AKING MGA SITES
Thursday, February 19, 2015
KATARUNGAN, PAGKAPANTAY-PANTAY AT WALANG-KINIKILINGAN
Ang mga lalaking may asawa ng higit sa isa ay nararapat na magsagawa ng katarungan, pagkapantay-pantay at walang kinikilingan sa pakikitungo sa kanilang mga asawa. Nasasakop dito ang panustos, pananamit, pamamahay at ang pagbabahagi ng oras, pagmamalasakit at ang pakikipagtalik. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“At kung kayo ay nangangamba na hindi makaganap na maging makatarungan sa mga babaeng ulila, kaya't magsipag-asawa ng ibang kababaihan na inyong mapusuan, (mula sa) dalawa, o tatlo, o apat; datapwa’t kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makaganap na maging makatarungan (sa kanila), kung gayon ay mag-asawa lamang ng isa, o kung ano ang angkin ng inyong kanang kamay (ang inyong bihag o aliping babae). Ito ay higit na mabuti sa inyo upang kayo ay hindi mabulid sa paggawa ng walang katarungan.
”(Qur’an 4:3)
Ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi:
“Sinuman ang may dalawang asawa at kinikilingan ang isa ngunit di sinasang-ayunan ang isa (hindi nagbibigay ng pantay na pakikitungo) siya ay darating sa Araw ng Paghuhukom na nalalaglag (paralitiko) ang isang bahagi ng katawan.
"(Tirmidhi, Hakim atbp. at napatotohanan)
Ito ay nangangahulugan na ang lalaki ay dapat magpakita ng katarungan, walang kinikilingan at pantay sa lahat ng kanyang asawa. Siya ay binabalaan sa parusang katakut-takot na maging paralitiko at ang pagiging kapangitan niya (nalalaglag ang isang bahagi ng katawan) sa Kabilang Buhay, gaya ng paglumpo niya sa karapatan ng isa sa kanyang mga asawa sa mundong ito.
Hindi makatarungan sa isang lalaki na taratuhin ng masama ang kanyang asawa sa kahit na anong uri ng pang-aabuso, pagpapahirap, panggugulo, pang-iinsulto, pananakit, ang paglustay sa kanyang mga yaman, pagpipigil sa paglabas sa tahanan mula sa legal na pagliliwaliw, atbp., na ito ay pagtatangka upang piliting ibayad niya ang lahat ng kanyang mga pag-aari bilang pantubos sa kanyang asawa upang sa ganoon siya ay palalayain sa pamamagitan ng diborsyo.
Pinahihintulutan ng Islamikong batas ang lalaki na magtakda ng panghihigpit sa kanyang asawa kung siya (babae) ay nagpapakita ng malaswang gawain o gumagawa ng nakakahiya at nakarurungis sa kanyang karangalan at ng kanyang pamilya, at nakakasira sa buong lipunan at sa katahimikan nito. Ang layunin ng panghihigpit na ito ay upang manumbalik ang tamang kaasalan. Ang mga babaeng nagpapatuloy sa pagkilos ng kalaswaan, na umaakay sa pag-iisip ng pagsasagawa ng kawalan ng pananampalataya ay dapat alukin ng diborsyo, gaya ng kanyang karapatang humingi ng "Khul'a", ang paghingi ng (babae) ng pagwawalang saysay ng kontrata sa kasal dahil sa masamang asal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment