AKING MGA SITES
Saturday, January 16, 2016
ANG PAGTUTULI NI JESUS SKAP
Si Hesus ay tinuli. Ayon sa Lupang Tipan, ang kaugaliang ito ay nagsimula kay Propeta Abraham, na siya mismo ay hindi isang Hudyo o Kristiyano.
Nasusulat sa Genesis 17:9-13:
"AT SINABI PA NG DIYOS KAY ABRAHAM, AT TUNGKOL SA IYO, IINGATAN MO ANG AKING TIPAN, IINGATAN MO AT NG IYONG BINHI PAGKAMATAY MO, SA BUONG KALAHIAN NILA. ITO ANG AKING TIPAN NA INYONG IINGATAN SA AKIN AT SA INYONG BINHI, PAGKAMATAY MO; TUTULIIN ANG BAWA'T LALAKI SA INYO. AT KAYO'Y TUTULIIN SA LAMAN NG INYONG BALAT NG MASAMA; AT ITO ANG MAGIGING TANDA NG AKING TIPAN SA INYO. AT ANG MAY WALONG ARAW AY TUTULIIN SA INYO, ANG BAWA'T LALAKI SA BUONG KALAHIAN NINYO; ANG IPINANGANAK SA BAHAY, O ANG BINILI NG SALAPI SA SINUMANG TAGA IBANG LUPA NA HINDI SA INYONG LAHI. AT IPINANGANAK SA BAHAY AT ANG BINILI NG IYONG-INYONG SALAPI, AY DAPAT TULIIN: AT ANG AKING TIPAN AY SASA-IYONG LAMAN NA PINAKATIPANG WALANG HANGGAN."
Sa Ebanghelyo ayon kay Lucas 2:21:
"AT NANG MAKARAAN ANG WALONG ARAW UPANG TULIIN SIYA, AY TINAWAG NA HESUS ANG KANIYANG PANGALAN, NA SIYANG ITINAWAG NG ANGHEL BAGO SIYA IPINAGLIHI SA TIYAN."
Samakatuwid, ang maging tuli ay bahagi ng 'DAAN NI HESUS'. Subalit sa ngayon ang karamihan sa mga Kristiyano ay hindi tuli, dahil sa katuwirang pinasimulan ni Pablo. Sinabi niyang ang pagtutuli raw ay ang pagtutuli sa puso. Sa sulat niya sa Mga Taga Roma 2:29 ay sumulat siya:
"DATAPUWA'T SIYA'Y HUDYO SA LOOB; AT ANG PAGTUTULI AY YAONG SA PUSO, SA ESPIRITU HINDI SA TITIK;"
Sa sulat ni Pablo sa Mga Taga Galacia 5:2 ay sumulat siya:
"NARITO, AKONG SI PABLO AY NAGSASABI SA INYO, 'KUNG INYONG TINATANGGAP ANG PAGTUTULI', AY WALA KAYONG MAPAPAKINABANGAN NA ANUMAN KAY KRISTO."
Ito ang bulaang pakahulugan ni Pablo. Sa kabilang dako, si Hesus ay hindi tinuli sa puso at wala siyang anumang sinabi tungkol sa pagtutuli ng puso; pinangalagaan niya ang "Pinakatipang walang Hanggan" at siya ay tinuli sa laman. Samakatuwid, isang mahalagang bahagi sa pagsunod sa "DAAN" NI HESUS ANG 'PAGTUTULI'.
Si Propeta Muhammad ay nasipi na nagsasabi:
"MAY LIMANG LIKAS NA KAUGALIAN SA KALINISAN:
1) Ang pag-aahit ng buhok sa maselang bahagi ng katawan,
2) Ang Pagtutuli,
3) Pagpuputol ng bigote,
4) Pagbubunot ng buhok sa kili-kili
5) at pagpuputol ng kuko."
(Sahih Al-Bukhari, vol. 7. p. 515, no. 777 at Sahih Muslim, vol. I, p. 159, no.495)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment