1- Si Muhammad ba ang nagtatag ng Islam?
2 -Paano nagkaroon ng Qur’an?
3- Sino po ang sumulat ng Qur’an
4 -Wala bang nabago sa Qur’an?
5 -“Sino po ang unang Muslim?
**************************
Answer to the Question no.1 Si Muhammad ba ang nagtatag ng Islam?
walang sino mang nilikha ang pweding magtatag ng relihiyon,
ang tunay na relihiyon ay hindi itinatag o pwedeng itatag ng sinumang tao, hindi ito produkto ng kaisipan ng sinumang tao. Dahil batid natin na ang kaisipan ng isang tao ay limitado lamang, papaano niyang pamamahalaan ang kanyang kapwa mga nilikha lamang kung ang gagamitin niya ay ang kanyang limitadong kaisipan? Tayo bilang mga tao ay saklaw na makagawa ng mga pagkakamali dahil sa ating kamangmangan, nakagagawa tayo ng mga hindi makatarungan dahil sa ating pagiging tao at nakapagpapahirap tayo sa iba dahil sa ating pagiging makasarili. Tayo ay walang sapat na kaalaman upang balangkasin nang tama at pangatwiranan ang mga batas para sa tao; kahit na anong antas na edukasyon ang ating narating. Kapag inako ng tao ang ganap na kapangyarihan na gumawa ng mga batas sa pamamagitan ng kanyang sarili, kapag ito ang naging pamantayan niya, kahit saan at kailan, ang magiging bunga ay kapinsa-pinsala. Kailangan ang magtatatag ng tunay na relihiyon ay ang Nag-iisang Tunay na Diyos na Tagapaglikha.
Kya ang Islam ay hindi si Propheta Muhammad skap ang nagtatag kundi ang Allah (sw)kanyang sinabi :
Ipinag-utos ng Allâh sa inyo, O kayong mga tao, mula sa batas ng ‘Deen’ (o Relihiyon) na Kanyang ipinahayag sa iyo, O Muhammad (saw), na ito ay Islâm, na katulad ng Kanyang ipinag-utos kay Nûh (as), na ito ay kanyang sundin at ipalaganap, at ganoon din ang ipinahayag Niya kay Ibrâhim (as), Mousã (as) at `Îsã (as) – sila ang limang magigiting na mga Sugo – na itayo ninyo ang ‘Deen’ ng Kaisahan ng Allâh , pagsunod at bukod-tanging pagsamba sa Kanya na wala nang iba, at huwag kayong magsalungatan sa ‘Deen’ na ipinag-utos sa inyo, hindi naging katanggap-tanggap sa mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh ang anuman ang iniaanyaya mo sa kanila na Kaisahan ng Allâh at pagsamba nang taos-puso lamang sa Kanya, ang Allâh ay pinipili Niya sa paniniwala sa Kanyang Kaisahan ang sinuman na Kanyang nais mula sa Kanyang nilikha, at ginagabayan Niya sa pagsagawa nito bilang pagsunod sa Kanya ang sinumang nagbabalik-loob sa Kanya. (Qur’an 42: 13)
**************************
Answer to the Question no. 2 Paano nagkaroon ng Qur’an?
Ang Qur’an po ay ipinahayag ng Allah sa kanyang huling Sugo na si Propeta Muhammd (pbuh) sa pamamagitan ni Anghel Gabriel (AS)...Ipinahayag ng Allah kay propeta Muhammd (pbuh) ang Qur’an sa loob ng 23 yrs na pagiging Propeta ni Muhammd (pbuh). Ang Qur’an po ay hindi ibinaba na buong aklat kundi unti unti ito ipinahayag sa loob ng 23 yrs.
Ang Allah ay nagsabi;
Ang Qur’ân na ito ay isang dakilang Aklat na katiyakang nagmula sa Allâh, na kung kaya, huwag ninyong pag-alinlanganan ang mga nasa loob nito, na ang tanging makikinabang lamang ng patnubay nito ay ang mga ‘Al-Muttaqun’ (ang mga may takot sa Allâh) na mga sumusunod sa Kanyang batas.(Qur'an 2:2)
**************************
Answer to the Question no. 3 Sino po ang sumulat ng Qur’an?
Ang Qur’an po ay hindi isinulat ni Propeta Muhammd (pbuh) kundi bawat talata na marinig ni Propeta Muhammd (pbuh) ay kanyang isinasaulo at ipinasusulat sa kanyang mga Sahabah (companions) at ito rin ay isinasaulo ng kanyang mga companions. Si Propeta Muhammd (pbuh) po ay “ummi” hindi marunong sumulat at bumasa ito ay binanggit sa Qur’an.
Walang iba kundi ang Allâh ang nagpadala sa mga Arabo ng Sugo na hindi marunong bumasa, na nagmula mismo sa kanila tungo sa lahat ng sangkatauhan, na walang anumang (Banal na) Kasulatan ni bakas ng mensahe ang nakarating sa kanila, na binibigkas sa kanila ang Qur’ân, at nililinis sila mula sa mga maling paniniwala at mga masasamang pag-uugali, at itinuturo sa kanila ang Qur’ân at ang ‘Sunnah.
At katiyakan, sila bago ang pagkakapadala ng Sugong ito ay nasa malinaw na pagkaligaw mula sa katotohanan.’[Qur’an 62:2]
**************************
Answer to the Question no. 4 Wala bang nabago sa Qur’an?
100% na walang nabago sa Qur’an...ito ay karaniwang allegation ng mga ayaw tumaggap ng Islam na ang Qur’an ay nabago dahil sanay na sila na ang kanilang aklat ay pabago-bago ng version. Actually ang Qur’an ay ganito parin kung paano ipinahayag ng Allah kay Propeta Muhammad (pbuh) walang nabawas kahit isang letra. Ito ay isinasaulo ni Propeta Muhammad (pbuh) at ang kanyang mga kasamahan noon at hanggang ngayon ay nasasaulo ng milyon milyong mga MUSLIM letra for letra.
Ipinag-utos ng Allah (swt) na isaulo ang bawat talata sa banal na Qur’an:
At bigkasin mo, O Muhammad, ang anumang ipinahayag sa iyo na Banal na Qur’ân na Aklat ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, dahil katiyakan, walang sinuman ang makapagbabago ng Kanyang mga Salita sa pagiging makatotohanan at makatarungan nito, at kailanman ay hindi ka makatatagpo bukod sa iyong ‘Rabb’ ng tagapagkalinga na kukublihan ng iyong sarili.[Qur'an, 18:27]
Sabihin mo sa kanila, O Muhammad: “Kahit na magsama-sama pa ang mga tao at ang mga ‘Jinn’ upang magkasundo na gumawa ng katulad ng Banal na Qur’ân na ito na mahimala ay hindi nila ito makakayanang gawin, kahit na magtulung-tulong pa silang lahat para sa ganitong layunin.[Qur'an 17:88]
O sinasabi ba nila na mga walang pananampalataya na mga taga-Makkah:[1] “Katunayan, si Muhammad ay inimbento niya lamang itong Qur’ân?” Sabihin mo sa kanila: “Kung ang pangyayari ay katulad ng inyong mga inaangkin, samakatuwid ay magpakita kayo ng sampung kabanata na tulad ng Banal na Qur’ân na mula sa inyong mga inimbento, at tawagin ninyo ang sinuman na kaya ninyong tawagin mula sa lahat ng nilikha ng Allâh upang tumulong sa inyo sa pagsagawa nito, kung kayo ay totoo sa inyong pag-aangkin.”(Quran 11:13)
Kung kayo na mga walang pananampalataya ay may pag-aalinlangan hinggil sa Qur’ân na Aming inihayag sa Aming alipin na si Muhammad (saw) at inaangkin ninyong ito ay hindi nagmula sa Allâh, kung gayon ay gumawa kayo ng isang kabanata na katulad ng kabanata sa Banal na Qur’ân, at tawagin ninyo ang sinumang makakayanan ninyong tawagan bukod sa Allâh upang tumulong sa inyo, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan sa inyong pag-angkin.(Quran 2:23)
At ang Qur’an lang ang ipinangako ng Allah na pangangalagaan niya:
Walang pag-aalinlangan, Kami ang nagbaba ng Qur’ân kay Propeta Muhammmad (saw) at walang pag-aalinlangan na Kami rin ang patuloy na mangangalaga nito mula sa pagdaragdag o pagbabawas, o sa anumang kasiraan.(Qur’an 15:9)
**************************
Answer to the Question No. 5 “Sino po ang unang Muslim?
Every prophet during his time was FIRST MUSLIM to his people.
At the time of Prophet Ibrahim (Abraham pbuh) he was the first Muslim sa kanyang mga tao
Sa kapahunan naman ni Propeta Muhammad (pbuh) siya ang unang Muslim sa kanyang mga Tao.
Adam (AS) is the first Muslim among mankind.
Ganon din sa Biblia, sino ba ang firstborn?
Sa ating bansa, sino ba ang First gentleman? At first lady?
No comments:
Post a Comment