MOISES SA BIBLIA(AS) - Deuteromio 32:48-51
Nang araw ring yaon, sinabi ng Diyos kay Moises. Umahon ka sa Abarim, sa bundok ng Nebo na sakop ng Moab, sa tapat ng Jerico at malasin mo ang Canaan, ang lupaing ibibigay ko sa Israelita. Doon ka mamatay sa bundok na iyon tulad ng nangyari kay Aaron sa Bundok ng Hor. Mangyayari iyan sa inyo pagkat sinuway ninyo Ako (Diyos) sa harapan ng bayang Israel noong sila’y nasa tabi ng tubig sa Meriba-cades sa ilang ng Zin. Hindi ninyo Ako binigyang-karangalan sa harapan nila.
AARON SA BIBLIA(AS) - Exodus 32:2-4
“Kung gayon, tipunin ninyo ang mga hikaw na ginto ng inyong asawa’t mga anak at dalhin sa akin”, sagot ni Aaron. Ganoon nga ang kanilang ginawa. Kinuha ni Aaron ang mga hikaw at tinunaw; ibinuhos niya sa isang hulmahan at ginawang hugis ng guya.
MOISES SA QUR'AN(AS)Surat Mariam 19:51-53
At alalahanin mo (O Muhammad) ang nasa aklat (ang Qur’an) tungkol kay Moises. Katotohanang siya ay hinirang bilang isang Sugo na Propeta. At Aming tinawag siya mula sa kanang bahagi ng Bundok (ng Sinai), at dinala (Namin) siya na malapit (sa Amin) upang maghabilin. At ipinagkaloob Namin sa kanya mula sa Aming Habag ang kanyang kapatid (na lalaki) na si Aaron bilang isang propeta.
AARON SA QUR'AN(AS) Surat Ta-Ha 20:90-91
At katotohanang si Aaron ay nagsabi noon pa sa kanila.”O aking pamayanan! Kayo ay sinusubukan dito, at katotohanan, ang inyong Panginoon (ay si Allah), ang Pinakamahabagin, kaya’t ako ay sundin ninyo at tuparin ang aking pag-uutos.” Sila ay nagsabi: “Kami ay hindi titigil nang pagsamba rito (ang baka) hanggang si Moises ay makabalik sa amin.”
MOISES SA QUR'AN(AS)Surat Al-Ahzab 33:69
O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong tumulad sa mga nananakit (ng kalooban) ni Moises, datapuwa’t si Allah ang nagpatunay ng kanyang kawalang-kasalanan sa mga ibinibintang sa kanya, at siya ay karangal-rangal sa Paningin ni Allah.
MOISES AT AARON SA QUR'AN(AS)Surat As-Saffat 37:114-117
At katotohanang Aming ibinigay ang Aming paglingap kay Moises at Aaron. At aming iniadya sila at ang kanilang pamayanan sa malaking kasiphayuan. At sila ay tinulungan Namin, at sila ay magsipagtagumpay. At iginawad naming sa kanila ang kasulatan na nagpapaliwanag sa mga bagay-bagay.
==========================
LUT SA BIBLIA(AS) - Genesis 19:33-36
Gayon nga ang ginawa nila nang gabing iyon. Sa kalasingan ni Lot, hindi niya namalayang sinipingan siya ng anak niyang panganay. Kinabukasa’y sinabi ng panganay sa bunso, “Kagabi’y sumiping ako sa ating ama; lasingin natin siya uli mamaya, at ikaw naman ang sumiping nang pareho tayong magkaanak,” Nilasing nga nila ulit si Lot nang gabing yaon, at ang bunso naman sumiping. Tulad ng dati, hindi alam ni Lot ang kanyang kasiping dahil sa kalasingan. Bunga nito kapwa nagdalantao ang magkapatid.
LUT SA QUR'AN(AS) Surat Al-An’am 6:86
At si Ismael at Elisha, at Jonas at Lut, at ang bawat isa sa kanila ay Aming kinasihan nang higit sa lahat ng mga nilalang (ng kanilang kapanahunan).
LUT SA QUR'AN (AS)Surat Al-Anbiya’a 21:74-75
At (alalahanin) si Lut, Aming ipinagkaloob sa kanya ang Hukm (tamang paghatol sa pamamalakad at pagkapropeta) at Karunungang (pangrelihiyon), at Aming iniligtas siya sa mga tao (pamayanan) na gumagawa ng kasamaan (buktot at malalaswang gawa). Katotohanang sila (ang pamayanan ni Lut) ay mga tao na inilaan sa kasamaan at sila ay Fasiqun (suwail, taksil, palasuway kay Allah). At si (Lut) ay tinanggap Namin sa Aming Habag, katotohanang siya ay isa sa mga matutuwid.
==========================
JACOB SA BIBLIA (AS) - Genesis 27:19-36 at Genesis 32:22-32
“Ako po si Esau,” sagot ni Jacob. (ang mahabang kwento sa Biblia tungkol sa pag-agaw ng basbas o pagpapala na dapat ibibigay ni Isaac kay Esau (kambal ni Jacob), ‘di batid ni Isaac na ang lahat nangyayari dahil sa ito’y nabulag at walang alam sa plano at pagsisinungaling ng asawa niya na si Rebecca at anak na si Jacob, para maagaw ang bendisyon nagpagka pinuno o pagkapalit ng pagka-pinuno ng Ama (Isaac). at (Ang pakikipagbuno ni Jacob sa Diyos at mga anghel at siya’y (Jacob) nagwagi.)
JACOB SA BIBLIA(AS) - Oseas 12:2-4
Sinusumbatan ng Diyos ang Israel. Parurusahan niya ang Israel ayon sa kanyang masamang pamumuhay, at gagantihan ayon sa kanyang mga gawa. Nang sila’y nasa sinapupunan pa, dinaya na ng nuno nilang si Jacob ang kanyang kakambal at nakipagbuno sa Diyos nang siya’y malaki na. nakipagbuno siya sa anghel ng Diyos at nagwagi…
JACOB SA QUR'AN (AS) - Surat Al-Anbiya’a 21:72-73
At ipinagkaloob Namin sa kanya si Isaac, at ng dagdag na gantimpala na si Hakob. Ang bawat isa ay Aming ginawang matuwid. At sila ay ginawa Naming mga pinuno na namamatnubay (sa sangkatauhan) sa pamamagitan ng Aming Pag-uutos, at ipinagkaloob Namin ang inspirasyon sa kanilang (puso) sa paggawa ng kabutihan, ang pag-aalay ng Salah (takdang pagdarasal) nang mahinusay, at ang pagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at tanging sa Amin lamang ang kanilang pagsamba.
JACOB SA QUR'AN (AS) - Surat Sad 38:45-47
At alalahanin ang Aming mga alipin na sina Abraham, Isaac at Hakob, na nagtataglay ng katatagan (sa pagsamba sa Amin), gayundin ng pang-unawa sa pananampalataya. Katotohanang sila ay hinirang Namin dahil sa (kanilang) natatanging kainaman (kalidad): ang (kanilang) pag-aala-ala sa tahanan (ng Kabilang Buhay). At katotohanang sa Aming Paningin, sila ay nasa lipon ng mga Hinirang at Pinakamahusay (at Magaling)!
==========================
SOLOMON SA BIBLIA (AS) - I Hari 11:4-7
Nang matanda na si Solomon, nahikayat siya ng mga ito (mga asawa) na sumamba sa kanilang mga diyus-diyusan. Hindi siya nanatiling tapat sa Diyos; hindi niya sinundan ang halimbawa ni David na kanyang ama. Sumamba siya kay Asarte, ang diyosa ng mga Sidonio at kay Nicom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyusan ng mga Ammonita. Sa burol na nasa silangan ng Jerusalem ay nagtayo siya ng mga sambahan: para kay Cemos, ang karumal-dumal na diyus-diyusan ng Moab, at para kay Moloc, ang kasuklam-suklam na diyus-diyusan ng mga Ammonita.
SOLOMON SA QUR'AN (AS) - Surat An-Namal 27:15
At katotohanang Kami ay nagkaloob ng karunungan kina David at Solomon, at sila ay kapwa nagsabi: “Ang lahat ng Pagpupuri at Pasasalamat ay kay Allah na nagturing sa amin nang higit (sa karamihan) ng Kanyang maraming alipin na sumasampalataya!”
SOLOMON SA QUR'AN (AS) - Surat Sad 38:30
At kay David ay Aming ipinagkaloob si Solomon (bilang anak). Gaano kainam siyang alipin! Katotohanang siya ay lagi nang nagbabalik-loob (kay Allah).
==========================
DAVID SA BIBLIA (AS) - I Samuel 18:20-27
(ang kwento sa Biblia tungkol sa paraang ginawa ni David para mapangasawa si Micol na anak ni Haring Saul, ang pagpatay niya sa 200 mga Filisteo at pagdala niya(David) ng mga pinagtulian balat ng mga Filisteo sa Hari.)
DAVID SA BIBLIA (AS) - II Samuel 11:2-26
(ang mahabang kwento sa Biblia tungkol sa pagkagusto ni David sa isang babae at ang ginawang pagsiping kay Bat-seba na asawa ng kanyang kawal na si Urias, at pagkanulo ni David sa mga kaaway para tuluyang mamatay ito (si Urias) sa digmaan, at para tuluyan mapasa-kanya ang babaing ito at naging asawa ng lumaon.)
DAVID SA QUR'AN (AS) - Surat An-Namal 27:15
At katotohanang Kami ay nagkaloob ng karunungan kina David at Solomon, at sila ay kapwa nagsabi: “Ang lahat ng Pagpupuri at Pasasalamat ay kay Allah na nagturing sa amin nang higit (sa karamihan) ng Kanyang maraming alipin na sumasampalataya!”
DAVID SA QUR'AN (AS) - Surat Sad 38:17,20,25
38:17 Maging matiyaga (O Muhammad) sa anumang sinasabi nila, at iyong alalahanin ang Aming alipin na si David na ginawaran ng lakas (at kapangyarihan). Katotohanang siya ay lagi nang nagbabalik-loob (kay Allah).
38:20 At Aming pinatatag ang kanyang kaharian at siya ay ginawaran Namin ng karunungan (pagka-Propeta) at makatarungan pagsasalita at pagpapasya.
38:25 Kaya’t siya ay ay pinatawad Namin, at katotohanang sasakanya ang pagiging malapit niya sa Amin, at isang mainam na lugar (ng Huling) Pagbabalik (Paraiso).
==========================
JOB SA BIBLIA (AS) - Job 3:1, 10:2-3, 19:6-7, 31:6, 34:9
3:1 Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job; sinumpa niya ang araw ng kanyang pasilang.
10:2-3 Ang aking Diyos, ako sana’y huwag mo munang hatulan, Sa akin ay sabihin mo yaong aking kasalanan. Marapat ba na ako ay agad pagmalupitan, Parusahan at itakwil ang likha ng iyong kamay? At ang gawain ng masama ay siyang katutuwaan?
19:6-7 Dapat ninyong malamang ang may gawa nito’y ang Diyos Inumangan niya ako ng bitag sa palibot. Akong ito ay tumutol sa ganitong karahasan; Humingi ng katarungan ngunit hindi pinakinggan.
31:6 Ako sana’y timbangin sa maayos na timbangan Nang Makita ng Diyos itong aking katapatan.
34:9 Sinabi niya na walang mabuting idudulot Ang paglakad at pagsunod sa nais ng Diyos.
JOB SA QUR'AN(AS) - Surat Sad 38:41-44
At alalahanin ang Aming alipin na si Job, nang siya ay manikluhod sa Kanyang Panginoon (na nagsasabi): “Katotohanan, ang demonyo ay naggawad sa akin ng siphayo (sa pagkakaroon ng sakit), at kaparusahan (sa pagkawala ng aking kayamanan). (At winika ni Allah sa kanya): “Ipadyak mo ang iyong paa sa lupa; ito ay isang (bukal para sa) malamig na pampaligo at inumin.” At ibinalik Naming muli sa kanya ang bilang, bilang isang Habag mula sa Amin at isang Paala-ala sa mga may pang-unawa… Katotohanang siya ay natagpuan Namin na lubos na matiyaga (at matimtiman). Gaano kainam siyang alipin! Katotohanang siya ay laging nagbabalik-loob (kay Allah)!
==========================
*AS*-as* - alahis salam – Sumakaniya ang kapayapaan
Alhamdullah! Ating mapapanigan na ang may tanging basehan na nasa wastong pagkakilala sa Allah (subhanna wa ta’ala) at maging sa mga nabanggit na mga Propeta o Sugo, ay binigyan ng mas maayos ng pagkakilala sa Qur’an. Na kung ihahambing naman ito sa Biblia, ay mayroong ‘di mainam na kalagayan at katauhan ang kanilang ipinamalas at ipinapakita dito. Tanging ang Allah(swt) lamang ang nakakabatid bakit nagkaganito ang kanilang pagkilala sa kanila (mga Propeta).
KAYO PO MGA MAMBABASA ANG HUMATOL!!!
No comments:
Post a Comment