Sa
Ngalan ng Allâh ang Mapagpala ang Mahabagin
Ang
Kagandahan ng Paraiso ay hindi kayang ilarawan ng isipan at maging ng
imahinasyon ng tao. Walang maihahalintulad sa nilalaman ng Paraiso sa anumang
bahagi ng mundong ito. Kahit gaano pa kaunlad ang buhay, kahit gaano pa kalayo
ang narating, at gaano pa ang taglay na kaligayahan, ang angking kapangyarihan
at karangalan na nararanasan sa buhay ng sinumang tao ay hindi kayang pantayan
ang nilalaman ng Paraiso. Ito ay inihanda ng Allâh (swt) para sa Kanyang mga
alipin na may tunay na pagkatakot sa Kanya. Tanging ang nagsasabuhay lamang ng
pananampalatayang Islam (pagsunod, pagsuko at pagtalima sa kalooban ng
nag-iisang Tagapaglikha) ang siyang makapapasok sa mga pinto ng Paraiso.
Subali’t
yaong may takot sa kanilang Panginoon (Allâh) at matapat sa kanilang mga
tungkulin sa Kanya, may mga mahaharlikang mga silid na magkapatong-patong, na
sa mga ilalim ay may mga umaagos na ilog (sa Paraiso). (Ito) Ang Pangako ng
Allâh; at ang Allâh ay hindi bumibigo sa (Kanyang) Pangako. (Az-Zumar, 39:20)
Isang
Sahabah ang nagtanong sa Propeta (saws) ng tungkol sa mga tirahan sa Paraiso;
at siya ay sumagot ng isang napakagandang sagot: "Ang pader ay ginto at
pilak, at sa loob nito ay mabangong musk, ang mga buhangin ay perlas at
sapphire, ang lupa nito ay saffron. Sinuman ang makapasok dito ay mapupuspos ng
kagalakan at hindi makalalasap ng kalungkutan. Sila ay mabubuhay magpakailanman
at hindi na mamamatay. Hindi sila mauubusan ng damit at hindi sila tatanda at
lagi silang bata." (Ahmad, Tirmidhi at Ad-Daarimi 3/29).
Ang
(walang hanggang Hardin) Paraiso Adn (Eden ),
kung saan ang mga pinto ay bubuksan para sa kanila (mga sumasamba ng tanging sa
Allâh). [Qur'an 38:50]
Ang
Pinto ng Paraiso
…At
ang mga anghel ay magsisipasok (upang magbigay pagbati) sa kanila sa bawa’t
pintuan (ng Paraíso) na nagsasabi: Salaamun Álaikum (Sumainyo ang Kapayapaan),
kayong nagtiyaga sa pagtitiis! Tunay na napakahusay ang inyong huling tahanan.
[Qur'an 13:23-24]
Walo
ang pinto ng Paraiso, isa sa mga pinto nito ay tinatawag na ar-Rayyaan. Ito ay
inilaan lamang para sa mga mananampalatayang matapat na nagsisipag-ayuno ayon
sa ipinag-uutos ng Allâh (swt).
Iniulat
ni Sahl ibn Sa'eedi na ang Sugo(saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi:
Sa Paraiso
ay may walong pinto. At may isang pinto na kung tawagin ay ar-Rayyaan. Walang
sinumang makapapasok dito maliban lamang sa mga taong nagsasagawa ng
Pag-aayuno, at matapos na sila ay makapasok ang pintong ito ay ipipinid sa
likod nila, at wala ng iba pang papasok dito. (Bukhari at Muslim: 2/214).
Ang
Antas ng Paraiso
Ang
Paraiso ay binubuo ng iba’t ibang antas, ang ilan sa mga ito ay higit na mataas
kaysa sa iba, at ang mananahanan doon ay ayon din sa kani-kanilang antas at
katayuan sa Paraiso.
Subali’t
sinumang lumapit sa Kanya (Allâh) bilang isang mananampalataya (sa kaisahan ng
Allâh), at gumawa ng mabubuti, sila ang mga matataas ang antas (sa kabilang
buhay). [Qur'an 20:75]
Iniulat
ni Abu Hurayrah na ang Propeta (saws) ay nagsabi: "Sinumang sumampalataya
sa Allâh (swt) at sumunod sa Kanyang Sugo (saws), isinagawa nang maayos ang
pagdarasal at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, ay makapapasok sa Paraiso sa
kapahintulutan ng Allâh (swt). Maging siya man ay nakipaglaban para sa landas
ng Allâh (swt) o hindi. Ang mga tao ay nagsabi, O Sugo ng Allâh (swt) maaari ba
naming sabihin sa mga tao ang magandang balitang ito? Siya ay nagsabi; ang
Paraiso ay may isang-daang antas na inihanda ng Allâh (swt) para sa mga
Mujaahideen na siyang nakikipaglaban para sa Kanya, at ang pagitan ng dalawang
antas nito ay katulad ng pagitan ng mga langit at mundo. Kaya kung hihiling
kayo sa Allâh (swt) ng anumang bagay, hilingin ninyo ang al-Firdaws, kung saan
ito ang pinakamainam at pinakamataas na bahagi ng Paraíso…" (Saheeh
Al-Bukhari: 11/418.)
Ang
Lupa ng Paraiso
Iniulat
ni Abu Hurayrah na siya ay nagtanong sa Propeta (saws): "O Sugo (saws) ng
Allâh (swt), sa pamamagitan ba ng ano ginawa ang tao? Sinabi niya, mula sa
tubig. Kami ay nagtanong, sa ano ba binuo ang Paraíso? At sinabi niya, sa mga
tipak na ginto at pilak na ang loob nito ay musk; ang kanyang mga buhangin ay
katulad ng mga mamahaling uri ng bato (perlas at rubi), at ang lupa nito ay
saffron. Sinumang makapasok dito ay pagkakalooban ng walang hanggang kaligayahan
at hindi kailaman malulungkot sa kanyang buhay. Mananatili siya roon at
kailanma’y hindi makararanas ng kamatayan. Ang kanyang damit ay hindi kukupas
at ang kabataan ay hindi maglalaho." (Ahmad, Tirmidhi at Ad-Daarimi:
Hadith # 5630).
Ang
Mga Ilog ng Paraiso
At
ibigay ang magagandang balita sa mga mananampalataya at gumagawa ng mabubuti,
na para sa kanila’y mga Hardin na sa ilalim nito’y mga umaagos na ilog. [Qur'an
2:25]
Iniulat
ni Anas ibn Maalik na ang Propeta (saws) ay nagsabi: "Habang ako ay naglalakad
sa Paraíso, nakita ko ang isang ilog na ang magkabilang pampang nito ay may
malawak na kubol ng mamahaling bato (perlas) at ako ay nagtanong: Ano ito, O
Ánghel Jibreel? Sinabi niya: Ito ang Al-Kawthar na ibinigay para sa iyo ng
iyong Panginoon. At ang amoy ng putik nito ay halimuyak ng pabangong musk”.
(Bukhari: 11/464).
Ang
mga Bukal ng Paraiso
Katotohanan,
ang Muttaqûn (mga taong may takot sa Allâh at masunurin sa Kanya) ay nasa gitna
ng mga Hardin at mga bukal ng tubig (sa Paraiso). [Qur'an 15:45]
Katotohanan,
ang Abrâr (mga matutuwid) ay iinom mula sa isang tasang may inuming hinaluan ng
Kâfûr (tubig mula sa bukal ng Paraiso). Isang bukal na kung saan ang mga alipin
ng Allâh ay magsisi-inom, na magpapaagos nito nang masagana. [Qura'n 76:5-6]
Katotohanan,
ang Abrâr (mga matutuwid) ay nasa Kasiyahan (Paraiso). Nasa mga luklukan,
(habang) sila ay nagmamasid (sa lahat ng biyayang nakamtan). Iyong mababanaag
sa kanilang mga mukha ang ningning ng kasiyahan. Sila ay paiinumin ng inuming
dalisay na Rahîq (isang uri ng alak sa Paraiso) na mahigpit na tinakpan. Na
nilakipan ng musk (amoy ng pabango). At para rito, hayaang magsumikap yaong
nagnanais magsumikap (sa matapat na pagtalima sa Allâh). At (sila’y bibigyan
ng) hinaluan (sangkap) ng tubig ng Tasnîm, Isang bukal na inuman ng mga
malalapit (sa Allâh). [Qur'an 83:22-28]
At
sila’y bibigyan doon ng inumin sa isang tasang hinaluan ng Zanjabil (luya). At
naroroon (din), ang isang bukal ng tubig na (kung tawagin ay) Salsabil. [Qur'an
76:17-18]
Ang
mga Tirahan sa Paraiso
Subali’t
yaong may takot sa kanilang Panginoon (Allâh) at matapat sa kanilang mga
tungkulin sa Kanya, may mga mahaharlikang mga silid na magkapatong-patong, na
sa mga ilalim ay may mga umaagos na ilog (sa Paraiso). (Ito) Ang Pangako ng Allâh;
at ang Allâh ay hindi bumibigo sa (Kanyang) Pangako. (Az-Zumar, 39:20)
Iniulat
ni Umm Habeebah na ang Sugo (saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi: "Sinumang
manalangin ng labindalawang Rak'aahs (extra supererogatory) o (sunnah
ar-Rawatib) araw-araw, ang Allâh (swt) ay magtatayo para sa kanya ng tahanan sa
Paraiso.”(Muslim, Ahmad, Abu Dawood, Nasaai' at Ibn Maajah: 5/316, Hadith #
6234).
Ang
mga Puno at Prutas ng Paraiso
Katotohanan,
para sa mga Muttaqûn (mga taong may takot sa Allâh at masunurin sa Kanya), ay
magkakaroon ng tagumpay (Paraiso), mga Hardin at malalawak na ubasan. [Qur'an
78:31-32]
Iniulat
ni Abu Hurayrah na ang Propeta (saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi: "Sa
Paraiso ay may isang puno na ang lilim nito ay kasing lawak ng isang-daang taon
ng paglalakbay kung ito ay babagtasin ng isang manlalakbay." Pagkatapos
sinabi niya (Sugo ng Allâh) bigkasin kung inyong nais (ang Qurán 56:30):
"At sa lilim na higit na Pinalawak." (Saheeh al-Bukhari: 6/319).
Iniulat
ni Abu Hurayrah na ang Sugo (saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi: "Walang puno
sa Paraiso na ang mga sanga nito ay hindi yari sa ginto."(Tirmidhi, Ibn
Hibbaan at Al-Bayhaqi: 5/150)
Mga
Asawa sa Paraiso
At
(magkakaroon) ng Hur (magagandang dilag) na may malalaki at kaakit-akit na mga
mata (bilang mga asawa ng mga Muttaqûn). [Qur'an 56:22]
Ang
mga Mananahanan sa Paraiso
Ang
pambihirang katangian ng Paraiso at ang nilalaman nito ay inilalaan lamang ng
Allâh sa Kanyang mga matatapat na sumusunod na alipin. Kung ating iisipin ang
pagiging alipin ng tao ay napakadali at hindi ito nagdudulot ng anumang pahirap
sa kanyang sarili. Subali't ang taoang nagpapahirap sa kanyang sarili upang
maging masalimuot ang kanyang buhay sa mundong ito na natutulak sa kanya
palabas ng Paraiso. Marami sa atin ang nagsasabing inaasam ang biyaya ng Allâh
at hinahangad na mapunta sa Paraiso sa kabilang buhay. Nguni’t hindi gumagawa
ng mga bagay na magdadala sa kanya sa Paraiso bagkus itunuon ang buhay sa
makamundong bagay.
At
yaong mga may takot sa kanilang Panginoon ang siyang mangunguna sa karamihan sa
pagpasok sa Paraiso hanggang sa sila ay sumapit doon: ang mga pintuan ay
bubuksan at ang mga tagapagbantay ay magsasabi, Kapayapaan sa iyo! Mabuti ang
iyong ginawa! Pumasok ka, at manirahan dito magpakailanman. [Qur'an 39:73]
Iniulat
ni Abu Hurayrah na ang Sugo (saws) ng Allâh (swt) ay nagsabi: "Ang unang
pangkat na papasok sa Paraíso ay magniningning ang kanilang mukha na kasing
ganda ng kabilugan ng buwan. Hindi sila dudura at hindi magbabahin ang kanilang
mga ilong. Ang kanilang sasakyan ay mga ginto, ang kanilang suklay ay mga ginto
at pilak, ang kanilang amoy ay aloe at ang kanilang pawis ay musk. Ang bawa’t
isa sa kanila ay may dalawang asawa na ang loob ng kanilang buto ay mababanaag
ang kanilang laman dahil sa kanilang sukdulang linaw at ganda. Walang
pagtatangi, pagkakaiba, galit at poot mula sa kanila (sa mga mananahanan sa
Paraíso); ang kanilang mga puso ay magiging isa, at luluwalhatiin nila ang
Allâh (swt) sa umaga at gabi”. (Saheeh al-Bukhari: 6/318)
Ilan
lamang ito sa mga katangian ng Paraiso na tunay na makakamtan ng mga matatapat
na alipin ng Allâh. At ang lahat ng biyayang ito ay naghihintay sa kabilang
buhay. Kung pagsisikapan nating makamtan ang lahat ng biyayang ito, katotohanan
magiging mabuti rin ang ating buhay sa mundong ito - habang naghahanda tayo sa
tunay na patutunguhan ng buhay. Nawa’y ibilang tayo ng Allâh sa mga papapasukin
Niya sa Pinto ng Kanyang Paraiso at makamtan natin ang Kasiyahan at Kagalakan
magpakailanman sa Kabilang Buhay. Ameeen
No comments:
Post a Comment