Ang isang Muslim ay hindi magiging ganap na muslim kong hindi nya maisasagawa ang Salah. Sinabi ng Propeta (skap), na ito ang kauna-unahang obligadong gawain ng pagsamba na ipinag-utos ng Allaah. Ang obligasyong ito ay direktang ipinahayag sa Propeta (skap) noong siya ay iniakyat sa kalangitan.
Sinabi ni Anas (ra):
Sinabi ni Anas (ra):
“Ang mga pagdarasal ay ginawang obligado sa Propeta (skap) noong gabi nang pag-akyat niya sa kalangitan. Noong una, ito ay bumibilang ng limampu (50), subalit binawasan nang may makailang ulit hanggang sa maging lima (5) na lamang ito. At pagkatapos ay ipinahayag:,
Oh Muhammad, ang kautusan ay hindi nabago.
Ang katumbas ng limang ito ay limampu (pagdarasal).”
(Ahmad, an-Nasa'i and at-Tirmidhi)
Isipin na lamang natin kung tayo ay magsasagawa ng 50 salah sa loob ng isang araw. Maraming mga Muslim sa ngayon ang nahihirapan sa 5 beses na pagdarasal araw-araw, papaano pa kaya kung ito ay 50 beses? Dahil sa Habag at Awa ng Allaah, ito ay ginawa na lamang 5 pero ang katumbas na gantimpala nito ay 50 pa rin, na ang ibig sabihin sa bawat pagdarasal ang gantimpala ay 10. nakita na natin kung gaano Napakamapagbigay ng ating Tagapaglikha, subalit marami pa rin ang hindi nagbibigay ng importansiya sa obligadong gawain na ito. Mayroong ba tayong masasabi sa ngayon na babayaran ka para sa 50 oras, gayong 5 oras ka lang naman nagtrabaho?
Mayroon lamang isang uri ng pamamaraan ng pagdarasal, at ang mga Muslim sa alinmang sulok ng mundo ay kinakailangang isagawa ito ng naaayon, katulad ng sinabi ng Propeta Muhammad(skap)
“Manalangin, katulad ng kung papaano ninyo ako nakitang manalangin”
(Bukhari)
Ang Salah ay binubuo ng mga espesipikong salita at mga gawain. Ito ay nagsisimula sa pagbigkas nang kadakilaan ng Allaah, at natatapos sa pagbati ng kapayapaan. Sa 1 araw, at least 34 na beses tayong magpapatirapa. Ang 1 na binabanggit at binibigkas sa Salah ay:
اللهُ أَكْبَرُ “Allahu-Akbar”, na ang ibig sabihin “ang Allah ang Nakahihigit (Pinakadakila). Ito ang tinatawag na ‘Takbir’. Ito ay binibigkas habang nagsa-salah.. “ang Allaahu Akbar” ay inuulit at least 6 na beses sa bawat unit ng Salah, na ang kabuuan ay mahigit 1 daan sa 1 araw. Isipin ninyo ang apekto nang pag-uulit sa isang bagay nang 1 daang beses sa loob ng 1 araw. Ngayon, isipin natin ang psychological na apekto nito sa isang Muslim na nag-uulit ng “Allaahu Akbar”, 100 beses isang araw. Kaya naman ang Salah ay may napakatinding impluwensiya sa isang Muslim, na naghuhubog at pumapanday nang matinding pagpapasakop, pagsunod at pagpapakumbaba sa Allaah, isang patuloy at walang patid na pagsunod at pagkilala sa Allaah, maliwanag din na ang apekto nito ay mahuhubog kung ang mga idinadalangin at ang kabuuang salah ay isinasagawa ng may kadalisayan at kabutihang loob.
Ang obligasyong ito ay naghahatid ng malaking gantimpala at benepisyo para sa isang Muslim, hindi nakakapagtaka na ang gawaing ito ng pagsamba ay…
Ang kauna-unahang gawaing itatanong at titimbangin :
Sinabi ng Propeta Muhammad skap:
“Ang kauna-unahang gawain na itatanong at titimbangin sa mga alipin (sangkatauhan) sa Araw ng Paghuhukom ay ang Salah. Kung ito ay mabuti, ang kanyang mga ginawa ay magiging mabuti rin; at kung ito ay masama (kulang-kulang, hindi kumpleto), ang kanyang mga ginawa ay magiging masama rin. ”
(at-Tabarani)
Tanungin ninyo ang inyong mga sarili, kung tangan-tangan mo ang mga katanungan para sa isang pagsusulit, makakapasa ka kaya sa exam?
Ang sagot ay walang pag-aalinlangang OO!
Well, andito na ang katanungan sa ating final exam! Ang pagsusulit na kung saan batid natin ang katanungan sa Araw ng Paghuhukom. Hindi ba nakakalungkot kung ikaw ay babagsak, kahit pa nga sabihing alam mo na ang katanungan? .
Kung titingnan natin ang ating kapaligiran, makikita natin kung papaano binabalewala ng mga Muslim ang kanilang mga Salah. Maaari ninyong itanong, sila ba ay tunay na mananampalataya at nauunawaan ba nila ang tunay na mangyayari sa Araw na yaon? Huwag natin silang tularan!
Handa ka na bang pumasa sa pagsusulit sa Araw ng Paghuhukom?
Salah ang kasagutan…
No comments:
Post a Comment