Ang pagbalik sa katotohanan ay higit na mainam kumpara sa pananatili sa kasinungalingan; sapagka’t ang pananatili rito (sa kasinungalingan) ay katibayan na ang tao ay pinabayaan na, katulad nga ng sinabi ni Imaam Ibnul Qayyim (rahimahullaah) sa Al-Fawaa-id: ”Ang pagiging tinalikdan ay iyong pinabayaan ka na ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na mag-isa sa iyong sarili.” Ang mga kadahilanan kung bakit ang tao ay namamalagi sa kasinungalingan matapos na ito ay maipabatid sa kanya ay mayroong m araming kadahilanan:
[1] UNA:
Ang Pagmamahal sa Kasikatan o Pagiging Pinuno:
Sinabi ni Imaam Shaatibee (rahimahullaah) sa Al-Itisaam:
‘’Ang pinakahuling bagay na dadapo sa puso ng isang mananampalataya ay ang pagmamahal sa kapangyarihan at pamumuno.’’
Si Ibraaheem Bin Adham (rahimahullaah) ay nagsabi:
‘’Ang taong nagmamahal sa kasikatan ay hindi kailanaman magiging tapat kay Allaah (subhanahu wa ta’ala).’
Si Al-Haafidh Adh-Dhahabee (rahimahullaah) ay nagsabi:
‘’Ang palatandaan ng isang tapat na tao na mnagmamahal sa kasikatan ngunit hindi niya ito namamalayan ay, kapag siya ay sinita dahil dito ay hindi siya nagagalit at hindi rin niya pinalalaya ang kanyang sarili mula rito; sa halip ay kinikilala niya ang kanyang pagkakamali at ganito ang kanyang sinasabi:
Kahabagan nawa ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang taong nagpamulat sa akin ng aking pagkakamali, at hindi siya namamangha sa kanyang sarili at hindi rin niya napagtatanto ang kanyang pagkakamali, at sa halip (siya ay nagiging ) katulad ( ng isang) taong hindi nakakaalam ng kanyang pagkakamali–at ito ay isang malalang sakit .’’
Sinabi ni Abu Nu’aym (rahimahullaah) : ‘’Sumpa man kay Allaah, ang isang taong nasira ay hindi masisira maliban na lamang sa dahilan na nagmahal siya sa pamumuno.’’
[2] PANGALAWA:
Pagmamataas at Pagtanggi sa katotohanan:
Sinabi ni Imaam Sufyaan Bin Uyaynah (rahimahullaah) :
‘’Ang matinong tao ay hindi iyong nakakaalam ng tama at mali, sa halip, ang matinong tao ay iyong sinusunod niya ang katotohanan /tama kapag nakita niya ito at nilalayuan niya ang kasamaan kapag ito ay kanyang nakita.’’
Si Imaam Ibnul Qayyim (rahimahullaah) ay nagsabi sa Al-Fawaa-id:
At kabilang sa mga palatandaan ng kagalingan at pagtatagumpay ay ;kapag ang isang alipin ay lumawak ang kaalaman, ang kanyang pagpapakumbaba at habag ay nadaragdagan rin. At kapag nadaragdagan ang kanyang mga gawa, dinaragdagan rin niya ang kanyang takot at pag-iingat; kapag ang kanyang edad ay naragdagan, nababawasan ang kanyang pagnanais sa mga bagay-bagay; kapag naragdagan ang kanyang kayamanan, nadaragdagan rin ang pagiging mapagbigay niya at ang pagtutustos sa iba; at kapag ang kanyang estado at karangalan ay naragdagan, dinaragdagan rin niya ang paglapit sa mga tao, sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang mga pangangailangan at pagpapakumbaba ( kapag kasama niya sila).
Ang mga palatandaan ng isang tao na napahamak ay:
Kapag lumawak ang kanyang kaalaman, siya ay mas higit na nagiging mapagmataas at mayabang; kapag ang kanyang mga gawa ay dumami, mas nadaragdagan ang kanyang pagmamalaki, panlalait sa ibang tao at mataas na pagtingin sa sarili; kapag tumaas ang kanyang estado at karangalan, mas lalo siyang nagiging palalo at mapagmalaki.
Ang mga palatandaan na ito ng pagtatagumpay at pagkawasak ay mga pagsubok na nagmula kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) na Kanyang ibinibigay sa Kanyang mga alipin. Ang tagumpay at pagkawasak ay iginagawad Niya sa mga tao sa ganitong pamamaraan.
Si Abu Ad-Dardaa (radiyallaahu-anhu) ay nagsabi:
‘’Ang mga palatandaan ng kamangmangan ay tatlo: Pagiging bilib sa sarili, masyadong maraming salita sa mga bagay na wala siyang kinalaman, at ang pagbabawal sa mga bagay na siya mismo ay ginagawa ito.’’
Naiulat mula kay Ali Bin Abee Taalib (radiyallaahu-anhu) na kanyang sinabi:
‘’Ang paghanga sa sarili ay isang peste ng Al Al-baab (i.e.puso, pag-iisip, kaalaman atbp).’’
Ang iba naman ay nagsabi :
‘’Hindi ka makakakita ng isang tao na namamangha sa kanyang sarili, maliban na siya ay naghahanap at nagnanais na maging pinuno.’’
Kailangan na mapagtanto ng isang tao na si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay lubusang nakakaalam sa lahat ng kanyang ginagawa, at nalalaman Niya ang mga panlilinlang ng mata at ang itinatago ng puso. At ang puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga Daliri ni Allaah (subhanahu wa ta’ala), at maaari Niya itong ibalik sa paraan na gusto Niya.
Si . Ibn Abee Haatim ay nag-ulat sa Az-Zuhd mula kay Al-Hasan na nagsabing: ‘’Katotohanan, ang puso ay mas mahirap pang pigilin kumpara sa balahibo sa panahon ng bagyo.’’
********
[Abridged: Shaikh Abdullaah Al-Bukhaari|Source:
No comments:
Post a Comment