Hangad ng Islam na makapagtatag ng pangmatagalang
ugnayan sa buhay ng mag-asawa. Ang lalaki ay dapat
maghanap ng kaakit-akit na asawa na mayroong mabuti at
magandang asal upang ang ugnayan ng mag-asawa ay maging
panghabang buhay. Kaya naman, pinahihintulutan sa Islam na
magkita ang dalawa.
May isang lalaki ang lumapit at nagsabi sa Propeta(_) na nais
niyang pakasalan ang isang babaeng ‘Ansar’ (mga tumulong sa
mga lumikas at nanirahan sa Madinah). Iniulat na sinabi ng
Propeta(_);
“Nakita mo na ba siya? Ang lalaki ay sumagot ng;
‘Hindi’; at sinabi ng Propeta ng Allah(_); pagmasdan
mo muna siya; dahil mayroong nakakasiyang katangian
sa mata ng mga babaeng Ansar.” (Muslim)
Binanggit ng Propeta(_) na mahalagang makita ang isang
babae bago ito pakasalan. Kaugnay nito, si Anas ay nag-ulat na
si Al-Mughira b. Shu’bah (_) ay mayroong ugnayan sa isang
babae at ang Propeta(_) ay nagsabi sa kanya;
==========================
Dapat isaalang-alang ninuman ang mga sumusunod:
a) Hindi pinahihintulutan ang isang lalaki na makasama ang babae sa isang tagong
lugar, ang Propeta ay nagsabi; ‘Siya (lalaki) na naniniwala sa Allah at sa
Huling Araw ay hindi dapat manatili sa pribadong lugar na kasama ang isang
babae (hindi kilala) maliban kung siya (babae) ay may Mahram (lalaking
katiwala) magkagayon, si Satanas ang kanilang ikatlo.” (Ahmed)
b) Siya na tumitingin sa karaniwang nakikita sa babae, ang mukha, kamay, paa
atbp.
c) Nararapat na mayroong matapat na layunin sa pakikipagkasundo sa babae.
d) Hindi niya dapat ipamalita ang mga makikitang di-magandang katangian ng babae.
“Puntahan at tingnan mo siya, dahil sa paraang ito
kapwa kayo magiging malapit at mapagmahal sa isa’t
isa.” (Ibn Majah)
Ang Islamikong pamayanan ay isang lugar na malaya sa
anumang panganib at suliranin. Ang pagmamahal at pag-ibig
ng mag-asawa ay likas sa damdamin ng bawat isa (sa Islam).
Samakatuwid, hangga’t ang pagmamahalan nila ay dalisay at
wagas, alinsunod sa batas, ito ay ikinasisiya at inaayunan ng
Islam. May isang taong nagtanong sa Propeta(_);
“O Propeta ng Allah(_)! Mayroon akong babaeng
ampon (ulilang lubos). May dalawang lalaking
nagpahayag na pakakasalan siya. Ang isa ay mayaman
at ang isa ay mahirap. Gusto namin ang mayaman
nguni't gusto niya yaong mahirap. Kanino namin siya
ipakakasal? Ang Propeta ng Allah(_) ay nagsabi; ‘Wala
ng ibang higit na maganda sa dalawang taong
nagmamahalan kundi ang pagpapakasal.” (Haakim)
Hinihikayat sa Islam na may mamagitan sa isang mabuting
lalaki na magpakasal sa isang mabuting babae na
nagmamahalan sa isa’t isa.
Sinabi ni Ibn Abbas (_) na ang asawa ni Bareerah (kalugdan
nawa siya ng Allah) na isang alipin na ang pangalan ay
Mugeeth, ay lagi ng sumusunod na naglalakad sa likod ni
Bareerah na umiiyak, habang ang luha ay tumutulo sa kanyang
balbas. Ang Propeta(_) ay nagsabi kay Abbas (_);
“O Abbas! Hindi kaba nagtataka kung gaano kamahal
ni Mugeeth si Bareerah na hindi naman siya gusto!”
Pagkatapos ay sinabi kay Bareerah; ‘Bakit hindi ka
bumalik sa kanya? Sinabi ni Bareerah, Inuutusan mo bang gawin ko? At sinabi sa kanya; ‘Ako ay
namamagitan lamang para sa kanyang kapakanan.’
Nguni't sinabi ni Bareerah, hindi ko na siya kailangan.”
(Bukhari)
Hinihikayat din ng Islam ang lalaking tagapangalaga na
ipakasal ang babaeng nasa kanilang pamamahala sa isang
nararapat, maginoo at mabait na lalaki pagkatapos ibigay ang
kanilang pahintulot. Ang tagapangalaga ay dapat maging
maingat sa paghahanap ng mabuting asawa ng kanilang
nasasakupan (mga babaeng nasa kanyang pangangalaga). Ang
Allah(_) ay nagsabi;
At nang siya ay nakarating sa tabi ng balon ng Madyan
(Midian) kanyang natagpuan doon ang isang pangkat ng
mga kalalakihang nagpapainom (ng kanilang kawan ng
hayop), at sa tabi ng mga ito ay kanyang nakita ang
dalawang babae na nangangasiwa (ng kanilang kawan
ng hayop). Siya ay nagsabi: "Ano ba ang nangyayari sa
inyo?" Sila ay nagsabi: Hindi namin mapapainom (ang
aming mga hayop) hangga't hindi kunin ng mga pastol
(ang kanilang mga hayop). At ang aming ama ay
lubhang matanda na. Kaya kanyang pinainom (ang
kanilang mga hayop) para sa kanila, pagkaraan ay
muling bumalik sa lilim, at nagsabi: "Aking Panginoon!
Katotohanang ako ay nangangailangan ng anumang
mabuti na Inyong maigagawad sa akin!" Pagkaraan,
lumapit sa kanya ang isa sa dalawang babae, na
nahihiyang naglalakad. Siya ay nagsabi: "Katotohanan,
ikaw ay tinatawag ng aking ama upang ikaw ay
gantimpalaan sa pagpapainom (ng aming mga hayop)
para sa amin." Kaya nang siya ay lumapit sa kanya (sa
ama ng dalawang babae) at isinalaysay ang nangyari sa
kanya, siya ay nagsabi: "Huwag kang matakot. Ikaw ay
nakatakas mula sa mga mamamayan ng Dhalimun (mga mapang-aping tao, walang pananalig at tampalasan).."
At sinabi ng isa sa dalawang babae: "O aking ama!
Kuhanin siya (bilang manggagawa)! Katotohanan, ang
pinakamabuti sa mga lalaki para gawin mong
manggagawa ay ang malakas at ang
mapagkakatiwalaan." Siya ay nagsabi: "Ako'y
naglalayong ipakasal ang isa sa aking mga anak na
babae sa iyo, sa kasunduan na ikaw ay maglilingkod sa
akin ng walong taon; nguni't kung ito'y natapos mong
gawin ng sampung taon ito ay (bilang kabutihang loob)
mula sa iyo. Nguni't hindi ko nais na ikaw ay ilagay sa
kahirapan. Kung ito ay mamarapatin ng Allah, ako ay
iyong matatagpuan bilang isang matuwid." Siya (si
Musa) ay nagsabi: "Ito ay kasunduan sa pagitan natin!
Alinman sa dalawang kasunduan ang aking tutuparin,
walang di-makatarungan sa akin, at ang Allah ang
Siyang saksi sa anumang ating pinag-usapan." (Qur’an
28: 23-28)
Si Salim b.Abdullah (_) ay nag-ulat na narinig niya si
Abdullah b. Umar (_) na sinabi ni Umar b. Al-Khat’tab (_)
na:
“Nang (ang aking anak) si Hafsah b. Umar ay mabalo
kay Khunais b. Hudahaafah as-Sahmi16 nagkita kami ni
Uthman b. Affan at iminungkahi ko na pakasalan niya si
Hafsah at sinabi ko; ‘Kung gusto mo, ipakakasal ko si
Hafsah b. Umar sa iyo,’ Dahil doon, ay kanyang sinabi,
‘Pag-iisipan ko ito’. Naghintay ako ng ilang panahon at
sinabi niya sa akin, ‘Sa aking palagay ay hindi muna ako
mag-aasawa sa ngayon.’ Pagkaraan noon ay nakatagpo
ko si Abu Bakr at aking sinabi, ‘Kung nais mo ipakakasal ko sa iyo si Hafsah b. Umar.’ Subali't siya ay
nanahimik at hindi niya ako sinagot at higit akong
nagalit sa kanya kumpara sa galit ko kay Uthman noon.
Pagkaraan ng ilang araw, hiningi ng Sugo (_) ng Allah
ang kanyang kamay para pakasalan at ipinakasal ko siya
sa kanya. Pagkaraan ng ilang araw, nagkita kaming
muli ni Abu Bakr at kanyang sinabi; ‘Marahil ay nagalit
ka nang balak mong ipakasal sa akin si Hafsah at hindi
ako sumagot sa iyo? ‘Oo’. Iyon ang aking naging tugon.
Sinabi ni Abu Bakr, ‘Walang pumigil sa akin upang
hindi tanggapin ang iniaalok mo maliban sa Sugo ng
Allah(_)na isinangguni ang tungkol kay Hafsah; at
hindi ko nais ipahayag ang lihim ng pagpapahiwatig ng
Sugo ng Allah(_), subali't kung hindi niya (ang Propeta)
tinanggap si Hafsah, katiyakang tatanggapin ko siya.”
(Bukhari)
No comments:
Post a Comment