Ang Hijab ay isang salita na nagsasaad ng mga sumusunod na kondisyon:
1. Ang kasuotan ay dapat na tumatakip o bumabalot sa buong katawan, ang maaari lamang ilitaw ay ang kamay at ang mukha.
2. Ang materyal nito ay hindi dapat na sobrang nipis na ang hugis nang katawan ay maaaring masilip o maaninag.
3. Ito ay dapat na maluwang o maluwag upang hindi bumakat ang hugis o korte ng katawan.
4. Ito ay hindi dapat na kahawig o katulad ng kasuotan ng mga kalalakihan.
5. Ang desenyo ng kasuotan ay di dapat na hawig ng kasuotan ng mga kababaihang walang pananampalataya.
6. Ang desenyo ay dapat na simple at hindi nakakaakit o nakakapukaw ng atensiyon ng iba.
7. Ito ay dapat na isinusuot dahil sa pangangailangan at hindi upang umani ng magandang reputasyon o katayuan sa lipunan.
Ang kadahilanan sa kahigpitang ito ay upang maproteksiyunan at mapangalagaan ang mga kababaihan mula sa mga mapagnasang paningin ng mga kalalakihan. Hindi niya dapat na pumukaw ng anumang atensiyon kaninuman. Pinapahintulutan na masulyapan ang kababaihan, subalit kapag ito ay kanyang inulit tingnan at tinitigan, ito ay bawal dahil sa paghahatid nito ng pagnanasa sa kaisipan.
Ang mga kababaihan ay pinapangalagaan ng Islam, ito ang dahilan kung bakit ibinigay ng Allaah ang mga panuntunang ito ukol sa kasuotan. Sa ating panahong kinabibilangan, ang mga babae ay minamaltrato at minamaliit, ang pagiging babae nila ay ginagamit ng tahasan sa advertising na ang pinaka layunin ay maakit ang mga kalalakihan nang sa ganoon ay maibenta ang produkto. Tunay nga bang malaya ang mga kababaihan sa panahong ngayon ay ating ginagalawan? Ang sagot ay maliwanag na hindi..ang paulit-ulit na pambabatikos, dikta at puna ng media sa kung papaano ang isang babae ay mag-aayos at magdadamit ang magpapatunay dito..
Pinalaya ng Islam ang mga kababaihan 1400 taon na ang nakararaan. Alin ba ang mas dapat, ang manamit ayon sa batas ng tao o ayon sa batas ng Diyos?
Sinabi ng Allaah sa Qur'aan na kinakailangang pangalagaan ng mga kababaihan ang kanilang kabinian o kahinhinan. "Sabihin sa mga babaeng mananampalataya na ibaba ang kanilang mga paningin at pangalagaan ang kanilang kahinhinan; hindi nila dapat na itanghal sa madla ang kanilang kagandahan at mga palamuti maliban na lamang sa ordinaryong bahagi na pwedeng ilitaw o ipakita.."Surah 24:31
" Sabihin sa mga mananampalatayang kalalakihan na ibaba ang kanilang mga paningin at pangalagaan ang kanilang kahinhinan; ito ang maghahatid sa kanila ng higit na kalinisan, at batid na batid ng Diyos ang mga bagay-bagay na kanilang pinaggagagawa.." Surah 24:30
No comments:
Post a Comment