Pages

Thursday, February 19, 2015

ANG MAHRAM: HIGIT NA PINANGANGALAGAHAN ANG BABAE:

Ang Paglalakbay ng Babae ng Walang Kasamang (Pangunahing Kamag-anak) na Lalaki: Ang Propeta (saw) ay nagsabi: “Ang babae ay di dapat maglakbay ng mag-isa na walang kasamang lalaki na 'mahram' (pangunahing kamag-anak na hindi niya maaaring mapangasawa o pakasalan). Sino mang lalaki ay pinagbabawalang pumasok sa bahay ng babae kung walang kasamang 'mahram'. May lalaking tumayo at tinanong ang Propeta ng Allah (saw): “O Sugo ng Allah! Ang asawa ko ay mag-Hajj (pagdalaw sa Makkah), habang gusto kong lumahok sa digmaan, ano ang gagawin ko?” Ang Propeta ng Allah (saw) ay nagsabi : “Samahan mo ang iyong asawa (sa pagdalaw sa Makkah para sa Hajj).” (Iniulat ni Bukhari) Ang layunin ng alituntuning ito ng Islam ay upang maging malaya mula sa kasamaan at panggugulo, sa gayon para mapanatili at mapangalagaan ang kanyang karangalang karapatan. Ang paglalakbay ay may kagyat na paghihirap at mga panganib at dahil ang katawan ng mga babae ay likas na mahina kaysa sa mga lalaki, bukod dito ay mayroon mga kadahilanan, katulad ng pagbubuntis, pagreregla, pangangalaga ng bata, o ilang karamdaman, na higit niyang kailangan ang tulong at serbisyo. Sa pangkalahatan ang babae ay likas ding maramdamin at madali silang madala ng kanilang emosyon kaysa sa katotohanan, at sila ay madaling mabuyo ng kanyang kapaligiran gaya ng mga walang prinsipyong tao at walang damdaming kalalakihan na naghahanap ng mabibiktima. Ang Propeta ng Allah (saw) ay nagpahiwatig dito sa pinakamaliwanag na kasabihan ng sinabi niya sa isang lalaking kumakanta na may magandang panlalaking boses upang makatulong sa pagiging mabait (at hindi paggalaw) ng mga sinasakyan at nakataling mga hayop, katulad ng kinagawian ng mga manlalakbay: “Umalis kayo ng dahan dahan, 'O Anjashah', ikaw ay nagpupumilit sa maselang babasagin.” (Bukhari) Ang salitang “maselang babasagin” ay naglalarawan sa likas na kaselanan at kahinaan ng mga babae na siyang pasahero sa karaban, na madaling masira at mabalisa. Alam nating lahat na mayroong mapag-imbot na pag-iisip, masasama at marahas na kalalakihan na nais magsamantala sa kahinahan at sa paglalakbay na pag-iisa ng mga babae. Ang mga makasalanang kalalakihan ay maaaring interesado sila sa pagnanakaw, pandaraya, pangrarahuyo, o panggagahasa. Samakatuwid, ang babae ay nangangailangan ng isang tao na tutulong, magliligtas at mangangalaga at upang ibigay ang lahat ng tulong na kailangan niya habang siya ay naglalakbay, at tutulong sa kanya na masawata ang mga estranghero at ang mga taong maaaring mapagsamantala. Ang “mahram” ng isang babae sa Islam ay nagbibigay ng kaligtasan at pagsilbihan ng may higit na katapatan dahil ito ang likas nilang tungkulin, na gagantimpalaan ng Allah (swt). Makikita natin na maraming makabagong lipunan ang mayroong katulad na alituntunin tungkol sa pagbabantay sa mga babae sa paglalakbay, ngunit kadalasan pinapayagan nila ang ibang tao maliban sa “mahram” bilang bantay sa babae dahil hindi nila binibigyan ng kaibahan ang pagitan ng "mahram" at di-mahram sa kanilang mga kultura na nagbubunga ng mga kasaysayang kakilakilabot. Samakatuwid, sa ganitong linya ng pangangatuwiran, ang pagbabawal sa babae na maglakbay mag-isa, at may pag-uutos na dapat siyang may kasamang lalaki bilang maging “mahram,” ay hindi ito nakakahiyang pagbabawal o insulto sa abilidad ng babae, subali't sa katotohanan ito ay pagkakaroon ng karangalan na siya ay pinagsisilbihan, pinangangalagaan at binigyan ng kasamang lalaki na nakahandang maglingkod una para sa kapakanan ng babae kaysa sa pansariling pangangailangan

No comments:

Post a Comment

Share