Pages

Saturday, January 16, 2016

MAIKLING KASAYSAYAN NG ISLAM SA PILIPINAS

SA NGALAN NG ALLAH, ANG MAPAGPALA, ANG MAHABAGIN


Ang unang dahilan kung bakit hinihimok ko kayong manaliksik ng katotohanan sapagkat ang katotohanan lamang ang siyang magpapalaya sa atin,at tiyak na matatagpuan lamang natin ito sa islam batay na rin sa natatagong kasaysayan ng relihiyon sa ating bansa.

Bago pa dumating sa Pilipinas ang ibat ibang aral tungkol sa pananampalataya,likas na sa ating mga ninunong Pilipino ang sumasamba sa diyos.bagamat ito ay hindi ayon sa katotohanan,sapagkat sila ay maibilang sa tinatawag na ANIMIST’o mga taong sumasamba sa lahat ng mga bagay na nilikha maliban sa dakilang lumikha. Ang sinasamba Ng ating mga

ninuno noon ay bundok,araw,buwan,bituin,puno Kidlat,kulog, apoy atbp, ngunit nang dumating ang

aral ng islam ang tunay na relihiyon galing sa Allah(swt)nagkaroon ng ganap na pagbabago sa kanilang buhay at relihiyon.naitatag nila ang isang pamayanang muslim.ngunit nang dumating ang mga dayuhang kastila sa bansang pilipinas sinakop nila ito at pinilit nilang palitan ang relihiyong Islam sa pamamagitan ng dahas. Ang relihiyon islam ay unang inihayag sa pilipinas noong 1380 ng isang Arabo na si Sharif Makhdum,itinayo niya ang unang Mosque sa Pilipinas sa Tubig indangan,Simunol,Tawi tawi.si Makhdum ay namatay sa isla ng Sibutu at doon na rin siya inilibing.

Noong 1390,si Rajah baginda ay dumating sa bansang Pilipinas at itinuloy niya ang naiwang Gawain ni Sharif Makhdum.ganoon din naman,dumating din si Abu Bakr sa Jolo noong 1450 at di naglaon siya ay ikinasal sa anak ni Rajah baginda na si Prinsesa Paramisuli.si Abu Bakr ang nagpasimula ng sultanate sa Sulu at siya at ang kaniyang asawa ang siyang kauna-unahang sultan at sultana.matapos maitatag ang relihiyong islam sa Sulu,ang mga muslim ay kumilos patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan.sila ay dumaong sa Maguindanao(ngayon ay Cotabato)noong 1475,at di naglaon siya ay ikinasal kay Prinsesa Tunina.sila ang unang sultan at sultana sa Maguindanao.nang sumunod na mga taon,maraming muslim na mga Datu mula sa Borneo ang dumating sa Pilipinas nang mabalitaan nila ang mabuting pagtanggap ng mga Pilipino.

Dumating sa bansang Pilipinas ang sampung Datu at sila ay dumaong sa Panay.ang mga Datung ito ay sina; Datu Puti,Datu Sumakwel,Datu Bangkaya,Datu Dumalogdog,Datu Paiburong,Datu Paduhinog,Datu Lubay,Datu Dumangsil,Datu Kalantiaw,Datu Balensula.

Si Datu Puti ang pinuno ng pangkat na ito sapagkat bihasa siya sa paglalakbay sa dagat.sila ay dumaong sa San Joaquin,Iloilo(noong araw ay kilala sa tawag na Siwaragan)si Datu Puti at ang kaniyang Siyam(9)na mga kasama ay binili ang mababang bahagi ng Iloilo kay Marikudo ang pinuno ng mga itas(pygmies)at naitatag nilang ganap ang komunidad ng islam doon.nang ang komunidad islam ng mga taga Borneo ay ganap ng naitatag sa Panay,si Datu Puti,at Datu Balensula

at Datu Dumangsil ay naglayag patungong Norte at silay dumaong sa Batangas sakop ng Luzon.itinatag ni Datu Balensula at Datu Dumangsil ang kanilang komunidad doon sa Batangas subalit si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan.nang sumapit siya sa Borneo ay ibinalita niya ang kanilang naging karanasan.bunga nito higit na marami pang mga taga Borneo ang naakit na magpunta sa Pilipinas.

ANG PAGDATING NG MGA KASTILA AT KRISTIYANISMO;

Nang dumating si Magellan sa Limasawa noong Marso 16, 1521, ang Pilipinas ay isa ng bansang Muslim.

144 taon na ang relihiyon islam sa bansang Pilipinas bago pa dumating ang mga kastila o ang kristiyanismo.isang bansang sumasamba sa nag-iisang Diyos na tunay,ang Allah (swt)

Katotohanang nakatala sa kasaysayan ng bansang Pilipinas na nang dumating si Legaspi(ang pumalit kay Magellan na napatay ni lapu-lapu)

ang kaharian ng mga muslim ay ganap ng naitatag sa Batangas,Pampanga, Mindoro,panay, catanduanes,cebu, Bohol,samar, manila, palawan,

Mindanao, at Sulo. Ang unang muslim na nagtanggol

sa kalayaan ng pilipinas at relihiyong islam ay si Datu Lapu Lapu.


Noong Hunyo 13,1571 ay naglunsad ang mga kastila ng isang malaking pakikidigma sa mga muslim sa Maynila.ang maynila noon ay pinamumunuan ni Rajah Soliman.buong tapang niyang ipinagtanggol ang maynila at islam hanggang sa huling patak ng kaniyang dugo doon sa bangkusay (sa baybay dagat ng Tundo).matapos magapi ng mga kastila si Rajah Soliman at ang kaniyang mga kapanalig ay pinagpapatay ng mga kastila ang maraming muslim,bata man o matanda.gayon pa man ang mga muslim ay matatag at magiting na nagtanggol hanggang sa huling hibla ng kanilang hininga.

Dahil sa mahinang uri ng sandata na taglay ng mga muslim(Bolos At Sibat)laban sa baril at kanyon ng mga kastila,sila ay napilitang umatras at lumikas patungong probinsiya ng Rizal at ang lugar naiyon ay kilala sa ngayon sa tawag na Morong Rizal,at yaong mga lumikas patungo sa gilid ng mga ilog ay tinawag sa ngayon na tagalog(Taga Ilog)gaya ng Cavite, Laguna, Bulakan at Maynila, Ilokano ,Ilonggo , Cebuano atbp.ang mga muslim sa bayan ng Rizal ay patuloy na nakipaglaban sa mga kastila at ang lugar naiyon ay kinilala sa ngayon na Binangonan Rizal.

Ang mga kastila ay nagtatag ng kanilang punong himpilan sa maynila at ipinagpatuloy ang pagsakop sa isla ng Bisayas.ang mga muslim na hindi namatay sa laban ay napilitang talikdan ang relihiyong islam at ipinayakap ang relihiyon ng mga kastila ang kristiyanismo sa pamamagitan ng dahas.ngunit ang mga tapat na muslim ay mas pinili pa nilang mamatay kaysa lisanin ang pagsamba sa nag-iisang Diyos na tunay-ang Allah (swt) Ang mga kastila ay hindi tumigil sa pananakop at hinangad nila na sakupin din pati ang Mindanao ngunit ang mga muslim dito gaya ng;maranaw,maguindanao,tausog,yakans, sama at sangil, kalagan, iranon, nilabanan nila at pinahinto ang pangarap ng mga kastila,at patuloy pa rin nilang ipagtatanggol ang islam hanggang sa ngayon.

Namayani ang mga kastila sa bansang pilipinas sa loob ng may apat na raang taon(400).napakahabang panahon ang pagpipilit na lipulin ang lahat ng mga muslim upang mabura nila sa kasaysayan ng pilipinas ang relihiyong islam.ngunit sila ay nabigo,hanggang sa ang pamumuno ng mga kastila ay nagwakas noong 1898 nang agawin ng bansang amerika ang Pilipinas.

Lumasap man ng pansamantalang pagkalupig ang bansang Pilipinas,ang relihiyon Islam na bigay ng dakilang lumikha ay mananatiling nakatayo at matatag,na kailanman ay hindi matitinag.


PANGWAKAS NA SALITA:

Ito ang buod ng mensahe na ito,na iisa ang relihiyon ibinigay ng diyos sa lahat ng kaniyang mga nilikha,ang relihiyong Islam.at ganoon din naman,ito rin ang kauna-unahang relihiyong niyakap ng ating mga ninunong Pilipino nang sila ay magising sa katotohanan,at sinunod nang may kabanalan.

Alalahanin,hindi ito bagong relihiyon na ipapalit sa pananampalatayang iyong pinaniniwalaan sa ngayon,bagkus,ito ang dati mong relihiyon na kanilang pinalitan.

Panahon na upang piliin mo ang relihiyong iyong ipamumuhay.kung ikaw ay nailihis,o ikaw man ay kanila lamang iniligaw…ikaw ay magpasya….

Piliin mong sundin ang kalooban ng dakilang diyos,ang Allah(swt)

ANG ALLAH AY NAGBIGAY NG BABALA IPINAHAYAG NIYA SA BANAL NA QUR’AN (3 : 85)

At sinuman ang maghanap ng ibang relihiyon maliban sa Islam,kailanmay hindi ito tatanggapin sa kaniya,at sa kabilang buhay siya ay mapapabilang sa mga taong ang mga Gawain ay nawalan ng kabuluhan.

IPINAHAYAG NG ALLAH SA BANAL NA QUR’AN (5:3)

Sa araw na ito ay pinaging ganap ko ang inyong relihiyon para sa inyo,at nilubos Ko ang aking paglingap sa inyo, at aking itinakda sa inyo ang

Islam bilang inyong relihiyon.


DAGDAG NA PAALAALA;

Ang lahat ng mga Propeta tulad ng mga sumusunod:Noah, Abraham,Moses, Hesus,

at Muhammad(sakap)ay iisa lamang ang inihatid na mensahe sa sangkatauhan,ito ay ang sambahin at pagsilbihan lamang ang nag-iisang Diyos,ang (Allah),at huwag gumawa ng kasama niya sa kaniyang kaluwalhatian.

Huwag hayaang lumampas ang ganitong pagkakataon na mabasa ang Banal na Qur’an,ang bukod tanging banal na aklat ng Diyos na nasusulat sa dalisay at orihinal nitong kapahayagan.

Alamin ang katotohanan hinggil sa tunay na relihiyong ipinadala ng lumikha bago sumapit sa atin ang itinakdang kamatayan,katiyakan,kapag ang tao ay patay na,hindi na siya maaaring bumalik pa sa mundong ito upang doon magpasiyang yakapin at sundin ang relihiyong ibinigay ng Dakilang lumikha(Allah)

Sa kabila ng patuloy na paninira at panunuligsa ng kanluran at mga bansang kanilang naimpluwensiyahan,sadyang kapuna-puna na marami pa ring tao sa buong daigdig ang pumapasok sa pananampalatayang islam.sinuman ang matapat na naghanap ng katotohanan at nagnanais na matamo ang kapayapaan ay tiyak na matatagpuan lamang niya ito sa Islam.siya ay malayang yumakap sa islam maging ano man ang kanyang lahi,kulay o katayuan sa buhay.

AYON SA BIBLIYA IPINAHAYAG NI HESUS (SAKAP)


MAKILALA NINYO ANG KATOTOHANAN, AT ANG KATOTOHANAN ANG MAGPAPALAYA SA INYO (Juan 8: 32)



No comments:

Post a Comment

Share