Pages

Friday, April 24, 2015

PAGDALAW NG MUSLIM SA LIBINGAN NG HINDI MUSLIM



TANONG: Ano ang hatol sa pagdalaw ng Muslim sa libingan ng hindi Muslim?

SAGOT: Pinahihintulutan ang pagdalaw sa libingan ng Hindi Muslim para lamang sa pagkuha ng aralin dito (pag-aalaala sa Kabilang-buhay).

Iniulat ni Abu Hurayrah: Dumalaw si Propeta Muhammad sa libingan ng kanyang ina (na Hindi Muslim) at siya ay umiyak at umiyak din ang mga nasa paligid niya. At siya ay nagsabing: Humingi ako ng pahintulot mula sa aking Panginoon na humingi ako ng tawad para sa aking ina at Siya ay hindi pumayag. Humingi naman ako ng pahintulot na dumalaw sa aking ina at Siya ay pumayag. Kaya, dalawin ninyo ang mga libingan dahil ang mga ito ay nagpapaalaala sa inyo ng kamatayan. Iniulat nina Imam Muslim, Abu Dawud, Ibnu Majah, Al Hakim, Al Bayhaqi at Imam Ahmad.

Kapag siya ay dumalaw sa kanila ay hindi siya babati ng salam o mananalangin para sa kanila bagkus ay bibigyan sila ng balita ng pagdating ng parusa.

Ito ay mula sa hadith na iniulat ni Sa'd bin Abi Waqqas: Dumatin ang isang Taong Disyerto kay Propeta Muhammad at nagsabi; Tunay na ang aking ama ay nagdurugtong sa pagkakamag-anakan (at siya bumanggit ng iba pang mga bagay) kaya saan kaya siya tutungo ngayon? Sinabi ni Propeta Muhammad; Sa Impiyerno. Ang Taong Disyerto ay tila nasaktan at nagtanong; At saan naman kaya mapupunta ang ama mo O Sugo ni Allah? Sinabi ni Propeta Muhammad; Tuwinang mapadaan ka sa libingan ng Kuffar ay balitaan mo sila ng parusa sa Impiyerno. Nagmuslim ang taong Disyerto matapos nito at nagsabing; Ako ay binigyan ni Propeta Muhammad ng nakakapagod na obligasyon dahil hindi ako napadaan sa anumang libingan ng Hindi Muslim liban na lamang na binalitaan ko ito ng parusa sa Impiyerno. Iniulat ni Imam At Tabarani.
 
 

Friday, April 10, 2015

Al jannah ang paraiso

Sa Ngalan ng Allâh ang Mapagpala ang Mahabagin

Ang Kagandahan ng Paraiso ay hindi kayang ilarawan ng isipan at maging ng imahinasyon ng tao. Walang maihahalintulad sa nilalaman ng Paraiso sa anumang bahagi ng mundong ito. Kahit gaano pa kaunlad ang buhay, kahit gaano pa kalayo ang narating, at gaano pa ang taglay na kaligayahan, ang angking kapangyarihan at karangalan na nararanasan sa buhay ng sinumang tao ay hindi kayang pantayan ang nilalaman ng Paraiso. Ito ay inihanda ng Allâh (swt) para sa Kanyang mga alipin na may tunay na pagkatakot sa Kanya. Tanging ang nagsasabuhay lamang ng pananampalatayang Islam (pagsunod, pagsuko at pagtalima sa kalooban ng nag-iisang Tagapaglikha) ang siyang makapapasok sa mga pinto ng Paraiso.

Subali’t yaong may takot sa kanilang Panginoon (Allâh) at matapat sa kanilang mga tungkulin sa Kanya, may mga mahaharlikang mga silid na magkapatong-patong, na sa mga ilalim ay may mga umaagos na ilog (sa Paraiso). (Ito) Ang Pangako ng Allâh; at ang Allâh ay hindi bumibigo sa (Kanyang) Pangako. (Az-Zumar, 39:20)

Isang Sahabah ang nagtanong sa Propeta (saws) ng tungkol sa mga tirahan sa Paraiso; at siya ay sumagot ng isang napakagandang sagot: "Ang pader ay ginto at pilak, at sa loob nito ay mabangong musk, ang mga buhangin ay perlas at sapphire, ang lupa nito ay saffron. Sinuman ang makapasok dito ay mapupuspos ng kagalakan at hindi makalalasap ng kalungkutan. Sila ay mabubuhay magpakailanman at hindi na mamamatay. Hindi sila mauubusan ng damit at hindi sila tatanda at lagi silang bata." (Ahmad, Tirmidhi at Ad-Daarimi 3/29).

Ang (walang hanggang Hardin) Paraiso Adn (Eden), kung saan ang mga pinto ay bubuksan para sa kanila (mga sumasamba ng tanging sa Allâh). [Qur'an 38:50]
Ang Pinto ng Paraiso

…At ang mga anghel ay magsisipasok (upang magbigay pagbati) sa kanila sa bawa’t pintuan (ng Paraíso) na nagsasabi: Salaamun Álaikum (Sumainyo ang Kapayapaan), kayong nagtiyaga sa pagtitiis! Tunay na napakahusay ang inyong huling tahanan. [Qur'an 13:23-24]
Walo ang pinto ng Paraiso, isa sa mga pinto nito ay tinatawag na ar-Rayyaan. Ito ay inilaan lamang para sa mga mananampalatayang matapat na nagsisipag-ayuno ayon sa ipinag-uutos ng Allâh (swt).
Iniulat ni Sahl ibn Sa'eedi na ang Sugo(saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi:
Sa Paraiso ay may walong pinto. At may isang pinto na kung tawagin ay ar-Rayyaan. Walang sinumang makapapasok dito maliban lamang sa mga taong nagsasagawa ng Pag-aayuno, at matapos na sila ay makapasok ang pintong ito ay ipipinid sa likod nila, at wala ng iba pang papasok dito. (Bukhari at Muslim: 2/214).

Ang Antas ng Paraiso

Ang Paraiso ay binubuo ng iba’t ibang antas, ang ilan sa mga ito ay higit na mataas kaysa sa iba, at ang mananahanan doon ay ayon din sa kani-kanilang antas at katayuan sa Paraiso.
Subali’t sinumang lumapit sa Kanya (Allâh) bilang isang mananampalataya (sa kaisahan ng Allâh), at gumawa ng mabubuti, sila ang mga matataas ang antas (sa kabilang buhay). [Qur'an 20:75]
Iniulat ni Abu Hurayrah na ang Propeta (saws) ay nagsabi: "Sinumang sumampalataya sa Allâh (swt) at sumunod sa Kanyang Sugo (saws), isinagawa nang maayos ang pagdarasal at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, ay makapapasok sa Paraiso sa kapahintulutan ng Allâh (swt). Maging siya man ay nakipaglaban para sa landas ng Allâh (swt) o hindi. Ang mga tao ay nagsabi, O Sugo ng Allâh (swt) maaari ba naming sabihin sa mga tao ang magandang balitang ito? Siya ay nagsabi; ang Paraiso ay may isang-daang antas na inihanda ng Allâh (swt) para sa mga Mujaahideen na siyang nakikipaglaban para sa Kanya, at ang pagitan ng dalawang antas nito ay katulad ng pagitan ng mga langit at mundo. Kaya kung hihiling kayo sa Allâh (swt) ng anumang bagay, hilingin ninyo ang al-Firdaws, kung saan ito ang pinakamainam at pinakamataas na bahagi ng Paraíso…" (Saheeh Al-Bukhari: 11/418.)

Ang Lupa ng Paraiso

Iniulat ni Abu Hurayrah na siya ay nagtanong sa Propeta (saws): "O Sugo (saws) ng Allâh (swt), sa pamamagitan ba ng ano ginawa ang tao? Sinabi niya, mula sa tubig. Kami ay nagtanong, sa ano ba binuo ang Paraíso? At sinabi niya, sa mga tipak na ginto at pilak na ang loob nito ay musk; ang kanyang mga buhangin ay katulad ng mga mamahaling uri ng bato (perlas at rubi), at ang lupa nito ay saffron. Sinumang makapasok dito ay pagkakalooban ng walang hanggang kaligayahan at hindi kailaman malulungkot sa kanyang buhay. Mananatili siya roon at kailanma’y hindi makararanas ng kamatayan. Ang kanyang damit ay hindi kukupas at ang kabataan ay hindi maglalaho." (Ahmad, Tirmidhi at Ad-Daarimi: Hadith # 5630).

Ang Mga Ilog ng Paraiso

At ibigay ang magagandang balita sa mga mananampalataya at gumagawa ng mabubuti, na para sa kanila’y mga Hardin na sa ilalim nito’y mga umaagos na ilog. [Qur'an 2:25]
Iniulat ni Anas ibn Maalik na ang Propeta (saws) ay nagsabi: "Habang ako ay naglalakad sa Paraíso, nakita ko ang isang ilog na ang magkabilang pampang nito ay may malawak na kubol ng mamahaling bato (perlas) at ako ay nagtanong: Ano ito, O Ánghel Jibreel? Sinabi niya: Ito ang Al-Kawthar na ibinigay para sa iyo ng iyong Panginoon. At ang amoy ng putik nito ay halimuyak ng pabangong musk”. (Bukhari: 11/464).

Ang mga Bukal ng Paraiso

Katotohanan, ang Muttaqûn (mga taong may takot sa Allâh at masunurin sa Kanya) ay nasa gitna ng mga Hardin at mga bukal ng tubig (sa Paraiso). [Qur'an 15:45]
Katotohanan, ang Abrâr (mga matutuwid) ay iinom mula sa isang tasang may inuming hinaluan ng Kâfûr (tubig mula sa bukal ng Paraiso). Isang bukal na kung saan ang mga alipin ng Allâh ay magsisi-inom, na magpapaagos nito nang masagana. [Qura'n 76:5-6]
Katotohanan, ang Abrâr (mga matutuwid) ay nasa Kasiyahan (Paraiso). Nasa mga luklukan, (habang) sila ay nagmamasid (sa lahat ng biyayang nakamtan). Iyong mababanaag sa kanilang mga mukha ang ningning ng kasiyahan. Sila ay paiinumin ng inuming dalisay na Rahîq (isang uri ng alak sa Paraiso) na mahigpit na tinakpan. Na nilakipan ng musk (amoy ng pabango). At para rito, hayaang magsumikap yaong nagnanais magsumikap (sa matapat na pagtalima sa Allâh). At (sila’y bibigyan ng) hinaluan (sangkap) ng tubig ng Tasnîm, Isang bukal na inuman ng mga malalapit (sa Allâh). [Qur'an 83:22-28]

At sila’y bibigyan doon ng inumin sa isang tasang hinaluan ng Zanjabil (luya). At naroroon (din), ang isang bukal ng tubig na (kung tawagin ay) Salsabil. [Qur'an 76:17-18]

Ang mga Tirahan sa Paraiso

Subali’t yaong may takot sa kanilang Panginoon (Allâh) at matapat sa kanilang mga tungkulin sa Kanya, may mga mahaharlikang mga silid na magkapatong-patong, na sa mga ilalim ay may mga umaagos na ilog (sa Paraiso). (Ito) Ang Pangako ng Allâh; at ang Allâh ay hindi bumibigo sa (Kanyang) Pangako. (Az-Zumar, 39:20)
Iniulat ni Umm Habeebah na ang Sugo (saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi: "Sinumang manalangin ng labindalawang Rak'aahs (extra supererogatory) o (sunnah ar-Rawatib) araw-araw, ang Allâh (swt) ay magtatayo para sa kanya ng tahanan sa Paraiso.”(Muslim, Ahmad, Abu Dawood, Nasaai' at Ibn Maajah: 5/316, Hadith # 6234).

Ang mga Puno at Prutas ng Paraiso

Katotohanan, para sa mga Muttaqûn (mga taong may takot sa Allâh at masunurin sa Kanya), ay magkakaroon ng tagumpay (Paraiso), mga Hardin at malalawak na ubasan. [Qur'an 78:31-32]
Iniulat ni Abu Hurayrah na ang Propeta (saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi: "Sa Paraiso ay may isang puno na ang lilim nito ay kasing lawak ng isang-daang taon ng paglalakbay kung ito ay babagtasin ng isang manlalakbay." Pagkatapos sinabi niya (Sugo ng Allâh) bigkasin kung inyong nais (ang Qurán 56:30): "At sa lilim na higit na Pinalawak." (Saheeh al-Bukhari: 6/319).
Iniulat ni Abu Hurayrah na ang Sugo (saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi: "Walang puno sa Paraiso na ang mga sanga nito ay hindi yari sa ginto."(Tirmidhi, Ibn Hibbaan at Al-Bayhaqi: 5/150)

Mga Asawa sa Paraiso

At (magkakaroon) ng Hur (magagandang dilag) na may malalaki at kaakit-akit na mga mata (bilang mga asawa ng mga Muttaqûn). [Qur'an 56:22]

Ang mga Mananahanan sa Paraiso

Ang pambihirang katangian ng Paraiso at ang nilalaman nito ay inilalaan lamang ng Allâh sa Kanyang mga matatapat na sumusunod na alipin. Kung ating iisipin ang pagiging alipin ng tao ay napakadali at hindi ito nagdudulot ng anumang pahirap sa kanyang sarili. Subali't ang taoang nagpapahirap sa kanyang sarili upang maging masalimuot ang kanyang buhay sa mundong ito na natutulak sa kanya palabas ng Paraiso. Marami sa atin ang nagsasabing inaasam ang biyaya ng Allâh at hinahangad na mapunta sa Paraiso sa kabilang buhay. Nguni’t hindi gumagawa ng mga bagay na magdadala sa kanya sa Paraiso bagkus itunuon ang buhay sa makamundong bagay.

At yaong mga may takot sa kanilang Panginoon ang siyang mangunguna sa karamihan sa pagpasok sa Paraiso hanggang sa sila ay sumapit doon: ang mga pintuan ay bubuksan at ang mga tagapagbantay ay magsasabi, Kapayapaan sa iyo! Mabuti ang iyong ginawa! Pumasok ka, at manirahan dito magpakailanman. [Qur'an 39:73]

Iniulat ni Abu Hurayrah na ang Sugo (saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi: "Ang unang pangkat na papasok sa Paraíso ay magniningning ang kanilang mukha na kasing ganda ng kabilugan ng buwan. Hindi sila dudura at hindi magbabahin ang kanilang mga ilong. Ang kanilang sasakyan ay mga ginto, ang kanilang suklay ay mga ginto at pilak, ang kanilang amoy ay aloe at ang kanilang pawis ay musk. Ang bawa’t isa sa kanila ay may dalawang asawa na ang loob ng kanilang buto ay mababanaag ang kanilang laman dahil sa kanilang sukdulang linaw at ganda. Walang pagtatangi, pagkakaiba, galit at poot mula sa kanila (sa mga mananahanan sa Paraíso); ang kanilang mga puso ay magiging isa, at luluwalhatiin nila ang Allâh (swt) sa umaga at gabi”. (Saheeh al-Bukhari: 6/318)

Ilan lamang ito sa mga katangian ng Paraiso na tunay na makakamtan ng mga matatapat na alipin ng Allâh. At ang lahat ng biyayang ito ay naghihintay sa kabilang buhay. Kung pagsisikapan nating makamtan ang lahat ng biyayang ito, katotohanan magiging mabuti rin ang ating buhay sa mundong ito - habang naghahanda tayo sa tunay na patutunguhan ng buhay. Nawa’y ibilang tayo ng Allâh sa mga papapasukin Niya sa Pinto ng Kanyang Paraiso at makamtan natin ang Kasiyahan at Kagalakan magpakailanman sa Kabilang Buhay. Ameeen




Ang Impiyerno

Madalas nauubos ang ating panahon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at nakaligtaan nating pag-isipan ang kabilang-buhay. Bagama't maraming nagtatanong ang tungkol sa impiyerno at kung ano nga ba ang naririto, hindi ito nakapagbigay aral upang magsumikap tayong gumawa ng kabutihan. Ang iba ay nagtatanong kung tunay nga bang may Impiyernong Apoy sa ngayon at nasaan ito. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an: …kung gayon ay katakutan ang Apoy (Impiyerno) na ang panggatong ay mga tao at bato, inihanda para sa mga hindi naniniwala. [Qur'an, 2:24] Ang Propeta (saw) ay nagsabi: “Akin ding nakita ang Impiyernong Apoy at kailanma’y hindi pa ako nakakita ng gayong kalunos-lunos na tanawin.” [Napagkasunduan] Matatagpuan ang Impiyernong Apoy sa “Sijjin” na nasa pinakamababang pang-pitong daigdig na naroroon ang pinakamakitid at pinakamababang lugar. Samantalang ang Paraiso ay sa ibabaw ng mga kalangitan ay nasa pinakamalawak at pinakamataas na lugar, ang Impiyernong Apoy ay nasa pinakamababa at pinakamakitid na lugar. Ang impiyernong apoy ay may mga pitong pintuan. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an: Ito (Impiyerno) ay mayroong pitong pintuan, para sa bawat pintuan ay itinalaga ang kanya-kanyang (natatanging) uri (ng mga makasalanan). [Qur'an, 15:44] Sa impiyerno ay naroroon ang mga (itinakdang) tao at hindi magkakaroon ng liwanag dito. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an: Ang Apoy ay ikukulob sa kanila (sila ay malilipos ng Apoy nang walang bukasan, bintana o dili kaya ay labasan. [Qur'an, 90:20] Ang Impiyernong Apoy ay binabantayan ng mga anghel na mababagsik at malulupit katulad ng pagsasalarawan sa kanila ng Allah (swt) sa Qur’an: O kayong naniniwala! Iilag ang inyong mga sarili at mag-anak mula sa Apoy (Impiyerno) na ang panggatong ay mga tao at bato, na hindi sumusuway (sa pagsasagawa) sa mga kautusang kanilang natatanggap mula sa Allah, mangyari pa ay isinasagawa ang yaong sa kanila ay ipinag-utos. [Qur'an, 66:6] Sinabi ng Propeta (saw): Ang Impiyernong Apoy ay dadalhin sa panahong yaon (sa Araw ng muling Pagkabuhay) na may pitumpung libong renda (kabisada). Sa bawat renda ay magkakaroon ng pitumpung libong anghel na hihila dito. [Iniulat ni Muslim] Inilarawan ng Allah (swt) ang inihandang matinding paghihirap sa impiyerno para sa mga (itinakdang) tao nito. Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an: Subalit yaong hindi naniniwala ( sa kaisahan ng Allah), ang magiging para sa kanila ay ang Apoy ng Impiyerno. (Kailanma’y) Hindi ito magkakaroon ng lubosang pamatay na dulot upang sila ay mamatay at hindi rin pagagaanin ang paghihirap para sa kanila. Sa gayon Namin binabalaan ang bawat hindi naniniwala. [Qur'an, 35:36] Ang mga di-naniniwala ay mamamalagi sa Impiyernong Apoy magpakailanman at hindi namamatay nang sa gayo’y madama nila (nang husto) ang paghihirap at hindi rin pagagaanin ang paghihirap nang sa gayo’y mabawasan ang sakit. Bagkus ay mananatiling ganoon pa rin ang paghihirap ang mararamdaman magpakailanman. Gayon din, ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an hinggil sa paghihirap (ng tao) sa impiyerno: Sila ay magkakaroon ng taklob na Apoy sa ibabaw nila at taklob (na Apoy) sa ilalim nila; sa pamamagitan nito tinatakot ng Allah ang Kanyang mga alipin: ‘O Aking mga alipin, sa gayo’y matakot sa Akin.” [Qur'an, 39:16] Katotohanan, Aming inihanda para sa mga hindi naniniwala ang mga tanikalang bakal, kulyar na bakal, at naglalagablab na Apoy. [Qur'an, 76:4] Sa impiyerno, igagapos sa kanila ang tanikalang bakal at mga kulyar sa mga kamay at leeg na hihila sa kanila. At ang naglalagablab na Apoy ay susunog sa kanilang katawan. Gayon, din, ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an: (Masasabi) Dakpin siya at igapos siya, pagkatapos ay ihagis siya sa naglalagablab na Apoy. Pagkatapos ay talian siya ng tanikala na ang haba ay pitumpung (cubits). [Qur'an, 69:30-32] Ang tanikalang ito ay lumalagos sa pigi (puwitan) at uusli hanggang sa kanilang bunganga. Inilarawan ng Propeta (saw) ang impiyernong sa kanyang pagsasalaysay:: Ang inyong (karaniwang) Apoy ay isa sa pitumpung bahagi ng Impiyernong Apoy.” Isa ang nagtanong: “O Sugo ng Allah! Ang (karaniwang) Apoy na ito ay sapat na (upang magpahirap sa mga di-naniniwala).” Ang Sugo ng Allah ay nagabi: “Ang (Impiyerno) Apoy ay may maka-69 bahaging higit na marami kaysa sa karaniwang apoy, ang bawat bahagi ay kasing-init nitong apoy dito sa daigdig. [Napagkasunduan] Ang mga taong maninirahan sa impiyerno ay ang mga Sila ang mga sumuway sa Allah (swt) at sa Kanyang Sugo (saw) at sumunod sa “Shaitan” at sa kanilang mga pagnanasa (hawaa). Sinabi ng Allah sa Qur'an: Subalit yaong hindi naniniwala at pinapabulaanan ang aming mga Ayat (patunay, katibayan, talata, atbp.) kagaya nila ang mga nananahanan sa Apoy. Mananatili sila doon magpakailanman. [Qur'an, 2:39] At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, matutunghayan ninyo yaong mga nagsinungaling laban sa Allah, ang kanilang mga mukha ay magiging itim. Hindi ba’t mayroong tirahan sa Impiyerno para sa mga mapagmataas. [Qur'an, 39:60] At yaong mga hindi naniniwala sa Kabilang Buhay, Aming inihanda sa kanila ang isang napakasakit na paghihirap (Impiyerno). [Qur'an, 17:10] Walang pag-aalinlangan, tinatawagan mo ako na (sambahin) ang isang hindi kayang ipagkaloob ang aking kahilingan (o dili kaya’y sumagot sa aking dasal) sa daigdig na ito at sa Kabilang Buhay. At ang ating pagbabalik ay magiging sa Allah. At ang mga Al-Mushriqeen (mga sumasamba sa iba maliban sa Allah, mapag-mataas, at yaong mga gumagawa ng mga malalaking kasalanan) sila ang mga mananahanan sa Apoy. [Qur'an, 40:43] Ipinangako ng Allah sa mga mapagkunwari (lalaki man o babae) at mga di-naniniwala ang Apoy ng Impiyerno. Doon sila mananatili. Ito ay sasapat na sa kanila. Isinumpa sila ng Allah at para sa kanila ay ang matagalang paghihirap. [Qur'an, 9:68] Ano ang naging dahilan ng pagpasok mo sa Impiyerno? – Sila ay magsasabi: ‘Kami ay yaong hindi (kabilang) sa mga nag-aalay ng kanilang Salat noon – maging ang magpakain man sa mahihirap – naging ugali namin noon ang magsabi ng mga kasinungalingan (lahat ng yaong mga kinasusuklaman ng Allah) kasama ng mga nagsasalita ng walang kapararakan. At naging ugali namin noon ang pabulaanan ang Araw ng Pagbabayad (Paghuhukom), hanggang dumating sa amin ang tiyak (na kamatayan). [Qur'an, 74:42-47] Gayundin, sinabi ng Propeta (saw) sa kanyang pagsasalarawan sa mga itinalagang tao sa impiyerno: Ipababatid ko ba sa inyo ang tungkol sa mga (itinalagang) tao ng Impiyernong Apoy? Binubuo sila ng bawat malupit, mabagsik, mapagmataas at palalong mga tao.” [Napagkasunduan] Sa mga nabanggit na talata at Hadith, matutunghayan natin ang pagsasalarawan sa mga nananahanan sa impiyerno. Katulad sa Paraiso, ang impiyerno ay may mga antas, ang bawa't isa ay higit na malala kaysa sa iba. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an: Para sa lahat ay mayroong antas ayon sa kanilang ginawa. At ang inyong “Rubb” (Panginoon) ay batid ang kanilang ginagawa. [Qur'an, 6:132] Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay mapaparoon sa pinakamababang kalaliman (antas) ng Apoy, wala kayong matatagpuang makatutulong para sa kanila. [Qur'an, 4:145] Ang hahantungan ng mga mapagkunwari ay ang pinakamasamang lugar sa impiyerno. At ayun sa paglalarawan, napakalaki at napakalalim ang impiyerno. Ang lalalim nito ay kasing layo ng pitungpong (70) taon ng paglalakad. Ito ay maitim (madilim), at ang mga taong itinakda dito ay nagiging madilim na maitim. Inilarawan ng Allah (swt) ang impiyerno sa Qur'an: Ang kanilang mga mukha ay matatakpan, kagaya noon, ng mga piraso buhat sa kadiliman ng gabi. Sila ang mga nananahanan sa Apoy, at sila ay mamamalagi roon magpakailanman. [Qur'an, 10:27] Ang Apoy ng Impiyerno ay higit na maalab sa init, kung batid (nakakaunawa) lamang sila. [Qur'an, 9:81] Kapag sila ay itinapon doon, maririnig nila ang (nakapanghihilakbot na) papalapit na (pagbugay ng) hininga nito habang naglalagablab ito. [Qur'an, 67:7] Sa nagngangalit na hanging mainit at kumukulong tubig, at anino ng itim na usok. [Qur'an, 56:42-43] Gayon din, inilarawan ng Propeta (saw) ang impiyerno: Ang (Impiyernong) Apoy ay nanghinaing sa kanyang Panginoon at nagsasabing: ‘O aking Panginoon! Nilalamon ng bawat isa ang aking iba’t-ibang bahagi.’ Kung kaya’t pinahintulutan niya itong magkaroon ng dalawang hininga – isa sa taglamig at ang isa ay sa tag-init. At ito ang dahilan para sa matinding init at nanonoot na lamig na inyong makikita (mararanasan) sa panahon. [Napagkasunduan] Ang panggatong ng Impiyernong Apoy ay mga tao at bato kagaya ng sinabi ng Allah sa Qur’an: Ang Apoy (Impiyerno) na ang panggatong ay mga tao at bato. [Qur'an, 66:6] Ang kasuotan ng mga taong nananahanan sa impiyerno ay inilarawan ng Allah (swt) sa Qur'an: Ang kanilang magiging kasuotan ay alkitran, at matatakpan ang kanilang mga mukha ng apoy. [Qur'an, 14:50] At para sa kanila na hindi naniniwala, kasuotang Apoy ang tatabasin para sa kanila, kumukulong tubig ay ibubuhos sa kanilang mga ulo. [Qur'an, 22:19] Inilarawan ng Allah (swt) ang pagkain at inumin ng mga tao na nananahanan sa Impiyerno. Sinabi ng sa Qur'an: Walang magiging pagkain para sa kanila kung hindi isang makamandag at matinik na halaman na hindi makakapagpalakas o dili kaya’y makapagpapabusog laban sa kagutuman. [Qur'an, 88:6-7] Katotohanan, nasa atin ang mga tanikala (na gagapos sa kanila), nagngangalit na Apoy, pagkaing nakakasal at napakasakit na paghihirap. [Qur'an, 73:12-13] Kung gayo’y wala siyang kaibigan sa araw na ito, maging ang anumang pagkain maliban sa dumi sa paghuhugas ng mga sugat. Walang kakain (nito) maliban sa Khati`un (mga makasalanan, di-naniniwala). [Qur'an, 69:35-37] Kung gayon higit sa rito, katotohanan – kayong mga may sala, mga nagtatatwa (ng Muling Pagkabuhay), kayong tunay ang kakain sa mga puno ng Zaqqum, at sa gayo’y pupunuin ang inyong mga tiyan nito at bukod dito ay iinom ng kumukulong tubig. [Qur'an, 56:51-54] Katotohanan, ang puno ng Zaqqum ang magiging pagkain ng mga makasalanan. Katulad ng kumukulong langis, ito ay kukulo sa tiyan, kagaya ng pagkulo ng nakakapasong (nakakalapnos) tubig. [Qur'an, 44:43-46] Ang mga talatang ito ay naglalarawan sa pagkain ng mga tao sa Impiyernong Apoy. Subalit ang inumin ay ipaliliwanag sa mga sumusunod na talata. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an: Kagaya niyang mga mamamalagi sa Apoy magpakailanman, at libingan ng kumukulong tubig na iinumin, nang sa gayo’y ito ay hihiwa (pagpuputol-putulin) ang kanilang mga bituka? [Qur'an, 47:15] Subalit sila (mga Sugo) ay humingi (pinagsumikapan) ng tagumpay at tulong mula sa Allah, at ang bawat matigas ang ulo at palalong (mapagmataas na) hari-harian (diktador) ay pinalasap ng lubos na pagkagapi at pagkawasak – ang sa harap niya ay Impiyerno. At siya ay paiinumin ng kumukulo at nagnananang tubig – sapilitan niya itong iinumin at siya ay magkakaroon ng matinding paghihirap na ito ay lunukin pababa sa kanyang lalamunan. [Qur'an, 14:15-17] At sabihin: ‘Ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon. Kung gayon, sinumang magnais hayaan siyang maniwala at sinumang magnais, hayaan siyang huwag maniwala. Katotohanan, Aming inihanda para sa mga Zalimun ang Apoy na ang dingding ay palilibutan sila. At kapag sila ay humingi ng tulong (pahinga, tubig, atbp.) sila ay pagkakalooban ng tubig na kagaya ng kumukulong tubig na lalapnos (papaso) sa kanilang mga mukha. Kakila-kilabot ang inumin, at isang masamang Murtafaqa (tirahan, pahingahan). [Qur'an, 18:29] Ang paghihirap sa impiyerno ng mga taong itinakda dito ay hindi babawasan o ititigil. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur'an: Katotohanan, ang mga Mujrimeen (makasalanan, di-naniniwala, atbp.) ay mapaparoon sa paghihirap ng Impiyerno upang mamalagi doon magpakailanman. (Ang paghihirap) ay hindi pagagaanin para sa kanila. At sila ay ipapatihulog (tungo) sa pagkawasak nang may matinding pagsisisi, kalungkutan at kawalang pag-asa doon. [Qur'an, 43:74-75] Subalit yaong mga di-naniniwala (sa kaisahan ng Allah) ang magiging para sa kanila ay ang Apoy ng Impiyerno. (Kailanma’y) Hindi ito magkakaroon ng lubusang pamatay na dulot upang sila ay mamatay at hindi rin pagagaanin ang paghihirap para sa kanila. Sa gayon Namin binabalaan ang bawat hindi naniniwala. [Qur'an, 35:76] Ang mga itinakdang mga tao sa impiyerno ang may pinakamaliit na paghihirap ng sa impiyernong. Sinabi ng Propeta (saw): Ang taong magkakaroon ng pinakamaliit na kaparusahan mula sa mga tao ng (Impiyernong) Apoy sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay isang tao na ang kanyang talampakan ay lalagyan ng nagbabagang uling upang ang kanyang ulo ay kukulo dahil dito. [Napagkasunduan] Ang mangyayari sa isang Muslim kapag nakagawa ng mga kasalanan at namatay bago makapagsisi (maliban lamang kung patatawarin ng Allah (swt) ang kanyang mga kasalanan) siya ay hahantong sa impiyerno nang ilang panahon. Pagkatapos ay dadalhin siya sa Paraiso. Ang Propeta (saw) ay nagsabi: Kapag ang mga tao ng Paraiso ay nakapasok na sa Paraiso, at ang mga tao ng Impiyernong Apoy ay nakapasok na sa Apoy. Ang Allah ay nagsabi: ‘Iahon (sa Apoy) ang sinumang may pananampalataya katumbas ng buto ng mustasa sa kanyang puso.’ Sila ay aahon, at sa panahong yaon sila ay nangasunog na at naging katulad ng uling. At pagkatapoy ay ihahagis sila sa ilog ng buhay at sila ay umusbong nang gaya sa pagtubo ng buto sa pampang ng ilog ng tubig-ulan. [Iniulat ni Al-Bukhari]


Thursday, April 9, 2015

GHEERAH(WALANG NARARAMDAMAN PAGSESELOS


Nakakalungkot! Napakaraming mga kalalakihang Muslim ang nagpo-post ng pictures ng kanilang mga asawa na hindi nakasuot ng tamang Hijaab, dito sa internet, mayroon naman na wala ngang larawan ngunit ‘inilalarawan’ naman nila ang kanilang asawa, ang iba naman ay niyayakap o hinahalikan ang kanilang asawa sa pampublikong lugar.
Nasaan na ang Gheerah? Nasaan ang Hayaa’?
Ang dalawang nabanggit ay mga espesyal na katangian ng mga Muslim. Ang bawat Muslim ay kinakailangan na mayroong Hayaa at Gheerah. Dahil katulad ng sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam):
“Ang Hayaa’ ay bahagi ng Imaan”!
At kung ang lalaki ay walang Gheerah para sa kanyang asawa, kung gayon ay ituring niya ito bilang isang babala…
Sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam):
‘Ang Dayooth ay hindi makakapasok sa Jannah.’ Tinanong siya ng isang Sahabah ,‘Sino ang Dayooth?’ Sumagot ang Rasoolullah sallallahu alaihe wasallam , ‘Sya iyong walang pakialam kung sinoman ang bumisita sa kanyang asawa (i.e. kalalakihan).’
At tungkol naman sa usapin ng Gheerah, si Imam Ibn al-Qayyim, rahimahullaah, ay nagsabi,
“At ang Dayyouth (lalaki na walang nararamdaman na selos para sa mga kababaihan ng kanyang pamilya) ay ang pinakamababang uri ng nilikha ni Allah (subhanahu wa ta’ala), at ang Jannah ay hindi ipinahihintulot para sa kanya, (ito ay dahil sa kawalan niya ng damdamin ng pagseselos).
Ang pundasyon ng relihiyon ay ang Gheerah, at ang sinoman na walang Gheerah, siya ay walang relihiyon, sapagkat ang Gheerah ang nagbibigay proteksiyon sa puso at nagpapasigla sa katawan, at nagsisilbing pananggalang sa kasamaan at kahalayan, at ang kawalan nito ay siyang pumapatay sa puso na nagiging sanhi upang ang katawan ay mamatay rin, at wala nang matitira upang maging pananggalang [laban sa maliliit na bagay].
At ang halimbawa ng Gheerah sa puso ay ang halimbawa ng lakas na nagbibigay ng proteksyon mula sa sakit at nilalabanan ito, kaya’t kung ang lakas ay mawala, siya ay haharap sa isang sakit, at hindi siya makahahanap ng kahit ano na magbibigay sa kanya ng proteksyon, kaya ang sakit na ito ay gugupo sa kanyang katawan at sisirain siya. .”
Ad-Daa’ Wad-Dawaa’, p.77
Nakalulungkot! Mayroon tayong milyon-milyon na mga kalalakihan na “dayooth” at wala silang kaalam-alam sa panganib na dulot nito…
Kapatid na Muslim,
KAYO ANG LALAKI at dapat lamang na umakto kayo bilang mga LALAKI, ang INYONG asawa ay asawa NINYO at hindi asawa ng iba, kaya PAKIUSAP….protektahan ninyo sila at pangalagaan. Huwag ninyong gayahin ang mga hindi -Muslim sa kanilang mga masasamang gawi, dahil IBA KAYO at iba sila, HINDI KAYO MAGKAPAREHO. Sikapin ninyo na protektahan ang ating Ummah laban sa tuluyang pagkawasak sa pamamagitan ng paghuhubad at isang pagkilos na walang paggalang na kung tawagin nila ay FREEDOM …

ANG PAGSASABI NG “KULLU ‘AAMIN WA ANTUM BI KHAYR”


Sa cassette bilang 323 ng series na “Silsilah al-Hudaa wal-Nur”, ni Shaykh al-Albanee (rahimahullaah) – matapos ang kanyang pagtalakay ay binati siya ng isa sa mga nakikinig sa kanya ng, “Kullu ‘aamin wa antum bi khayr” (Sana ay maging mabuti ang iyong buong taon) – sumagot siya:
“At para dito sa huli mong sinabi, ito ay walang batayan na kahit ano, sapat na para sa iyo ang sabihin na , “Taqabalallahu minna wa minkum / Tanggapin nawa ni Allaah ang iyong pagsunod sa Kanya.” Sa sinabi mo na “Kullu ‘aamin wa antum bi khayr o Sana ay maging mabuti ang iyong buong taon ,” ito ay pagbati ng mga hindi -Muslim na unti-unting ginaya nating mga Muslim, dala ng kawalan ng pag-iingat, [sinabi ni Allaah], “At magpaalaala, dahil ang pagpapaalaala at pagpapayo ay mapapakinabangan ng mga taong may pananampalataya sa kanilang mga puso.”[Surah Adh-Dhariyat : 55]
At sa cassette naman na may bilang na 52 mula sa naturang series, sa isa pang pag-uusap kung saan binati ang Shaykh (rahimahullah) ng katulad na pagbati, siya (rahimahullaah) ay nagsabi, At ang paggamit sa pagbati na “Sana ay maging mabuti ang iyong buong taons (kullu aaminwa antum bikhayr) – ito ay walang basehan, walang suporta mula sa Islamic Shari’ah, at hindi ginamit sa Shari’ah, ito ay walang ipinagkaiba sa  pagbati ng mga Hudyo at Kristiyano.”


Friday, April 3, 2015

ANG ‘MASTURBATION’!

Imaam Muhammad Naasir-ud-Deen Al-Albaanee (rahimahullaah)

[56] Tanong: Ano po ang batas tungkol sa masturbation?
Sagot: Wala tayong pag-aalinlangan patungkol sa paging haram ng ganitong gawain. At ito ay sa dalawang kadahilanan, una ay ang sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) bilang paglalarawan sa mga mananampalataya:
“Katiyakan! nagtagumpay ang mga naniniwala sa Allaah (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang Sugo na sumunod sa Kanyang batas. Na ang kanilang katangian ay sila sa kanilang pagsasagawa ng ‘Salah’ ay punong-puno ng pagkatakot, na ganap na dalisay sa kanilang mga kalooban at ganap na kapanatagan sa kanilang pagkatao. At ang mga yaon na iniiwasan nila lahat ng mga walang kabuluhan na salita at gawa. At ang mga yaon na nililinis ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga kayamanan sa pagpapatupad ng pagbibigay ng ‘Zakah’ ( o obligadong kawanggawa ayon sa iba’t-ibang uri nito). At ang mga yaon na inaalagaan nila ang mga pribadong bahagi ng kanilang katawan mula sa anumang ipinagbabawal ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na katulad ng pangangalunya at iba pang mahahalay na gawain. Maliban sa kanilang mga asawa o di kaya ay sa kanilang mga alipin na kababaihan ; dahil hindi ipinagbabawal sa kanila ang makipagtalik sa kanila at pasayahin sila ; dahil ang Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay ipinahintulot ito sa kanila. Na kung kaya, sinuman ang maghahangad ng kaligayahan na hindi sa pamamagitan ng kaniyang asawa at alipin na babae ay kabilang siya sa mga lumampas sa ipinahintulot ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) tungo sa Kanyang  ipinagbawal at inilagay niya ang kanyang sarili sa kaparusahan ni Allaah at sa Kanyang Poot. At ang mga yaong inaalagaan nila ang anumang ipinagkatiwala sa kanila at tinutupad nila ang kanilang anumang  pangako. ” [Surah Al-Mu’minoon: 1-8]
Ang ayah na ito ay ginamit ni Imaam Ash-Shaafi’ee (rahimahullaah) bilang patunay sa pagiging haram ng masturbation. Ito ay dahil sa ayah na ito, si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay nagtakda ng dalawang paraan para sa mga tunay na mananampalataya kung paano nila matutugunan ang kanilang pagnanasa– ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagpapakasal sa malayang kababaihan o sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga alipin na kababaihan at mga babaeng bihag mula sa digmaan. At pagkatapos ay sinabi NiysaThen : ” sinuman ang maghahangad ng kaligayahan na hindi sa pamamagitan ng kaniyang asawa at alipin na babae ay kabilang siya sa mga lumampas sa ipinahintulot ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) tungo sa Kanyang ipinagbawal at inilagay niya ang kanyang sarili sa kaparusahan ni Allaah at sa Kanyang Poot” ibig sabihin: Sinuman ang maghanap ng paraan upang mairaos ang kanyang pagnanasa , na bukod sa dalawang paraan na ito; ang pagpapakasal at ang pagkuha ng aliping babae mula sa digmaan , kung gayon ay siya ang mapagmalabis at mapaggawa ng kamalian.
At tungkol naman sa pangalawang dahilan, napatunayan sa medisina na ang gawaing ito ay mayroong hindi magandang epekto sa kalusugan ng sinumang gumagawa nito, lalo na  sa palagian itong ginagawa araw at gabi. Naiulat mula sa Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) na kanyang sinabi: ”Huwag kayong manakit at huwag kayong masaktan.” Kung kay, hindi ipinahihintulot sa isang Muslim ang mapasali sa anumang gawain na magdudulot ng hindi maganda sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
Mayroon pang isang bagay na kailangan malaman ng mga tao , na ang mga taong gumagawa ng ganito ay napapabilang sa sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):
“Inaayawan ninyo ang biyaya ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na Kanyang pinili para sa inyo?” [Surah Al-Baqarah: 61]
At mayroon ring naiulat mula sa  Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) na siyang makapagpapatibay ng pagbabawal ng gawking ito ng kanyang sinabi:
“O kayong grupo ng kabataang kalalakihan! Sinuman sa inyo ang mayroong kakayahan na magpakasal ay hayaan siya na magpakasal, katotohanan na ito ang pinakamabisang paraan ng pagbababa ng paningin at ang pinakamabisang paraan ng pangangalaga sa inyong pribadong bahagi ng katawan. At sinuman ang walang kakayahan na magpakasal, siya ay mag ayuno, katotohanan na siya ay bibigyang proteksiyon nito .”

~

Al-Asaalah Magazine (Issue #3)|Al-Ibaanah.com
                                                                    ~
Al-Asaalah Magazine (Issue #3)|Al-Ibaanah.com 


Pagbati sa mga Kuffaar sa kanilang mga pagdiriwang


Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah
Imaam Muhammad Ibn Saalih al-Uthaymeen (rahimahullaah):
Ang Pagbati sa pasko ng kuffaar at sa iba pa nilang relihiyosong pagdiriwang/pista ay haraam, batay sa pinagkaisahan, katulad ng sinabi ni Ibn al-Qayyim:
Ang pagbati sa kuffaar sa kanilang mga ritwal na tanging para sa kanila lamang ay haram ayon sa pinagkaisahan, tulad ng pagbati sa kanilang pagdiriwang at pagaayuno sa pamamagitan ng pagsabi ng ‘Masayang pagdiriwang sa iyo’ o ‘ maging masaya sana ang pagdiriwang ninyo at iba pa. Ito ay ipinagbabawal kahit ang taong nagsabi nito ay nailigtas mula sa kufr. Ito ay katumbas ng pagbati sa isang taong lumuluhod sa krus, o mas higit pa dito. Ito ay napakalaking kasalanan kahalintulad ng pagbati sa taong umiinom ng alak, o ang pumatay ng tao, o ang nakiapid, at iba pa. Karamihan sa nahuhulog sa gawaing ito ay silang mga walang respeto sa kanilang relihiyon; hindi nila alintana ang kamalian ng kanilang ginagawa. Ang sinumang bumati sa tao sa kanyang pagsuway o bid’ah o kufr ay inilalantad niya lamang ang sarili sa matinding galit ng Allaah.
Ang pagbati sa kuffaar sa kanilang pagdiriwang na may kinalaman sa kanilang relihiyon ay haraam ayon sa pagsasalarawan ni Ibn al-Qayyim dahil ito ay nagpapahiwatig na sumasang-ayon o pinahihintulutan ng isa ang ritwal ng kufr, kahit para sa kanyang sarili ay hindi niya ito tinatanggap. Hindi dapat tanggapin ng Muslim ang mga ritwal ng kufr o ang batiin ang sinuman para sa kanila, sapagkat hindi tinatanggap ng Allaah ang anuman sa mga ito, gaya ng Kanyang sinabi, “Kung kayo ay hindi maniwala, O kayong mga tao, sa inyong ‘Rabb’ at tumanggi kayo sa Kanya at hindi kayo sumunod sa Kanyang mga Sugo, walang pag-aalinlangang Siya ay hindi nangangailangan sa inyo, kundi kayo ang ganap na nangangailangan sa Kanya, at hindi Niya tinatanggap sa Kanyang alipin ang pagtanggi at hindi Niya ito ipinag-uutos sa kanila, at ang katanggap-tanggap lamang sa Kanya ay ang pagtatanaw ng utang na loob sa Kanyang biyaya sa kanila…” [Soorah az-Zumar 39:7]
‘…Sa araw na ito ay kinumpleto Ko nang ganap para sa inyo, ang inyong ‘Deen,’ na ito ay ‘Deen Al-Islâm…” [Soorah al-Maa’idah 5:3]
Kaya ang pagbati sa kanila ay hindi pinahihintulutan, maging sila ay kasamahan sa trabaho o iba pa.
Hindi dapat tayo sumagot kapag tayo ay kanilang babatiin sa pagdiriwang nila dahil ito ay hindi natin pagdiriwang at dahil ito ay mga pagdiriwang na hindi katanggap-tanggap sa Allaah. Ang mga pagdiriwang na ito ay bid’ah sa kanilang relihiyon, at maging iyong mga dating pinahintulutan noon ay pinalitan na ng relihiyong Islaam, sa pamamagitan ng pagpapadala ng Allaah kay Muhammad (sallallaahu ‘alayhi wa sallaam) sa sangkatauhan. Ang Alllaah ay nagsabi, “At sinuman ang maghahangad ng ‘Deen’ maliban sa ‘Deen’ na ‘Al-Islâm’– na ito ay ang pagsuko sa Allâh sa Kanyang Kaisahan, pagpapasailalim sa Kanya bilang pagsunod at pagkaalipin; at paniniwala sa Kanyang huling Sugo na si Muhammad – pagsunod sa kanya, pagmamahal na lantaran o lihim – angsinumang magnais ng iba maliban sa ‘Deen Al-Islâm’ ay hindi ito tatanggapin sa kanya at sa Kabilang-Buhay ay kabilang siya sa mga talunan.” [Soorah Aal ‘Imraan 3:85]
Haraam para sa isang Muslim na tanggapin ang mga imbitasyon para sa ganitong pagdiriwang, dahil mas higit pa ito kaysa pagbati sa kanila sapagkat ito ay nagpapahiwatig na siya ay nakikiisa sa kanilang mga pagdiriwang. Bukod pa dito, ang mga Muslim ay hindi pinahihintulutang gayahin ang mga kuffaar sa pagkakaroon ng kasiyahan sa ganitong pagdiriwang, o ang pagpapalitan ng regalo, o ang pagbibigay ng mga matamis o pagkain, o ang pagliban mula trabaho at iba pa, dahil ang Propheta (sallallaahu alayhi wa sallaam) ay nagsabi: “Sinuman ang gumaya sa iba, siya ay kabilang sa kanila” [Isinalaysay ni Abu Daawood sa al-Libaas, hadeeth 3512]
Sinabi ni Shaykh al-Islaam Ibn Taymiyyah (rahimahullaah): “Ang paggaya sa kanilang mga pagdiriwang ay nagpapahiwatig na ang isa ay nasisiyahan sa kanilang maling paniniwala at mga kinaugalian, at nagbibigay sa kanila ng pag-asa para magkaroon ng pagkakataon upang manghamak at ilihis ang mga mahihina.’ [Iqtidaa’ al-Siraat al-Mustaqeem Mukhaalifat Ashaab al-Jaheem]
Ang sinuman gumawa ng ganitong bagay ay isang makasalanan, maging ito ay ginawa niya dala ng paggalang o pakikipagkaibigan, o dahil siya ay nahihiya upang ito’y tanggihan, o para sa kung anumang dahilan dahil ito ay isang pagbabalatkayo sa Islaam at ito ay nagbibigay ng lakas sa mga kuffar upang ipagyabang ang kanilang relihiyon.
Tanging sa Allaah lamang tayo hihiling ng tulong upang bigyan ng lakas ng loob ang mga Muslim na ipagmalaki ang kanilang relihiyon, at tulungan sila upang maging matatag dito at gawin silang matagumpay laban sa kanilang mga kaaway, sapagkat Siya ang tanging Malakas at walang Kapantay.

~

Imaam Muhammad Ibn Saalih al-Uthaymeen (rahimahullaah)
Mula sa: Majmoo’ah Fataawa wa Rasaa’il


ANG PAGPAPAKAMATAY

Ano ang batas ng Islaam tungkol sa pagpapakamatay ?

Ang Suicide (pagpapakamatay) ay kapag sinadya ng isang tao na kitlin/wakasan ang sarili niyang buhay sa kahit na anong paraan. Ito ay haraam at kabilang sa malalaking kasalanan, at kasama rin ito sa pangkalahatang sinabi ni Allaah (Subhaanahu wa Ta’aala):
{At sinumang pumatay ng sadya sa isang mananampalataya na wala siyang karapatan, ang kanyang kaparusahan ay ang Impiyernong-apoy, siya ay mananatili roon magpasawalang- hanggan, kasama ang Pagkamuhi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa kanya, at ang pagkakalayo mula sa Awa ni Allaah. At inihanda ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang masidhing kaparusahan para sa kanya}, [Surah an-Nisaa, Aayah 93].
At napagtibay mula sa Sunnah ng Propeta (sal-Allaahu `alayhi wa sallam) na kanyang sinabi:
“Katotohanan, na sinuman ang pumatay (ng sadya) sa kanyang sarili, ang parusang nakalaan sa kanya ay ang Apoy ng Impiyerno, at mananatili siya roon magpasawalang-hanggan”,[Bukhaaree (5778) at Muslim (109 at 110)].
Sa katotohanan, ang mga taong nagpapakamatay ay ginagawa nila ito dahil sa kawalan nila ng pag-asa sa sitwasyon na kanilang kinalalagyan, sitwasyon na maaaring direktang resulta ng itinakda ni Allaah (subhanahu wa tabala) o kaya naman ay ng mismong ginawa ng tao. Kaya’t makikita mo siya na hindi makaya ang kanyang kinasasadlakan, na sa katotohanan ang katulad niya ay isang tao na humihingi ng tulong mula sa nagbabagang init ng apoy. Kaya mula sa masamang kinalalagyan niya ay itinaas niya ang kanyang antas patungo sa pinakamasamang kalagayan. At kung siya ay naging mapagpasensya at natutong maghintay, ay maaaring tutulungan siya ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na harapin ang paghihirap na kanyang nararanasan.
Shaykh Muhammad bin Saalih al-`Uthaymeen
Kayfa Nu’aalij Waaqi’unaa al-Aleem – Page 120
http://www.spubs.com/sps/sp.cfm?subsecID=MNJ14&articleID=MNJ140003&articlePages=1


Pananaw ng Islam sa Pasko

Kahulugan ng Christmas (Pasko)


Kung ating titingnan ang kahulugan ng Christmas, ito ay isang pagdiriwang ng kalakhang Kristiyanismo tuwing Disyembre 25 bilang paggunita sa mahimalang pagsilang ni Hesu-Kristo. Ang mga Muslim ay naniniwala sa mirakulong pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya. Hindi ka maituturing na tunay na Muslim kapag hindi ka naniniwala dito dahil ito ay nasasaad sa Qur’an [Surah Al Imran, 3:45-47]:

Nang ang mga anghel ay nagsabi: O Maria! Tunay, nagpadala sa iyo ang Allah ng isang magandang balita - isang Salita mula sa Kanya, ang kanyang pangalan ay si Messiyah Hesus, ang anak ni Maria, na bibigyang dangal sa daigdig na ito at sa kabilang buhay, at siya ay makakasama ng mga malalapit sa Allah.[Surah Al Imran, 3:45]

 Siya ay magsasalita sa tao mula sa duyan at sa kanyang paglaki, at siya ay mabibilang sa mga matutuwid.”  [Surah Al Imran, 3:46]

Siya (si Maria) ay nagsabi:
 “O aking Panginoon, paano ako magkakaroon ng anak gayong walang lalaking humawak sa akin.” Siya’y nagsabi: “Sa gayo’y mangyayari, sapagka’t nililikha ng Allah ang anumang Kanyang naisin. Kapag itinakda ang isang bagay, Kanya lamang sasabihin: “Maging” - at ito’y mangyayari.”  [Surah Al Imran, 3:47]

Kung tutuusin, makatuwiran lamang na ang mga Kristiano at Muslim ay nararapat lamang na magdiwang sa Araw ng Pasko dahil pareho naman silang naniniwala sa pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Datapwa’t hindi maipaglilihim na ang mga Muslim sa buong daigdig ay hindi nagdiriwang sa araw na ito. Hindi ba ito salungat sa kanilang sinasabing paniniwala sa pagkasilang ni Hesus (as), Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, na isinilang ni Birheng Maria?

Ito ang malaking katanungan na ating tatalakayin. Kung bakit ang mga Muslim ay hindi nagdiriwang sa araw ng Pasko bagama’t sinasabi nila sa sila’y naniniwala kay Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, na itinuturing nilang isa sa mga dakilang Propetang isinugo ng Allah sa lupa.

Saan Nanggaling ang Katagang “Christmas”?

Upang lubusan nating maunawaan ang Christmas o Pasko, dapat nating malaman kung saan nanggaling ang katagang Christmas o kung ano ang saligan.

Ayon sa mga iskolar na Kristiyano, ang Christmas ay hinango sa mga katagang CHRISTES MASI, na ang ibig sabihin ay Christ Mass, o ang misang patungkol kay Kristo-Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Ang katagang ito “Christmas” ay unang ginamit noong ika-11 siglo (1100 years ago) mga 1,000 taon matapos mawala si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, sa mundong ito.

Kaya naman, ang salitang ito ay hindi ginamit ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, at ni hindi niya alam ang salitang ito. Maging ang kanyang mga alagad o disipulo ay walang kaalam-alam sa katagang ito sa dahilang hindi tinuran ni Hesus sa kanyang kapanahunan.

Sa wikang Romano, ito ay tinatawag na “DEIS METALIS DOMINI” na ang ibig sabihin ay kaarawan ng panginoong diyos. Isang gawaing Shirk. Katibayan sa Kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Tungkol naman sa petsang Disyembre 25, ang mga iskolar na Kristiyano ay naniniwala na walang sinumang nakababatid sa eksaktong kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Ating mababasa sa COLLIER ENCYCLOPEDIA-- “Ang eksaktong kaarawan ni Hesus ay imposibleng malaman kahit gamitin pa ang mga nakasulat sa ebanghelyo pati na ang kasaysayang nauukol kay Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.”

Gayundin, sa NEW INTL. DICTIONARY OF CHRISTIAN CHURCH, mababasa natin na walang mapagbabatayan sa kasaysayan na nagbibigay katibayan sa araw, at buwan ng pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Sa Islam, ang pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, ay nababanggit sa Qur’an [Surah Maryam, 19:22-26]:

At siya’y nagdalantao, at humayo sa malayong lugar.  [Surah Maryam, 19:22]

At ang sakit ng panganganak ay nagtaboy sa kanya sa may puno ng palmera at siya ay nagsabi:

 Sana’y matagal na akong namatay bago pa dumating ito, at nabaon na (ako) sa limot at wala na sa paningin (ninuman)![Surah Maryam, 19:23]

At nagsalita (ang batang si Hesus o si Gabriel) sa may ibaba niya:

 Huwag magdalamhati! Ang iyong Panginoon ay nagbigay sa iyo ng isang batis na umaagos sa may ibaba mo. [Surah Maryam, 19:24]

"At ugain mo ang puno ng palmera at maglalaglagan ang sariwang hinog na bunga nito sa iyo. Kaya’t kumain at uminom at magalak. At kung makakita ng tao, iyong abihin: Katotohanan, ako ay nangako sa Mapagpala ng pag-aayuno, kaya’t hindi ako makikipag-usap kaninumang tao sa araw na ito.[Surah Maryam, 19:25-26]

Pagdiriwang ng Kaarawan

Sa unang tatlong siglo makaraang mawala si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, sa daigdig, ang simbahan ay may malakas na oposisyon laban sa pagdiriwang ng kaarawan (birthday) sapagka’t ito ay isang kaugaliang pagano.

Ang mga Hudyo ay hindi nagdiriwang ng kanilang kaarawan. At si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, ay isang Hudyo. Hindi siya nagdiwang ng kaarawan at hindi rin naman ipinagdiwang ang kanyang kaarawan ng kanyang mga alagad o disipulo.

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.

Kaya’t ang pagdiriwang ng birthday ay isang kaugalian ng mga pagano at ito ay walang kinalaman sa relihiyon na dinala ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya. Ito ay sadyang napakaliwanag. Dito makikita na ang pinanggalingan ng pagdiriwang ng kaarawan ay hindi nabibilang sa mga kapahayagan ng Allah bagkus isang kaugalian ng mga pagano ng isinama sa isinasagawa ngayon ng simbahang Kristiyanismo.

Pagdiriwang ng Pasko sa iba’t ibang Petsa 

Si CLEMENT NG ALEXANDRIA ay nagsabi na ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, ay naroroon na noong taong 200 sa Ehipto.

Ito ay ipinagdiriwang sa iba’t ibang araw sa iba’t ibang lugar. Ang mga iskolar ng Kristiyanismo noong ika-2, 3, 4 at 5 na siglo, ay nag-aangkin ang bawa’t isa sa kanila ng kaalaman sa tunay na kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya. Wala silang napagkasunduan tungkol sa eksaktong kaarawan ni Hesus.

Matapos mabinyagan si Constantine sa pananampalatayang Kristianismo, ang simbahan sa Roma ay ipinag-utos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus tuwing ika-25 ng Disyembre. Ang panahon ni Constantine ay noong ika-4 na siglo. Sa panahong ito lamang itinakda ang Disyembre 25 bilang kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Bagama’t karamihan ng Kristiyano sa mga panahong yaon ay nagdiriwang sa kaarawan ni Hesus tuwing Disyembre 25, ang pagdiriwang ng mga Armenians (Eastern Church) ay kanilang isinasagawa tuwing ika-6 ng Enero magpahangga ngayon.

Ano ang Saligan ng Pagpili sa Disyembre 25?

Saan nanggaling ang Disyembre 25? Ating matutunghayan din sa COLLIERS ENCYCLOPEDIA na ang pagpili ng Disyembre 25 ay nakuha sa mga paganong Romano sa kanilang pagdiriwang ng “MITALIS SOLIS INVICTI”, isang pagdiriwang sa kapangyarihan ng Diyos na Araw (Sun God) sa relihiyong MITHRAISM.

Ang pagdiriwang na ito ay sadyang kilalang-kilala sa mga Romano. Ito ay tanda na ang simbahan ay ginamit itong paraan upang akitin ang mga Romano na ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, sa petsang ito upang makalimutan nila ang kanilang pagsamba sa Araw.

Huwag nating kalilimutan na ang Kristiyanismo ay pinalaganap sa Roma at upang hikayatin ang mga paganong ito, isinama sa pagdiriwang ng simbahan ang kanilang mga paganong kaugalian. Sina ST. CIPRIAN at ST. JOHN CRYSOSTOM ay pinatutunayan ito sa kanilang mga aklat.

Gayundin naman, ating mababasa sa ENCYCLOPEDIA OF RELIGIONS AND ETHICS na may isang matandang kaugalian ang mga Romano sa pagdiriwang ng SATURNALIA (God of Saturn).
- Ito ay pinagdiriwang sa araw ng Disyembre 25.
- Ito ay laganap sa bansa. (National holiday)
- Ang mga paaralan ay nakasara
- Walang ipinatutupad na kaparusahan sa araw ng iyon (ceasefire)
- Nagpapalit sila ng damit
- Ang sugal na dice ay pinahihintulutan
- Nagbibigayan ng regalo. Manika ang ipinamimigay sa bata.

Sa Northern Europe, ang tribo ng TEOTONIC ay nagdiriwang ng kanilang WINTER SOLISTICE tuwing ika-25 ng Disyembre sa paniniwalang isinisilang na muli ang araw.

Ang pagdiriwang ng Disyembre 25 ay naging laganap at ito ay itinuring ng simbahan ng Kristiyanismo bilang isang pamamaraan ng kanilang dibosyon sa pananampalataya.

Pagbabawal sa Pagdiriwang

Magkagayunman, noong sumapit ang taong 1642 hanggang 1652, ang mga Kristiyanong Puritano sa Inglateria ay nagpalabas ng batas sa pagbabawal ng misa at pagdiriwang sa araw na ito. Gayundin, ito ang naging desisyon ng mga Kristiyano sa Amerika na dala ng mga dayuhan. Subali’t nang dumating ang taong 1900, ang maraming mga dayuhan sa Amerika na galing sa Germany at Ireland ay nagbigay buhay na naman sa paganong pagdiriwang na ito. Kahit na may oposisyon (pagtutol ng simbahan), ito ay natabunan dahil sa dami ng mga imigrante.

Christmas Tree

Maging ang Christmas tree ay galing din sa paganong kaugalian. Ito ay sikat sa nauang Ehipto at Roma. Sa kanilang pagdiriwang sa Saturnalia, ang Evergreen tree ang gamit na palamuti sa bahay at sa mga kalsada dahil ito ay simbolo ng walang hanggang buhay sa dahilang ang punong ito ay hindi namamatay sa panahon ng taglamig (winter). Mga Tagasunod ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya.

Kaya’t ang masugid na Kristiyano, tagasunod ni Hesu-Kristo, lalong-lalo na ang mga lagi nang bumabanggit ng John 14:6 - “Ako ang landas, katotohanan, at ang buhay. Walang makapaparoon sa Ama maliban sa pamamagitan ko”, ay dapat lamang sundin ang landas na itinuro ni Hesus.

 Ang Pasko ay walang koneksiyon sa pagtuturo ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya. Ang pagdiriwang nito ay hindi magbibigay kasiyahan sa kanya at sa nagsugo sa kanya dahil hindi naman niya ito ipinatupad. Ito ay hindi bahagi ng landas ng kanyang itinuro. 

Ang mga Muslim ba ay pinahihintulutang sumama sa pagdiriwang ng Pasko o kaya’y magbigay pagbati sa Pasko. Hindi dahil sa mga sumusunod;
1. Ito ay isang hayagang pagkunsinti sa isang kaugaliang pagano.
2. Ito ay isang gawaing hindi naaayon sa turo ni Hesus
3. Ito ay direktang pagsalungat o paglabag sa kanyang pananampalataya.
4. Ito ay isang pagkukunwari at ang Islam ay kinasusuklaman ang pagkukunwari.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Sinuman ang gumaya sa kaugalian ng iba, siya ay nabibilang sa kanila.”

Ang Qur’an ay nagsasabi:
Sa araw na ito ay pinaging-ganap Ko ang inyong relihiyon para sa inyo, ginawang lubos ang Aking tulong sa inyo, at pinili para sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon.... [Surah Al Maidah, 5:3]

Naniniwala tayo sa Allah at sa itinuturo ng Islam batay sa kapahayagan. Ito ay hindi nagbabago ayon sa kapritso o pagkagusto ng tao. Ang Qur’an at ang mga Sunnah ni Propeta Muhammad, ang magsisilbing gabay sa atin kung paano natin isabuhay ang itinuturo ng Islam.

Pagdiriwang sa Kaarawan ni Propeta Muhammad

Ngayon naman, ang maaaring itanong sa atin ay ganito: Bakit ninyo sinasabing ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa'y mapasakanya, ay gawaing pagano, samantalang kayo ay nagdiriwang din ng kaarawan ni Propeta Muhammad. Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam. Ito ay dulot ng kamangmangan sa pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Anumang bagong bagay na isinasama sa ating pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.”

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo.”

Bilang pangwakas, tayong mga Muslim ay may dalawang batayan sa ating panuntunan ng buhay: ang Qur’an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang ating pamumuhay at pagsamba ay nararapat lamang ayon sa Kanyang ipinahayag at sa pamamaraang itinuro ng Kanyang Propeta upang ito ay tanggapin ng Allah.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah.”

Mga karagdagang mga talata sa Qur’an at mga Hadith:
  • Katotohanan, nasa Sugo ng Allah ang pinakamahusay na halimbawa upang pamarisan - sa sinuman na may pag-asam sa (pagharap sa) Allah, sa Huling Araw at laging alaala ang Allah. [Surah Al Ahzab, 33:21]
  • “...At anuman ang ibigay sa inyo ng Sugo ay kunin ito, at anumang kanyang ipagbawal sa inyo ay iwasan ito...” [Surah Hashr, 59:7]
  • “... At hayaan ang mga sumasalungat sa mga ipinag-uutos ng Sugo na mag-ingat, kung hindi’y magkakaroon sila ng Fitnah (pagsubok, kahirapan, lindol, patayan, pang-aapi, etc) o isang napakasakit na parusa ang mapapasakanila.” [Surah An-Nur, 24:63]
  • O kayong nananampalataya! Sundin ang Allah at sundin ang Sugo), at yaong may otoridad. Kung kayo’y di-magkaunawaan sa anumang bagay sa isa’t isa, isangguni sa Allah at sa Kanyang Sugo (saws), kung kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mahusay at higit na karapat-dapat sa huling pagpapasiya.” [Surah An-Nisa, 4:59]
  • At kung inyong susundin ang karamihan dito sa daigdig, kanilang ililigaw kayo nang malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, at wala silang ginawa kundi magsinungaling.” [Surah Al An-am, 6:116]
Si Propeta Muhammad (saw) ay nagsabi:
Mag-ingat sa kalabisan tungkol sa relihiyon. Napahamak ang mga nauna sa inyo dahil sa kanilang pagmamalabis tungkol sa relihiyon.

Si Propeta Muhammad (saw) ay nagsabi:
Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo lamang sabihin: “Alipin ng Allah at Kanyang Sugo”.



Share