Ilang Pagkakaiba ng Qur’an sa Biblia
EXODUS 31:17 - “… Sapagkat sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa at nagpahinga ako sa ikapitong araw.”
QUR’AN 50:38 - “Katotohanang nilikha Namin ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito sa anim na araw, at walang anumang pagkapagal (o pagkapagod) ang nakapanaig sa Amin.”
GENESIS 1:27 - “Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan...”
QUR’AN 42:11 - “(Siya) ang Tagapaglikha ng kalangitan at kalupaan. Ginawa Niya para sa inyo ang (inyong) kabiyak (asawa) mula sa inyong sarili at gayundin ang kaparehang (babae) sa mga bakahan (hayupan). (Sa ganitong paraan) ay Kanyang pinarami kayo. Walang anupamang bagay ang makakatulad sa Kanya, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakamasid.”
QUR’AN 112:3-4 - “Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak, at walang anuman ang sa Kanya ay maihahalintulad.”
HABACUC 1:2 - “Panginoon, hanggang kalian ako daraing sa iyo, at di mo diringgin?...”
QUR’AN 14:39 - “… Katotohanan, ang aking Panginoon ang Lubos na Dumirinig ng lahat ng mga panalangin.”
QUR’AN 20:7 - “… katotohanang Siya ang nakakalam ng mga lihim at kung anuman ang nakalilingid.”
-
AWIT 13:1 - “Hanggang kalian ba, O Panginoon, ang lingkod mo lilimutin? Gaano bang katagal pa magtatago ka sa akin?”
QUR’AN 20:52 - “… Ang aking Panginoon ay hindi kailanman nagkakamali at nakalilimot.”
ZACARIAS 1:12 - “[Pinahirapan ng Diyos ang Jerusalem at lungsod ng Juda ng 70 taon}.”
AWIT 77:9 - “Yaong kagandahang-loob mo ba, O Diyos, ay wala na? Dahilan sa iyong galit, ang awa mo’y wala na ba?”
PANAGHOY 3:18 - “Kaya’t sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas, at ang aking pag-asa sa Panginoon.”
QUR’AN 39:53 - “… Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah; sapagkat katotohanang si Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”
2 HARI 19:20 - “… Ipinasasabi ng Panginoon, Diyos ng Israel, na narinig niya ang panalangin mo.”
QUR’AN 49:18 - “Katotohanang si Allah ang nakakabatid ng mga nalilingid sa kalangitan at kalupaan, at si Allah ang Ganap na Nakamamasid nang lahat ninyong ginagawa.
No comments:
Post a Comment