Pages

Saturday, January 16, 2016

ANG (3) TATLONG URI NG ISKOLAR;


1). ANG MAKASALANANG ISKOLAR;
Siya ay may maraming lihim na kasalanan ngunit hindi ginawang Halal (pinahintulutan) ang Haram (ipinagbabawal) o ginawang Haram ang Halal, siya ay Fasiq (makasalanan) hindi Kafir (nawalan ng pananampalataya).

2). ANG MATATAPAT NA ISKOLAR;
Kanyang isinasagawa kung ano ang kanyang ipinapaabot na may Daleel i.e. Hujjah (mga patunay mula sa Qur'an at Sunnah i.e. Hadith).

3). ANG MASASAMANG ISKOLAR;
Siya ay kumakatha ng kanyang sariling bersiyon ng Islam, siya ay isang Zandeeq (Kafir - nawalan ng pananampalataya), kanyang ginagawang Halal ang Haram at ginagawang Haram ang Halal, siya ay gumagamit ng kanyang sariling Tafsir (mga komentaryo i.e. mga pagpalaliwanag at itinakwil ang mga Pagpapaliwanag ng Propeta at ang mga pagpapaliwanag ng mga matitibay na mga maalam).

Ang ALLAH تعالى ay bumanggit hinggil sa mga masasamang Iskolar at tinawag itong mga asno.

"Ang nakakatulad nila na pinagkatiwalaan ng Tawrah, at matapos ay hindi kumuha nito (i.e nagpabaya sa kanilang pananagutan sa hindi pagsasagawa ng mga turo nito), ay katulad ng asno na nagpapasan ng malaking dalahin ng mga aklat (ngunit nauunawaan sa mga ito). Kasamaan ang nakakawangki ng mga tao na nagtatatwa ng Ayah ng ALLAH, at ang ALLAH ay hindi namamatnubay sa mga gumagawa ng kamalian."
[Surah al-Jumu'ah 62:5]

Ang Propeta (صلى اللّه عليه وسلم) ay nangangamba na ang pamayanang ito ay malalason at maaapektuhan sa mga masasama na mga Iskolar na ito na magpapaligaw ng mga Muslim.
Si Abu Dhar ay nagsabi;

"Ako ay kasama ng Propeta () isang araw at aking narinig na siya ay nagsabi; 'May isang bagay ang kinatatakutan ko para sa aking Ummah na higit kaysa sa Dajjal.' Ako ay nakakaramdam ng takot, kung kaya ako ay nagsabi; 'O Sugo ng ALLAH! Ano ang bagay na ito?' Siya (صلى اللّه عليه وسلم) ay nagsabi; 'Ang mga lumihis at nakapagliligaw na mga Iskolar'."
[Musnad Ahmad 5/145, Bilang 21334 at 21335]

Isinalaysay ni Thawban (ra); ang Propeta (صلى اللّه عليه وسلم) ay nagsabi;
"Ang kinatatakutan ko lamang para sa aking Ummah ay ang nakapagliligaw na A'immah (i.e mga nangungunang Iskolar)."

Siya ay nagsabi na ang Propeta (صلى اللّه عليه وسلم) ay nagsabi;
"Mayroong pangkat mula sa aking Ummah na hindi titigil sa paghahayag ng katotohanan, at sila ay hindi mapipinsala ng sinumang nagtatakwil sa kanila hanggang sa dumating ang Kapasyahan ng ALLAH."

Si Abu 'Eisa ay nagsabi; 'Ang Hadith na ito ay Hasan Sahih.'
[Jami' at-Tirmidhi 2229 - Aklat 33, Hadith 72]

A'immah - Ang terminong ito ay tumutukoy sa nangungunang mga Iskolar o isang tagapagtatag ng isang paaralan ng Islamikong Batas, karaniwan sa paksa ng Relihiyon, katulad ni Imam Bukhari o Imam Abu Hanifah atbp.



No comments:

Post a Comment

Share