Pages

Wednesday, April 1, 2015

JESUS AYON SA ISLAM

        SA NGALAN NG ALLAH, ANG MAPAGPALA, ANG MAHABAGIN


Isa sa miskonsepsiyon sa pananampalatayang Islam na laganap sa pamayanang Kristiano ay ang pag-kakilala kay Jesus[1]. Marami ang nagsasabi na ang mga Muslim ay hindi nanininwala kay Jesus. Ngunit ang lahat ng ito ay walang katotohanan, bagkos hindi ganap ang pananampapalataya ng isang Muslim kung mayroon siyang hindi paniniwalaan sa mga ipinadala ni Allah mula sa mga Propeta, mula kay Noah, Abraham, Moises, Solomon at hanggang kila
Jesus at Muhammad (suma kanila nawa ng pagpapala at kapayapaan).


Kinikilala ng mga Muslim si Jesus bilang isa sa Dakilang Propetang ipinadala ni Allah para sa bayan ng Israel. Naniniwala rin ang mga Muslim sa mga himalang ginawa ni Jesus na ito’y galing mula kay Allah. Gayon din ang paniniwala ng mga Muslim na si Jesus ay ang Mesaiah at magbabalik bago magwakas ang panahon upang ipahayag ang katotohanan ng Islam at puksain ang tunay na anti-kristo.


Kaya't ganoon na lamang ang pagmamahal ng mga Muslim kay Jesus dahil sa siya ang maghahayag ng katotohanan ng Islam pagdating ng panahon, at dahil sa utos sa amin ni Allah na bigyan siya ng sapat na pagmamahal at pag-galang bilang dakilang Propeta. Kaya’t walang isang Muslim na hindi magbibigay ng buong pag-galang at pagmamahal kay Jesus at higit pa sa nagsasabing tagasunod sila ni Jesus. Dahil ang tunay na tagasunod ni Jesus ay ang mga taga-sunod ng tunay na Diyos at hindi taga-sunod ng kultura o bulaang relihiyon na sumasamba sa mga rebulto at pipiliting yaon si Jesus. Isa itong hayagang pagwawalang galang at paglapastangan para sa Propeta ng Diyos, at gawaan ito ng iba’t-ibang imahen ng larawan bilang basketbolista, jeepney driver at iba pang kakatwang hitsura.


Ang iba ay kay Jesus pa ipatutubos ang kanilang mga kasalanan at ipagpipilitang ipinako si Jesus sa krus na parang masaya pa silang nahirapan si Jesus sa krus dahil sa taon-taon nila itong ipinag-diriwang. At dahil pa dito ay sinasabi nila na ligtas na sila mula sa kaparusahan mula sa kanilang pag-inom ng alak, pakiki-apid at mga kalaswaan at iba pang kasalanan, pagkatapos ay sila pa ang magpapakalat na ang mga Muslim ang hindi naniniwala kay Jesus, samantalang buong buhay ng isang tunay na Muslim ay walang inatupag kundi tularan ang mga pamamaraan ng mga Propeta at sumamba sa iisang Diyos na ipinakilala ng mga Propeta.

Ang mga Muslim lamang ang kumikilala kay Jesus ng sapat at tama, hindi sobra at hindi rin kulang. Kinilala siya ng mga Muslim kung paano siya ipinikilala ni Allah. Ang mga Kristiano ay kinilala siya ng sobra sa kanyang katangian tulad ng pagiging diyos at tagapagligtas na taliwas sa kanyang katuruan na ang buhay na walang hanggan ay makakamit kung kikilala lamang sa iisang Diyos at siya ay kilalanin bilang Propeta. At gayun din naman ang mga Hudyo na kinkilala si Jesus bilang bulaan kaya ang pagmamalaki at pag-aakala nilang na-ipako nila si Jesus sa Krus. Ngunit ang mga Muslim ay matatag sa paninindigan nila kung sino ang tunay na Jesus, dahil ang naghayag sa mga Muslim hinggil kay Jesus ay ang mismong lumikha at nagsugo kay Jesus, at hindi ang mga kuro-kuro ng mga naglalabasang mga Pastor na mangmang sa tunay na Relihiyon at mga Hudyo.

Habang binibigay sa iyo ang babasahing ito ng isang Muslim kasama ang pag-aanyaya na iyong suriin ang pananampalatayang Islam. Ito ang tunay na Relihiyon ipinadala ng Diyos, Relihiyong ipinakilala ni Jesus at kanyang pinaniwalaan. Ang Islam lamang ang Relihiyong naghahamon sa inyo na buksan ang mga aklat at hindi nagtatago ng katotohanan.


Hanggang kailan ka magbubulag-bulagan sa mga kamalian ng iyong Relihiyon? Hanggang kailan mo tatanggihan ang panawagan ng Islam, para lamang masunod ang iyong mga bisyo? Hanggang kailan mo gustong manatili sa kadiliman ng kamangmangan? Hanggan kailan mo tatangihan ang pamamaraan ni Jesus at ng mga Propeta? Hanggang kailan o alipin ng Diyos?

[1] Jesus, sa wikang arabe ay Eisa na anak ni Maria na isinugo ni Allah para sa bayan ng Israel.
Jesus, Diyos ba o Kabahagi ng Diyos???

Kung mayroon mang dapat pagtalakayan ang mga Muslim at Kristiano, wala na sigurong hihgit pa sa paksang tunay na kalagayan ni Jesus.


Ang Islam lamang ang natatanging relihiyong di-Kristiano na naniniwala at bagkos ginawang alituntunin na pananampalataya na paniwalaang si Jesus na anak ni Maria na hindi na kami kailangan pang kumbinsihen ng pari, pastor at kahit na sinumang mangangaral.


Ang mga Muslim ay Naniniwalang si Jesus ay:


1. Milagrosang Kapanganakan, na si Jesus ay ipinanganak sa pamamagitna ni Maria nang hindi kinakailangan ng pagsiping sa lalaki, bagkos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

2. Ang Mesiah

3. Dakilang Sugo, na siya ang daan tungo sa Diyos sa paraang sundin ang kanyang mga pamamaraan at pangangaral sa kanyang panunungkulan bilang dakilang sugo ng Diyos.

4. Gumawa ng maraming himala, kabilang dito ang paggamot sa mga may karamdaman at pagpapakita sa mga bulag at pagbuhay ng patay dahil sa kapangyarihan ng Diyos na nagsugo sa kanya.

5. Nangaral ng katotohanan at nagparating ng mabuting balita hinggil sa pagdating ng huling sugo.

6. Babalik muli bago magwakas ang panahon, upang ihayag ang buong katotohahan, patayin ang anti-cristo at puksain ang ang baboy.


Sabi sa Qur'an:


"Sabihin ninyo kami'y nanampalataya kay Allah at sa kung anuman ang ipinahayag sa atin (ang Qur'an) at siyang pinahayag kay Abraham at Ismael at Isaac at Jacob at sa 12 tribo ng Israel at sa ibinigay kay Moises at Jesus at sa mga ibinigay sa mga propeta ng kanilang Panginoon, at wala kaming itinatangi sa kanila at kami sa Kanya ay sumusuko."

Qur'an 2:136


Ito ang paniniwala ng Islam, at sa pagkakataong ganito ay walang pagtatalo sa pagitan ng mga Muslim at Kristiano, ang hindi matanggap ng mga Muslim ay ang gimawa ng mga Kristiano nang kilalanin nila si Jesus bilang:


1. Diyos o kabahagi ng Diyos.

2. Namatay sa Krus para sa kasalanan ng sanlibutan.

3. Maghuhukom sa tao sa kanyang pagbabalik sa Araw ng Paghuhukom.


At ngayon ay pipilitin nating isa-isahin kung tama ba ito? O ayon ba sa katuruan ng Diyos at mga Propeta ang mga aral na tinanggihan ng mga Muslim.


Sabi sa Qur'an:

"O may Kasulatan, huwag maging malibis sa relihiyon at huwag kayong magsabi patungkol sa Diyos maliban sa katotohanan, (sapagkat) tunay na ang mesiah si Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allah na ang Kanyang salita ay ipinahayag kay Maria at ang espiritong mula sa Kanya, kaya't manampalataya kay Allah at sa Kanyang sugo at huwag ninyong sabihing tatlo (ang diyos) at tigilan ninyo ito sapagkat ito ang makabubuti sa inyo, tunay na si Allah ay nag-iisang Diyos, luwalhatiin Siya sa pagkakaroon ng anak gayun sa Kanya ang mga nangasa kalangitan at nangasa lupa at sapat si Allah bilang wakil.

Qur'an 4:171


Sapat ang pahayag ng Qur'an, ang kapahayagang hindi nabago mula pa sa pagkapahayag nito kay Propeta Muhammad r. Ito ay rebelasyon na direktang nagmula sa lumikha kay Jesus u at sa ating lahat, ang Diyos na makapangyarihan ang nag-iisa, siya si Allah.


Gayun paman ay tignan natin mula sa sariling aklat ng mga Kristiano kung ano ang sasabihin tungkol sa paniniwalang Diyos si Jesus.


Nagtuturo ba ang Biblia sa pagkilala ng higit sa iisang Diyos?


Sa Lumang Tipan

Deuteronomo 4:35

Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Diyos; wala nang iba liban sa kaniya.


Deuteronomo 4:39

Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Diyos sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.


Isaiah 44:8

Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Diyos baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.


Isaiah 45:5

Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Diyos. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala.


Maaring sabihin nila na ang mga binanggit na talata ay para lamang sa bagong tipan at hindi naaangkop sa panahong pagdating ni Jesus.


Sa Bagong Tipan, sabi anya ni Jesus


Mateo 5:17

Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.


Mateo 5:18

Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.


Mateo 5:19

Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.



Sa Bagong Tipan


Marcos 12:29

Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Diyos, ang Panginoon ay iisa:


Juan 17:3

At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.


Walang kahit sinuman ang kayang maglantad ng talata sa Biblia na sinasabi ni Jesus u na ako ay Diyos at sambahin ninyo ako. Wala ni isang direktang pahayag.


Mayroong ilang pag-angkin ng mga pastor, tulad ng nasa:


Juan 10:30 Ako at ang Ama ay iisa.


Saan sila iisa? Sa katangian ba ng pagiging Diyos?


Bakit sabi sa Juan 14:28


Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.


Kung literal si Jesus ng sinabi niyang sila ng Ama ay iisa bakit sa kasunod na talata ay sinabi niyang ang Ama ay lalong dakila???


At kung ang pagsabing "iisa" ay nangangahulugang sa katangian o kalikasan, bakit sabi ganito ang aral ni Juan sa Juan 17:22? "At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;"


Sa talatang ito ay tinawag ni Jesus ang kanyang mga disipolo, na sila bilang isa.


Ngayon, saan nga ba sila iisa? Sila ay iisa sa layunin o mensahe…ang Ama ang nagsugo kay Jesus sa iisang mensahe na siyang ipinangaral ni Jesus sa kanyang mga alagad, tapos sinabi ni Jesus sa Juan 10:30 na silang ng Ama ay iisa at sinabi rin ni Jesus na sila ng kanyang mga alagad ay iisa sa Juan 17:22, nangangahulugang ang pag-kakaisa nila dito ay hindi sa katangian kundi sa Mensahe.


Isa pang talata na kanilang ginagamit;


Juan 14:6 "Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko".


Sagot:

Walang pagpapatunay dito na si Jesus ay nag-aangkin ng pagkadiyos, bagkos kami pang mga Muslim ang dapat gumamit ng talang ito sa pagpapatunay na si Jesus ang daan patungo sa Diyos sa paraang susundin ang kanyang ipinag-uutos at manampalataya sa kanyang mga ipinangaral na nagmula kay Allah.
Jesus, Naipako ba?

Isa rin sa tinututulan ng Islam ay ang hinggil sa aral ng mga makabagong Kristiano hinggil kay Jesus ay ang pagkapako at pagkamatay niya sa krus ng Kalbaryo.


Bakit ko sinabing makabagong Kristiano? Sapagkat ang aral na si Jesus ay napako at namatay sa Krus ang hindi naging aral ng mga naunang tagusod ni Jesus u.


Tulad ang Gospel ni Barnabas na kung saan ay ito lamang natatanging mayroong patunay na direktang naisulat ng mga Apostolic Father[1] at kinilala ito ng simbahan bilang Canonical Gospel hanggang sa 325 AD, inalis na lamang ito nang sinimulang ipatupad ng Nicea Counsil ang Doctrina ng Trinity na siyang ginawa ng opisyal na doctrina ng Pauline Church (Catholic), at sa taong ito 366AD ay nagtakda ng batas ang Papa Damascus na i-band ang pagbasa ng mga inalis nilang aklat kabilang dito ang Barnabas, Hermas at iba pang sumasalungat sa maka-PAGANONG doktrina ng MAKABAGONG KRISTIANO. At bakit ito tinawag na makapaganong doctrina? Sapagkat ang mga aral na mayroon dito ay ginaya lamang sa paganong relihiyon ng mga Romano at hinaluan ng ilang aral ng mga disipolo, ang ilan sa halimbawa dito ay ang pagkakaroon ng Diyos Ama at Diyos Anak, ito ay hindi kailanman inaral ng mga Propeta at ni Jesus, bagkos hinango sa Greek Mythology ng Roma. At sunod ay ang pagdiriwang ng Pasko sa ika-25 ng Disyembre, ito ay kaarawan ng diyos ng mga pagano na si Mitrah at marami pang iba tulad ng mga fiesta at pagtuturing na banal sa mga santo at santa, ang mga ito ay wala sa doctrina ng mga sugo at propeta bagkos hango sa paganismong aral ng mga Romano.


Lamang sa lakas ng impluwensya at kapangyarihan ng Roma sa panahong yaon ay hindi nagawang kontrahin ng mga nanatili sa aral ni Jesus, sila itong mga pinahirapan at pinahuli at pinagpapapatay hanggang sa wala na ni isa man sa kanila ang natira at tuluyan na nilang binago ang relihiyong ipinakilala ni Jesus u, ang pagsamba at pagkilala sa iisa at natatanging Diyos na si Allah.


Gayun paman ay hindi papayag ang Diyos na manaig ang paganismong paniniwala at ayon na rin sa mga propesiya ng mga naunang sugo at propeta kasama na si Jesus hinggil sa pagdating ng huling sugo na siyang magbabalik sa tao sa pagsamba sa nag-iisang Diyos. Ito si Muhammad bin Abdullah na sugo ni Allah at kasama sa pagpapadala sa kanya ang Qur'an na siyang magtatama sa lahat ng maling paniniwala.


Kaya't hinggil sa paniniwala ng mga makabagong Kristianismo sa pagkamatay at pagkapako ni Jesus sa Krus, eto ang sabi ng Diyos na si Allah,


"At sinabi nilang aming napatay ang Messiah Jesus anak ni Maria ang sugo ng Diyos, ngunit hindi nila ito napatay ni hindi napako bagkos sila ay nalinlang. At sa mga nagtatalo-talo dito ay walang alinlangan na wala silang nalalaman dito maliban sa mga akala lamang, sapagkat tiyak na hindi siya napatay".
(Qur’an 4:156-158)


No comments:

Post a Comment

Share