AKING MGA SITES
Thursday, February 19, 2015
Ang mga Babaeng Bawal Mapangasawa - Mahram
Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin
Ang mga Babaeng Bawal Mapangasawa: Mahram
Ang mga babaeng bawal mapangasawa ng lalaki ay dalawang pangkat: ang mga babaeng ipinagbabawal mapangasawa kailanman at ang mga babaeng ipinagbabawal mapangasawa ng pansamantala.
Sa pamantayang Shari'ah, ang pag-aasawa sa pagitan ng babae at lalaki na may kaugnayan sa isa't isa ay ipinagbabawal. Ang mga ipinagbabawal na ito ay may dalawang uri: ang panghabang buhay at ang pansamantala.
I. Ang habang-buhay na bawal mapangasawa ay tatlong uri:
A. Ang mga babaeng ipinagbawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa dugo.
Sila ay pito at binanggit ng AllahU sa Qur'an:
"Ipinagbawal sa inyo na mapangasawa ang inyong mga ina, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga kapatid na babae, ang inyong mga tiyahin sa ama, ang inyong mga tiyahin sa ina, ang mga anak na babae ng inyong kapatid na lalaki, ang mga anak na babae ng inyong kapatid na babae,…" [Qur’an, 4:23]
1. Kabilang sa "mga ina" ang ina at ang mga lola sa ama at ina.
2. Kabilang sa "mga anak na babae" ang mga anak na babae sa maybahay, ang mga anak na babae ng anak na lalaki, ang mga anak na babae ng anak na babae, at ang mga babaeng sa kaapu-apuhan nila.
3. Kabilang sa "mga kapatid na babae" ang mga kapatid na babae sa ama't ina, ang mga kapatid na babae sa ama, at ang mga kapatid na babae sa ina.
4. Kabilang sa "mga tiyahin sa ama" ang mga tiyahin-sa-ama, ang mga tiyahin-sa-ama ng ama, ang mga tiyahin-sa-ama ng mga lolo, ang mga tiyahin-sa-ama ng ina, at ang mga tiyahin-sa-ama ng mga lola.
5. Kabilang sa "mga tiyahin sa ina" ang mga tiyahin-sa-ina, ang mga tiyahin-sa-ina ng ama, ang mga tiyahin-sa-ina ng mga lolo, ang mga tiyahin-sa-ina ng ina, at ang mga tiyahin-sa-ina ng kanyang mga lola.
6. Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na lalaki" ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama't ina, ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama, ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ina, at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki at babae.
7. Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na babae" ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama't ina, ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama, ang mga anak na babae ng kapatid sa ina, at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki at babae.
B. Ang mga babaeng bawal mapangasawa kailanman dahil sa kaugnayang batay sa pagpapasuso.
Sila ay tulad ng mga babaeng bawal mapangasawa kailanman dahil sa ugnayang batay sa dugo. Nagsabi ang Propetar:
"[Ang babaeng] ipinagbabawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa pagpapasuso ay gaya ng [babaeng] ipinagbabawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa dugo."
Subali't may mga kundisyon bago magkaroon ng kaugnayan batay sa pagpapasuso. Ang mga kundisyong ito ay ang mga sumusunod:
1. Kinakailangang sumuso ang isang sanggol nang limang beses o higit pa sa isang babaeng hindi nito ina. Kaya kung sakaling sumuso ito nang apat na beses lamang o mababa pa, ang babaeng sinusuhan ay hindi magiging ina nito sa gatas.
2. Kinakailangang ang pagpapasuso ay bago nagdalawang taon ang sanggol. Ang ibig sabihin nito'y kailangang ang lahat ng limang pagpapasuso ay bago nagdalawang taon ang sanggol. Kaya kung ang limang beses na pagpapasuso ay matapos nagdalawang taon ang bata, o kung ang limang pagpapasuso ay sinimulan bago nagdalawang taon at natapos matapos nagdalawang taon, ang babaeng sinusuhan ay hindi nito magiging ina sa gatas.
Kapag natupad ang mga kundisyon ng pagpapasuso, ang bata ay magiging anak na ng babaeng sinusuhan at ang mga anak nito ay magiging mga kapatid niya, nauna man sila sa kanya o nahuli sila sa kanya. Ang may-ari ng gatas[1] ay magiging ama niya at ang mga anak nito ay magiging mga kapatid niya, anak man angla ng babaeng nagpasuso sa kanya o anak sa ibang babae. Kailangang mabatid dito na ang mga kamag-anak sa dugo ng batang pinasuso, maliban pa sa mga magiging anak niya, ay walang kaugnayan sa mga naging kamag-anak niya sa gatas at walang anumang epekto sa kanila ang pagpapasuso sa kanya.
C. Ang mga babaeng bawal mapangasawa dahil napangasawa ng mga malapit na kamag-anak
1. Ang mga maybahay ng ama at mga lolo. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang babaeng ito ay bawal nang mapangasawa ng kanyang mga anak, ng mga anak ng kanyang mga anak na lalaki at babae, at ng mga kaapu-apuhan nila, nakatalik man niya ang babaeng ito o hindi.
2. Ang mga maybahay ng mga anak. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang babaeng ito ay bawal nang mapangasawa ng kanyang ama, ng kanyang mga lolo sa ama o sa ina, at ng kanyang mga kanunu-nunuan—dahil lamang sa pagpapakasal dito at kahit pa man hindi niya nakatalik ito.
3. Ang ina at ang mga lola ng maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang ina at ang mga lola sa ama at ina nito ay bawal nang mapangasawa niya—dahil lamang sa pagpapakasal dito at kahit pa man hindi niya nakatalik ito.
4. Ang mga anak ng maybahay, ang mga anak ng mga anak na lalaki at babae nito at ang mga kaapu-apuhan nila. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae at nakatalik niya ito, ang mga anak nito at ang mga anak ng mga anak na lalaki at babae nito at mga kaapu-apuhan nila ay naging bawal nang mapangasawa niya, walang ipinagkaiba kung angla man ay mula sa unang asawa ng kanyang maybahay o sa naging asawa nito nang nagkahiwalay angla. Subali't kung naganap ang paghihiwalay nila bago nagkaroon ng pagtatalik, hindi ipinagbabawal na mapangasawa niya angla.
II. Ang mga Pansamantala Bawal Mapangasawa
A. Ang kapatid ng maybahay, ang tiyahin nito sa ama, at ang tiyahin nito sa ina hanggang hindi sila pinaghiwalay ng kamatayan o naghiwalay sa isa’t isa at natapos na ang 'Iddah nito.
B. Ang babaeng nasa 'Iddah dahil sa dating asawa nito. Kapag ang babae ay nasa kanyang 'Iddah dahil sa dating asawa nito na ibang lalaki, hindi ipinahihintulot sa isang lalaki na pakasalan ito hanggang hindi natatapos ang 'Iddah nito at hindi rin ipinahihintulot sa kanya na alukin ito ng kasal.
C. Ang babaeng nasa estado ng Ihram ng Hajj o 'Umrah. Hindi ipinahihintulot sa kanya na magpakasal dito hanggang hindi natatapos ang Ihram nito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment