Ang sabi ng ALLAH :
(Surah Az-Zukhruf 43:67)
[ Ang magkakaibigan sa Araw na ito ay magiging magkaaway, ang bawat isa sa kanila; maliban sa Muttaqun (mga matutuwid at mataimtimang tao na nananampalataya kay ALLAH. ]
----------
(Surah Al-Furqan 25:27-29)
[ At (alalahanin) ang Araw na ang Zalim (buhong,buktot,pagano) ay kakagat sa kanyang mga kamay (ng may kahigpitan) at siya ay magsasabi : "Oh! Sana ay tumuntong ako sa landas ng Sugo (Muhammad)!" ]
[ "Ah! Kasawian sa akin! Sana, kahit na kailan, ay hindi ako itinuring ang kung sinu-sino lamang bilang isang kaibigan"! ]
[ "Katotohanang siya ang umakay sa akin sa na mapaligaw sa Paala-ala (ang Qur'an) matapos na ito ay dumatal sa akin. At si Satanas ay lagi nang hindi maaasahan ng tao sa sandali ng pangangailangan".]
----------
(Surah As-Saffat 37:50-57)
[ At sila ay humaharap sa isat-isa at nagtatanungan (alalaong baga, nagkukwentohan sa isat-isa. ]
[ Ang isa sa kanila ay magsasabi: "Katotohanang ako ay may isang kaibigan (sa mundo) ]
[ Na laging nang nagsasabi: "Ikaw ba ay kabilang sa mga nananalig?" ]
[ Na kung tayo ay mamatay at maging alabok at mga buto, katotohananang bang tayo (ay muling ibabangon) upang tumanggap ng gantimpala o kaparusahan (ayon sa ating mga gawa? ]
[ Siya ay nagsabi: "Nais ba ninyong tumingin (sa kanya kung ano ang kanyang kinasapitan? ]
[Kaya't siya ay tumingin (naghanap sa kanya) , at kanyang nakita siya sa gitna ng Apoy. ]
[ Siya ay nagsabi: "Ako ay nanunumpa kay ALLAH! Malapit na (sanang) nadala mo ako sa pagkawasak!
[ At kung hindi sa habag ng aking Panginoon (ALLAH) , ay walang pagsala na ako ay isa sa mga napasama roon (sa Impiyerno)! ]
----------
Ang sabi ng Sugo (saw) : ANg isang tao ay tumatahak sa landas ng kanyang kaibigan; kaya tingnan ng bawat isa sa inyo ang kanyang kinakaibigan. May pitong uri ng tao ang pasisilugin ni ALLAH sa kanyang lilim sa araw na walang lilim kundi ang kanyang lilim lamangang dalawang tao ng nagmamahalan alang-alang kay ALLAH ; nagkikita alang-alang sa kanya at naghihiwalay alang-alang sa kanya.
----------
ANG MGA ARAL
1. Hindi maiiwasang magkaroon ng kaibigan ang isang tao; kaya dapat na maging masigasig na magkaroon ng mabuting kaibigan na papatnubay at tutulong sa kabutihan.
2. Ang kaibigan ay maaaring maging isang matinding kaaway kong siya ay nagtutulak sa pagsuway at di-pagsasampalataya kay ALLAH.
3. Mag-ingat sa pakikipagkaibigan sa mga di-mananampalataya sapagkat maaari silang makasagabl sa isang Muslim sa paggawa ng mabuti at pagsunod kay ALLAH.
PAALALA UNA SA AKING SARILI
No comments:
Post a Comment