Pages

Wednesday, April 1, 2015

MGA DAHILAN KUNG BAKIT PAPARUSAHAN ANG BABAE SA IMPYERNO

inulat ni Ali bin Abi Talib (r.a)  anak ng tiyuhin ng propeta SAW at asawa ng kanyang anak na si Fatima ang tungkol sa nakita ng propeta SAW nagsabi:pumasok ako at si fatima kay propeta SAW at amin syang nakita na umiiyak ng matinding pagkaiyak,at sinabi ko sa kanya anu po ang nagpaiyak sa inyo o propeta ng Allah?at kanyang sinabi;o ali
kagabi umakyat kami ng anghel sa langit nakita ko ang mga kababaihan mula sa aking nasyon na pinaparusahan ng iba't ibang uri ng parusa,at napaiyak ako nang makita ko ang matinding parusa sa kanila...

1-nakita ko ang babae na nakabitin sa kanyang buhok na kumukulo ang kanyang utak

2-nakita ko ang isang babae na nakabitin sa kanyang dila at ang kanyang lalamunan ay binubuhusan ng mainit na tubig

3-nakita ko ang isang babae na nakapulupot ang kanyang dalawang paa sa kanyang dibdib at ang kanyang dalawang kamay sa kanyang  ari

4-nakita ko ang isang babae na nakabitin sa kanyang suso

5-nakita ko ang isang babae na ang kanyang ulo ay ulo ng baboy at ang kanyang katawan ay katawan ng asno at libo libong parusa sa kanya

6-at nakita ko  ang isang babae na ang kanyang anyo ay aso na pumapasok ang apoy mula sa kanyang bunga-nga at lalabas sa   kanyang likuran at ang mga anghel ay pinagpapalo ang kanyang ulo ng bakal na apoy

sabi ni fatima (r.h) anu po ba ang kanilang nagawa at sila ay pinarusahan ng ganung parusa?sabi ng propeta SAW:

1-ang babaeng nakabitin sa kanyang buhok ay hindi nagtatakip ng kanyang buhok sa mga kalalakihan

2-ang babaeng nakabitin sa kanyang dila ay nanghihimok sa kanyang asawa

3-at ang nakabitin sa kanyang dalawang suso ay sinisira nya ang pagpapahinga  ng kanyang asawa

4- at ung nakapulupot ang kanyang dalawang paa sa kanyang suso at ang kanyang dalawang kamay sa kanyang ari at nakapaligid   sa kanya ang mga ahas at scorpion sya ay hindi naglilinis mula sa pagkajunob at kanyang kabuwanang dalaw at sya ay nangungutya sa pagdarasal

5-at ung babaeng ang ulo nya ay ulo ng baboy at ang kanyang katawan ay katawan ng asno sya ay tsismosa at sinungaling

6- at ung babaeng ang kanyang anyo ay aso at ang apoy ay pumapasok sa kanyang bunganga at lumalabas sa kanyang  likuran    sya ay inggitira


No comments:

Post a Comment

Share