Pages

Wednesday, April 1, 2015

ANG MAINAM NA LALAKI

KAPATID NA MUSLIMAH,
Naghahanap ka ba ng mapapangasawa? Ano ba ang hinahanap mo sa isang lalaki? Mas mainam maghanap kung mayroon ka nang ‘inaasam’ na hahanapin di ba? Yun bang nakatanim na sa isip at puso mo kung ano ang gusto mo. Alam ko, karamihan sa inyo ay sasagot na ang nais mapangasawa ay isang mayroong ‘mataas ang Eeman’. E paano pala kung mas paboran mo ang isang kapatid sa pananampalataya na may kayamanan , mas magandang lalaki, mas makisig [at iba pang 'mas' kung ang pagbabatayan ay ang maka-mundong pag-aangkin], kumpara sa kapatid sa pananampalataya na mataas ang Eeman? Nagkakasala ka kaya?
Ang pinakamahalagang katangian na dapat hanapin ng isang babae sa isang lalaki na nag-aalok sa kanya ng kasal ay ang mabuting pag-uugali at ang kaalaman nito sa Deen (iyong isinasabuhay ang relihiyon). At tungkol naman sa kayamanan at lahi o tribo na pinagmulan, ang mga ito ay pangalawa na lamang sa dapat ikonsidera. Ang pinakamahalaga ay ; dapat ang lalaki na pipiliin mo ay ang nagtataglay ng mabuting pag-uugali at isinasabuhay ang Deen ,dahil kapag mayroon nang dalawang ito ang lalaki na magiging asawa mo , ay hindi ka matatalo sa kahit ano pa; kung pananatilihin ka ng lalaking ito sa kanyang piling, ay siguradong tatratuhin ka ng maganda dahil ang lalaki ay may taglay na kagandahang asal, at kung ikaw naman ay palalayain o hihiwalayan, ito ay gagawin rin ng lalaki sa mainam na paraan. Bukod pa rito, ang lalaki na mayroong magandang pag-uugali at Deen ay magiging isang biyaya para sa iyo at sa inyong mga anak at matututo ka ng kagandahang asal mula sa iyong asawa at ng mga bagay na rin na may kinalaman sa relihiyon.
Ngunit kung ang lalaki ay hindi nagtataglay ng dalawang katangian na ito, marapat lamang na iwasan ninyo siya., lalo na iyong pabaya at hindi nagsasagawa ng salah, o yung umiinom ng alak at inuming nakalalasing–iligtas nawa kayo ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa ganitong lalaki…
Kaya ang mahalaga ay pagtuunan ng pansin ng isang Muslimah ang dalawang katangian na ito–mabuting pag-uugali at ang relihiyon.
At tungkol naman sa lahi o tribo na pinagmulan, ito ay dagdag na lamang sa maaari mong makamit, at kung mapapasaiyo ito, Alhamdulillah! at ito ay karapat-dapat, dahil sinabi ni Propeta Muhammad ni (sallallaahu ’alayhi wa sallam) : Kung mayroong lalaki na lumapit sa inyo at ang kanyang Deen at ugali ay kaaya-aya, kung gayon ay ipakasal ninyo sa kanya ang inyong kababaihan.
Gayunpaman , kung mayroon kayong natagpuan na katulad ng katangian na ito mula sa taong kakilala na ninyo, mas mainam na ang magpakasal sa kanya.
********
[Shaikh Ibn Uthaimeen (rahimahullaah) sa Fataawal-Mar'ah Vol. 1. p.50]


No comments:

Post a Comment

Share