Pages

Saturday, January 16, 2016

HINDI TANDA NG TUNAY NA PAGMAMAHAL ANG PAGTATALIK BAGO ANG KASAL:


Hindi sagot ang sex para masabi niyong mahal niyo ang isa't isa. Hindi rin sagot ang pagkuha ng virginity para masabi mong sayo lang siya at mas lalong hindi sagot ang pagkuha ng virginity para lang masabing tunay na lalaki ka. Hindi cool yun! Kung mahal mo ang isang babae, makukuntento, magtitiwala at maghihintay ka at umiwas sa pinagbabawal . Hindi mo kailangan ipilit. Tanggapin mo kung ano lang ang kaya niyang ibigay sayo at irespeto mo siya gaya ng pagrespeto mo sa nanay at mga kapatid mong babae. Hindi siya isang bagay na gagamitin mo pag gusto mo lang. Isa siyang "tao" na deserving sa respeto at pagmamahal na totoo at walang na nakakaalam ng tadhana kundi ang Allah lamang PAANO KONG NASIRA MO ANG PURI NYA KUMUHA KNA NG ADVANCE???

Sister..;

Huwag kang magmadali sa pakikipagrelasyon o bibigay na agad. Huwag mong ibilang na tunay na tanda ng pagmamahal ang sex bago ang kasal. Mahalaga sa tao ang magsuri ng sarili. Mahalagang malaman mo kung ano talaga ang mga prinsipyong pinaniniwalaan mo at ipinamumuhay mo. Sapagkat kung ano ang pinaniniwalaan mo, ito ang ginagawa mo. Halimbawa, kung naniniwala ka ang malaking patunay na pagmamahal ay sex bago ang kasal ,ito rin ang iyong ginagawa, kahit okay ka o mabuting tao ka sa tingin mo.

Kaya kong sakaling mag mahal ka naman sister kailangan mong magsuri mapagmatyag at mabusisi hindi sagot na agad hehehe, hanapin mo ang lalaking nagtataglay ng apat na katangian na ito ;

1-Mapag mahal(mahal kanya kahit sino ka man at ano ang nakaraan mo at kahit saan kapa galing na planeta hindi kanya ikakahiya kaya kanyang ipaglaban kanino man.)

2-Mapagkatiwalaan(kailangan sa isang lalaki mapagkatiwalaan sa gawa man at sa salita hindi puro lamang mabulaklak na mga pananalita at pangako na hindi naman nya kayang panindigan)

3-Magalang(igagalang nya ang pagkababae mo lalo ang puri mo hanggang hindi pa kayo kasal at igagalang rin nya ang sino man mahal mo sa buhay at mga magagandang plano mo at pangarap mo)

4-Relihiyoso(kailangan hindi cxa pabaya sa pagsasagawa nya ng batas ng ISLAM at tinuturuan kanya at tinutulungan upang maging masunurin (Muslimah)at mabuting lingkod ng Allah,

Sister kong ang iyong katawan at puri ay hind mo iningatan, hindi rin gaano ito pahahalagahan ng lalakeng mapupusuhan mo.
Hindi mo dapat ibinibigay ang iyong katawan at puri sa lalaking nagsasabi lamang sau na mahal na mahal kita at may mabulaklak na mga pananalita.ang katawan mo at puri mo ay isa itong napaka halagang bagay na may mataas na halaga; bumababa ang halaga nito kapag binibigay mo sa lalaking hindi muna man asawa
.
Ang pagpipigil sa sarili sa sex ay mahalaga. Ito ay sangkap ng katapatan, lalo na sa magiging asawa mo. Para sa lalake, hindi siya magtitiwala sa isang babaeng madaling ikama. Ito ang posibleng dahilan kung bakit bumababa ang tingin sa iyo ng mga lalakeng nakikilala mo.

Kaya baguhin mo ang paraan mo. Pigilin mo ang iyong sarili at iwasan mo ang magtiwala agad. Makipag-sex ka lamang sa lalakeng nagmamahal sa iyo pagkatapos ng kasal, lalakeng karapat-dapat na mapangasawa mo lalakeng igagalang at magpapahalaga sa katawan mo. Kapag ang isang lalake ay sex na agad ang layunin bago ang kasal, layuan mo agad.

kaya ang Propheta Muhammad skap ay nagbigay ng babala

kapag ang babae at lalaki(hindi mahram) ay nag-usap(in private), ang kanilang ikatlo ay ang shaytan

Sister..!! Ibilang mo na isang mamahaling alahas at sagradong kayamanan ang iyong katawan. Inilaan lamang ito para sa lalakeng asawa mo. Ingatan mo ang iyong puri, at darating ang lalakeng magpapahalaga sa iyo.

ANG BABAENG MABUTI AY MAS HIGIT NA MAINAM KAYSA ISANG LIBONG LALAKI NA HINDI MABUTI.



No comments:

Post a Comment

Share