Pages

Thursday, February 19, 2015

Bakit palagi tayo naka tingin sa iba?

Bakit palagi natin ikinukumpara ang ating katayuan sa katayuan sa buhay ng iba? Siya ay mataas ang sahod bakit ako kunti lang sahod ko? Kabago bago pa lang niya pero mas mataas na ang position niya kay sa akin? Mga katanungan na nagbibigay sa atin ng walang katahimikkan sa pag-iisip. basahin mo ito kapatid ang maikli kung kuwento para mapanatag ang iyong kalooban: Ang Doctor at ang Mekaniko: Isang araw nag-papaayos ng sasakyan ang isang surgeon (doctor) sa bantog na Mekaniko, habang ina ayos ng mekaniko ang sasakyan ng doctor, nagtanong sa doctor kung pwede siya magtanung ng importanting katanungan pero sa kanya ay importante ito talaga, ang sagot ng doctor, sige ano ung tanung mo? Mekaniko: napapansin ko doc na meron tayo pagka similarity ng trabaho, ikaw doctor ka ng tao,ako naman ay doctor ng sasakyan, pero bakit napakalayo agwat ng ating sahod? Napakalaki ng kita ninyo samantala kami kahit ilang sasakyan ang ma ayos naming ay kunti lang ang bayad… Doctor: tama ka manong, pero subukan mo kaya i overhaul ang makina ng sasakyan na habang ito ay umaandar, dahil kaming mga doctor inu operahan namin ang tao na hindi na kailangan pang patayin…. Mekano: aahhhh, hindi naming kaya doc. Kailangan patayin namin muna ang makina bago ito i overhaul

No comments:

Post a Comment

Share