Pages

Saturday, January 16, 2016

What a big mistakes?

What a big mistakes?
burahin na po natin sa ating isipan mga kapatid ang tinatawag nating pride!! 

hindi po porket magui, maranao, tausog, balik islam etc. hindi kna magaaral ng ISLAM!!.. correct me if im wrong...
kung hindi mo pa alam... hindi ibig sabihin muslim kana (born muslim) hindi kana obligado magaral patungkol sa katuruan ng Allah (s.w.a) dahil ang mga taong may tunay na takot lamang sa Allah ay mga maalaman sinabe ng Allah (s.w.a)

At ang tunay lamang na natatakot sa Allâh sa Kanyang parusa sa pamamagitan ng pagsunod at pag-iwas sa mga ipinagbabawal ay ang mga maalam at nakakikilala sa kadakilaan ng Allâh, sa Kanyang Katangian, sa Kanyang Batas at sa Kanyang Kapangyarihan sa lahat ng bagay, at kabilang dito ang kaalaman sa iba’t ibang uri ng mga nilikha na kahit isa lang ang pinagmumulan, at pinag-aaralan nang labis ang kaalaman na nakukuha rito. Katiyakan, ang Allâh ay `Azeez’ – Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan na walang sinuman ang makagagapi sa Kanya, na ‘Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad, na ginagantimpalaan ang mga sumusunod at pinatatawad. (35:28)

Sinabe ng Propheta Muhammad skap :

“Ang pag-ahanap ng kaalam ay sapilitan sa lahat ng mga mananampalataya”

Inulat ni At-tirmidhi

habang hindi ka pa nalalagutan ng buhay ay sapilitan sayo ang pag-aral sa islam at ang kaalaman ay hindi kanya kailangan ngunit ikaw ang nangangailangan nito, at kung ikaw ay may pag-alinlangan pa sa iyong sarili, basahin ang Qur'an at hadith ng propheta Muhammad skap.



No comments:

Post a Comment

Share