AKING MGA SITES
Thursday, February 19, 2015
Bakit bawal gamitin ng babae ang apelyedo ng lalaki o kanyang asawa?
Tugon:..... Sang-ayon sa hukumang lupon ng taga-hatol sa Islam, ang Muslim na babae, pagkatapos ng kasal, ay mananatiling gamit niya ang kanyang apelyido. Batay sa turo at batas ng Islam, bawal na gamitin ng babae ang apelyido ng kanyang asawa pagkatapos ng kasal. Kung masusing pag-aaralan ang tungkul dito, mauunawaan na malaki ang pagpapahalaga sa dignidad, karangalan at respetong ipinagkaloob na kalayaan sa babae ng Islam. Ang pagsasakatuparan nito ay bilang pangangalaga sa makatarungang karapatan at pagkapantay pantay ng lalaki at babaeng Muslim mahilan sa pagpapanatili at paggamit ng kani-kanilang pangalan. Minamabuti ito kaysa gamitin ng babae ang pangalan ng lalaki pagkatapos ng kasalan. Ang isa sa mga karaniwan na pagkakamali na nagagawa ng mga bagong kasal na Muslim ay ang palitan ang apelyido na taglay ng babae na nagmula sa kanyang ama at ipagamit sa kanya ang apelyido ng kanyang napangasawa. Sa katotohanan, mula sa mga pangunahing pangangailangan na pinangangalagaan sa lahat ng relihiyon sa buong kasaysayan ay ang pagpapanatili ng ‘angkan ng tao’, ang lahi na kanyang pinagmulan. At ang Islam, bilang siyang pangwakas at ang kabuoan ng lahat ng mga naunang pahayag ay nagbigay ng malinaw na pag-uutos tungkol sa bagay na ito, ng sabihin ni Allaah (subhanahu wa ta’ala): ادْعُوهُمْ لِآبائِهِمْ هُوَ أَقْسَطُ عِنْدَ اللَّهِ “Tawagin ninyo sila [ang inyong mga inampon] sa pangalan ng kanilang ama, at ito ay mas makatarungan at matuwid sa paningin ng Allâh (subhanahu wa ta’ala),” [33:5] Ang isang Muslim ay kinakailangan na panatilihin ang pangalan ng kanyang ama, ganoon din ang apelyido nila.. Ang pagpapangalan na ito sa paraang Islaamiko ay napakahalaga kung kaya nga si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ay nagbigay babala sa mga tao na pinapalitan ang pangalan ng kanilang ama, at ito ay mayroong masaklap na kapalit: مَنِ ادَّعَى إِلَى غَيْرِ أَبِيهِ، وَهُوَ يَعْلَمُ أَنَّهُ غَيْرُ أَبِيهِ، فَالْجَنَّةُ عَلَيْهِ حَرَامٌ “Sinoman ang ipakilala/italaga ang kanyang sarili na anak ng iba at hindi ng kaniyang totoong ama, gayong alam niya na hindi siya ang totoo niyang ama, ang Paraiso ay ipagbabawal sa kanya!” [al-Bukhaaree and Muslim] Malinaw nating nakita na ang pagpapalit ng pangalan sa paraan na ang pangalan ng kanyang ama/apelyido ng pamilya ay mababalewala na, AY IPINAGBABAWAL, at hindi natin dapat akayin sa paggawa ng isang malaking kasalanan ang kababaihang Muslimah upang maipagamit lamang sa kanila ang apelyido ng kanilang asawa, sapagkat ang gawaing ito ay maglalayo sa kanila at magiging dahilan upang maging ‘iba/dayuhan’ sila sa kanilang magulang at malalapit na kamag-anak. TANONG: Paano naman kung may masamang kahulugan sa Islaam ang pangalan ng kanilang ama, maaari na ba nila itong palitan? SAGOT NI Shaykh ‘Abdul-’Azeez ibn Baaz (rahimahullaah):Ang pangalan/apelyido ng ama ay pananatilihin dahil ito ay bahagi ng pangalan ng anak. Tayo ay mayroong napakagandang halimbawa na dapat nating sundan mula mismo sa Sugo ni Allaah (salallaahu alayhi wa salam), kung saan ang kanyang lolo na si ‘Abdul-Muttalib, ay ang PANGALAN ng pagsamba sa diyos-diyosan. Ang pagsamba sa mga idolo sa Kabah sa Makkah ay mas kilala sa tawag na “ang relihiyon ni ‘Abdul-Muttalib”. Ang Sugo ni Allaah (salallahu alayhi wa salam) ay tunay na namumuhi sa pagsambang ito sa mga diyos-diyosan, at pinalaya niya ang kanyang sarili mula rito simula ng tanggapin niya ang misyon ng Islaam, hanggang sa kahuli-hulihang sandali, NGUNIT ang pangalan ng kanyang lolo ay nanatili pa rin na nakakabit sa kanyang pangalan, at ito ay hayagan niyang sinasabi: أَنَا النَّبِيُّ لاَ كَذِبْ، أَنَا ابْنُ عَبْدِ المُطَّلِبْ “Ako ay isang Propeta, walang kasinunga lingan doon; ako ang apo ni ‘Abdul-Muttalib.” [al-Bukhaaree and Muslim] Kaya KAPATID NA MUSLIMAH, huwag mong hayaan na ikaw ay magkasala dahil lamang sa paggamit mo sa pangalan ng iyong asawa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment