MGA NAKAPIPIGIL AT HINDI DINIRINIG ANG MGA DU’A NATIN anu kaya ang mga dahilan?
pero bago yan may sinabi ang Allah sa banal na Qur'an tungkol sa mga kahilingan..
SINABI NG ALLAH :
وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُم
“HUMILING KAYO SA AKIN, TUTUGUNIN KO ITO PARA SA INYO,”
وَاسْتَعِينُواْ بِالصَّبْرِ وَالصَّلاَةِ
“AT HUMILING NG TULONG NG MAY PAGTITIMPI AT SALAH(DU’A)” ALBAQARAH 2:45
ganun naman pala sinabi ng Allah na humiling lang tayo at tayo ay diringgin...
TINANONG SI IBRAHIM BIN ADHAM;
ANO BA ANG WALA SA AMIN, NAGDUDU’A KAMI PALAGIAN SA MAYLIKHA NGUNIT HINDI DINIRINIG NI ALLAH ANG MGA KAHILINGAN NAMIN?
SIYA AY SUMAGOT:
NAMATAY ANG MGA PUSO NINYO! PAPAANO !?..... ANO ANG EBIDENSYO MO?.......
SIYA AY SUMAGOT; MAY SAMPUNG TANDA UKOL DITO:
1: عرفتم الله و لم تؤدوا حقه
NAKILALA NA NINYO SI ALLAH BILANG DIYOS NA TAGAPAGLIKHA NGUNIT HINDI NINYO IBINABALIK ANG KARAPATAN NIYA.
ibig sabihin nito ay hindi nag sasalah o gumagawa ng ibadah alang alang kay Alla aza wa jal. ito ay isa sa mga dahila kung bakit hindi dinirinig ang du'ah.
2: قرأتم كتاب الله ولم تعلموا به BINABASA NINYO ANG REBELASYON NI ALLAH NGUNIT HINDI NINYO ISINASAPAMUHAY ANG MGA ARAL NA NARIRITO.
ibig sabihin nito binabasa ang Qur'an ngunit hindi nmn isinasapamuhay ito, kaya hindi rin diringgin ang dasal.
3: ادعيتم حب رسول الله صلى الله عليه و سلم وتركتم سنته
SINASAMBIT NINYONG MAHAL NINYO ANG SUGO NI ALLAH NGUNIT HINDI NINYO ISINASAPAMUHAY ANG MGA SUNNAH NIYA.
ibig sabihin nito sinasabi na mahal ninyo ang SUgo pero ayaw nyo namang sumunod sa sunnah niya. halimbawa: ang pagpapahaba ng balbas.. ang pananamit ng mga kababaihan na dapat naka hijab.
4: ادعيتم عداوة الشيطان واتقمواه
SINASABI NINYONG SI IBLIS AY HAYAG NA KALABAN NGUNIT HINDI NINYO NAMAN SIYA INIIWASAN.
ibig sabihin nito sinisundan ninyo parin ang landas ni iblis halimbawa: ang pagdiriwang ng mga birthday at iba pang mga okasyon ng mg kuffar.
5: قلتم نحب الجنة و لم تعملوا بها
SINASABI NINYONG GUSTO NINYO NG PARAISO NGUNIT HINDI NAMAN NINYO PINAGSISIKAPANG MAKAMIT ITO.
sa halip na gawain ng magtutungo sa paraiso ang inyong ginagawa ay gawain na papunta sa impiyerno ang inyong pinag gagawa.
6: قلتم نخاف النار ورهتم أنفسهم بها
SINASABI NINYONG TAKOT KAYONG MAPARUSAHAN SA APOY NGUNIT INIHUHULOG NAMAN NINYO ANG INYONG SARILING MASUNOG DITO.
ayan eto matindi,, takot maparusahan pero puro labas sa islam ang inyong pinag gagawa kaya hindi diringgin ang mga du'ah.
7: قلتم إنّ الموت حق و لم تستعدوا له
SINASABI NINYONG KATOTOHANAN ANG KAMATAYAN NGUNIT HINDI NAMAN NINYO ITO PINAGHAHANDAAN.
naniniwala sa kamatayan...? pero wala nmn ginagawa sa halip ay happy go lucky na laman..
8: اشتغلتم بعيوب إخوانكم وتركتم عيوبكم
PALAGIANG ANG MGA MALI NG INYONG KAPATID ANG INYONG PINUPUNA, NGUNIT ANG SARILI NINYONG KAMALIAN AY HINDI NINYO PINIBIGYANG PANSIN.
lagi na lang kapatid ninyo ang inyong nakikita.. bakit hindi ninyo linisan muna ang inyong mga bakuran bago kayo pumasok sa bakuran ng iba..
9: أكلتم نعمة ربكم و لم تؤدوا حقه
KINAKAIN NINYO ANG MARAMING PAGPAPALA NG INYONG PANGINOON, NGINIT HINDI NINYO IBINABALIK ANG KANYANG KARAPATAN.
marami sa inyo alhamdulillah, biniyayaan ng mga klaseng pagpapala, una kayamanan, ikalawa marami kang mga pagkain ikatlo mga kaalaman. ang tanong ko ay ganito.... naibabalik ninyo ba ang tamang pasasalamat ay sa Allah aza wa jal? sapat na ba ang ya Allah thank you kasi marami akong pera? ya Allah salamat kasi marami akong pagkain? ya Allah salamat kasi matalino ako? sapat na ba ang salitang thank you? hindi ito sapat! sa aral ng Islam tinuruan tayo kung paano mag pasalamat sa tamang pamamaraan, kung ikaw ay mayaman, mag kawanggawa ka, kung ikaw naman ay mayroong maraming pagkain magpakain ka ng mga mahihirap at kung ikaw naman ay matalino dapat magturo ka. ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga klase ng pagpapasalamat kay Allah aza wa jal.
10: دفنتم موتاكم ولم تعتبروا بهم
INILILIBING NINYO ANG MGA NANGAMATAY MULA SA INYO NGUNIT HINDI NINYO KINAPUPULATAN NG MGA ARAL ANG PAGYAO.
marami na sa atin ang namamatay pero di parin natututo. pero kasamaan parin ang ginagawa, ito ang sampung dahilan kung bakit hindi dinirinig ang ating mga DU'ah. in sha Allah nawa ay maiwasan natin ang mga ito. maganda ang aral sa Islam, inuutsan tayo na palagiang humiling kay Allah, kasabay nito ang pag hiling na may pagmamakumbaba dahil sinabi ng Allah sa banal na Qur'an:
وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ غافر
40:60 “HUMILING KAYO SA AKIN, TUTUGUNIN KO ITO PARA SA INYO, TUNAY NA SILANG NAGMAMALAKI MULA SA AKIN SA PAGSAMBA AY PAPASOK NG IMPIERNO NA ISANG DHAKIRIN(NASA KALAGAYANG SINISI)” GAFIR 40:60
فَاذْكُرُونِي أَذْكُرْكُمْ وَاشْكُرُواْ لِي وَلاَ تَكْفُرُون
“ALALAHANIN NINYO AKO, AALALAHANIN KO KAYO AT MAGPASALAMAT KAYO SA AKIN AT HUWAG KAYONG MAGKAKAFIR” ALBAQARAH 2:152 nawa tayo ay pagpalain ni Allah aza wa jal.
No comments:
Post a Comment