Pages

Thursday, February 19, 2015

ANG PAG-AASAWA NG BABAENG ANGKAN NG KASULATAN AT ANG PAG-AASAWA NG BABAENG HINDI ANGKAN NG KASULATAN:

ANG PAG-AASAWA NG BABAENG ANGKAN NG KASULATAN: Ipinahihintulot sa isang lalaking Muslim na magasawa ng babaeng angkan ng kasulatan tulad ng mga babaeng Hudyo o Kristiyano, sapagkat sila ang nabanggit sa Banal na Qur-ân na tinatawag sa wikang arabik na "Ahlol Kitaab" mga angkan o di kaya'y mga ginawaran ng kasulatan. Sabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-ân: At ang mga pagkain (kinatay) ng mga angkan ng kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay ipinahihintulot (halaal) sa inyo at ang inyong mga pagkain (kinatay) ay ipinahihintulot (halaal) din sa kanila; at (ipinahihintulot sa inyo) ang mga malilinis na babae mula sa mga babaeng nananampalataya at ang mga malilinis na babae mula sa kanilang mga angkan ng kasulatan (mga babaeng Hudyo at Kristiyano) na nauna sa inyo. Qur-ân 5:5. Ngunit, hindi ipinahihintulot sa isang babaeng Muslimah na mapangasawa ng lalaking hindi Muslim maging ito man ay Hudyo o Kristiyano o maging ano pa man na pananampalatayang kinaaaniban nito. ANG PAG-AASAWA NG BABAENG HINDI ANGKAN NG KASULATAN: Hindi ipinahihintulot sa isang lalaking Muslim na mag-asawa ng babaeng hindi kabilang sa mga angkan ng kasulatan (hindi Hudyo at hindi rin Kristiyano) tulad ng mga babaeng nagtatambal sa Allah (SWT), sumasamba ng mga diyus-diyosan o ano pa man na pananampalatayang kinaaaniban nito. Sabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-ân: Ayon sa kahulugan ng talatang ito: At huwag ninyong pakasalan (O kayong mga Muslim!) ang mga babaeng nagtatambal sa Allah hanggang sa sila ay sumampalataya, at katiyakang ang isang babaeng alipin na nananampalataya ay mas mainam kaysa sa babaeng (malaya na) nagtatambal sa Allah kahit na siya ay nakagaganyak pa sa inyo. Qur-ân 2:221.

No comments:

Post a Comment

Share