Pages

Sunday, January 17, 2016

ANO ANG MAGAGAWA SA LOOB NG ISANG MINUTO?

Katanungan:
Sa ating opisina at pinagtatrabahuan, nahihirapan tayong humanap ng oras para magsagawa ng mga kilos pagsamba at ilan pang mga mabubuting gawa. Ano ang maaaring gawin sa kaunting oras na ating masusumpungan sa ating maghapon? Paano natin ito magagamit?
Kasagutan:
Magbigay ng Papuri sa Allaah.
Ang oras ay sadyang mahalaga upang sayangin o hindi bigyang-pansin. Ang taong matalino ay yaong pinahahalagahan ang kanyang oras at hindi niya ito itinuturing na sisidlang paglalagyan ng mga bagay at pananalitang walang halaga at kapakinabangan. Sa halip, ginagamit niya ito sa pagsasagawa ng mga kabutihang kalulugdan ng Allaah at makatutulong sa ibang tao. Ang bawa’t minuto sa buhay ng isang tao ay maaaring makapag-angat ng kanyang katayuan at makapagdulot ng kasiyahan sa ibang tao.
Kung nais makamit ang pinakamataas na katayuan at makapagbigay-saya sa ibang tao, tanggalin sa isipan ang pasasawalang-bahala at iwasan ang walang-kabuluhang pag-aaliw.
Sa loob ng isang minuto, marami maisasagawang kabutihan at makakamit na gantimpala. Sa pamamagitan ng pagbibigay-limos, pag-aaral, pagsasaulo, o pagsisikap sa paggawa ng kabutihan, makatitiyak ang sinuman na ang isang minutong ito sa buhay ay hindi nasayang. Ang isang minuto ay maitatala sa talaan ng mabuting gawa sa sinumang may kaalaman kung paano ito gagamitin at iingatan.
Gawin ang makakaya upang magamit nang maayos ang bawa’t isang minuto. Kung makaligtaan ito, hindi malayong makaliligtaan din ang pinakamahalagang bagay—ang katotohanan.
May mga bagay na maaaring gawin sa loob ng isang minuto, sa kapahintulutan ng Allaah:
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Soorat al-Faatihah ng 3 ulit nang tahimik. May ilang pantas na nagsasabi na ang gantimpala sa pagbabasa ng al-Faatihah ay mahigit sa 600 hasanaat. Kaya sinumang nakapagbasa ng 3 ulit, sa kapahintulutan ng Allaah, magkakamit siya ng 1800 hasanaat—lahat sa loob lamang ng isang minuto.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Soorat al-Ikhlaas ng 20 ulit nang tahimik. Ang pagbigkas nito ng 1 ulit ay katumbas ng 1/3 ng Qur’an. Kung binasa ito ng 20 ulit, katumbas ito ng pagbabasa ng Qur’an ng 7 ulit. Kaya kung babasahin ito ng 20 ulit sa isang minuto sa bawat araw, mababasa ito ng 600 ulit sa loob ng isang buwan, at 7200 ulit sa loob ng isang taon, at ang lahat ng ito ay katumbas ng gantimpala na makukuha mula sa pagbabasa ng Qur’an ng 2400 ulit.
Maaaring basahin ang isang pahina ng Qur’an sa loob ng isang minuto. Maaari ring isaulo ang isang ayah ng Qur’an sa loob ng isang minuto.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Laa ilaaha ill-Allaah wahdahu laa shareeka-lahu lahu’l-mulk wa lahu’l-hamd wa huwa ‘ala kulli shay’in qadeer (Walang tunay na Diyos na karapat-dapat samabahin maliban sa Allaah at wala Siyang katambal; sa Kanya ang Kapangyarihan at Pagpupuri, at Siya ang makagagawa ng lahat ng bagay) ng 20 ulit. Ang gantimpalang makukuha mula sa pagbigkas nito ay katulad ng pagpapalaya ng 8 alipin para sa Allaah.
Sa loob ng isang minuto, maaari mong bigkasin ang Subhaan Allaahi wa bi hamdhi (Ang Luwalhati at Pagpupuri ay sa Allaah) ng 100 ulit. Sinumang bumigkas nito sa isang araw ay mapapatawad ang kanyang mga kasalanan kahit na ang mga ito ay kasing-dami ng mga bula sa dagat.
Sa loob ng isang minuto, maaari mong bigkasin ang ang Subhaan Allaahi wa bi hamdihi Subhaan Allaah il-Azeem (Ang Kaluwalhatian at Pagpupuri ay sa Allaah, Ang Luwalhati ay sa Allaah, Ang Pinakamakapangyarihan) ng 50 ulit. Ang dalawang pangungusap na ito na sadyang magaan sa dila ay mabigat sa timbangan at kinalulugdan ng Allaah, ang Maawain, ayon sa salaysay nina al-Bukhaari at Muslim.
Ang Propeta (Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) ay nagsabi: “Kapag binigkas ko ang Subhaan Allaah, wa’l-hamdu Lillah, wa laa ilaah ill-Allaah, wa Allaahu akbar (Ang Kaluwalhatian ay sa Allaah, ang Pagpupuri ay sa Allaah, walang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allaah, at ang Allaah ang Dakila),’ ito ay higit na kalugud-lugod sa akin kaysa anumang bagay na sinisikatan ng araw. (Isinalaysay ni Muslim). Sa loob ng isang minuto maaaring bigkasin ang mga salitang ito ng 18 ulit. Ang mga salitang ito ay sadyang kinalulugdan ng Allaah, ang pinakamainam sa Allaah, at mabigat sa timbangan ng mabubuting gawa, ayon sa salaysay sa saheeh al ahaadeeth.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Laa hawla wa laa quwwata illa Billaah (walang lakas at kakayahaan maliban sa Allaah) nang mahigit sa 40 ulit. Ito ay isa sa mga kayamanan ng Paraiso, ayon sa salaysay nina al-Bukhaari at Muslim. Ito rin ay pamamaraan upang makayanan ang mga pagsubok at paghihirap at ang pag-aasam na makamtan ang mga dakilang bagay.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang La illaaha ill-Allaah ng 50 ulit. Ito ang pinakadakilang salita sapagka’t ito ang salita ng Tawheed, ang mabuting salita, ang salitang nananatiling matatag. Kapag ito ang huling salitang binanggit na isang tao bago siya mamatay, siya ay papasok sa Paraiso, at may iba pang mga salaysay na nagpapatunay kung gaano kadakila ang salitang ito.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Subhaan Allaahi wa bi hamdih, ‘adada khalqihi, wa ridaa nafsihi, wazinata ‘ashihi , wa midaada kalimaatihi (Ang Luwalhati at Pagpupuri ay sa Allaah, tulad sa bilang ng Kanyang mga nilikha, tulad sa kung ano ang ninanais Niya, tulad ng timbang ng Kanyang trono, at tulad ng tinta ng Kanyang mga Salita) ng higit sa 15 ulit. Ang mga salitang ito ay magkakaloob ng maraming bilang na gantimpala kaysa ibang mga tasbeeh at dhikr, ayon sa salaysay sa saheeh alhaadeeth ng Propeta (Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam).
Sa loob ng isang minuto, maaaring humingi ng kapatawaran sa Allaah ng mahigit 100 ulit sa pamamagitan ng pagbigkas ng “Astaghfiru'llaah (Humihingi ako ng tawad sa Allaah). Ang kabutihan ng paghingi ng tawad ay hindi lingid sa ating kaalaman sapagka’t ito ay paraan ng pagkakamit ng kapatawaran at pagpasok sa Paraiso. Ito rin ang paraan ng pagkakamit ng magandang buhay, pagkakaroon ng karagdagang lakas, pag-iwas sa mga sakuna, pagpapadali sa mga bagay-bagay, pagbuhos ng ulan, at karagdagang ari-arian at mga anak.
Maaaring bumigkas ng iilan nguni’t makahulugang mga salita sa loob ng isang minuto, magdudulot ang Allaah ng mga mabubuting bagay bunsod nito nang hindi mo aakalain.
Sa loob ng isang minuto, maaaring humingi ng biyaya para sa Propeta ((Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) nang 50 ulit sa pamamagitan ng pagbigkas ng Sall-Allaahu ‘alayhi wa sallam (Nawa’y pagpalain siya ng Allaah at dulutan siya ng kapayapaan). Kapalit nito, pagkakalooban ng Allaah ang sinumang bumigkas nito ng 500 ulit na biyaya dahil ang isang biyaya ay katumbas ng 10 ulit na tulad nito.
Sa loob ng isang minuto, maaaring hikayatin ang iyong puso na magpasalamat sa Allaah, mahalin Siya, matakot sa Kanya, umasa nang dahil sa Kanya, at maglakbay sa mga baitang ng ‘uboodiyyah (pangkalahatang pagkaalipin para sa Allaah). Magagawa mo ito kahit habang nakahiga sa iyong higaan o kaya'y habang naglalakad sa daan.
Sa loob ng isang minuto, maaaring magbasa ng dalawang pahina ng isang mahalagang aklat o babasahin na madaling intindihin.
Sa loob ng isang minuto, maaaring patatagin ang bukluran ng iyong pamilya at kamag-anakan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila sa telepono.
Maaaring itaas ang iyong mga kamay at humiling o magsagawa ng du’a sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbigay salaam sa ilang bilang ng tao sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbawal ng isang masamang gawain sa loob ng isang minuto.
Maaaring manghikayat ng isang mabuting gawain sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbigay ng isang matapat na payo sa isang kapatid sa loob ng isang minuto.
Maaaring gawing magaan ang loob ng isang kapatid na nakararanas ng kalungkutan, sa loob ng isang minuto.
Maaaring alisin ang isang bagay sa daan na maaaring makapinsala, sa loob ng isang minuto.
Ang paggawa ng bagay na makabuluhan sa loob ng isang minuto ay maghihikayat sa iyo upang umiwas sa mga bagay na maaaring makapag-aksaya sa iyong oras.
Si Shaafa’i (nawa’y kalugdan siya ng Allaah) ay nagsabi: Kapag ang mga tao ay matutulog na, hinahayaan kong tumulo ang aking mga luha at binibigkas ko ang pinaka mahuhusay na talata – Qur’an.
Hindi ba pag-aaksaya na hayaang lumipas ang mga gabi nang hindi nadaragdagan ang ating kaalaman, samantalang ang oras na ito ay nabibilang sa ating buhay?
At ang panghuli, kung gaano ang ating katapatan sa Allaah at kung gaano natin Siya nakikilala, ganoon din karami ang bilang ng ating gantimpala at makararagdag sa ating hasanaat.
Pakaisipin natin na ang mga gawaing ito ay hindi nangangailangan ng anuman mula sa atin, ni hindi ito nangangailangan ng Tahaarah (kadalisayan) at ni hindi ito nakapapagod. Sa halip, maaari itong gawin kahit tayo’y naglalakad o nasa loob ng sasakyan, nakahiga, nakatayo, nakaupo, o habang may hinihintay.
Ang mga pagkilos na ito ay kabilang sa mga paraan upang magkamit ng kaligayahan, nakapagpapaaliwalas sa dibdib (sa pamamagitan ng pagdudulot ng ginhawa at lugod) at nakapagtatanggal ng kapaguran at pagkabalisa. Nawa’y tulungan tayo ng Allaah na maisagawa ang mga bagay na Kanyang kinalulugdan at nagugustuhan. At nawa’y igawad Niya ang Kanyang biyaya sa ating Propeta Muhammad.
ANO ANG MAGAGAWA MO SA LOOB NG 10 MINUTO?
Naririto ang listahan ng sampung bagay na hindi nangangailangan ng mahigit sa 10 minuto ng ating oras. Kung mauunawaan lamang natin ang kaligayahang maidudulot nito sa ating buhay dito sa daigdig at maging sa kabila, gugugulin natin ang ating buhay sa paggawa ng mga ito:
1. Magsagawa ng 2 rakaat (Salatul Duha) sa anumang oras sa pagitan ng pagsikat ng araw at bago dumating ang Salatul Dhuhr.
Si Abu Hurayrah, radi Allahu anhu ay nagsabi, “Ang aking khaleel, ang Sugo ng Allah ay nagpayo sa akin na gawin ang tatlong bagay: (1) Na ako ay mag-ayuno ng 3 araw sa bawa’t buwan, (2) na magsagawa ng 2 rakaat ng Duha, at (3) Na ako ay magsagawa ng Witr bago matulog. (Bukhari at Muslim).
2. Ipagdasal ang RasulAllah (S.A.W.)
Ang Propeta ((Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) ay nagsabi: “Sinuman ang ipinagdarasal ako ng kahit minsan, binibiyayaan ng Allah ang taong iyon ng 10 ulit (nang dahil sa kanyang dasal).” (Muslim).
3. Ulitin ang sinasabi ng Mu’adhdhin.
Si Abdullah ibn Amr ay nagsalaysay: May isang lalaki na nagsabi: “O Sugo ng Allah, ang mga taong tumatawag ng pagdarasal ay nakatatanggap nang higit na maraming gantimpala kaysa sa amin.”
Kaya tumugon ang Sugo ng Allah: “Sabihin mo kung ano ang kanilang sinasabi, at kapag ika’y natapos, manalangin (du’a) ka ng kahit ano at ito ay ipagkakaloob sa iyo.” (Abu Dawood).
4. Bigkasin ang SubhanAllah nang 100 ulit.
Si Mus’ab ibn Sa’d ay nagsabi: Nasabi sa akin ng aking ama na noong kasama niya ang Sugo ng Allah, siya ay nagsabi: “Mayroon bang isa sa inyo na may kakayahang magkamit ng 1000 hasanaat (mabubuting gawa) araw-araw? Hayaan siyang magsagawa ng Tasbeeh (SubhanAllah) ng 100 ulit at ito ay maitatala sa kanya bilang 1000 hasanaat o 1000 na kasalanan ay maaalis sa kanyang talaan.” (Muslim).
5. Maglaro kasama ng iyong mga anak alang-alang sa Allah.
Si Jabir ay nagsalaysay: Kasama namin ang Sugo ng Allah, na papunta sa isang paanyaya upang kumain nang madaanan namin si Al-Husayn na naglalaro sa daraanan kasama ang ibang batang Ansar. Ang Sugo ng Allah, ay naglakad nang higit na mabilis upang habulin ito at makipaglaro. Inilabas niya ang kanyang kamay upang kunin ito ngunit si Al-Husayn ay tumakbo at tuwang-tuwang naghumiyaw, hanggang sa mahuli siya ng Sugo ng Allah. Matapos ito, hinawakan ng Sugo ng Allah ang baba ni Al-Husayn sa isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa ulo nito, at hinalikan niya ito at niyakap. (Bukhari).
6. Magsagawa ng Du’a nang madalas sa panahon ng kaginhawaan.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Sinuman ang humihiling sa Allah na dinggin ang kanyang mga pagdarasal sa oras ng kalamidad at paghihirap, hayaang dagdagan niya ang kanyang pagdarasal sa mga oras ng kaginhawaan.” Tirmidhi at Al Hakim).
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Sinuman sa inyo na matapos maisagawa ang kanyang wudu ay magsabi: ‘Ash hadu an laa ilaaha illaa Allaah, was ashhadu anna Muhammadan ‘Abduhu wa Rasooluh (Sumasaksi ako na walang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay kanyang alipin at Sugo), ang walong tarangkahan ng Jannah ay magbubukas para sa kanya at hahayaan siyang pumasok sa alin man dito na kanyang nanaisin.” (Muslim)
7. Kunin ang telepono at tawagan ang iyong ina (o sinumang malapit na kamag-anak) at sabihin sa kanila kung gaano mo sila kamahal.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Ang Wasil (Sinumang tumutupad sa mga karapatan ng kanyang mga kamag-anak) ay hindi yaong gumagawa ng mabuti sa mga miyembro ng kanyang pamilya kapag ang mga iyon ay gumagawa ng mabuti sa kanya, bagkus ang Wasil ay yaong itinatakwil ng mga miyembro ng kanyang pamilya subali’t ginagawan pa rin niya ang mga ito ng kabutihan.” (Bukhari).
8. Sa loob ng kaunting minuto, bigyang pansin at magmuni-muni sa mga nakabibighaning mga likha ng Allah, ang iyong mga mata, ang iyong boses, at ang iyong buong katawan. Ang Allah ay nagsasabi sa Qur’an:
“At sa mundo ay mga palatandaan para sa mga may katiyakan (sa pananampalataya). At sa inyong mga sarili, hindi ba kayo makakakita (at mag-iisip)? (Az-Zariyat 51:20-21)
9. Magbahagi ng iyong pagkain sa iba.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “O Abu Dharr! Kung magluluto ko ng sabaw, dagdagan mo ito ng tubig, hanapin ang iyong mga kapitbahay at bigyan sila nito.” (Muslim).
10. Ipanalangin (du’a) ang iyong kapatid sa panahong siya ay wala.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Kapag ang isang tao ay nagdarasal para sa kanyang kapatid sa panahong siya ay wala (at hindi niya nalalaman), isang anghel (na naririnig ang du’a) ang sumasagot: ‘Ameen! Nawa’y bigyan ka rin ng Allah ng katulad nito.’
Katunayan, kapag ang mga Sahaabah at Taabi’een ay nagnanais na magkaroon kaagad ng kasagutan ang kanilang du’a, hihilingin rin nila ang bagay na iyon para sa kanilang kapatid upang ang anghel ay sumagot ng, ‘Ameen! Nawa’y bigyan ka rin ng Allaah ng katulad nito.’
InshaAllah gawin natin ang mga ito, at nawa'y kahit papaano’y makakuha tayo ng isang bagay mula sa listahang ito na maisasagawa natin sa mga susunod na araw o linggo. At pagkatapos na ito ay makasanayan at gawin nang palagian, sumubok uli tayo na isa pa at atin itong ipagpatuloy. Ito ang pamamaraan upang tayo ay patuloy na sumibol.


Ang Babae Bilang Asawa

Ang Dakilang Allah, ay nagsabi sa Qur'an:
“At kabilang sa Kanyang mga Tanda; na kayo ay nilikha Niya para sa inyo ang inyong mga kabiyak (asawa) mula sa inyong sarili, upang inyong madama ang katahimikan sa kanila, at inilagay Niya sa inyong puso ang pag-ibig at awa sa isa’t isa. Katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na may matiim na pagmumuni-muni.
"(Qur’an 30:21)
Isa sa dakilang palatandaan ng Kagandahang-Loob, ng Pagpapala at Kapangyarihan ng Allah (U) ay ang paglikha niya para sa sangkatauhan ay ang magkapareha (mag-asawa) para sa isa't isa, upang sila ay magkaroon ng kaginhawahan, kapahingahan, kasiyahan at pangangalaga mula sa isa't isa.
Ipinagdiinan ng Propeta (r) ang kahalagahan ng kasal ng kanyang sinabi at pinatunayan na:
“Sinuman ang nag-asawa ay nakaganap siya sa kalahati ng kanyang relihiyon, kaya't dapat niyang katakutan ang Allah sa nalalabing bahagi.
" ” (Tabrani at napatotohanan)

Ang Mahar (Dote o Handog)

Isang pangunahing haligi at pundasyon sa lipunan ay ang pamilya, at silang mag-asawa ay ang magkasama sa pamilya na kung saan itinatag ang Islamikong tahanan. Para sa tagumpay ng pamilya at sa katahimikan ng tahanan, itinakda ng Islam sa mag-asawa ang kanilang tungkulin at karapatan. Ilalahad namin ang mga karapatan ng babae sa mga sumusunod na pahina.
Ang Mahar ay isang karapatan ng bawa't babae sa oras ng kasal. Ang kasunduan sa kasal ay hindi ituturing na legal at maging ganap hanggang sa ang Mahar ay hindi tiyak o sinasang-ayunan. Ang karapatang ito ay hindi maaaring alisin o mawala, kahit pa sang-ayunan ng babaing ikakasal, hanggang sa maganap ang kasunduan. Ang Mahar ay para sa babaeng ikakasal at siya ay mayroong karapatan kung ano man ang kanyang gawin sa kanyang mga ari-arian pagkaraang maganap ang kasunduan sa kasal.
Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Qur'an:
“At ibigay sa kababaihan na inyong mapapangasawa ang kanilang Mahr (dote) ng may pagmamahal. Datapwa’t kung kanilang ipaubaya nang lubusan sa inyo ang anumang bahagi nito, kung gayon, tanggapin ninyo ito ng buong kasiyahan at walang pangamba o kinatatakutan.
”(Qur’an 4:4)
Ang asawang lalaki ay hindi pinapahintulutang bawiing muli ang Mahar kung siya ay nagpasiyang magdiborsyo, gaya ng sinabi ng Dakilang Allah sa Banal na Qur'an:
“Datapwa’t kung inyong ninanais na palitan ng iba ang inyong kabiyak na babae at kayo ay nagbigay (noon) sa isa sa kanila ng malaking yaman bilang Mahr (dote), huwag ninyong bawiin kahit na ang pinakamaliit nito. Inyo baga itong babawiin ng may kamalian at walang karapatan, at (kayo) ay gagawa ng lantad na kasalanan? At papaano ninyo ito babawiin kung kayong dalawa ay nagsiping na sa isa’t isa, at sila ay kumuha sa inyo nang matatag at taimtim na kasunduan?” (legal na kasal…) (Qur’an 4:20-21)
Ang talata na ito ay palatandaan, isang makahulugan, sa pagka-sagrado ng pangako sa kasal at ang pagka-palagayan loob ng ugnayan ng ikinasal at ang karapatang hindi ibabalik ang ibinigay na mahar kung may diborsyo. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
“O kayong nagsisisampalataya! Kayo ay pinagbawalan na inyong ariin ang mga babae nang sapilitan at sila ay huwag ninyong pakitunguhan ng may kagaspangan upang inyong mabawi ang bahagi ng Mahr (dote) na inyong ipinagkaloob sa kanila, maliban na lamang kung sila ay nagkasala ng lantad na kahalayan (pakikiapid). At kayo ay mamuhay sa kanilang piling ng may dangal. At kung sila ay inyong kasuyaan, marahil ay nasusuya kayo sa isang bagay, at ang Allah ay maghahatid sa inyo sa pamamagitan nito ng maraming kabutihan.
” (Qur’an 4:19)
Ang talatang ito ay nagbibigay katiyakan sa karapatan ng babae at lubos na katarungan kung sakaling inayawan siya ng lalaki sa anumang dahilan. Ito ay inilahad sa pinatunayang tradisyon ng Propeta na sinabi ni Abu Hurairah (t) na ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi:
“Ang mananampalataya ay hindi dapat kapootan ang babaeng mananampalataya (i.e.: ang kanyang asawa): kung mayroong mga bagay na hindi nais ng lalaking asawa, katiyakan na mayroong din pagnanais sa ibang katangian nito.
" (Bukhari)

Ang Pagtustos sa Pananalapi

Ang lalaki ay nararapat magbigay ng marangal at sapat na pagkabuhay ng kanyang pamilya at ayon sa kanyang kalagayan at hanap-buhay (kinikita). Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“Hayaan ang lalaki na may kakayahan ay gumugol ng ayon sa kanyang kakayahan, at ang lalaki na ang pinagkukunan (ng kabuhayan) ay sapat-sapat lamang, hayaang gumugol siya ng ayon sa anumang ipinagkaloob sa kanya ng Allah. Ang Allah ay hindi magbibigay ng pasakit o dalahin sa isang tao nang higit sa ipinagkaloob Niya sa kanya. At ang Allah ang magkakaloob, matapos ang kahirapan, ng kaginhawahan.” (Qur’an 65:7)
Kung ang mayamang lalaki ay hindi gumagastos para sa kanyang pamilya ayon sa kanyang kakayahan, at ang asawang babae ay nakakuha ng bahagi ng kanyang yaman… maaari siyang kumuha ng sapat na panggastos sa pangangailangan niya at ng kanyang mga anak na walang nasisira o pag-aaksaya. Si Hind bint 'Utbah ay pumunta sa Propeta (r) na isinusumbong ang kanyang asawang si Abu Sufuyan, at sinabi:
“Ang aking asawa ay kuripot at ayaw gumastos sa akin at sa aming mga anak. Ang Sugo ng Allah ay sumagot, 'kumuha ka (mag-umit) ng anumang makakasapat sa iyo at sa iyong mga anak." (Bukhari)
Kung ang asawang lalaki ay may suliraning pananalapi at hindi niya kayang tuparin ang pangangailangang pananalapi ng kanyang pamilya o kung iniwan siya ng kanyang asawa sa mahabang panahon at nasaktan ito ng dahil sa pagkakalayo niya, ang babae ay may karapatang magsampa ng karaingan sa korte upang ipawalang-saysay ang kasal nila. Ito ay batay sa sinabi ng mga dalubhasa sa batas ng Islam. Ang Propeta (r) ay nagpaliwanag tungkol sa karapatang ito:
“Matakot sa Allah sa mga (bagay tungkol sa) kababaihan dahil sila ay inyong natamo sa pamamagitan ng panunumpa sa Allah, at sila ay inyong nakapalagayang- loob na at nasipingan dahil sa banal na salita ng Allah; ang inyong karapatan ay dapat walang makakapasok o makakaupo sa inyong kama (o silyang may almuhadon) kung hindi ninyo gusto, at kung ito ay nangyari, magkagayon saktan ninyo nang bahagya, at ang kanilang karapatan ay ang pakainin at bihisan ninyo sila sa loob ng tamang hangganan.
”(Muslim at Abu Da`wood)
Ang Propeta (r) ay nagsabi sa kanyang kasamahan na si Sa’ad ibn Abi Waqas (t):
“Walang anumang bagay na inyong ginugugol sa inyong pamilya na hindi magagantimpalaan mula sa Allah, kahit na ang isang subo ng pagkain na inyong ibibigay sa inyong asawa.
"(Bukhari)

Katarungan, Pagkapantay-Pantay at Walang-Kinikilingan

Ang mga lalaking may asawa ng higit sa isa ay nararapat na magsagawa ng katarungan, pagkapantay-pantay at walang kinikilingan sa pakikitungo sa kanilang mga asawa. Nasasakop dito ang panustos, pananamit, pamamahay at ang pagbabahagi ng oras, pagmamalasakit at ang pakikipagtalik. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“At kung kayo ay nangangamba na hindi makaganap na maging makatarungan sa mga babaeng ulila, kaya't magsipag-asawa ng ibang kababaihan na inyong mapusuan, (mula sa) dalawa, o tatlo, o apat; datapwa’t kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makaganap na maging makatarungan (sa kanila), kung gayon ay mag-asawa lamang ng isa, o kung ano ang angkin ng inyong kanang kamay (ang inyong bihag o aliping babae). Ito ay higit na mabuti sa inyo upang kayo ay hindi mabulid sa paggawa ng walang katarungan.
”(Qur’an 4:3)
Ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi:
“Sinuman ang may dalawang asawa at kinikilingan ang isa ngunit di sinasang-ayunan ang isa (hindi nagbibigay ng pantay na pakikitungo) siya ay darating sa Araw ng Paghuhukom na nalalaglag (paralitiko) ang isang bahagi ng katawan.
"(Tirmidhi, Hakim atbp. at napatotohanan)
Ito ay nangangahulugan na ang lalaki ay dapat magpakita ng katarungan, walang kinikilingan at pantay sa lahat ng kanyang asawa. Siya ay binabalaan sa parusang katakut-takot na maging paralitiko at ang pagiging kapangitan niya (nalalaglag ang isang bahagi ng katawan) sa Kabilang Buhay, gaya ng paglumpo niya sa karapatan ng isa sa kanyang mga asawa sa mundong ito.
Hindi makatarungan sa isang lalaki na taratuhin ng masama ang kanyang asawa sa kahit na anong uri ng pang-aabuso, pagpapahirap, panggugulo, pang-iinsulto, pananakit, ang paglustay sa kanyang mga yaman, pagpipigil sa paglabas sa tahanan mula sa legal na pagliliwaliw, atbp., na ito ay pagtatangka upang piliting ibayad niya ang lahat ng kanyang mga pag-aari bilang pantubos sa kanyang asawa upang sa ganoon siya ay palalayain sa pamamagitan ng diborsyo.
Pinahihintulutan ng Islamikong batas ang lalaki na magtakda ng panghihigpit sa kanyang asawa kung siya (babae) ay nagpapakita ng malaswang gawain o gumagawa ng nakakahiya at nakarurungis sa kanyang karangalan at ng kanyang pamilya, at nakakasira sa buong lipunan at sa katahimikan nito. Ang layunin ng panghihigpit na ito ay upang manumbalik ang tamang kaasalan. Ang mga babaeng nagpapatuloy sa pagkilos ng kalaswaan, na umaakay sa pag-iisip ng pagsasagawa ng kawalan ng pananampalataya ay dapat alukin ng diborsyo, gaya ng kanyang karapatang humingi ng "Khul'a", ang paghingi ng (babae) ng pagwawalang saysay ng kontrata sa kasal dahil sa masamang asal.

Ang Pangangalaga at Pag-iingat sa mga Babae

Ang lalaki ay dapat pangalagaan at ingatan ang kanyang asawa at ang mga anak mula sa posibleng makakasama at kahalayan sa abot ng kanyang makakaya. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“O kayong nagsisisampalataya! Iadya ninyo ang inyong sarili at ang inyong mga kaanak sa Apoy (ng Impiyerno) na ang panggatong ay mga tao at bato, na rito ay nakatalaga ang mga angel na malupit at mahigpit na hindi sumusuway sa pagsunod sa anumang pag-uutos na kanilang tinanggap mula sa Allah, bagkus ay gumagawa ng ayon sa anumang sa kanila ay ipinag-uutos.
”(Qur’an 66:6)
Ang lahat ng pangangalaga mula sa kasamaan at kahihiyan na gawain ay kapuri-puri, datapwa't ang pagmamalabis dito ay hindi tinatanggap.
Ang Propeta (r) ay nagsabi:
"Mayroong mga ibang uri ng pagseselos na kapuri-puri sa Allah at mayroong namang ibang klase na Kanyang kinasusuklaman; ang uring gusto Niya ay ang mga gawaing mayroong pag-aalinlangan, at ang ayaw Niya ay nasa mga gawaing walang anumang pag-aalinlangan.
" (Ahmad, Abu Da`wood at Nisa`e)
Ang mga ibang uri ng pagseselos ay tinatanggap at kapuri-puri, subali't ang mga iba ay hindi, katulad ng paliwanag sa itaas ng Propeta ng Allah (r) at napatotohanan sa salaysay na ito:
“Katotohanang nagseselos ang Allah at ang mga mananampalataya ay nagseselos din at ang pagseselos ng Allah ay ang makita Niya ang mga mananampalataya na nagsasagawa ng kasamaan.
"(Bukhari, Muslim atbp.)
At sinabi rin niya (r):
“Mayroong Tatlong tao ang hindi makakapasok sa Paraiso: ang isang palasuway sa kanyang mga magulang; ang isang walang basehan at hindi kapuri-puring pagseselos (sa kanyang asawa); at ang babaeng gumagaya (at nagdadamit) ng parang lalaki.
" (Ahmed at napatotohanan)

Pakikitungo, Pag-aalaga at Katapatang Pagsasama

Ang lalaki ay dapat mabuhay sa kanyang asawa ng may karangalan, mabait at may paggalang. Dapat niyang mapanatili ang maganda, malinis at kasiya-siyang pagpapakita kung siya ay nagpapahinga sa pamamahay, katulad ng kagustuhan niya sa kanyang asawa, dahil dito lang nila maipapakita ang paggalang sa bawa't isa. Ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi, nag-utos at nagpaliwanag tungkol sa malawak na prinsipyo at sa magandang pagkatao at pag-uugali:
“Ang ganap na mananampalataya ay ang mga taong may pinaka-mabuting pag-uugali, at ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabait sa kanyang asawa.
” (Tirmidhi at Ibn Habbaan at napatotohanan)
Ang Sugo ng Allah (r) ay nag-aasikaso tuwina sa kanyang sariling mga damit at mga sapatos at tinutulungan niya ang kanyang mga asawa sa pang-araw-araw na gawain. Ang asawa niyang si Aishah (y) ay tinanong minsan:
“Ano ang ginagawa ng Sugo ng Allah (r) kung siya ay nasa bahay." Siya ay sumagot: 'Siya ay nagsisilbi at tumutulong tuwina sa kanyang kasambahay, at kung narinig niya ang tawag sa pagdarasal, siya ay lilisan mula sa pamamahay (upang magdasal).”
Ang Sugo ng Allah (r) ay palaging nakakawili, mabait at mapagmahal sa lahat, at paminsan-minsan siya ay nakikipaglaro at nagbibiro ng mapitagan sa miyembro ng kanyang pamilya. Ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi:
“Ang lahat ng bagay (gawain ng mga lalaki) na walang pag-alaala sa Allah ay isa lamang pagliliwaliw at paglalaro maliban sa tatlo: ang pakikipagkatuwaan sa kanyang asawa, ang pagsasanay sa kabayo, at ang pagsasanay sa paglangoy." (Nisa'e at napatotohanan)
Ang tradisyon na ito ay nagpapahiwatig na ang karamihan sa mga libangan at aliwan ay pinapalagay lamang na paglalaro, pag-aaksaya lamang ng panahon, magkagayon ay walang gantimpala, maliban sa mga nabanggit sa itaas na kapaki-pakinabang, naayon sa batas at gumaganap ng mga mahalagang layunin. Ang Propeta ng Allah (r) ay kilala bilang magiliw at mabait sa pakikipagbiruan sa kanyang pamilya at nakikipaglaro sa kanila. Isang halimbawa ng kanyang pakikipaglaro… nang si 'Aishah (y), ang ina ng mga mananampalataya, ay nagsalaysay:
'Ang Sugo ng Allah ay nakipaghabulan sa akin at tinalo ko siya bago ako tumanda at bumigat. Nang ako ay may edad na at bumigat, siya ay nakipaghabulan muli sa akin at siya ay nanalo. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi sa akin pagkaraang siya ay manalo:' "Ang pagkapanalo ko sa iyo ay nakapantay sa panalo mo noon.
" (Ahmed, Abu Dawood, Ibn Hibbaan at napatotohanan)
Iniulat na ang Sugo ng Allah (r) ay umuupo siya na kapiling ang kanyang pamilya at nakikipag-usap pansumandali at ipinapakita ang kabaitan bago matulog at pagkatapos ng pagsasagawa ng gabing pagdarasal. Sa napatotohanang tradisyon si Ibn 'Abbas (t) ay nag-ulat:
“Isang gabi, ako ay natulog sa bahay nina Maymunah (ang kanyang tiya na asawa ng Propeta,r) isang gabi – ang pagkakataong ito ay ang kanyang gabi – upang makita ang gabing pagsamba ng Propeta. Kinausap niya ang kanyang asawa ng matagal, at saka natulog. Pagkaraan siya ay bumangon sa gabing iyon at nagdasal gaya ng naitala ng Allah (U) para sa kanya."
Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
“Katiyakang nasa Sugo ng Allah (Muhammad) ang isang mahusay na halimbawa upang sundin ng sinuman na umaasa (ng Pakikipagtipan) sa Allah at sa Huling Araw, at (siya) na lagi nang gumugunita sa Allah.
”(Qur’an 33:21)
Magkagayon, ang Propeta ng Allah (r) ay siyang pinakamabuting halimbawa upang pamarisan nating lahat na sumasampalataya. Ang mga Muslim ay dapat sumunod sa yapak ng Propeta ng Allah (r) sa lahat ng bagay, personal o sa publiko, sa kanilang buong buhay.
Ang lahat ng mga sekreto ng kanilang mga asawa ay dapat ilihim at ang kanyang mga pagkakamali ay dapat itago. Ang mga kapakanan pang-pribado ay hindi dapat ipagsabi sa publiko o ipamalita, kahit sa pinakamalapit na kaibigan. Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi:
“Isa sa pinakamasamang tao sa harap ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli ay ang taong nakipagniig sa kanyang asawa o ang babaeng nakipagtalik sa kanyang asawa, at pagkatapos ang isa sa kanila ay ipinagsabi sa iba ang ginawang sarilinan.
"(Muslim atbp.)
Karapatan ng babaeng may asawa ang tumabi sa kanyang asawa sa gabi at makipagniig upang bigyang-kasiyahang (pang-sekswal) ang kanyang sarili. Ang karapatang ito ay siyang binibigyang diin ng Islam (ng katuparan), tulad ng paghahanap ng isang lalaki sa kanyang kasiyahan. Ang lalaki ay inuutusan at inuubligahan ng batas ng Islam upang bigyang-kasiyahan ang karapatan (pang-sekswal) ng kanyang asawa at upang mapigilan na mabulid ito sa nakakahiyang gawain (makipagtalik sa iba), huwag sanang ipahintulot ng Allah (U). Ang asawa, katulad ng ibang babae, ay nangangailangan ng ganap na pagmamahal, pagtatangi at ang natural na karapatan niya para sa kasiyahang pang-katawan.
Ipinagbabawal ng Islam sa mga lalaki ang pagsasagawa ng mga labis na pagdarasal at pag-aayuno (boluntaryo) na siyang dahilan ng di-pagsasagawa sa mga ubligasyon niya sa kanyang asawa gaya ng pang-sekswal at panglipunan pangangailangan. Isang tanyag na pangyayari kay Salman Al-Farisi (t) ang iniulat:
'Aking dinalaw ang isang kapatid sa pananampalataya na si Abu Darda (t) at nang dumating ako sa kanila, binati ako ng kanyang asawa na si Um Darda (t) na marumi ang hitsura at hindi maganda ang kasuotan. Tinanong ko siya ng makita ko siyang ganoon';
'Ano ang nangyari sa iyo; bakit ganyan ang kalagayan mo at hindi mo inaasikaso ang iyong asawa?' Sinabi niya: 'Ang kapatid mo, si Abu-Darda, ay wala nang interes sa mundo at sa mga kapakanan dito. Ginugugol niya ang gabi sa pagdarasal at ang araw sa pag-aayuno!'
Pagdating ni Abu-Darda (t), binati at tinanggap ng malugod si Salman (t) at binigyan siya ng makakain. Sinabi ni Salman (t): 'Bakit di ka sumalo sa pagkain ko? Sinabi ni Abu-Darda (t), 'Ako ay nag-aayuno.' Si Salman ay nagsabi: 'Sa Ngalan ng Allah, kailangan itigil mo ang iyong pag-aayuno at kumain ka na kasalo ko.'
Itinigil ni Abu-Darda (t) ang kanyang pag-aayuno at sila ay parehong kumain. Si Salman (t) ay natulog kila Abu-Darda (t) sa gabing iyon, at siya ay bumangon sa kalagitnaan ng gabi at magdarasal sana ng panggabing dasal subali't siya ay pinigil ni Salman (t) at sinabi:
"Ang iyong katawan ay may karapatan sa iyo, ang Panginoon mo ay may tiyak na karapatan sa iyo, at ang iyong pamilya ay may siguradong karapatan mula sa iyo. Mag-ayuno ka sa ilang araw at ihinto mo ang pag-aayuno sa ibang araw, lapitan mo ang iyong asawa (bilang relasyon ng mag-asawa). Bigyan ang bawat isa ng kani-kanilang karapatan."
At bago pumasok ang pagbubukang liwayway, pinahintulutan si Abu-Darda na tumayo upang magdasal. Silang dalawa ay tumayo, nag-ablusyon, at nagdasal at pumunta sa Masjid para magdasal ng 'Fajr' (Bukang Liwayway) na pagdarasal. Nang matapos ang pagdarasal na kasama ang Propeta (r), inilahad ni Abu-Darda ang lahat ng pangyayari kay Propeta (r). Ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi:
'Sinabi ang katotohanan ni Salman'.
(Bukhari atbp.)
Dahil sa pangangailangan ng asawa, ang lalaki ay hindi dapat maglakbay at lumayo sa tahanan ng mahabang panahon. Si Calipa Umar ibn Al-Khattab (t) pagkatapos magkunsulta sa kanyang anak na si Hafsa (y) tungkol sa haba ng panahon na maaaring ang babae ay magbata sa pagliban ng kanyang asawa, ay itinalaga ang panahong anim na buwan.
Si Abdur-Razaq atbp ay naglahad ng isang tanyag na pangyayari:
"Minsan isang gabi, si Umar ibn al-Khattab (t) ay naglalakad ng palibot at nakarinig siya ng panaghoy at pagdalamhati ng isang babae:
"Ang gabi ay humaba ng labis, at ang kanyang dulo ay madilim at maitim,
Ako ay hindi makatulog mula noong nawala kahit sinong makalaro, at walang nagmamahal,
Kung wala lamang (ang Panginoon) na ang Kanyang Trono ay nasa kaitaasan ng mga Langit,
Ang gilid nitong kama ay malululon, manginginig at mangaligkig!"
Kinaumagahan pinuntahan ni Umar (t) ang babae at tinanong ang dahilan ng kanyang tula. Siya ay sumagot na ang kanyang asawa ay sumama sa mga sundalo na may matagal na kampanya. Pagkaraan noon isinangguni ni Umar (t) sa kanyang anak na si Hafsa kung hanggang kailan makapagtitiis ang babae sa pagbabalik ng kanyang asawa. Pagkatapos ng ilang minutong pag-aalinlangan at kahihiyan, nakumbinse niyang ang katanungan ay para sa ikabubuti ng madlang Muslim, siya ay sumagot ng anim na buwan."
Pagkatapos nito, si Umar ay nagtakda ng kampanya na sa loob ng anim na buwan ay dapat makabalik sila sa kani-kanilang mga asawa.
Ang panahon na ito ay humigit-kumulang dahil ang pagkakataon ay posibleng maging maiksi, o kaya naman ay mapipilitan na higit pa rito. Ang babae ay maaaring magtiis sa pagliban ng kanyang asawa ng higit sa anim na buwan, o kaya ay maaari din naman niyang hinging sapilitan na bumalik ang kanyang asawa bago ang panahong iyon. Ang lalaki ay hindi puwedeng tumanggi sa paghingi bilang karapatan ng kanyang asawa bilang matuwid na kahilingan kung wala siyang balidong dahilan.
Ang lalaki ay hindi dapat gumawa ng anumang pasiyang pananalapi para sa kanyang asawa hanggat ang babae ay hindi nagbibigay ng pahintulot. Walang karapatan ang lalaki na kumuha ng anumang pag-aaring salapi ng babae hanggat walang siyang pahintulot.
Nararapat ding kumunsulta ang lalaki sa kanyang asawa tungkol sa malalaking pampamilyang kapasiyahan, sa mga gawain ng mga anak at sa pagdadamayang mga gawain. Hindi makatuwirang diktahan ng lalaki ang lahat ng kasambahay at hindi na pakinggan ang opinyon ng kanyang asawa, maliban ang opinion ng asawa ay mabuti at matalinong pasiya. Ang Propeta ng Allah (r) ay nagbigay ng praktikal na halimbawa sa bagay na ito. Noong 'Araw ng Pakikipagkasunduan' sa mga taga tribo ng Quraish, ang Propeta (r) ay nag-utos sa kanyang mga kasamahan na sila ay magpakalbo at lumabas sa kalagayan ng 'Ihraam', ngunit sila ay nag-atubili at hindi tinupad kaagad ang ipinag-utos. Si Um Salamah (y), ang kanyang asawa, ay nagpayo na gawin muna ito at lumabas upang makita ng kanyang mga kasamahan. Ginawa ng Propeta ng Allah (y) ang inirekomenda ng kanyang asawa at ng makita siya ng kanyang mga kasamahan sila ay nagmadali sa pagsunod sa ipinag-uutos sa kanila.
Ang lalaki ay dapat iwasan ang pagsubaybay sa mga maliliit na pagkakamali na maaaring magawa ng kanyang asawa. Isang halimbawa, ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi:
“Ang asawang lalaki ay hindi dapat dumating sa pamamahay ng huli sa gabi mula sa paglalakbay (ng walang maayos na paghahabilin)." (Bukhari, Muslim atbp.)
Ang rekomendasyon ay ibinigay upang hindi makita ng lalaki ang kanyang asawa sa kalagayang hindi maganda, na siyang maging dahilan sa kanyang paghinanakit. Sa mga makabagong kagamitan sa ngayon, ang lalaki ay maaaring ipaunang ipabatid sa kanilang mga asawa kung sa umaga o gabi na ang kanilang pagdating.
Tungkulin ng lalaki na dapat maging mabait, maasikaso at mapagbigay sa kanyang asawa. Siya ay dapat maging matapat, magalang, matiisin at mapagmahal at dapat isa-alang-alang ang kanyang likas na pagkatao. Binibigyan ng halaga ng mga babae ang sa kanila ay nagmamahal at ang pangangalaga. Ang lalaki ay dapat magpakita ng pagmamahal, kabaitan, pagpapahalaga, pag-aalaala at tunay na pangangalaga sa kanyang asawa.
Ang sistemang diborsyo sa Islam ay itinalaga upang pangalagahan ang karapatan at interes ng mga babae, at nagbibigay ng sapat na pagkakataon at panahon upang magkasundo muli. Tatalakayin natin ang paksang ito ng detalye, ngunit babanggitin lang natin dito na ang diborsyo, katulad ng kasal, ang bawa't isa ay dapat kumilos ng pino at may mabuting kaasalan upang matiyak ang karapatan ng dalawang partido.
Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“Ang Diborsyo ay pinahihintulutan ng dalawang beses lamang; pagkaraan maaari silang magsamang muli sa makatuwirang kasunduan o tuluyan nang maghiwalay nang matiwasay…” (Qur’an 2:229)


Saturday, January 16, 2016

Si Hesus ba ay Naipako sa Krus, Namatay at Muling Nabuhay?


Si Hesus (SnKp) sa kanyang salawikain "Seek the Truth and the Truth will set you free""Kayo'y magsipagkatok at ng kayo'y bubuksan""


****************KUNG SI HESUS AY PINABAYAAN NG DIOS, NATUPAD BA ANG KALIGTASAN NG SANLIBUTAN PARA SA KASALANAN? KUNG SYA TALAGA ANG NAIPAKO SA KRUS BAKIT MAY PAGTATANONG AT PAGSISI? ITO BA ANG GUSTO NG DIOS PARA SA PAGLILINIS AT PAGSISI NG SANLIBUTAN SA KANILANG NAGAWANG KASALANAN? ATING BASAHIN, TUKLASIN, UNAWAIN, IPAGHAMBIN ANG MGA TALATA SA BIBLIYA AT SA QUR'AN**********************************************


“Eli! Eli! Lama Sabactani!”

“My God! My God! Why have you Forsekin Me!”

“ Dios ko!” Dios ko!’ Bakit mo Ako Pinabayaan!”



Si Hesus ba ay naipako sa krus?


Sa paglalahad ng artikulong ito ang Muslim na
pananampalataya patungkol sa
Pagkapako ni Hesukristo. At itoy hindi katanggap-tanggap at walang katotohanan
na kailangang mayrong magbuwis o magbayad ng buhay para sa kasalanan ng buong
sanlibutan.

Ang pagka-pako sa krus ni Hesukristo ay siyang sentro ng pananampalatay ng ka-kristiyanohan. Itoy simbolo ng pag-ako na siya ay namatay
para sa kasalanan ng sanlibutan. Isa sa Pinaka-sandigan ang doktrina ng
Kristiyano ay ang pagka-pako ni Hesukristo sa krus; subalit ang
pnananampalatayang Islam ay kompletong hindi tinatanggap. Bago natin ipahiwatig
kung ano ang pananampalataya ng Muslim tungkol sa pagka-pako ni Hesukristo ay
siguro mas mainam na unawain ang Islamikong sagot sa konsepto ng orihinal na
kasalanan.

Noong kinain ni Adan at Eba ang pinagbabawal na puno sa Halamanan (Paraiso), hindi ang ahas ang tumukso. Siya ay si Satanas (Iblis) ang nag-akit at
nagdaya sa kanya kung saan kanyan ginamit ang kalayaan makapaggawa ng
pagkakamali. Si Eba hindi lang sya ang nagkasala. Parihas sila Adan at Eba
nakapag-isip sa kanilang hindi pagsunod, ramdam nilang nagsisi sila at
nagsumamong humingi ng kapatawaran sa Poong Maykapal, at dahil sa kanyang Pinaka-Mahabagin,
Pinaka-Maawain at kanyang pinatawad. Sa Islamiko at maging sa Lumang Tipan ay
walang konsepto ng orihinal na kasalanan; bawat tao ay responsibilidad sa
kanyang ginagawa.

“At walang sinumang may sala ang maaring magdala ng salah ng iba.” (Quran 35:18)

Ezekiel 18:20 Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o
magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa
kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.

Deutronomy 24:16 Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga
magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

Mateo 19:13 Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa
kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad.

Mateo 19:14 Datapuwa’t sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang
magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit.

Mateo 19:16 At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang
ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Mateo 19:17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti:
datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.

Hindi kailangan ng Dios, ang anak ng Dios, o kayay ang Propeta ng Dios magsakripisyo
ang kanyang sarili para sa kasalanan ng sanlibutan para bayaran ang
kapatawaran. Ang pananampalatayang Islamiko ay hindi tinatanggap ang buong
pananaw na ito. Ang saligan ng Islamiko ay hindi nagpahingang alamin na may kasiguraduhan
na wala tayong ibang Dios na dapat sambahin kundi ang Dios na nagiisa.
Nagsimula ang kapatawaran sa nagiisang tunay na Dios; ngayon, kapag ang tao naghanap
ng kapatawaran, kailangan pagnagbalik sa Poong Maykapal ay tunay na sumusunod
ng may pagsisisi at pagmamakaawang kapatawaran, na mangangakong hindi uulitin
ang kasalanan. Tapos ang kasalanan ay tapos ng napatawad.

Iisang DIYOS AT KATANGIAN

LUMANG TIPAN:

1Timoteo 6:16 Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita
man: sumakaniya nawa ang kapurihan at
paghaharing walang hanggan.

Deutronomy 4:35 Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya.

Exodus 8:10 At kaniyang sinabi, Sa kinabukasan. At sinabi ni Moises, Mangyayari ayon sa iyong salita: upang iyong maalaman na walang gaya ng Panginoon naming
Dios.

2Samuel 7:22 Kaya’t ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't
walang gaya mo,
o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.

1Kings 8:23 At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya
mo, sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na
lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso.


1Chronicles 17:20 Oh Panginoon, walang
gaya mo, ni mayroon mang sinomang Dios liban sa
iyo, ayon sa lahat naming narinig ng aming mga pakinig.


Psalms 86:8 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; wala nang mga gawang gaya ng
iyong mga gawa.

Psalm 86:9 Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.

Psalms 86:10 Sapagka’t ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na nagisa ang Dios.

Psalms 89:6 Sapagka’t sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya
ng Panginoon,

Psalms 89:7 Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat
na nangasa palibot niya?

Psalms 113:5 Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas,

Hosea 13:4 Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin ay walang
tagapagligtas.

Deutronomy 4:39Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Dios
sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.


Deutronomy 6:4Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang
Panginoon:

Isaiah 43:10 Kayo’y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang
inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako
nga; walang Dios na inanyuan na
una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.

Isaiah 43:11 Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang
Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.

Isaiah 44:6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa
akin ay walang Dios.

Isaiah 45:18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na
kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang
tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.

BAGONG TIPAN

1Corintian 8:4Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman
natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at walang Dios liban sa iisa.

Marcos 12:29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:

1Corintian 8:4Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman
natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at walang Dios liban sa iisa.

Sa ilaw ng Islamikong paguunawa ang orihinal na kasalanan at pagpapatawad, pwedi
nating Makita na ang Islamiko ay nagtuturo na si Hesus ay hindi pumarito para
akoin at tanggapin ang kasalanan ng sanlibutan; bagkos, ang pagparito niya ay
para ipaalala o kumpirma ang mensahe ng mga Propeta bago pa siya dumating.

“.. Walang ibang Dios na dapat sambahin maliban kay Allah, Ang nagiisang tunay na Dios...” (Quran 3:62)

Ang mga Muslims ay hindi na niniwala sa Pagkapako sa krus ni Hesus, o kahit maniwala na siya ay namatay.

Ang Qur’an ay tinalakay ang bagay na ito na lubos na pinagtatalunan ng mga
naunang Cristiano hanggang ngayon. Ganito ang sinabi sa pahayag : “ at gayon din sa kanilang ipinagmamalaki at sinasabi : ‘ Napatay namin ang Sugo ng Allah- ang Cristo-Jesus anak ni Maria ! ( Datapwat , sa katotohanan ), hindi nila napatay o naipako man sa krus, bagaman inaakala nila na nagawa nila ito. Ang mga hindi umaayon ukol sa nangyaring ito ay nag-aalinlangan; wala silang kaalam—alam ukol dito maliban ( silay gumawa ng ) haka-haka lamang. Wala talagang nakakaalam kung napatay siya. Sa katotohanan, kinuha siya ng Allah sa Kanya. Ang Allah ay higit na Makapangyarihan, at Higit na Marunong !” (Quran 4:157)

Pagkapako sa Krus
Ang mensahe ni Hesus ay hindi tinanggap ng mga taga-Israelita at ganon din ang kapangyarihan ng mga taga-Romano. Sila ang maliit na grupo na naniniwala at
sumusunod sa palibot nito ay tinatawag na disipulo. Ang mga Israelita ay nagplano at nagtulong-tulong na gawan ng masama laban kay Hesus at bumuo ng planong ipapapatay. Siya ay dapat sana patayin sa publiko, lalo na sa pamamaraang pagpapahiya, kilalang-kilala sa Emperiong Romano ang pagpako sa krus.

Pagpako sa krus ay kabilang sa isang kahihiyaang pamamaraang kamatayan at kung ikaw taga Romano Emperio ay ligtas ka sa kaparusahan. Itoy linagdaan hindi lamang
ipagpatuloy ang pagpapakasakit sa kamatayan, kundi pati sa pagsira sa katawan.
Ang Israelita ay nagplano dito sa kahihiyang kamatayan para sa kanilang Messias
– Hesus, ang Sugo ng Dios. Dios na walang katapusang awa hindi niya pinayagan
itong masamang palabas sa paglagay ng kaparihas na mukha ni Hesus para iligtas
si Hesus na buhay, katawan at kaluluwa, tungo sa paraiso.

Ang Qur’an ay tahimik tungkol sa iksaktong ditalye kung sino ang taong ito,
alam natin at naniniwalang may katiyakan na hindi siya ang Dakilang Propeta
Hesus.

Naniniwala ang mga Muslim na ang Qur’an at ang tunay na winika ni Propeta Muhammad Skp. na naglalaman ng kaalaman na kailangan ng salibutan para sambahin at mabuhay ayon sa kautusan ng Poong Maykapal. Ang Qur’an ay nagpaliwanag, ang mismo sinabi ni Allah, ang plano na balak laban kay Hesus at si Allah ay nagplano at nagbalak din na kunin sa mga Israelita at ikyat sa si Hesus sa langit.

“At sila (ang mga hindi sumasampalataya) ay nagbalak (na patayin si Hesus) at si Allah ay nagbalak din. At si Allah ang Pinakamahusay sa lahat ng
nagbabalak.” (Quran 3:54)

Joh 8:40 Datapuwa’t ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi
ginawa ni Abraham.

Hesus hindi Namatay

Ang mga Israelita at ang mga Romanong may kapangyarihan ay hindi kanilang na
parusahan o nasaktan si Hesus. Maliwanag na winika ni Allah na kinuha niya si
Hesus hanggang sa itinaas sa piling ni Allah at lilinawin sa maling paratang at
kasinungalingan ng mga hindi sumasampalataya na si Hesus ay anak ng Dios.

“O Hesus! Ikaw ay aking kukunin at aking itataas sa Aking piling, at ikaw ay
Aking dadalisayin sa (maling paratang at kasinungalingan ng mga hindi
sumasampalataya na ikaw ay anak ng Dios.” (Quran 3:55)

Ang Bersikulong ito sa Qur’an, samantalang, ang orihinal na kahulugan ay ginamit at
ang kabuohan ng salita na nagpapakitang
itinaas o inaakyat si Hesus ng buong pagkatao, na kumpleto. Ang resulta,
siya ay buhay sa kanyang pagakyat, katawan, at kaluluwa, na walang sugat o kaya
tama.

Ang mga Muslim naniniwala na si Hesus ay hindi napatay, at sa kanyang pagbabalik
dito sa mundo sa huling araw bago ang Araw ng Paghuhukom. Sinabi ng Propeta
Muhammad Sknp. Sa kanyang mga taga-sunod (sahabah):

“How will you be when the son of Mary, Jesus descends amongst you and he will judge people by the Law
of the Quran and not by the law of Gospel.” (Saheeh Al-Bukhari)

Si Allah nag-paalala sa atin, sa Qur’an na ang Araw ng Paghuhukom ay araw na hindi natin matatakasan at babala sa atin na ang pagbabalik ni Hesus ay palatandaan ang napakalapit na ang (Araw ng paghuhukom).

“At siya (Hesus, anak ni Maria) ay magiging isang Tanda (sa pagdating) ng Oras (Araw ng Muling Pagkabuhay;[na si Hesus ay mananaog sa lupa bago dumatal ito], kaya’t huwag kayong mag-alinlangan(sa Oras), datapuwa’t Ako ay iyong sundin; ito ang Tuwid na Landas.” (Quran 43:61)

Samakatuwid, ang pananampalatayang Islam tungkol kay Hesus’ pagkapako sa krus at pagkamatay ay malinaw. Mayroong plano na ipapako si Hesus subalit hindi sila
nagtagumpay; si Hesus hindi namatay, subalit siya itinaas sa langit. Sa huling
araw ang pinaka sentro, hanggang sa Araw ng Paghuhukom, si Hesus ay babalik
dito sa mundo at para ipagpatuloy ang kanyang mensahe.

PINATUNAYAN NG BANAL NA BIBLIYA NA SI HESUS AY HINDI NAIPAKO, NAMATAY, AT MULING NABUHAY

Unang tanong sa Bibliya:


Ano ang sagot ni Hesus sa mga eskriba at pariseo tungkol sa mangyayari sa hinaharap at pagkatapos ng mga himalang ginawa nya bilang patutuo sa kanyang pag ka Propeta at humihingi pa ng tanda!



1.)"SI HESUS BA ANG NAIPINAKO SA KRUS?"


Mateo. 12:38-40… ano ba ang gustong mangyari ng eskriba at pariseo na si kristo ay magpababa ng apoy sa langit? Hindi pa ba sapat ung mga tanda na bumuhay ng patay, nagpakita sa bulag, nagpagaling ng may sakit ngunit ang mga pareseo ay naghahanap parin ng tanda, anong tanda? Tanda ng pagiging propeta, na nakakapanghula sa magyayari sa kanyang sarili o kaya ung magyayari sa hinaharap.

Anong tanda ang mga binanggit ni Hesukristo pa-tungkol sa TANDA


Mateo 12:38 Nang magkagayo'y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo, na nangagsasabi, Guro,
ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo.

Mateo 12:39 Datapuwa’t siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng Propeta Jonas:

Mateo 12:40 Sapagka’t kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao.



Balikan nating ang pangyayari noon kay Popeta Jonas.


TANDA NI PROPETA JONAS:

Jonah 1:1 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi,

Jonah 1:2 Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay
umabot sa harap ko.

Jonah 1:3 Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa Tarsis mula sa harapan ng
Panginoon; at siya'y lumusong sa Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo
sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang
yumaong kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon.

Jonah 1:4 Nguni’t ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang
sasakyan ay halos masira.

Jonah 1:5 Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang inihagis sa dagat ang
mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si
Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at
nakatulog ng mahimbing.

Jonah 1:6 Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya, Ano ang inaakala mo, O matutulugin? Bumangon ka, tumawag
ka sa iyong Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong
mangamatay.

Jonah 1:7 At sinabi ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kasama, Magsiparito kayo at tayo'y mangagsapalaran, upang ating maalaman kung
dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin. Sa gayo'y nangagsapalaran
sila, at ang palad ay nahulog kay Jonas.

Jonah 1:11 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Anong gagawin namin sa iyo, upang ang dagat ay tumahimik
sa atin? Sapagka’t ang dagat ay lalo't lalong umuunos.

Jonah 1:12 At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa
gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin
dumating ang malaking unos na ito sa inyo.

Jonah 1:13 Gayon ma'y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa; nguni't hindi nila magawa; sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos
laban sa kanila.

Jonah 1:14 Kaya't sila'y nagsidaing sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh
Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay
ng lalaking ito, at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't
ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.

Jonah 1:15 Sa gayo'y kanilang binuhat si Jonas, at inihagis sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot.

Jon 1:16 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata.

Jonah 1:17 At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na tatlong araw at tatlong gabi.

Ang tanong, si Jonas ba ay patay noong iniluwa ng Balyena? Aalamin natin yan, at basahin ang nasa ibabang talata:

Jonah 2:1 Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.

Jonah 2:10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.

Jonah 3:1 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na
ikalawa, na nagsasabi,

Jonah 3:2 Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.

Jonah 3:3 Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na
lakarin.

Jonah 3:4 At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.


Si Jonas ay buhay nang niluwa ng balyena kaya si kristo ay buhay din dapat, ano ba ang patunay na siya ay hindi naipako sa krus at hindi siya
mamamatay? Buhay na buhay….


Ginusto ba ni Kristo na siya ay maipako sa krus at mamatay? Nalaman ni Hesus ang mangyayari sa kanyang sarili na siya ay ipapapatay, siya ay nanalangin sa Diyos!



Lukas 22:42 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking
kalooban, kundi ang iyo.

Lukas 22:43 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.

Lukas 22:44 At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na
nagsisitulo sa lupa.

Mat 26:39 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas
sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa
ibig mo.


Ano ang sinabi ng Biblia sa Taong nananalangin sa Dios?
James 5:16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba,
upang kayo'y magsigaling. Malaki ang
nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.

Ano ang sinabi ni Hesus sa taong humihingi sa Diyos:

Mateo 7:7 Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
Mateo 7:8 Sapagka’t ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay
binubuksan.

Mateo 7:9 O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay;

Mat 7:10 O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?



Ang tanong, dininig ba ng diyos si Hesus o siyay pinabayaan? Alamin natin sa talatang ito:



Kinakailangan ba talagang ibuwis ni Hesus ang kanyang buhay para sa kasalanan ng sanlibutan? Ano ba ang nakasaad sa bibliya tungkol sa mga gawa ng tao?



Hebreo 5:7 Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha
doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot.


Ano ang BATAS NG DIYOS hinggil sa KASALANAN
Ezekiel 18:20 Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o
magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa
kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.

Deutronomy 24:16 Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga
magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

Jeremiah 31:30 Nguni’t bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na nagsisikain ng mga
maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin.

Mateo 7:1 Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan.

Mateo 7:2 Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.


Kanino ang Doktrina sa pagkamatay at pagkabuhay ni Hesus? Ayon sa Ebangelio ni Pablo


2Timoteo 2:8 Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:

Colossians 4:18 Ang dating sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Ang biyaya'y
sumasainyo nawa.

Act 9:20 At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.

Mateo 26:4 At sila'y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at
siya'y patayin.

2Corinto 12:16Datapuwa’t magkagayon man, ako'y hindi naging pasan sa inyo; kundi dahil sa
pagkatuso ko, kayo'y
hinuli ko sa daya.

Kasalanang Namamana (ORIGINAL SIN) Kontra sa Biblia


Marcos 10:13 At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila'y kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad.

Marcos 10:14 Datapuwa’t nang ito'y makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang
maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito
nauukol ang kaharian ng Dios.

Marcos 10:15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng
kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok
doon sa anomang paraan.

Mateo 19:13 Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway
sila ng mga alagad.


Ano ba ang Buong pagkatao ni Pablo: Ano ang papel nya sa Tunay na mensahe ni Hesus?


Mateo 19:14 Datapuwa’t sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga
ganito ang kaharian ng langit

PABLO na TAGA ROMA o isangJudio?

Act 22:3 Ako'y Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa't pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa
mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa'y masikap
tungkol sa Dios, na gaya ninyong lahat
ngayon:

Act 22:4 At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.

Act 22:5 Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga
sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga
gapos sa Jerusalem
ang nangaroroon upang parusahan.

Act 22:25 At nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling katad, ay sinabi ni Pablo sa senturiong
nakatayo sa malapit, Matuwid baga sa iyo na
hampasin ang isang taong Taga Roma,
na hindi pa nahahatulan?

Act 22:26 At nang ito'y marinig ng senturion, ay naparoon siya sa pangulong kapitan at sa kaniya'y ipinagbigay-alam, na sinasabi, Ano baga ang gagawin mo? sapagka't ang taong ito ay taga Roma.

Act 22:27 At lumapit ang pangulong kapitan at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa akin, ikaw baga'y taga Roma? At sinabi niya, Oo.

Act 22:28 At sumagot ang pangulong kapitan, Binili ko ng totoong mahal ang pagkamamamayang ito. At sinabi ni Pablo, Nguni't ako'y katutubong taga Roma.


Mahirap ng paniwalaan ang sinasabi ni Pablo dahil sa NATIONALITY palang ay hindi na nagsasabi ng totoo.

Para mas lalong malinaw sa atin ihambing pa natin ang mga salaysay ni Pablo tungkol kay Hesus:



Act 22:29 Pagkaraka nga'y nagsilayo sa kaniya ang mga sa kaniya sana'y susulit: at ang pangulong kapitan
din naman ay natakot nang maalamang
siya'y taga Roma, at dahil sa pagkagapos niya sa kaniya.

Act 23:27 Ang taong ito'y hinuli ng mga Judio, at papatayin na lamang sana nila, nang dumalo akong may kasamang mga
kawal at siya'y iniligtas ko, nang mapagtantong
siya'y isang Taga Roma.

1.) Act 22:6 At nangyari, na, samantalang ako'y naglalakbay, at nalalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling tapat, biglang
nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko.

Act 22:7 At ako'y nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit
mo ako pinaguusig?

Act 22:8 At ako'y sumagot, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya sa akin, Ako'y si Jesus na taga
Nazaret, na iyong pinaguusig.

Act 22:9 At sa katotohana'y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw, datapuwa't hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin.

Act 22:10 At sinabi ko, Ano ang gagawin ko, Panginoon? At sinabi sa akin ng Panginoon, Magtindig ka, at
pumaroon ka sa Damasco; at doo'y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na
itinalagang gagawin mo.

Act 22:17 At nangyari, na, nang ako'y makabalik na sa Jerusalem,
at nang ako'y nananalangin sa templo ay nawalan ako ng diwa,

Act 22:18 At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin
sa iyo ang patotoo tungkol sa akin.

Act 22:19 At aking sinabi, Panginoon, napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa't sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo:

2.) Act 9:1 Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon,
ay naparoon sa dakilang saserdote,

Act 9:2 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa
mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos
sa Jerusalem.

Act 9:3 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:

Act 9:4 At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig
na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?

Act 9:5 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:

Act 9:6 Nguni’t magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.

Act 9:7 At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang
sinoman.

3.) Act 26:13 Nang katanghalian, Oh hari, ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula
sa langit, na lalong maningning kay sa araw, at lumiwanag sa palibot ko at sa
mga nagsisipaglakbay na kasama ko.

Act 26:14 At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat, ay narinig ko
ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo, Saulo,
Saulo, bakit mo ako pinaguusig? mahirap sa iyo
ang sumikad sa mga matulis.

Act 26:15 At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.

Act 26:24 At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, ikaw ay
ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol.


At sa lahat ng buong kanyang salaysay tungkol sa Dakilang Propeta ng Taga-paglikha sa kanyang mga
patalastas, kasinungalingan, sa kahuli-hulihan si Pablo mismo ay umamin na Siya
ay nandaya.

2Corinto 12:16 Datapuwa’t magkagayon man, ako'y hindi naging pasan sa inyo; kundi dahil sa
pagkatuso ko, kayo'y hinuli ko sa daya.


Sabi sa Banal na (Qur’an17:36)

"You shall not accept any information, unless you verify it for yourself. I have given you the hearing, the eyesight,
and the brain,
and you are responsible for using them.”



Ngayon! Paniniwalaan ba natin si Pablo na kahit siya ay umamin na nandadaya at nagsisinungaling sa
kanyang mga salaysay?



Ano ang patunay na si Hesus ay hindi namatay ng tatlong araw at tatlong gabi:


Nang Nalagutan ng hininga si hesus:

Lukes 23:44 At nang may oras na ikaanim (12pm) na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa
oras na ikasiyam (3pm),

Luk 23:45 At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna ang tabing ng templo.

Luk 23:46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang
hininga.

Luk 23:54 At noo'y araw ng Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.
Luk 23:55 At ang mga babae, na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang
bangkay.

Luk 23:56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento. At nang araw ng Sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos.

Pagkamatay ni Hesus sa krus:

John 19:31 Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y Paghahanda, upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't dakila ang araw ng
sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga
hita, at upang sila'y mangaalis doon.

John 19:32 Nagsiparoon na ang mga kawal, at inumog ang mga hita ng una, at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya:

John 19:33 Nguni’t nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang
mga hita:

John 19:34 Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig.

Pagkabuhay ni kristo:

Marcos 16:9 Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang pinalabas
niya.

Mar 16:10 Siya’y yumaon at ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Hesus, samantalang sila'y nangahahapis at nagsisitangis.

Mar 16:11 At sila, nang kanilang mabalitaan na siya'y nabuhay, at nakita ni Magdalena, ay hindi sila nagsipaniwala.

Lukes 24:36 At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo.

Luk 24:37 Datapuwa’t sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.

Luk 24:38 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?

Lukes 24:39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at
mga buto, na gaya
ng inyong nakikita na nasa akin.

Luk 24:40 At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.

Luk 24:41 At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain?

Luk 24:42 At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw.

Luk 24:43 At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.


PAGBANGON NI HESUS

Joh 20:17 Sinabi sa kaniya ni Hesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at
sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at
inyong Dios.

John 20:18 Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.

John 20:19 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa
katakutan sa mga Judio ay dumating si Hesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y
sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.

John 20:20 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at
ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.

John 20:21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.

Ang sinabi ni Hesus Tungkol sa Pagkabuhay na maguli


Lukes 20:34 At sinabi sa kanila ni Hesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa:
Luk 20:35 Datapuwa’t ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni
papagaasawahin:

Lukes 20:36 Sapagka’t hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga
anak ng pagkabuhay na maguli.


INAKYAT SA LANGIT ang mga Propeta at walang Pinahirapan sa kanila
Genesis 5:24 At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.

2Kings 2:1 At nangyari, nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo, na si Elias ay yumaong
kasama ni Eliseo mula sa Gilgal.

2Kings 2:11 At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong
apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay
sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.

2Kings 2:12 At nakita ni Eliseo, at siya'y sumigaw. Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel
at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan
ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.


Si Hesus ay Buhay
Napakalinaw sa mga talatang ito na si Hesus ay buhay, hindi sinabing nabuhay. Lucas 24:5 dahil si Jesus ay hindi namatay, walang katubusan ng kasalanan. Sinabi mismo ni Jesus na ang kapatawaran ng kasalanan ay ang tunay na pagsisisi, magpatawad sa kapwa at manampalataya sa iisang Dios na Tunay, Marcos 11:25,26 at isuko ang sarili sa kalooban ng Poong Maykapal, Mateo 7:21 Ito ang tunay na diwa ng kapatawaran kaligtasan o buhay na walang hanggan. Sa salitang arabic ay Muslim at ang Reliyihiyong Islam.


Ngayon maliwanag sa atin na nalaman natin kung ano ang katotohanan sa kasinungalingan at ang pagtatago ng katotohanan sa lumipas na dekada na ang nagdaan na ating kinagisnan, marami na rin ang nagbuwis ng buhay para ipagtangol ang kanilang pananampalatayang karapatan, marami ang nakasunod sa yapak nang maling katuruan at hindi naglaho kanilang natuklasan at kanila na rin na ipinaglalaban dahil sa ang tao ay may pusot isipan na dapat kanilang gamit at kasangkapan. Hindi kailangan may parusahan, may ipako o magbuwis ng
buhay dahil salungat ito sa Batas na bigay ng Poong Maykapal, habag ang nais, hindi hain. Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang;
bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan. At walang sinumang may sala ang maaring magdala ng sala ng iba. Ngunit bawa’t isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan.

”Walang naipako, Namatay at walang Nabuhay Muli sa mga Patay

Ang Qur’an ay nagsabi : “ At ( si Jesus-anak ni Maria) ay magiging isang tanda ( sa
darating na ) huling oras; Kung gayon huwag magkakaroon ng alinlangan sa
( araw ng paghuhukom), datapwat sundin ninyo Ako. Ito ang tuwid na landas. “ (43:61).
Ang mga dalubhasa sa Islam ay nagbigay ng paliwanag ukol sa talatang ito batay
din sa mga pahayag ng huling Propeta, na ang talatang ito ay nauunawaan bilang
tanda ng ikalawang pagparito ni Jesus- anak ni Maria pagkatapos niyang umakyat
sa langit. Sa kanyang pagbabalik wawasakin niya ang maling pananampalataya na
ikinapit sa kanyang pangalan at ipaghahanda ang daan para sa pangkalahatang
pagtanggap sa Islam. Siya ay magkakaroon ng pamilya sa daigdig na ito
bago ang tinatawag na Makalangit na pagkabuhay na maguli. Si Jesus ay umakyat
sa langit na nasa kaniyang panlupang katawan katulad ng kay Enoch na hindi siya
namatay at katulad din ng kay Elijah.


Share