nagsasabi ng ganito at ganito. Ipinagbabawal din sa inyo na laging humihingi sa ibang tao at ang pagtatanong sa lahat ng bagay na nakikita at ang paglulustay ng inyong yaman ng walang katuturan. (Al-Bukhari at Muslim.) Ipinaliwanag din ng Sugo ng Allah (sas) ang pagiging mabuti at mabait sa magulang bilang pangunahing bagay para sa pagsasakatuparan ng dalangin at dasal ng tao sa buong buhay niya. Si Ibn Omar (raa) ay nagsalaysay na ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: Tatlong tao noong unang panahon ay lumakad upang mangalakal (magnegosyo). Nang sumapit ang gabi, sila ay natulog sa isang yungib na nasa ilalim ng bundok. Nang sila ay pumasok sa loob, bigla itong napinid at nasarhan ang pintuan. Sila ay nag-usap at napagkaisahan na walang paraang makalalabas maliban sa pagsasagawa ng dasal at dalangin (pagsusumamo). Kailangan humingi tayo ng tulong sa Allah batay sa pinakamabuting bagay na ating ginawa sa buong buhay natin. Ang unang tao ay nagsabi: O, Allah, ako po ay mayroong matatanda ng magulang na inuuna kong bigyan ng anumang bagay na makakain o maiinom bago pa man ang aking asawa at mga anak. Isang araw ako ay naglakbay ng malayo sa paghahanap ng pagkain para sa aking mga hayop at ako ay dumating sa bahay ng huli. Pagdating ko, natagpuan ko ang aking magulang na natutulog. Aking ginatasan ang tupa upang ibigay sa aking mga magulang para sa kanilang hapunan ngunit ayaw kong gisingin sila upang uminom. Subalit hindi ko ibinigay ito sa aking asawa at anak. Nanatili akong nakatayo na tangan ang gatas habang hinihintay ko silang magising. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, sila ay nagising na sa oras namang yaon, ang aking mga anak ay nasa aking paanan at umiiyak para sa gatas. Sa ganoon ding oras, sila ay nagising at aking ibinigay sa kanila ang gatas. O, Allah, kung inyong nalalaman na ito ay aking ginawa ng dahil sa Inyo, nagsusumamo ako na iligtas ninyo kami mula sa sakuna na pinagdurusahan namin. Kapag daka'y ang bato ay naalis ng kaunti sa lagusan ng yungib ngunit hindi kasya ang isang tao upang makalabas. Ang ikalawang tao ay nagsabi: O, Allah, ako ay may pinsang babae mula sa panig ng aking ama na pinakamamahal ko siya sa lahat. Nais kong makipagtalik sa kanya ngunit siya ay tumanggi. Minsan, siya ay nagkaroon ng suliranin sa pananalapi. Siya ay lumapit sa akin at humingi ng tulong. Binigyan ko siya ng isang daan at dalawampung gintong dinar upang pagbigyan niya ako sa aking kahilingan. Nang dahil sa kanyang pangangailangan at mahirap na kalagayan, siya ay pumayag. Nang nais ko ng simulan ang pakikipagtalik, siya ay nagsabi O, aking pinsan, matakot ka sa Allah. Huwag mong alisin ang aking pagka-birhen maliban sa ilalim ng batas (kasal). Nang marinig ko ito, ako ay tumayo at hindi ko siya ginalaw bagamat siya ay pinakamamahal ko sa lahat ng babae. Hindi ko kinuhang muli ang mga gintong dinar. Makaraan nito, itinaas niya ang kanyang kamay sa langit at nagsabi. O, Allah, kung inyong nalalaman na ito ay aking ginawa ng dahil sa Inyong kasiyahan, ako po ay nagsusumamo na alisin ang kahirapang aming dinaranas. Alisin mo po ang bato mula sa pintuan ng yungib. Muli, ang bato ay gumalaw ng maliit na distansiya, masikip pa rin na hindi maaaring makalabas ang tao mula sa yungib. Ang ikatlong tao ay nagsabi ng ganito, O, Allah, batid ninyo na noong ako ay may mga manggagawa at sa pagsapit ng hapon, aking binabayaran ang mga ito maliban sa isa na umalis na hindi nakuha ang kanyang sahod. Kaya, aking inimpok ang kanyang sahod at inilagay sa aking negosyo. Ang salaping nauukol sa manggagawang ito ay umunlad. Minsan, pagkaraan ng maraming taon, ang manggagawang ito ay bumalik at nagtatanong tungkol sa kanyang sahod. Itinuro ko sa kanya ang malalaking kawan ng tupa, baka, kamelyo, mga alipin at katulong at sinabi ko sa kanya: Lahat ng iyong nakikita ay sa iyo! Yan ang sahod mo na utang ko sa iyo. Ang dukhang manggagawa ay nabigla at sinabi, "Nakikiusap ako sa iyo na huwag mo akong biruin (paglaruan) at pagtawanan. Ang hinihiling ko lamang sa iyo ay isang araw na sahod? Ako ay sumagot, Hindi kita pinagtatawanan o pinaglalaruan o binibiro. Ito ay sa iyong lahat. Pagkaraan ng pagsasalaysay nito, itinataas ang kanyang kamay sa langit at nagsabi: O, Allah, kung nagawa ko yaon para sa Inyong kasiyahan, nagsusumamo ako na alisin Mo po ang paghihirap na ito na aming pinagdurusahan. Pagkaraan nito, ang bato ay dahan-dahang naalis mula sa pintuan ng yungib at ang tatlong magkakasama ay humayong papalabas muli. (Al-Bukhari at Muslim.) Sa aral ng Islam, isinasaalang-alang din ang kasiyahan ng magulang, ang pagiging mabait, mabuti, mapagpaumanhin, magalang at mapangalaga sa kanila bilang isa sa mga bagay na nakapag-aalis ng mga kasalanan sa mundong ito. Isinalaysay ni Abdullah Ibn Omar (raa) na nagsabi: Isang tao ang lumapit sa Sugo ng Allah (sas) at nagsabi: O, Propeta! ako ay nakagawa ng malaking kasalanan. Palagay mo ba ay makapagsisisi ako sa Allah mula rito? Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagtanong: Buhay pa ba ang iyong Ina? Ang tao ay sumagot ng, ‘hindi’. Ang Sugo ng Allah ay nagpatuloy sa pagtatanong; Mayroon ka pa bang buhay na tiyahin (mula sa angkan ng iyong ina)? Ang lalaki ay tumango ng, Oo. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi sa kanya: Maging mabait, mapangalaga, matulungin, mabuti at maging magalang sa kanya (Tirmidhi). Ayon sa Islam, ang katayuan ng isang tiyahin ay katulad ng katayuan ng isang ina. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi rin na: Ang kapatid na babae ng iyong ina ay may kahalintulad na katayuan ng isang ina. (Al-Bukhari at Muslim.) SA NGALAN NG ALLAH, ANG MAPAGPALA, ANG MAHABAGIN Ipinag-uutos ng Islam na ang karapatan ng mga magulang ay nararapat na igalang at kiIalanin kahit na pagkaraang mamatay ito. Si Malik Ibn Rabee'ah (raa) ay nagsalaysay ng ganito: Habang kami ay nakaupo sa tabi ng Sugo ng Allah (sas), isang tao mula sa tribo ng Bani Salamah ang lumapit sa kanya at nagtanong: ‘O, Sugo ng Allah, ang aking mga magulang ay namatay na. Mayroon pa ba akong tungkulin na dapat panatilihin at tuparin bilang karapatan nila pagkaraang sila ay mamatay?’ Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Tunay na mayroon, kailangang panatilihin mo ang pagdarasal at panalangin para sa kapakanan nila, lagi kang humingi ng kapatawaran para sa kanila, tuparin ang anumang pangako na kanilang iniwan sa iba, maging magalang, mabait, mabuti sa kanilang mga naging kaibigan at panatilihin mo ang magandang ugnayan sa iyong mga kamag-anakan bilang patunay sa pagmamahal na iniuukol mo sa iyong mga magulang.” (Dawood at Ibn Majah) Lahat ng paglalahad at paglalarawan tungkol sa karapatan ng mga magulang ay malawak na alituntunin lamang batay sa mga pangunahin at mahahalagang karapatan nila, lalo na sa panig ng isang ina. Mayroon pang ibang mga karapatan ang mga magulang na hindi namin binanggit.

Ang mga kasambahay ng Propeta Muhammad(saw) :

1. Khadeejah bint Khuwaylid (raa) Ang Propeta (saw) ay nag-asawa sa kanya nang siya ay dalawampu't limang taong gulang.Siya ay nagsilang sa lahat ng mga naging anak ng propeta (saw)maliban kay Ibraheem,at siya lamang ang aswa ng propeta habang siya ay nabubuhay.Siya ay namatay sa edad na 65 sa buwan ng Ramadhan,sampung taon matapos ang propeta (saw) ay magsimula ng kanyang misyon.Siya ay inilibing sa Hajoon. 2.Saudah bin't Zam'a (raa) Siya ay una nang napangasawa ng kanyang pinsan na si sakran bin amr.Ang mag-asawa ay yumakap sa Islam at nangibang -bayan sa Abyssinia.Sa kanilang pagbalik sa Makkah,si Sakran ay namatay.Ang Propeta (saw) ay nag-asawa kay Saudah sa buwan ng Shawwal,isang buwan matapos na pumanaw si Khadeejah.Siya ay namatay noong Shawwal/taong 54 AH. 3.Aisah Siddeeqah bint Abu Bakr Siddeeq (raa) Siya ay pinangasawa ng Propeta (saw) sa buwan ng Shawwal,isang taon matapos niyang pangasawahin si Saudah.Si Aisah lamang ang tanging birhen na napangasawa ng Propeta (saw) at siya ang itinuturing na pinakamahal ng propeta sa kanyang mga asawa.Siya ang pinakamaalam sa mga babaeng Muslim na dalubahasa sa batas sa kasaysayan (ng Islam).Siya ay namatay noong ika-17 ngRamadhan,57 AH at inilibing siya sa Baqi. 4.Hafsah bint Umar bin Khattab (raa) Siya ipinangasawa kay Khunays bin Hadhafah,na namatay sa kanyang sugat na (kanyang) natamo sa digmaan ng Badr.Ang propeta (saw) ay nag-asawa sa kanya sa buwan ng Sha'ban 3 AH,matapos ang kanyang pamimighai.Siya ay namatay sa Madinah noong buwan ng Sha'ban,45 sa gulang na 60, at inilibing siya sa Baqi. 5.Zaynab bint Khuzaymah (raa) Siya ang biyuda ni Ubaydah bin Harith (raa) na naging martir sa digmaan ng Badr.Ayon sa iba,siya ay dating asawa ni Abdullah bin jahsh (raa) nanaging martir sa digmaan ng Uhud.Pinangasawa siya ng propeta (saw) noong 4 AH sa panahon ng mga Araw ng Kamangmangan,at siya ay kilala bilang "Umm Al Masaakeen" (ina ng mga naghihikalos) dahilan sa kanyang pagiging mapagmahal sa mahihirap.Siya ay namatay noong buwan ng Rabi' Al-Akhir,4 AH,matapos ang walong buwan mula nang ikasal siya sa Propeta (saw).Ang Propeta (saw) ang namumuno sa kanyang panglibing na dasal at siya ay inilibing sa Baqi. 6.Umm Salamah,o Hind bint Umayyah (raa) Siya ay naging aswa ni Abu Salamah (raa).Siya ay nagkaroon nang maraming anak ( sa kanya ?) habang sila ay nagsasama,ngunit namatay siya (Abu Salamah) noong buwan ng Jamad Al-Akhir,4 AH .Ang Propeta (saw) ay nagasawa sa kanya sa pagtatapos ng buwan ng Shawwal,4 AH.Siya ay mahusay at dalubhasa sa batas at isa sa pinakamatalino sa mga kababaihan ng kanyang panahon.Siya ay namata noong 59 AH sa gulang na 84 (ang ibang tala ay nag-ulat na namatay siya noong 62 AH ).Siya ay inilibing sa Baqi. 7.Zaynab bin Jahsh bin Riqab (raa) Siya ay anak ng tiyuhin ng Propeta (saw) na si Umayma bin Abdul Muttalib.Siya ay una nang naikasal kay Zayd bin Haritha,datapuwa't ang mag-asawa ay mayroong mga problema,at dahil dito ay diniborsyo siya ni Zayd. Si Zayd ay inampon ng Propeta (saw) at ayon sa mga sinaunang kaugalian ng Arabo,hindi marapat sa isang lalaki na mapangasawa ang dati nang napangasawa ng kanyang ampong anak. Si Allah ay nag-utos sa Propeta (saw) na kanyang pangasawahin si Zaynab upang ipakita na ang sinaunang kaugaliang ito ng Arabo ay winakasan na.Ang kasalan ay naganap noong buwan ng Dhul Qa'dah,5 AH (ang ibang tala ay nag-ulat na ito ay naganap noong 4 AH. Siya ay namatay noong 20 AH sa gulang na 53 at ang unang pumanaw sa mga nalalabi pang mga asawa ng Propeta (saw). Si Umar ang namuno sa panglibing na dasal at siya ay inilibing sa Baqi. 8.Juwayriyah bint Al-Harith (raa) Siya ay dinala bilang isang bihag mula sa digmaan ng Banu Al-Mustaliq sa buwan ng Sha'ban,sa taong 5 o 6 AH at (siya) ay ibinigay kay Thabit bin Qays. Siya ay nagdesisyon na palayain siya kapalit ng napagkasunduang halaga.Ang Propeta (saw) ay nagbayad kay Thabit ng gayong halaga na kanyang hinihingi,napalaya siya at kanyang pinangasawa siya. Matapos na (kanilang) mamalas ito, ang mga Muslim ay nagpalaya ng isang daang pamilya galing sa Banu Al-Mustaliq na nagsasabing sila ay mga kaanak (ayon sa batas ng pag-aasawa ng Propeta (saw).Kaya't kanyang napaunayan na siya ay isang pagpapala sa kanyang pamayanan.Siya ay namatay noong buwan ng Rabi'Al-Awwal,56 AH sa gulang na 65. 9.Umm Habeebah,o Ramla bunt Abu Sufyan (raa) Siya ay nakilala bilang "Umm Habeebah" (ang ina ni Habeebah) dahilan sa kanyang anak (na babae) na si Habeebah.Bilang isang anak (na babae) ng pinakamaigting na kaaway ng Propeta (saw) na si Abu Sufyan bin Harb,siya ay gumawa nang maraming sakripisyo dahilan sa kanyang pananampalataya at siya ay lumikas sa Abyssinia na kasama ang kanyang aswa,si Ubaydullah bin Jahsh.Di naglaon si Ubaydullah ay nagpalit ng kanyang pananampalataya sa pagpasok niya sa Kristiyanismo at namatay,datapuwa't si Umm Habeebah ay nanatiling matimtiman sa kanyang pananampalataya.Nang ang Propeta (saw) ay magpadala ng kanyang kinatawan,si Amr bin Umayya Damri,hari ng Abyssinia,siya rin ay nagpadala ng alok (ng pag-aasawa) sa nabiyudang si Umm Habeebah.Siya ay ipinangasawa ng hari sa Propeta (saw),binayaran siya ng 400 dinar bilang mahr (dote), at ipinadala siya sa Propeta sa ilalim ng pagbabantay ni Shurahbeel bin Hasnah. Matapos na magbalik ang Propeta (saw) mula sa Khaybar, kanyang pinakasalan si Umm Habeebah sa buwan ng Safar o Rabi'Al-Awwal,7 AH. Siya ay namatay noong 42 o 44 AH. 10.Safiyah bint Huyayy bin Akhtab (raa) Siya ay anak ng pinuno ng Hudyong tribu ng Banu Nadir at mula sa angkan ni Propeta Haroon (Aaron).Siya ay naging bihag sa Khaybar at siya ay ibinigay sa Propeta dahil sa kanyang estado ( ng angkan o pamilya).Ang Propeta (saw) ay humiling sa kanya na yumakap sa Islam at ito ay kanyang ginawa.Pagkatapos nito ay kanyang pinalaya siya at pinakasalan siya noong 7 AH sa gabi nang paglupig sa Khaybar.Ang kanyang kamatayan ay naitala na maaaring sa taong 36,50 at 50 AH.Siya rin ay inilibing sa Baqi. 11.Maymoona bint Harith Hilaliya (raa) Siya ay kapaid ng asawa ni Abbas,si Umm Al-Fadl Lababa Al-kubra bint Harith Hilaliya.Ang Propeta (saw) ay nag-asawa sa kanya noong buwan ng Dhul Qa'dah ,7 AH.Siya ay pumaroon sa Propeta (saw) bilang kanyang mapapangasawa sa Sarf,mga siyam na milya ang layo sa labas ng Makkah.Siya ay namatay rin sa Sarf (na maaaring) sa petsang 38,61 o 62 AH at inilibing (din) doon.Ang kanyang libingan ay nakikilala pa magpahanggang sa ngayon. Walang pagdududa na ang labing isang babaeng ito ay napangasawa ng Propeta (saw).Magkagayunman,ang ilang mga pantas ay may pagkakahidwa tungkol sa naging kalagayan (o estado) ni Rayhana bin Zayd; ang iba ay nagsasabi na siya ay naging asawa ng Propeta (saw) sa buwan ng Muharram,6 AH.Siya mula sa (tribu) ng Banu Nadir at naging asawa ng isang tao ng Banu Quraydha,at ang Propeta (saw) ang pumili sa kanya para sa kanyang sarili.Sinasabi rin na siya ay hindi pinalaya sa Propeta(saw) at kanyang pinanatili siya bilang isang katulong.Siya ay mula sa kanyang panghimakas na pilgrimahe at inilibing siya ng Propeta (saw) sa Baqi...

LABING DALAWANG URI ANG ITSURA NG TAO SA MULING PAGKABANGUN;NA SAAN KA RITO KAPATID?

Iniulat ni muazz bni jabal katotohanan sinabi nya:sinabi ko sa sugo ng allah(skap) o sugo ng allah ikuwento mo sa akin ang tungkol sa talata na ito(sa araw na ang tambuli ay hihipan at kayo ay magsisiparito ng langkay-langkay(at sa maraming pangkat)surah 78:18 umiyak ang propeta SAW hanggang sa nabasa ang kanyang damit ng luha na dumaloy mula sa kanyang dalawang mata:at kanyang sinabi:o muazz ang katanungan mo ay napakalaking magagap dahil ang maging itsura ng aking ummah ay labing dalawang uri: 1- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na walang dalawang kamay at paa,ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga namiminsala sa kanilang mga kapit-bahay: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 2- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na ang mga mukha nila ay mukha ng baboy, ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga nagpapabaya sa kanilang pagdarasal: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 3- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na ang kanilang mga tiyan ay parang bundok na puno ng mga ahas at mga scorpion at katulad ng asno, ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga taong hindi nagbibigay ng zakat: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 4- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na dadaloy sa kanilang mga bunga-nga ang dugo,ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga nagsisinungaling sa kanilang pagtitinda at pamimili: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 5- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na namamaga at nabubulok na napaka baho ang kanilang amoy sa gitna ng mga tao,ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga tao na lihim na gumagawa ng masama dahil takot sila na malaman ng mga tao,hindi sa allah: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 6- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na putol ang kanilang mga lalamunan, ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga tao na sumasaksi sa kamalian: at yan ang parusa sakanila at sila’y patungo sa impyerno. 7- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na wala silang mga dila at dadaloy mula sa kanilang mga bunga-nga ang dugo at nana, ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga pumipigil sa pagsaksi kay Allah SWT: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 8- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na ang kanilang mga ulo ay nakabaliktad at ang kanilang mga ulo ay nasa kanilang mga paa at ang kanilang mga paa ay nasa taas ng kanilang mga ulo, ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga gumagawa ng zinah/pangangalunya: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 9- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na na ang kanilang mga mukha ay maitim at kanilang mga mata ay bughaw at ang kanilang mga tiyan ay puno ng apoy, ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga kumakain ng yaman ng mga ulila sa masamang paraan: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 10- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na may ketong at nakakaawang skit sa balat,ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga Tao na hindi magandang pakikitungo sa kanilang mga magulang: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 11- babangun sila mula sa kanilang mga libingan na bulag ang kanilang puso at mga mata at ang kanilang mga ngipin ay parang sungay ng toro,at ang kanilang mga labi ay umaabut sa kanilang mga dibdib at ang kanilang mga dila ay umaabot sa kanilang mga tiyan at hita lumalabas mula sa kanilang mga tiyan ang mga dumi, ipapahayag ng mga anghel na nanawagan:ya allah ano ang Gawain ng mga tao nayan kong bkit sila ay nagkaganyan,ang sagut ng allah sila yaong mga umiinom ng alak: at yan ang parusa sa kanila at sila’y patungo sa impyerno. 12- babangunin sila mula sa kanilang mga libingan na ang mga mukha nila ay parang buwan na maliwanag at dadaan sila sa sirat na parang kidlat,sila yaong mga gumagawa ng kabutihan at umiiwas sa mga pagsuway kay Allah SWT at matiyaga sa pagdarasal at namatay na nagbabalik-loob kay Allah SWT mula sa kanilang mga kasalanan at ang kanilang gantimpala ay paraiso at kapatawaran ni Allah SWT at habag at lugod ni Allah SWT (katotohanan,sila na sumasampalataya(sa kaisahan ng allah)at nagsisigawa ng kabutihan ay magkakaroon ng halaman ng AL-Firdaus(Paraiso)bilang isang pananahanan,na narito,sila ay magsisipanahanan(magpakailanman).sila ay hindi magnanais mula rito na mapalipat(pa sa iba)Surah 18:107-108

MUSIC IS HARAM;

ANG ALLAH SWT AY NAGWIKA: و من الناس من يشترى لهو الْحَدِيثِ ليضل عن سبيل الله بغير علم و يتخذها هزوا أولئك لهم عذاب مهين at mayr00n sa mga tao ang bumibili ng walang kabuluhang pag uusap (alala0ng baga, ang mga musika at pagkanta) upang iligaw(ang iba) sa landas ni Allah ng walang kaalaman, at nagtataguri rito (alala0ng baga, ang kanyang landas o sa mga talata sa Qur'an) sa (pamamaraan) ng pangungutya; para sa kanila ay mayr0ong nakahanda na kahiya hiyang kaparusahan (sa apoy ng Impyerno). Alam nyo bang ang music ay gnwa ng mga k0far ng sa gan0n ay mailigaw ang mga muslim sa matuwid na landas at makalimutan ang pag alala sa Allah (swt),, diba pag nakikineg ka ng music ay naglalakbay ang y0ng isipan at nakakalimutan muna ang lahat lalo na ang Allah (swt) kaya yan ang kaparusahan sa nabanggit sa ayat, Si Ibn Mas'ood ay sumumpa sa Alla(swt) na ang Ayah (talata), "At sa sangkatauhan ay may bumibili ng walang-saysay na salita upang iligaw (ang tao) sa Landas ng Allah." [Surah Luqmaan 31:6] …hinggil sa kanta o awit. Si Abu Aamir at si Abu Maalik al-As'ari ay nag-ulat na ang Propeta(sas) ay nagsabi: "Kabilang sa aking Ummah (pamayanan) ay yaong ginagawang Halaal (pinahihintulutan) ang al-Hira (pangangalunya o Zinaa), telang seda, Khamr (inuming nakalalasing) at instrumentong pangmusika" (al-Bukhari; tingnan ang al-Fath, 10/51.) Si Anas ay nag-ulat na ang Propeta(sas) ay nagsabi: "Sa pamayanang (Ummah) ito, may parusang lindol, pag-ulan ng bato at pagbabago ng anyo (mula tao tungo sa pagiging anyong hayop); iyan ay kung ang mga tao ay iinom ng Khamr (inuming nakalalasing), makikinig sa mang-aawit na babae at tutugtog ng instrumentong pangmusika.”(al-Silsilah al-Saheeha, 2203; iniugnay kay Ibn Ab-id-Dunyaa, Dhamm al-Malaahi; ang Hadeeth ay iniulat ni al-Tirmidhi, blng. 2212.). Ang Propeta(sas) ay nagbabawal ng 'Koobah' (isang uri ng tambol), at inilarawan ang flute (plauta) bilang boses o tinig ng isang masamang taong nasisiraan ng bait. Ang mga naunang Iskolar katulad ni Imam Ahmad, nawa'y kahabagan siya ng Allah(swt), ay nagsabi na ang instrumentong pangmusika katulad ng 'ood (lute), tanboor (isang mahaba ang leeg na instrumentong di-kwerdas), plautang reed, rabaab (instrumentong di-kwerdas tulad ng biyolin) at simbal, ay pawang Haraam; walang pag-aalinlangan ang mga makabagong instrumento katulad ng biyolin, qaanoon (instrumentong di-kwerdas katulad ng zither), organ, piano, gitara, atbp., ang lahat ng ito ay kabilang sa ipinagbawal ng Propeta(sas) bilang instrumentong pangmusika, sapagka't ang bunga nito ay higit pa sa mga makalumang instrumentong nabanggit sa ilan sa mga Ahadeeth. Ito'y higit na nakalalason kaysa sa Khamr (inuming nakalalasing), na nabanggit ng ilan sa mga Iskolar katulad ni Ibn al-Qayyim. Walang pag-aalinlangan ang pagbabawal at kasalanang napapaloob dito ay higit pa kapag ang musika ay nasasabayan ng kanta at boses ng babaing mang-aawit, at ito'y mas higit na napapasama kung ang titik ay tumutukoy sa pag-ibig at naglalarawan ng panlabas na kagandahan. Dahil dito, ang mga Iskolar ay nagsabi na ang pagkanta ay nagbibigay-daan tungo sa Zinaa (pangangalunya), at iyan ay nagdudulot ng paggising o pagpukaw ng pagkukunwari sa puso. Sa madaling salita, ang musika at awitin ay bumubuo ng isa sa napakalaking tukso sa ating panahon. Ang pinakamahirap ay ang katotohanang sa panahon ngayon ang musika ay bahagi na ng maraming bagay, katulad halimbawa ng orasan, doorbells, laruang pambata, kompyuter, telepono, atbp, at ang pag-iwas nito ay nangangailangan ng malaking bahagi ng pagpapasiya o determinasyon. Ang Allah(swt) ang Siyang pinagmumulan ng lahat ng tulong..,.

Tawheed Laban sa Doktrina ng “Tatlong Persona sa isang Diyos”

Ang konseptong "TATLONG PERSONA SA ISANG DIYOS" o itong tinatawag na "Doctrine of Trinity" ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si Hesus sa daigdig. Walang alinlangan, na ang konseptong ito ay hindi aral o batas ni Hesus at maging sinumang propeta sa buong kasaysayan. Ang katotohanan, ang mga iniwang disipulo ni Hesus ay patuloy na sumusonod sa kaisahan ng Diyos hanggang taong 90 A.D. Ang paniniwala sa kaisahan ng Diyos ay nakasulat sa "shepherd of hermas" na naisulat sa panahong ito at isinasaalang-alang bilang banal na kapahayagan ng mga naunang Kristiyano. Nang lumaganap ang “Roman Church Doctrine”, ang mga tunay na Kristiyano ay pinagpapatay dahil sa hindi pagsang-ayon sa di-makatwirang Doktrina ng Trinidad. Sa taong 190 A.D. isa sa mga kasapi ng Apostolic Church na si Iraneus ay sumulat kay Pope Viktor upang itigil ang pagpatay sa mga tunay na Kristiyano. Ang katotohanan pa nito, karamihan sa kasapi ng Apostolic Church ay ganap na sumunod sa simpleng aral ni Hesus. Bilang kasapi, si Lacteneus ay sumulat noong 310 A.D. na "si Hesus ay kailanman hindi nagsabi na siya ay diyos" Sa taong 320 A.D., si Eusebius ay nagsulat; "Si Hesus ay nagturo sa atin na tawagin ang kanyang ama bilang tunay na Diyos at dapat sambahin." Sa kabila ng laganap na pagpatay sa mga naniniwala sa isang Diyos, maraming ‘Unitarian’ ang matapang at matibay na naglahad ng kanilang kaisipan laban sa doktrina ng Trinity. Isa sa pangunahing Unitarian na si Arius ay tandisang nagsabi kay Bishop Alexander ang walang katotohanang Doktrina ng Trinity. Pagkaraan ng ika-apat na taon, si Emperor Constantino ay nagtawag ng "First General Council" sa Nicea na nilahukan ng 318 Bishops upang ayusin ang paksang pinag-aawayan nina Arius at Alexander. Ang "council" na ito ay sumang-ayon sa Doktrina ng Trinity sa pangunguna ni Athanasius nguni’t si Arius at ang mga kasamahan niya ay patuloy sa pananaw at konseptong "isang diyos". Sa taong 380 A.D., si Emperor Theodosius ay nagtakda na ang ‘orthodox faith (trinitarian catholic faith)’ ang siyang relihiyon ng kanyang kinasasakupang mamamayan. Sa taong 383 A.D., si Theodosius ay nagbigay babala na parurusahan ang sinumang hindi maniwala sa Doktrina ng Trinity. Sa kabila nito, hindi nabuwag ang mga ‘Unitarian’. Isa sa tumuligsa sa Doktrina ng Trinity na si Servetus (16th century) ay nagsabi na "ang pagtanggap sa doktrina ng Trinity ay pagtanggap ng MARAMING DIYOS". Sa bandang huli, siya ay ikinulong at unti-unting pinatay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy. Isa sa kanyang kasamahan ang nagsabi "ang sunugin ang isang tao ay hindi pagpapatunay ng isang doktrina." Katotohanan, ang kasinungalingan ay hindi makatatayo laban sa lakas ng katwiran. Pagkaraan ng anim na raang taon mula sa paglisan ni Hesus, ang Allah ay nagbigay ng banal na kapahayagan sa pamamagitan ni Propeta Muhammad, kapayapaan ay sumankaya nawa, ito ay ang Banal na Qur'an. Isa sa mahalagang mensahe nito ay ang pagbibigay babala sa mga taong sumasampalataya at naniniwala sa Doktrina ng Trinidad. Ang Allah ay nagwika: “Katiyakan, ang Kafirun (di-naninwala) ay yaong nagsasabing: “ Ang Allah ay ikatlo sa tatlo (sa Trinidad) subali’t walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Isang Ilah (Diyos – ang Allah) at kung sila ay hindi magsisitigil sa anumang sinasabi nila, katotohanan, isang masakit na parusa ang darating sa Kafirun na kabilang sa kanila.” [5:73] “At kanilang sinabi: “Ang Al-Rahman [ang Mahabagin (Allah)] ay may anak. Katotohanan, kayo ay nagsabi ng isang kakila-kilabot na bagay. Halos magkagutay-gutay ang mga kalangitan, na ang lupa ay magkabiyak-biyak at ang mga kabundukan ay magkawatak-watak dahil sa kanilang sinasabi na ang Al-Rahman (Mapagpala) ay may anak. At hindi naaangkop sa Al-Rahman (Mapagpala) (Allah)] na magkaroon ng isang anak. [19:88-92] “At sila (Hudyo, Kristiyano at pagano) ay nagsabi: Ang Allah ay mayroong anak[1]. (Subali’t) Luwalhati sa Kanya (Higit Siyang Dakila at Mataas kaysa sa lahat ng kanilang iniaakibat o iniuugnay sa Kanya). Hindi! Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga Kalangitan at ng Kalupaan at ang lahat ay sumusuko nang may (ganap) na pagsunod (sa pagsamba) sa Kanya. (Siya ang Tanging) Tapagpasimula ng mga Kalangitan at ng Kalupaan. Kung Kanyang itakda ang isang bagay, Siya ay nagsasabi lamang ng: “Kun” [Maging] “Fayakun” [at mangyayari nga].” [2:116-117] ________________________ [1] Ang anak ni Adan. Isinalaysay ni Ibn Abbas: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi, “Ang Allah ay nagsabi: “Ang anak ni Adan ay nagsabi ng kasinungalingan laban sa Akin bagama’t wala siyang karapatang gawin ito at Ako ay kanyang inalipusta bagama’t siya ay walang karapatang gawin ito.Tungkol sa kanyang pagsisinungaling, sinabi niya na hindi Ko magagawang likhain siyang muli tulad ng paglikha ko nuong una sa kanya at tungkol naman sa pang-aalipusta niya sa Akin, ito ay ang kanyang pahayag na Ako ay mayroong anak na lalaki (o supling) Hindi! Luwalhati sa Akin! Ako ay sadyang malayo sa pagkakaroon ng asawa o anak.” Sahih Bukhari vol 6, Hadith Bilang 9.

Ang mga Babaeng Bawal Mapangasawa - Mahram

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin Ang mga Babaeng Bawal Mapangasawa: Mahram Ang mga babaeng bawal mapangasawa ng lalaki ay dalawang pangkat: ang mga babaeng ipinagbabawal mapangasawa kailanman at ang mga babaeng ipinagbabawal mapangasawa ng pansamantala. Sa pamantayang Shari'ah, ang pag-aasawa sa pagitan ng babae at lalaki na may kaugnayan sa isa't isa ay ipinagbabawal. Ang mga ipinagbabawal na ito ay may dalawang uri: ang panghabang buhay at ang pansamantala. I. Ang habang-buhay na bawal mapangasawa ay tatlong uri: A. Ang mga babaeng ipinagbawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa dugo. Sila ay pito at binanggit ng AllahU sa Qur'an: "Ipinagbawal sa inyo na mapangasawa ang inyong mga ina, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga kapatid na babae, ang inyong mga tiyahin sa ama, ang inyong mga tiyahin sa ina, ang mga anak na babae ng inyong kapatid na lalaki, ang mga anak na babae ng inyong kapatid na babae,…" [Qur’an, 4:23] 1. Kabilang sa "mga ina" ang ina at ang mga lola sa ama at ina. 2. Kabilang sa "mga anak na babae" ang mga anak na babae sa maybahay, ang mga anak na babae ng anak na lalaki, ang mga anak na babae ng anak na babae, at ang mga babaeng sa kaapu-apuhan nila. 3. Kabilang sa "mga kapatid na babae" ang mga kapatid na babae sa ama't ina, ang mga kapatid na babae sa ama, at ang mga kapatid na babae sa ina. 4. Kabilang sa "mga tiyahin sa ama" ang mga tiyahin-sa-ama, ang mga tiyahin-sa-ama ng ama, ang mga tiyahin-sa-ama ng mga lolo, ang mga tiyahin-sa-ama ng ina, at ang mga tiyahin-sa-ama ng mga lola. 5. Kabilang sa "mga tiyahin sa ina" ang mga tiyahin-sa-ina, ang mga tiyahin-sa-ina ng ama, ang mga tiyahin-sa-ina ng mga lolo, ang mga tiyahin-sa-ina ng ina, at ang mga tiyahin-sa-ina ng kanyang mga lola. 6. Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na lalaki" ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama't ina, ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama, ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ina, at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki at babae. 7. Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na babae" ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama't ina, ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama, ang mga anak na babae ng kapatid sa ina, at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki at babae. B. Ang mga babaeng bawal mapangasawa kailanman dahil sa kaugnayang batay sa pagpapasuso. Sila ay tulad ng mga babaeng bawal mapangasawa kailanman dahil sa ugnayang batay sa dugo. Nagsabi ang Propetar: "[Ang babaeng] ipinagbabawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa pagpapasuso ay gaya ng [babaeng] ipinagbabawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa dugo." Subali't may mga kundisyon bago magkaroon ng kaugnayan batay sa pagpapasuso. Ang mga kundisyong ito ay ang mga sumusunod: 1. Kinakailangang sumuso ang isang sanggol nang limang beses o higit pa sa isang babaeng hindi nito ina. Kaya kung sakaling sumuso ito nang apat na beses lamang o mababa pa, ang babaeng sinusuhan ay hindi magiging ina nito sa gatas. 2. Kinakailangang ang pagpapasuso ay bago nagdalawang taon ang sanggol. Ang ibig sabihin nito'y kailangang ang lahat ng limang pagpapasuso ay bago nagdalawang taon ang sanggol. Kaya kung ang limang beses na pagpapasuso ay matapos nagdalawang taon ang bata, o kung ang limang pagpapasuso ay sinimulan bago nagdalawang taon at natapos matapos nagdalawang taon, ang babaeng sinusuhan ay hindi nito magiging ina sa gatas. Kapag natupad ang mga kundisyon ng pagpapasuso, ang bata ay magiging anak na ng babaeng sinusuhan at ang mga anak nito ay magiging mga kapatid niya, nauna man sila sa kanya o nahuli sila sa kanya. Ang may-ari ng gatas[1] ay magiging ama niya at ang mga anak nito ay magiging mga kapatid niya, anak man angla ng babaeng nagpasuso sa kanya o anak sa ibang babae. Kailangang mabatid dito na ang mga kamag-anak sa dugo ng batang pinasuso, maliban pa sa mga magiging anak niya, ay walang kaugnayan sa mga naging kamag-anak niya sa gatas at walang anumang epekto sa kanila ang pagpapasuso sa kanya. C. Ang mga babaeng bawal mapangasawa dahil napangasawa ng mga malapit na kamag-anak 1. Ang mga maybahay ng ama at mga lolo. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang babaeng ito ay bawal nang mapangasawa ng kanyang mga anak, ng mga anak ng kanyang mga anak na lalaki at babae, at ng mga kaapu-apuhan nila, nakatalik man niya ang babaeng ito o hindi. 2. Ang mga maybahay ng mga anak. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang babaeng ito ay bawal nang mapangasawa ng kanyang ama, ng kanyang mga lolo sa ama o sa ina, at ng kanyang mga kanunu-nunuan—dahil lamang sa pagpapakasal dito at kahit pa man hindi niya nakatalik ito. 3. Ang ina at ang mga lola ng maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang ina at ang mga lola sa ama at ina nito ay bawal nang mapangasawa niya—dahil lamang sa pagpapakasal dito at kahit pa man hindi niya nakatalik ito. 4. Ang mga anak ng maybahay, ang mga anak ng mga anak na lalaki at babae nito at ang mga kaapu-apuhan nila. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae at nakatalik niya ito, ang mga anak nito at ang mga anak ng mga anak na lalaki at babae nito at mga kaapu-apuhan nila ay naging bawal nang mapangasawa niya, walang ipinagkaiba kung angla man ay mula sa unang asawa ng kanyang maybahay o sa naging asawa nito nang nagkahiwalay angla. Subali't kung naganap ang paghihiwalay nila bago nagkaroon ng pagtatalik, hindi ipinagbabawal na mapangasawa niya angla. II. Ang mga Pansamantala Bawal Mapangasawa A. Ang kapatid ng maybahay, ang tiyahin nito sa ama, at ang tiyahin nito sa ina hanggang hindi sila pinaghiwalay ng kamatayan o naghiwalay sa isa’t isa at natapos na ang 'Iddah nito. B. Ang babaeng nasa 'Iddah dahil sa dating asawa nito. Kapag ang babae ay nasa kanyang 'Iddah dahil sa dating asawa nito na ibang lalaki, hindi ipinahihintulot sa isang lalaki na pakasalan ito hanggang hindi natatapos ang 'Iddah nito at hindi rin ipinahihintulot sa kanya na alukin ito ng kasal. C. Ang babaeng nasa estado ng Ihram ng Hajj o 'Umrah. Hindi ipinahihintulot sa kanya na magpakasal dito hanggang hindi natatapos ang Ihram nito.

Ang Hijab (Islamic Dress Code)

SA NGALAN NG ALLAH, ANG MAPAGPALA, ANG MAHABAGIN

 Ang salitang hijab ay nagmula sa salitang Arabik na “hajabah” na ang kahuluga’y itayo sa paningin o ikubli. Ang mga kababaihang nagtatago ng kanilang kagandahan sa lipunang ito at hindi nagpapagupo sa mapang-aping kalakaran ay pansinin-dili, manhid (walang pakiramdam) at sinauna. Sa dahilang madalas akong mapagkamalan na isang madre, teroristang nagtatago ng kung ano pa man o yaong larawan ng isang batang nakatakdang supilin ang pagdadalaga. Ang hijab para sa maraming kababaihan ay siyang totohanang pagsubok ng pagiging isang Muslim. Sa pag-utos ng Allah na magsuot kami ng hijab, Siya ay nagbigay sa mga kababaihang Muslim ng tungkuling kaya nilang gampanan. Sapagka’t ang Allah ay nagsabi: “At hindi kami nagbibigay ng pasanin sa isang nilalang maliban sa abot ng kanyang kakayahan, at ang sa Amin ay ang aklat na naghahayag ng katotohanan, at (lahat) sila ay huhusgahan nang makatarungan.” [Qur’an, 23:62] Sa kasamaang palad, ibinubuyo ni satanas sampu ng kanyang mga kampon (alagad) ang babaeng Muslim na magpa-alipin sa mga materyal na bagay (dito sa mundo) at limutin ang tungkol sa kanyang paninilbihan (pananampalataya) sa tanging Tagapag-Likha, ang Allah. Ang kalinisang puri, kahinhinan at pagkalinga ay mapanlinlang na itinataguring babala sa mga nananampalataya na huwag silang magpalinlang kay satanas kagaya ng kanyang panlilinlang sa kanilang mga ninuno, sina Adan at Eba. Subali’t sa ilalim ng balat-kayo niyang magagarang damit, kultura (na sunod sa agos) at pagkamakabago, unti-unting naililikis ng landas ni satanas ang babaeng Muslim tungo sa pagkalimot ng kabutihan-asal. Magmula pa sa sinaunang kabihasnan, ang mga maluluwag na damit at ulo ay nauugnay na sa pagiging “maka-Diyos (Allah)” o yaong “may pagsasaalang-alang sa Diyos (Allah)”. At kahit na ang pagsasalarawan ng mga Kristiyano sa mga naunang mga propeta at ng kanilang kababaihan ay nagtataglay ng pagkakahawig sa kasuotang iniatas sa kalalakihan at kababaihang Muslim. Ang kaugaliang ito ng kagandahang asal ay nasasaad sa Banal na Qur’an na kung saan ang Allah ay nagsasabi: “O mga anak ni Adan! Kami ay nagtakda ng kasuotan sa inyo para takpan ang inyong mga sarili (maseselang bahagi ng katawan, atbp.) at bilang palamuti. Subali’t ang kasuotang matuwid ay higit na makabubuti (mainam).” [Qur’an, 7:26] Ngunit magmula noong kapanahunan ng kilusang pangkababaihan, palala nang palala ang pamimintas (o pagbatikos) sa kasuotan at katayuan ng mga kababaihang Muslim. Ayon dito sa mga kababaihang “may makabagong pananaw”, hindi lang ang mga ulo ang tinatakpan ng hijab bagkus ay pati na rin ang pag-iisip, at karunungan. Sila ay nagsasabi na ang ating kasuotan ay sinauna at mapanupil, at ito ay pumipigil o humahadlang sa atin na maging kapaki-pakinabang na nilalang. Sanhi ng kawalan nila ng kaalaman (o kamangmangan) tungkol sa Islam, sila ay nagsasabi na ang hijab ay hindi nabibilang sa ganitong makabagong panahon. Samantalang kung tutuusin, sanhi ng patuloy na pagbaba ng moralidad sa mundo ngayon sa ganitong mga pangyayari’y mas higit na kailangan ang hijab. Higit ngayon kaysa noon, mas lalong naging talamak ang krimen at ang mga “babae ng makabagong panahon” ay mas higit na nabibingit sa panganib na mapagsamantalahan o abusuhin. Ang pamahalaang Federal ay nagsagawa ng isang pagsasaliksik na kung saan ay napag-alaman nilang sa Estados Unidos, may isang biktima ng pagsasamantala (pang-aabuso) sa bawat kada anim na minuto. Ang mga kababaihan na naglaladlad ng kanilang kagandahan at katawan para pagpistahan ng lahat ay para na ring ipinain ang kanilang sarili para abusuhin nitong mga hayok sa laman. Ang hijab ay ipinag-utos ng Allah sa babaeng Muslim para pangalagaan siya laban sa pang-aabuso. Kilala niya ang kanyang mga nilalang, at batid niya na lalo lamang pinapalala ang lihis na makamundong pagnanasa ng lipunan sa tuwinang ipaglaladlaran ng mga kababaihan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga mahahalay na damit, pinabanguhang katawan at mukhang nilagyang artipisyal na pampaganda. Magkagayon pa man, marami sa mga naliligaw ng landas ay gusto nilang paniwalaan natin na ang hijab ay isang bilangguan sa sumusupil sa ating kaisipan, pamumuhay at puso (damdamin). Wala ni isa sa mga bagay na ito ang nagbibigay ng makatarungang kahulugan (ng hijab). Upang sa gayo’y hindi maging biktima ng kanilang (masamang) hangarin, nararapat na umpisahan na nating unawain (at isa-puso) kung ano talaga ang (kahulugan at kabuluhan) ng hijab..

Ang Labing – isang Payo para sa Muslima:

Tanggapin mo, kapatid na Muslimah, ang labing-isang mahahalagang payong ito; isagawa mo ang mga ito upang ikaw ay mabuhay na maligaya at mamatay nakapuri-puri kung ipahihintulot ni Allah. Sa pagtanggapmo nitong mga payo ay hingin mo ang tulong ni Allah. 1 Sambahin mo si Allah lamang ayon sa paraan ng mga pagsambang Kanyang itinakda na nasasaad sa Kanyang aklat, ang banal na Qur'an, at sa katuruan ng kanyang Propeta na si Muhammad (SAS). 2. Mag-ingat ka na mahaluan ng Shirk ang iyong paniniwala at pagsamba sapagkat ang Shirk ay nagiging dahilan kung bakit hindi tinatanggap ni Allah ang gawa ng tao at ito rin ang nagbubulid sa kanya sa kapahamakan. 3. Mag-ingat ka sa Bid'ah maging iyon man ay sa pananampalataya o sa pagsamba sapagkat ang Bid'ah ay pagkaligaw at ang naligaw ay mapupunta sa Impiyerno. 4. Gampanan mo ng maigi ang iyong mga Salah sapagkat ang sinumang nangangalaga at gumaganap sa mga ito ay lalo pang maingat sa iba pang mga bagay bukod pa sa Salah at ang sinumang nagpapabaya sa Salah ay lalo pang pabaya sa iba pang mga bagay bukod pa sa Salah. Panatiliin mo ang kalinisan sa Salah, at isagawa ito ng maayos at may kababaangloob. Huwag mong ipagpaliban ang pagsasagawa ng Salah sa takdang oras nito sapagkat kapag naging tanggap ang Salah ng isang tao, tanggap lahat ng kanyang gawa; at kapag nasira ang kanyang Salah, sira rin ang lahat ng kanyang mga gawa. 5. Sundin mo ang iyong asawa. Huwag mong tanggihan ang kanyang kahilingan at huwag mong suwayin ang kanyang ipinag-uutos at ipinagbabawal hanggat hindi ka niya inuutusang suwayin si Allah at ang Kanyang Sugo (SAS). 6. Pangalagaan mo ang kanyang karangalan at ari-arian kapag wala siya at ihanda mo ang iyong sarili kapag siya ay dumating. 7. Maging mabuti ka sa iyong kapitbahay sa salita at sa gawa upang maitaguyod ang mabuti at mahadlangan ang masama. 8. Manatili ka sa iyong bahay at huwag lumabas maliban na lamang kung kailangang-kailangan. At huwag kang lalabas na hindi suot ang Hijab. 9. Magpakita ka ng kabutihan sa iyong mga magulang. Pigilin mo ang iyong sarili na makasakit sa kanila sa salita man o sa gawa. Sundin mo sila hangga't ang ipinag-uutos nila sa iyo ay hindi salungat sa Islam. Subalit kung ang ipinagagawa nila sa iyo ay hindi naaayon sa Islam, huwag kang sumunod sapagkat walang pagsunod sa utos na labag sa Islam. 10. Pagtuunan mo ng lubos na pansin ang iyong mga anak. At iyon ay sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanila na maging matapat, malinis , magalang sa pananalita at kilos. Turuan mo rin sila ng magandang asal at kapuri-puring pag-uugali at pagsapit nila sa ikapitong taong gulang ay utusan mo na silang magsagawa ng Salah. 11. Paramihin mo ang iyong Dhikr at ang pagbibigay ng Sadaqah. Ang Sadaqah ay ibinibigay sa nangangailangan at ito ay buhat sa sumobra sa pangangailangan ng iyong sarili, asawa, at anak. At maging kaunti man ito ay mabuti pa rin.

ANG MAHRAM: HIGIT NA PINANGANGALAGAHAN ANG BABAE:

Ang Paglalakbay ng Babae ng Walang Kasamang (Pangunahing Kamag-anak) na Lalaki: Ang Propeta (saw) ay nagsabi: “Ang babae ay di dapat maglakbay ng mag-isa na walang kasamang lalaki na 'mahram' (pangunahing kamag-anak na hindi niya maaaring mapangasawa o pakasalan). Sino mang lalaki ay pinagbabawalang pumasok sa bahay ng babae kung walang kasamang 'mahram'. May lalaking tumayo at tinanong ang Propeta ng Allah (saw): “O Sugo ng Allah! Ang asawa ko ay mag-Hajj (pagdalaw sa Makkah), habang gusto kong lumahok sa digmaan, ano ang gagawin ko?” Ang Propeta ng Allah (saw) ay nagsabi : “Samahan mo ang iyong asawa (sa pagdalaw sa Makkah para sa Hajj).” (Iniulat ni Bukhari) Ang layunin ng alituntuning ito ng Islam ay upang maging malaya mula sa kasamaan at panggugulo, sa gayon para mapanatili at mapangalagaan ang kanyang karangalang karapatan. Ang paglalakbay ay may kagyat na paghihirap at mga panganib at dahil ang katawan ng mga babae ay likas na mahina kaysa sa mga lalaki, bukod dito ay mayroon mga kadahilanan, katulad ng pagbubuntis, pagreregla, pangangalaga ng bata, o ilang karamdaman, na higit niyang kailangan ang tulong at serbisyo. Sa pangkalahatan ang babae ay likas ding maramdamin at madali silang madala ng kanilang emosyon kaysa sa katotohanan, at sila ay madaling mabuyo ng kanyang kapaligiran gaya ng mga walang prinsipyong tao at walang damdaming kalalakihan na naghahanap ng mabibiktima. Ang Propeta ng Allah (saw) ay nagpahiwatig dito sa pinakamaliwanag na kasabihan ng sinabi niya sa isang lalaking kumakanta na may magandang panlalaking boses upang makatulong sa pagiging mabait (at hindi paggalaw) ng mga sinasakyan at nakataling mga hayop, katulad ng kinagawian ng mga manlalakbay: “Umalis kayo ng dahan dahan, 'O Anjashah', ikaw ay nagpupumilit sa maselang babasagin.” (Bukhari) Ang salitang “maselang babasagin” ay naglalarawan sa likas na kaselanan at kahinaan ng mga babae na siyang pasahero sa karaban, na madaling masira at mabalisa. Alam nating lahat na mayroong mapag-imbot na pag-iisip, masasama at marahas na kalalakihan na nais magsamantala sa kahinahan at sa paglalakbay na pag-iisa ng mga babae. Ang mga makasalanang kalalakihan ay maaaring interesado sila sa pagnanakaw, pandaraya, pangrarahuyo, o panggagahasa. Samakatuwid, ang babae ay nangangailangan ng isang tao na tutulong, magliligtas at mangangalaga at upang ibigay ang lahat ng tulong na kailangan niya habang siya ay naglalakbay, at tutulong sa kanya na masawata ang mga estranghero at ang mga taong maaaring mapagsamantala. Ang “mahram” ng isang babae sa Islam ay nagbibigay ng kaligtasan at pagsilbihan ng may higit na katapatan dahil ito ang likas nilang tungkulin, na gagantimpalaan ng Allah (swt). Makikita natin na maraming makabagong lipunan ang mayroong katulad na alituntunin tungkol sa pagbabantay sa mga babae sa paglalakbay, ngunit kadalasan pinapayagan nila ang ibang tao maliban sa “mahram” bilang bantay sa babae dahil hindi nila binibigyan ng kaibahan ang pagitan ng "mahram" at di-mahram sa kanilang mga kultura na nagbubunga ng mga kasaysayang kakilakilabot. Samakatuwid, sa ganitong linya ng pangangatuwiran, ang pagbabawal sa babae na maglakbay mag-isa, at may pag-uutos na dapat siyang may kasamang lalaki bilang maging “mahram,” ay hindi ito nakakahiyang pagbabawal o insulto sa abilidad ng babae, subali't sa katotohanan ito ay pagkakaroon ng karangalan na siya ay pinagsisilbihan, pinangangalagaan at binigyan ng kasamang lalaki na nakahandang maglingkod una para sa kapakanan ng babae kaysa sa pansariling pangangailangan

KATARUNGAN, PAGKAPANTAY-PANTAY AT WALANG-KINIKILINGAN

Ang mga lalaking may asawa ng higit sa isa ay nararapat na magsagawa ng katarungan, pagkapantay-pantay at walang kinikilingan sa pakikitungo sa kanilang mga asawa. Nasasakop dito ang panustos, pananamit, pamamahay at ang pagbabahagi ng oras, pagmamalasakit at ang pakikipagtalik. Ang Dakilang Allah ay nagsabi: “At kung kayo ay nangangamba na hindi makaganap na maging makatarungan sa mga babaeng ulila, kaya't magsipag-asawa ng ibang kababaihan na inyong mapusuan, (mula sa) dalawa, o tatlo, o apat; datapwa’t kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makaganap na maging makatarungan (sa kanila), kung gayon ay mag-asawa lamang ng isa, o kung ano ang angkin ng inyong kanang kamay (ang inyong bihag o aliping babae). Ito ay higit na mabuti sa inyo upang kayo ay hindi mabulid sa paggawa ng walang katarungan. ”(Qur’an 4:3) Ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi: “Sinuman ang may dalawang asawa at kinikilingan ang isa ngunit di sinasang-ayunan ang isa (hindi nagbibigay ng pantay na pakikitungo) siya ay darating sa Araw ng Paghuhukom na nalalaglag (paralitiko) ang isang bahagi ng katawan. "(Tirmidhi, Hakim atbp. at napatotohanan) Ito ay nangangahulugan na ang lalaki ay dapat magpakita ng katarungan, walang kinikilingan at pantay sa lahat ng kanyang asawa. Siya ay binabalaan sa parusang katakut-takot na maging paralitiko at ang pagiging kapangitan niya (nalalaglag ang isang bahagi ng katawan) sa Kabilang Buhay, gaya ng paglumpo niya sa karapatan ng isa sa kanyang mga asawa sa mundong ito. Hindi makatarungan sa isang lalaki na taratuhin ng masama ang kanyang asawa sa kahit na anong uri ng pang-aabuso, pagpapahirap, panggugulo, pang-iinsulto, pananakit, ang paglustay sa kanyang mga yaman, pagpipigil sa paglabas sa tahanan mula sa legal na pagliliwaliw, atbp., na ito ay pagtatangka upang piliting ibayad niya ang lahat ng kanyang mga pag-aari bilang pantubos sa kanyang asawa upang sa ganoon siya ay palalayain sa pamamagitan ng diborsyo. Pinahihintulutan ng Islamikong batas ang lalaki na magtakda ng panghihigpit sa kanyang asawa kung siya (babae) ay nagpapakita ng malaswang gawain o gumagawa ng nakakahiya at nakarurungis sa kanyang karangalan at ng kanyang pamilya, at nakakasira sa buong lipunan at sa katahimikan nito. Ang layunin ng panghihigpit na ito ay upang manumbalik ang tamang kaasalan. Ang mga babaeng nagpapatuloy sa pagkilos ng kalaswaan, na umaakay sa pag-iisip ng pagsasagawa ng kawalan ng pananampalataya ay dapat alukin ng diborsyo, gaya ng kanyang karapatang humingi ng "Khul'a", ang paghingi ng (babae) ng pagwawalang saysay ng kontrata sa kasal dahil sa masamang asal.

ANG IMAHINASYON O PAG-IISIP NG LALAKI O BABAE SA LARAWAN O ANYO NG IBANG TAO

Bawal (haram) bagkus maituturing na isang pangangalunya, ayon sa karamihan sa mga pantas; Al-Hanafiyah, Al-Malikiyah, Al-Hanabilah at kabilang sa mga Al-Shafi’eyah (Kaawaan sila ng Allah). Ang katwiran nila ay ang isang rule o basihan sa Jurisprudence, ang pag-iiwas sa mga bagay na maaaring hahantong sa hindi inaasahang pangyayari (Saddu Al-Zhara’ee). Kabilang sa kanila ay inihalintulad ito sa isang isyu kung ang isang tao ay iinom ng tubig na nasa baso at ang isa-isip niya ay alak, magiging bawal din sa kanya ang tubig na iyon. Hindi bawal (Ja’iz), ayon sa pinaka- tamang pananaw ng mga pantas na Al-Shafi’eyah (Kaawaan sila ng Allah), na ang katwiran nila ay isang Hadith ni Propeta Mohammad (Sumakanya ang kapayapaan) “Katotohanang ang Allah ay nilalampasan Niya ang pansariling usapan ng kalooban ng aking mga Umma”. Hindi bawal subalit nararapat na iwasan (makrooh), ayon sa kay Ibno Al-Bazri. Mabuti (mustahabb), ayon sa nabanggit ni Ibn Al-Hajj na pananaw ng ibang mga pantas. Kaya, sa ating pag-aaral sa mga pananaw ng mga pantas nakikita natin na higit na mainam na ito ay iwasan, sapagkat ang pagkagumon o pagkasanay sa pag-iisip (imagine) sa ibang tao, sa katagalan ay maaaring hahantong sa hindi inaasahang pangyayari o maaaring ito ay mapaghahanap.

ANG PAG-AASAWA NG BABAENG ANGKAN NG KASULATAN AT ANG PAG-AASAWA NG BABAENG HINDI ANGKAN NG KASULATAN:

ANG PAG-AASAWA NG BABAENG ANGKAN NG KASULATAN: Ipinahihintulot sa isang lalaking Muslim na magasawa ng babaeng angkan ng kasulatan tulad ng mga babaeng Hudyo o Kristiyano, sapagkat sila ang nabanggit sa Banal na Qur-ân na tinatawag sa wikang arabik na "Ahlol Kitaab" mga angkan o di kaya'y mga ginawaran ng kasulatan. Sabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-ân: At ang mga pagkain (kinatay) ng mga angkan ng kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay ipinahihintulot (halaal) sa inyo at ang inyong mga pagkain (kinatay) ay ipinahihintulot (halaal) din sa kanila; at (ipinahihintulot sa inyo) ang mga malilinis na babae mula sa mga babaeng nananampalataya at ang mga malilinis na babae mula sa kanilang mga angkan ng kasulatan (mga babaeng Hudyo at Kristiyano) na nauna sa inyo. Qur-ân 5:5. Ngunit, hindi ipinahihintulot sa isang babaeng Muslimah na mapangasawa ng lalaking hindi Muslim maging ito man ay Hudyo o Kristiyano o maging ano pa man na pananampalatayang kinaaaniban nito. ANG PAG-AASAWA NG BABAENG HINDI ANGKAN NG KASULATAN: Hindi ipinahihintulot sa isang lalaking Muslim na mag-asawa ng babaeng hindi kabilang sa mga angkan ng kasulatan (hindi Hudyo at hindi rin Kristiyano) tulad ng mga babaeng nagtatambal sa Allah (SWT), sumasamba ng mga diyus-diyosan o ano pa man na pananampalatayang kinaaaniban nito. Sabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-ân: Ayon sa kahulugan ng talatang ito: At huwag ninyong pakasalan (O kayong mga Muslim!) ang mga babaeng nagtatambal sa Allah hanggang sa sila ay sumampalataya, at katiyakang ang isang babaeng alipin na nananampalataya ay mas mainam kaysa sa babaeng (malaya na) nagtatambal sa Allah kahit na siya ay nakagaganyak pa sa inyo. Qur-ân 2:221.

"HABANG BATA PA"

Bilang tayo ngayon ay nasa kabataan pa ng ating buhay, ito ang mga panahon na dapat nating pagdesisyonan sa ating buhay para sa kinabukasan. Ito ang dahilan, importante na ilagay ang Islam sa ating buhay habang tayo ay bata pa at malakas. May mga tao na ang kanilang pananaw ay ganito, na saka na lamang daw nila isagawa ang pagiging Muslim pag tumanda na akala nila ay nasisigurado nila na aabut pa sila sa pagtanda dahil ang kamatayan natin ay biglang dumarating sa atin. Siguro, marahil ikaw at ako ganito rin ang pananaw sa buhay... Ngunit tingnan nyo, di ba pag gusto nating maging isang magaling at maging tanyag na basketball player, magsisimula tayong maglaro ng basketball habang bata pa?upang habang lumalaki tayo you will become better and better. Ngunit kung magsimula kang maglaro ng basketball na uugod ugod na meaning matanda na, sa palagay mo ba magiging magaling kang player? O makakapaglaro ka pa ba? That's the reality. When we become old, we won't have enough energy to even stand up and pray. Because youth is the prime time of your life, ito ang dahilan na habang tayo ay nasa kabataan simulan na natin ang pagsamba sa Allah. Naalala nyo yung isang hadith? Na ang Allah (swt) ay may inihanda na sisilungan sa araw ng paghuhukom para sa mga tao na sa panahon ng kanilang kabataan ay ginugol nila sa pagsamba sa Allah, sa araw na yun na kung saan walang ibang masisilungan laban sa tindi ng init ng araw, kundi ang lilim lamang ng Allah. My brothers and sisters, You and I are all weak in terms of keeping our duties to Allah and Allah is aware of that. Ang nais ng Allah ay lagi tayong magsumikap na patatagin ang ating pagsamba sa Kanya Let us make a small promise to Allah right now, na magsisimula na tayong isagawa ang mga kautusan na siyang dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo.

Ang Pagpili sa Babaeng Mapapangasawa

pinag-utos sa sinumang lalaking nagnanais na mag-asawa na pumili ng babaeng kanyang mapapangasawa. Narito ang ilan sa mga katangian ng babae na itinagubilin ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam) na dapat piliin: 1. Ang babaeng palaanakin at mapagmahal. Ayon kay Anas na anak ni Mâlik (Raḍi-Allǎhu Ànhu) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Pangasawahin (pakasalan) ninyo ang (babaeng) palaanakin na mapagmahal sapagkat katotohanang ipagdadami (o ipagmamalaki) ko kayo sa mga Propeta sa araw ng paghuhukom.” Iniulat ang Ⱨadeeth na ito ni Imâm Aⱨmad. Tingnan ang Subulos Salâm Sharⱨ Buloogh Al-Marâm, Ⱨadeeth 3/920, Ikatlong Bahagi, Pahina 113. 2. Ang babaeng may salapi, may magandang asal, may itsura at higit sa lahat ay relihiyosa, gayon man, ang pagkarelihiyosa ng isang babae ay magiging sapat na. Ayon sa ama ni Hurairah (Raḍi-Allǎhu Ànhu), sinabi ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Pinakakasalan ang isang babae para sa apat na bagay (o dahilan): para sa kanyang salapi, sa kanyang kaasalan, sa kanyang kagandahan at sa kanyang relihiyon, at gawin mong magiging sapat na upang iyong piliin ang (babaeng) may pagkarelihiyosa dahil maaalabukan ang iyong dalawang kamay (kapag hindi mo ito pinili).” Napagkasunduan ang Ⱨadeeth na ito nina Al-Bukhâri at Muslim, Tingnan ang Subulos Salâm Sharⱨ Buloogh Al-Marâm, Ⱨadeeth 4/921, Ikatlong Bahagi, Pahina 113. Ang ibig sabihin ng “maaalabukan ang iyong dalawang kamay” ay bilang panalangin upang dumanas ng paghihirap ang isang lalaking nagnanais na mag-asawa sa babaeng walang pagkarelihiyosa. Tingnan ang Fiqhos Sunnah, Ikalawang Bahagi, Pahina 14, Paalaala sa ibaba.

ANG KABUTIHAN NG PAGSUNOD NG BABAE SA KANYANG ASAWA:

Mga kapatid sa pananampalatayang ISLAM gaano po ba kahalaga ang pagsunod sa isang HABILIN ng isang asawa lalo na ang HABILIN ng LALAKI sa asawa niyang BABAE?.... May isang babae sa panahon ng Propeta Muhammad (saw) ay sumama sa pakikipaglaban ang kanyang asawa. Ibinilin ng lalaki na huwag siyang lalabas ng bahay hanggat hindi sya dumating. Sa panahon na wala ang lalaki ay nagkataong nagkasakit ang ama ng babae at ipinatawag siya ng kanyang ama. At dahl sa bilin ng kanyang asawa ay hindi niya malaman ang kanyang gagawin kung pupunta ba siya o hindi sa kanyang ama na may sakit, kaya nagtungo sya sa bahay ni Propeta Muhammad (saw) upang magtanung. Sinabi niya kay Propeta Muhammad (saw) ang tungkol sa habilin ng kanyang asawa at ang kalagayan ng kanyang ama. At sinabi ni Propeta Muhammad (saw) ay: "sundin mo ang bilin ng iyong asawa". Malungkot ang babae ngunit wala siyang magawa. Sa pangalawang pagkakataon lumala ang sakit ng kanyng ama at ipinatawag siya uli ng kanyang ama at ganon din ang kanyang ginawa. Muli nagtanung siya kay Propeta Muhammmad (saw), subalit ganun pa rin ang sagot ng Propeta sa kaya "sundin mo ang bilin ng iyong asawa". wala siyang nagawa. Sa pangtlong pagkakataon ay naghihingalo na ang kanyang ama, kaya muli nag punta siya kay Propeta Muhammad(saw) subalit ganon pa rin ang sagot ng Propeta Muhmmad (saw) sa kanya, "sundin mo ang bilin ng iyong asawa". Namatay ang kanyang ama na hindi man lang niya nakita. Wala siyang nagawa kundi umiyak na lang at sundin ang utos ni Propeta Muhammad (saw). At sa pagkakataon yun, sinabi ni Propeta Muhammad (saw) na: "huwag kang malungkot dahil pinatawad na ng Allah ang kasalanan ng iyong ama dahil sa pagtupad mo sa habilin ng iyong asawa. ayun sa ilang HADEETH ng Propeta Muhammad (saw) kanyang sinabi: وقال النبي محمد (ص) : "إن أفضل سلوك لديهم أفضل الإيمان ، وأفضل لديك لهم ألطف لزوجاتهم". (الترمذي) Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang may pinakamahusay na pananampalataya ay silang may pinakamahusay na pag uugali; at ang pinakamahusay sa inyo ay silang pinakamabait sa kanilang mga asawa." (Tirmidhi). وقال النبي محمد (ص) : "إذا كان قد مات سيدة وترك زوجته راضية أو يرضى عنه، وقال انه سيدخل الجنة". (الترمذي) Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Kung ang isang ginang ay namatay at iniwan ang asawang nasisiyahan o nalulugod sa kanya, siya ay makapapasok sa Paraiso." (Tirmidhi). النبي محمد (ص) قال : "إذا كان يحدث لي أي أمر الدرع أن يسجد لأحد غير الله، قل لي سيدة أمرت بالسجود لزوجها." (الترمذي) Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Kung mangyari mang ipag utos ko kaninuman na magpatirapa sa iba bukod sa Allah, ipag uutos ko sa ginang na magpatirapa sa kanyang asawa." (Tirmidhi). Sa panahon natin ngayon mga kapatid, may makikita pa ba tayo na ganito katapat na babae? Maaaring OO subalit out of 10 woman 3-4 lang makikita natin, dahil sa panahon ngayon, ang mga kababaihan kumukuha na at ginagawa ang kanilang gusto maging labag man ito sa kagustuhan ng kanyang asawa. Minsan nagiging dahilan pa ng pag-away niya sa kanyang asawa pag hindi siya pinayagang magpunta sa mga party,, birthday at minsan sa Club o diskohan... Kadalasan mas may lakas na loob pang takasan ang kanyang asawa.... Humayo ka kapatid na Muslimah..kumilos ka ng mahinhin at may pagkamahiyain... Pangalagaan mo ang iyong karangalan at dignidad bilang isang Muslimah,, ang paglalahad mo ng iyong katawan sa madla ay isang uri ng paglapastangan mo sa yung karangalan at karangalan ng iyong asawa ...ang yung kagandahan at gayak ay para sa yung asawa lamang at hindi para sa mata ng mga ibang kalalakihan. Maging huwuran sa iba makinig at sumunod sa asawa ang pagsunod sa asawa ay tanda ng totoong pagmamahal at malasakit sa iyong kabiyak tanda rin ito ng pagsunod kay Allah...Inshaa'allah KAYA ANO MANG HABILIN NG ASAWA O UTOS NIYA BASTA HIND SALUNGATAT SA ISLAM KAILANGAN SUMUNOD KA UPANG SA GANOON ANG PAGSASAMA AY MAGING MAAYOS AT MASAGANA MAKAKATANGGAP KA DIN NG BIYAYA SA ALLAH(SWT).

Share