Pages

Thursday, April 2, 2015

Ang Karapatang Makipag-Diborsiyo ay nasa Lalaki

Sa panahon bago dumating ang Islam ang diborsyo ay isang sandata laban sa kababaihan na tanging nasa kamay lamang ng kalalakihan; kung ninanais ng lalaki na saktan ang asawa, siya'y hihiling ng diborsyo at pagkatapos ay muling babawiin sa kanyang kagustuhan. Noong wala pang binalangkas na mga alituntunin at ang mga kababaihan ay walang karapatan sa bagay mga na ito. Kaya ang Allah (U) ay nagpawalang-saysay sa kabuktutang ito sa pagpahayag ng sanaysay na nagsasabing:
"Ang Diborsyo ay dalawang ulit lamang: pagkaraan ang isa (babae) ay maaaring manatili (sa makatuwirang kasunduan) o kaya'y tuluyan nang sila ay maghiwalay ng matiwasay (sa makatuwirang kasunduan)…
" (Qur'an 2:229)
Bilang pamamaraan upang mapanatili ang kasal kahit na may mga hindi pagkakaunawaan na nangyayari, ang lalaking Muslim alinsunod sa Sunnah ng Propeta (r) ay maaari lamang makipag-diborsyo sa oras na ang babae ay malinis mula sa buwanang regla at hindi sila nagtabi sa buwan na iyon. Bagama't kadalasan ito ay nangangailangan ng paghihintay ng panahon bago ipahayag ang diborsyo – na nangangailangan ng dalawang testigo – ang panahon na ito ay maaaring magdulot na mapalis ang anumang di-pagkakaunawaan at maliwanagan, at magbigay ng panahon sa ibang kasapi ng kapamilya o ang mga tagapamagitan na tumulong sa pakikipagbalikan. Kung sila'y magpapatuloy na maghiwalay, kung gayon siya ay kailangan maghintay muna na ng tatlong buwanang dalaw. Sa panahong ito, maaaring pabalikin ng lalaki ang asawa ng may karangalan sa kanilang kasal.
Kapag ang takdang panahon ay lumipas na at hinayaan niya (lalaki) ang paglisan ng asawa, siya (babae) ay tuluyan ng hiwalay sa unang pagkakataon, at malayang mag-asawa sa ibang lalaki. Ang unang asawa ng babae ay maaari siyang muling pakasalan sa panibagong kontrata, kung ang bawat isa sa kanila'y pipiliin ang gayong kaparaanan. Kung pinakasalan ulit ng lalaki, at muli niyang diniborsyo ang babae, maaari niyang ibalik ang asawa sa loob ng ikatlong buwanang regla nito, at ito ay ang pangalawang diborsyo at pagsasauli. Pagkatapos ng pangalawang diborsyo at ang pagsasauli, at kung ididiborsyo niya (lalaki) ang asawa sa ikatlong pagkakataon tatawagin itong huling paghihiwalay (diborsyo) na kung saan sila ay hindi pinapayagang magpakasal muli maliban na siya (babae) ay maghintay ng itinakdang panahon ng ikatlong buwanang regla at pagkatapos ay dapat malayang magpakasal sa ibang lalaki na walang layuning makamtan niya (babae) ulit ang diborsyo. Kung sa anumang kadahilanan, siya ay nakipaghiwalay mula sa lalaki, tanging sa gayon, at sa kondisyon na walang naunang kasunduan na nagawa na lumalabag ng alituntunin, sa gayon lang niya maaaring pakasalan muli ang una niyang naging asawa. Ang lahat ng mga panukalang ito ay nilayon upang matulungang pangalagaan ang pamilya at ang kabanalan ng pag-iisang dibdib, at ang mga karapatan ng lalaki at babae. Ang panahon ng paghihintay ay upang matiyak na siya ay malaya mula sa pagdadalantao. Magkagayon man kung siya'y nagdadalantao, ang babae ay maghihintay pagkatapos ng panganganak bago siya muling makipag-isang dibdib sa ikalawang asawa.
Ang Diborsyo ay ganap na pinapayagan sa Islam upang makatakas mula sa pasakit sanhi ng hindi mapagkakasundong di-pagkakaunawaan. Maaaring ito ay kinakailangan sa mga ibang partikular na panahon. Mayroong ding mahigpit na mga panuntunan batay sa diborsyo na dapat pangalagaan ang mga kapakanan at mga karapatan ng mga taong nasasangkot: ang lalaki, ang asawa at mga anak. Ang ilan sa mga ito ay nabanggit na sa itaas.
Mga halimbawa ng diborsyo na nangyari sa panahon ng Propeta (r), halimbawa isang lalaki ang lumapit at nagreklamo na ang kanyang asawa ay nagpapakita ng malaswang pagkilos, kagya't na sinabing:
"Idiborsyo mo siya."
Ang Diborsyo ay maaaring ipinagbabawal kung ito ay hindi makakalutas ng suliranin at maging dahilan lamang ng di-inaakalang kasiraan ng isa sa mag-asawa, na walang matatamong kabutihan. Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi:
"Ang sinumang babae, na humiling sa kanyang asawa na siya ay diborsyohin ng walang karampatang dahilan ay ipagbabawal sa kanya na malanghap ang samyo ng Paraiso." (Pag-uulat ni Abu Da`wood, Tirmidhi at Ibn Majah, at napatotohanan)
Ang batas ng Islam ay nagpasiya upang maiwasan ang diborsyo, ay kailangan munang hanapin ang unang-unang kalutasan para sa mapanganib na pagtatalo at di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa; ang Dakilang Allah, ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
"At kung ang mga babae ay nangangamba sa kalupitan at pagpapabaya ng kanyang asawa, walang magiging kasalanan para sa kanilang dalawa kung maghanap muna sila ng paraan upang manumbalik ang kanilang kapayapaan, at ang mapayapang pamumuhay ay lalong mabuti.
" (Qur'an 4:128)
Ang Allah, Ang Kataas-taasan, ay nagsabi:
"At kung kayo ay nangangamba na may pagkakahidwa sa pagitan nila (mag-asawa), kayo ay magtalaga ng dalawang tagapamagitan (hukom) isa sa pamilya ng lalaki at ang isa ay mula sa pamilya ng babae. Kung sila ay kapwa nagnanais ng pakikipagkasundo, ang Allah ang magpapangyari nito sa pagitan nila. Katotohanan ang Allah ay ganap na maalam at nakakatalos ng lahat ng bagay.
" (Qur'an 4:35)
Isa sa pinakalikas at makatuwirang paraan upang panatilihin ang matagumpay na pag-iisang dibdib ay ibigay ang pamamahala sa lalaki ang diborsyo at hindi sa babae. Dahil ang lalaki ang may tungkulin pananalapi at nag-iingat sa asawa, sa pamamahay at pamilya, at siya ang may ganap na pangangalaga ng kanilang kapakanan. Samakatuwid, nararapat niyang (lalaki) pag-isipang lubos ang mga pangyayari, ang malubhang kahihinatnan, at ang malaking kawalan ng pananalapi at ang mahapding pagdaramdam dahil sa diborsyo. Ang lalaki ay hindi na makukuha pang muli ang doteng ginastos niya sa kasal, at siya ay magbibigay ng sustento at pangtustos sa kanyang mga anak. Karagdagan pa rito, panibagong gastusin ulit sa bagong pakikipag-isang dibdib. Samakatuwid, ang pagsasaalang-alang sa lahat, hindi siya kadaka-dakang magpapasiya dahil sa kanyang galit, pabago-bago o dala ng bugso ng damdamin.
Ang lalaki ay mayroong higit na kakayahan – kahit papaano sa pagpapaliwanag – sa pagpigil sa bugso ng kanyang damdamin at mga pansariling reaksiyon kung nababahala sa mga maliit na usapin sa buhay, lalong-lalo na sa mga pagtatalo nilang mag-asawa. Ang diborsyo ay hindi nararapat maging mabilis na katugunan dahil sa kaunting paghihirap, di-pagkakaunawaan, o pagkakaiba ng mga pananaw, bagama't ito ay maaaring huling pamamaraan at huling kasagutan kapagka ang buhay ay naging mapanganib sa mga suliranin at dina makayanan, kung saan ang magkabilang panig ay may takot na di matupad ang mga hangganang itinalaga ng Dakilang Allah at ng kanyang Sugo tungkol sa kagalang-galang na kaasalan para sa isat-isa.
Sa batas ng Islam ang babae ay pinahihintulutan para humingi ng diborsiyo sa asawa kung inaabuso siya sa kanyang pangangatawan, sa pananalita, at sa lipunan. Siya rin ay may karapatang ipawalang bisa ang kanilang kasal kung ang asawa (lalaki) ay baog at hindi siya napapaligaya nito, at sa anumang kadahilanan ay tumatangging makipag-niig sa kanya upang magampanan ang pangangailan ng ayon sa batas (ng pakikipag-isang dibdib), o nagkaroon ng karamdaman ng wala nang lunas pagkatapos ng kasal, o nagkaroon ng ibang uri ng sakit sa babae, karamdamang hindi na magka-anak at nakakahawa na maaaring magbigay pinsala sa kanya, o kahit nawalan lamang ng pagnanais manatili sa piling ng lalaki. Ang babae ay binibigyan ng karapatan para humingi ng diborsiyo sa anumang dahilan kung ninanais niya, batay sa mga pantas na Muslim, sa kondisyon na ito ay napagkasunduan bago sila ikinasal, at ang lalaki ay sumang-ayon dito. Samakatuwid, nakita natin na ang babae ay nabigyan ng karapatan upang hilingin ang pakikipag-hiwalay mula sa asawa ayon sa lehitimong mga dahilan sa maraming mga pagkakataon, katulad ng karapatan ng lalaki sa paghiling ng diborsyo. Kung ang babae ay umabot na sa sukdulan ang pagkapoot niya sa kanyang asawa, nararamdaman na ang pamumuhay ay di na makakayanan, sa pagkakataong iyon mayroong siyang karapatang makipaghiwalay. Ang diborsyo na ito ay tinatawag na pagpapa-walang bisa, o "Khul'a", kung saan ang babae ay magbigay ng bayad-pinsala sa pagbabalik ng dote o iyong ibang mga ari-arian. Ang maalam na Muslim na hukom ay pag-aaralang mabuti kung hindi papayag ang lalaki sa kagustuhan ng babae at kung ang hiling ay napatunayang makatarungan at totoo, ang hukom ay magbababa ng hatol sa panig ng babae.

No comments:

Post a Comment

Share