AKING MGA SITES
Thursday, April 2, 2015
ANG SAMPUNG URI NG BABAE NA ISINUMPA
La`n (لعن: (SUMPA) ay nangangahulugan na inalisan na ng pagkakataon na makamit ang Habag ng Allaah (subhanahu wa ta'ala)
1. Ang nagta-tattoo at ang nilalagyan ng tattoo.
2. Ang nagbubunot/nag-aahit ng kilay at ang binubunutan/ inaahitan.
3. Ang naglalagay ng artipisyal na pagitan sa mga ngipin upang magmukhang maganda at ang nilalagyan nito.
وعن ابن مسعود رضي الله عنه أنه قال : لعن الله الواشمات والمستوشمات والمتنمصات والمتفلجات للحسن المغيرات خلق الله . فقالت له امرأة في ذلك فقال : وما لا ألعن من لعنه رسول الله صلى الله عليه و سلم وهو في كتاب الله . قال الله تعالى ( الحشر 7 ) : { وما آتاكم الرسول فخذوه وما نهاكم عنه فانتهوا } متفق عليه
و [ المتفلجة ] هي التي تبرد من أسنانها ليتباعد بعضها عن بعض قليلا وتحسنها وهو الوشر
و [ النامصة ] : التي تأخذ من شعر حاجب غيرها وترققه ليصير حسنا
و [ المتنمصة ] : التي تأمر من يفعل بها ذلك
Isinalaysay ni Abdullaah ibn Mas'ood (radiyallahu anhu) na isinumpa ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) ang mga babae na nagta-tattoo at ang kanilang nilalagyan ng tattoo, ang mga babae na binubunot ang kanilang kilay at inaalis ang balahibo sa kanilang mukha, at iyong naglalagay ng artipisyal na pagitan sa kanilang ngipin upang magmukhang maganda , at ang gumagawa nito upang baguhin ang kanilang anyo na nilikha ni Allaah (subhanahu wa ta'ala). Kung gayon ay bakit hindi ko isusumpa ang mga isinumpa ng Propeta (salallahu alayhi wa salam)? At ito ay nakatala
sa sinabe ng Allah s.w. :
"At anumang ipinagkaloob ng Sugo sa inyo na yaman o di kaya ay Batas na itinala para sa inyo ay panghawakan ninyo, at ang anumang ipinagbawal Niya sa inyo na huwag kunin o ipagawa ay iwasan ninyo, at matakot kayo sa Allâh (subhanahu wa ta'ala)) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal.
[Surah al-Hashr : 7]
4.Ang mga babae na gumagamit ng peluka (pekeng buhok upang humaba ang kanilang maiksing buhok, o kaya ay maging kulot ang unat nilang buhok), at ang naglalagay nito o tumutulong sa kanila upang makagamit sila ng peluka.
وعن ابن عمر رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه و سلم لعن الواصلة والمستوصلة والواشمة والمستوشمة . متفق عليه
Isinalaysay ni Ibn Umar at Abu Hurayrah (radiyallahu anhum) na isinumpa ng Sugo ni Allaah(salallahu alayhi wa salam) ang babae na gumagamit ng peluka upang magmukhang mahaba ang kanyang buhok at ang nagpapalagay nito, at ganoon rin ang babae na naglalagay ng tattoo sa iba, at ang nilalagyan niya ng tattoo
5. Ang babae na dahil sa kanyang pagtanggi sa kanyang asawa ay nagalit ito sa kanya at natulog na mayroong sama ng loob .
وعن أبي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه و سلم : [ إذا دعا الرجل امرأته إلى فراشه فلم تأته فبات غضبان عليها لعنتهاالملائكة حتى تصبح ] متفق عليه
Isinalaysay ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) : "Kung tawagin ng lalaki ang kanyang asawa upang sila ay magsiping at hindi tumugon ang babae, at dahil dito ay nagalit ang lalaki at nakatulog na mayroong sama ng loob sa kanyang asawa, ang babae ay isusumpa ng mga anghel hanggang sa sumapit ang umaga.
6. Ang mga babae na gumagaya sa kalalakihan
عن ابن عباس رضي الله عنهما قال : لعن رسول الله صلى الله عليه و سلم المخنثين من الرجال والمترجلات من النساء
وفي رواية : لعن رسول الله صلى الله عليه و سلم المتشبهين من الرجال بالنساء والمتشبهات من النساء بالرجال . رواه البخاري
Sinabi ni Ibn Abbas (radiyallahu anhu) na isinumpa ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ang mga lalaki na gumagaya sa kababaihan at ang .
At sa iba pang salaysay ay isinumpa ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ang mga babae na gumagaya sa kalalakihan.
7. Ang mga babae na dumadalaw sa libingan
حَدَّثَنَا قُتَيْبَةُ، حَدَّثَنَا أَبُو عَوَانَةَ، عَنْ عُمَرَ بْنِ أَبِي سَلَمَةَ، عَنْ أَبِيهِ، عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ، أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم لَعَنَ زَوَّارَاتِ الْقُبُورِ . قَالَ وَفِي الْبَابِ عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ وَحَسَّانَ بْنِ ثَابِتٍ . قَالَ أَبُو عِيسَى هَذَا حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ . وَقَدْ رَأَى بَعْضُ أَهْلِ الْعِلْمِ أَنَّ هَذَا كَانَ قَبْلَ أَنْ يُرَخِّصَ النَّبِيُّ صلى الله عليه وسلم فِي زِيَارَةِ الْقُبُورِ فَلَمَّا رَخَّصَ دَخَلَ فِي رُخْصَتِهِ الرِّجَالُ وَالنِّسَاءُ . وَقَالَ بَعْضُهُمْ إِنَّمَا كُرِهَ زِيَارَةُ الْقُبُورِ لِلنِّسَاءِ لِقِلَّةِ صَبْرِهِنَّ وَكَثْرَةِ جَزَعِهِنَّ .
Isinalaysay ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na isinumpa ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ang mga babae na dumadalaw sa libingan.
8. Ang mga babae na tumataghoy kapag mayroong namatay
وعن أبي مالك الأشعري رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه و سلم : [ النائحة إذا لم تتب قبل موتها تقام يوم القيامة وعليها سربال من قطران ودرع من جرب ] رواه مسلم
Sinabi ni Abu Malik Al-Ash`ari (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) : "Kung ang babae na tumataghoy kapag may namatay ay hindi nagsisi at nagbalik-loob bago siya abutan ng kamatayan, siya ay tatayo sa Araw ng Paghuhukom na ang kasuotan ay yari sa galis".
9. Muhallil at Muhallilal lahu at ang babae na pumayag sa ganito
حَدَّثَنَا أَحْمَدُ بْنُ يُونُسَ، حَدَّثَنَا زُهَيْرٌ، حَدَّثَنِي إِسْمَاعِيلُ، عَنْ عَامِرٍ، عَنِ الْحَارِثِ، عَنْ عَلِيٍّ، رضى الله عنه - قَالَ إِسْمَاعِيلُ وَأُرَاهُ قَدْ رَفَعَهُ إِلَى النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم - أَنَّ النَّبِيَّ صلى الله عليه وسلم قَالَ " لَعَنَ اللَّهُ الْمُحَلِّلَ وَالْمُحَلَّلَ لَهُ "
Sinabi ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) : "Ang sumpa ay mapasakanya na nagpakasal sa isang babaeng diborsyada na ang layunin ay upang maging halal muli ang babaeng ito sa kanyang dating asawa at doon sa ang babaeng ito ay maaring magpakasal."
10. Mga babaeng nakadamit nga ngunit tila nakahubad pa rin
وعنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : "صِنفان من أهل النار لم أرهما: قوم معهم سياط كأذناب البقر يضربون بها الناس، ونساء كاسيات عاريات مميلات مائلات، رءوسهن كأسنمة البخت المائلة لا يدخلن الجنة، ولا يجدن ريحها، وإن ريحها ليوجد من مسيرة كذا وكذا" ((رواه مسلم)).
Mayroong dalawang uri ng tao na parurusahan sa Apoy at sila ay hindi ko pa nakita : mga lalaki na mayroong latigo na tulad sa buntot ng baka at ito ang ginagamit nilang panghagupit sa mga tao, at mga babae na nakadamit nga ngunit tila ba nakahubad at nag-aanyaya sa kasamaan; at sila rin ay mahuhulog sa paggawa nito. Ang kanilang ulo ay katulad ng umbok sa likod ng kamelyong galing sa Bactrian at nakapaling sa isang banda lamang. Sila ay hindi makapapasok sa Jannah at hindi nila malalanghap ang mabangong amoy nito na ang layo ay kapansin-pansin mula doon at dito.
Tandaan ninyo mga Kapatid na Muslimah! Ang buhay sa mundo ay panandalian lamang, at ang buhay na walang hanggan ay doon sa Kabilang buhay. Kaya't huwag ninyong hangarin ang panandaliang kasiyahan kapalit ng panghabangbuhay kasiyahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment