Pages

Thursday, February 19, 2015

ANG IMAHINASYON O PAG-IISIP NG LALAKI O BABAE SA LARAWAN O ANYO NG IBANG TAO

Bawal (haram) bagkus maituturing na isang pangangalunya, ayon sa karamihan sa mga pantas; Al-Hanafiyah, Al-Malikiyah, Al-Hanabilah at kabilang sa mga Al-Shafi’eyah (Kaawaan sila ng Allah). Ang katwiran nila ay ang isang rule o basihan sa Jurisprudence, ang pag-iiwas sa mga bagay na maaaring hahantong sa hindi inaasahang pangyayari (Saddu Al-Zhara’ee). Kabilang sa kanila ay inihalintulad ito sa isang isyu kung ang isang tao ay iinom ng tubig na nasa baso at ang isa-isip niya ay alak, magiging bawal din sa kanya ang tubig na iyon. Hindi bawal (Ja’iz), ayon sa pinaka- tamang pananaw ng mga pantas na Al-Shafi’eyah (Kaawaan sila ng Allah), na ang katwiran nila ay isang Hadith ni Propeta Mohammad (Sumakanya ang kapayapaan) “Katotohanang ang Allah ay nilalampasan Niya ang pansariling usapan ng kalooban ng aking mga Umma”. Hindi bawal subalit nararapat na iwasan (makrooh), ayon sa kay Ibno Al-Bazri. Mabuti (mustahabb), ayon sa nabanggit ni Ibn Al-Hajj na pananaw ng ibang mga pantas. Kaya, sa ating pag-aaral sa mga pananaw ng mga pantas nakikita natin na higit na mainam na ito ay iwasan, sapagkat ang pagkagumon o pagkasanay sa pag-iisip (imagine) sa ibang tao, sa katagalan ay maaaring hahantong sa hindi inaasahang pangyayari o maaaring ito ay mapaghahanap.

No comments:

Post a Comment

Share