Ayon sa mga iskolar ng islaam:
الجن خلق من خلق الله تعالى، وهم عباد مكلفون بالأوامر والنواهي، كالبشر،
‘Ang ‘jinn’ – o mga engkanto ay isa sa mga nilikha ni Allaah na nabibilang sa mga Al Ghayb – o hindi nakikita. Sila ay mga alipin ni Allaah at kahalintulad ng mga tao sila ay pananagutin sa kanilang mga gawa (patungkol sa mga ipinag-utos at mga ipinagbawal).
Tanong Bilang: 20666
Ano ang kahulugan ng jinn?
Ayon sa ating mufassiroon – o mga nagpapaliwanag ng islaam:
(كما قال ابن فارس في مقاييس اللغة مادة جن) . فالجن سموا بذلك لأنهم مستترون عن الإنس، والجنين سمي بذلك لأنه مستتر في بطن أمه، والجنة لأنها مستترة بالأشجار، والمجنون لأن عقله مستتر وهكذا في جميع الاشتقاق .
Ayon kay Ibnu Faaris (kaawaan nawa siya ni Allaah) sa kanyang Maqaayees Al Lughah na ang salitang ‘jinn’ ay nagmula sa wikang arabiko na ‘janna’, na ang ibig sabihin ay itago o ikubli. At ang mga engkanto ay pinangalanan ni Allaah ng jinn dahil sila ay tago sa paningin ng mga tao.
Tanong Bilang: 40703
Kailan nilikha ang mga jinn?
Ayon sa ating mufassiroon – o mga nagpapaliwanag ng islaam, na nilalang ni Allaah ang mga jinn, bago pa Niya likhain si Aadam [Adan](sumakanya nawa ang kapayapaan).
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
وَلَقَد خَلَقنَا الإنسَانَ مِن صَلصَالٍ مِّن حَمَإٍ مَّسنُونٍ. وَالجَآنَّ خَلَقنَاهُ مِن قَبلُ مِن نَّارِ السَّمُومِ.
26. “At katunayan, Aming nilalang ang tao mula sa putik na inanyuan. 27. At Aming unang nilalang ang mga jinn . . . ” Kabanata Al Hijr 15:26-27.
Ayon pa muli sa mga iskolar ng islaam:
أن الأرض كان يسكنها الجن ( بالجيم المعجمة ) ، وهم الذين خلقهم الله تعالى من النار ، وهذا القول مروي عن أكثر أهل التفسير .
Ang unang opinion patungkol sa bagay na ito na ang kalupaan (daigdig) ay unang tinirhan ng mga engkanto (‘jinn’) na nilikha ni Allah, ang Kataas-taasan mula sa apoy (na walang usok). At ang mga salaysay na ito ay iniulat ng maraming ‘mufassireen’.
روى الطبري في تفسيره (1/232) عن ابن عباس رضي الله عنه قال: أول من سكن الأرض الجن، فأفسدوا فيها، وسفكوا فيها الدماء، وقتل بعضهم بعضا
Sa ulat ni At-Tabaree sa kanyang Tafseer (1/232) mula kay Ibnu ‘Abbaas (kalugdan nawa siya ni Allaah) na kanyang sinabi: ‘Ang unang nanirahan sa kalupaan ay ang mga engkanto (‘jinn’), at sila ay nagdulot ng kasamaan dito, nagpadanak ng dugo, at sila ay nagpatayan.
وروى بسنده عن الربيع بن أنس قال: إن الله خلق الملائكة يوم الأربعاء، وخلق الجن يوم الخميس، وخلق آدم يوم الجمعة، فكفر قوم من الجن، فكانت الملائكة تهبط إليهم في الأرض فتقاتلهم، فكانت الدماء، وكان الفساد في الأرض
Isinalaysay mula kay Ar Rabee‘ ibnu Anas (kalugdan nawa siya ni Allaah) na ito ay nagsabi: ‘Nilalang ni Allaah ang mga anghel sa araw ng Miyerkules, at nilalang Niya ang mga engkanto sa araw ng Huwebes at nilalang Niya si Aadam (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa araw ng Biyernes. Pagkatapos ang ilan sa mga engkanto ay nagsiwalang paniniwala, kaya ang mga anghel ay bumaba sa kalupaan upang sila ay kalabanin, at dito nagkaroon ng pagdanak ng dugo at pagkalat ng kasamaan sa kalupaan.
Tanong Bilang: 72470
Nilikha mula saan ang mga jinn?
Ayon sa mga faqeeh – o maaalam sa islaam, na ang mga jinn ay nilalang ni Allaah mula sa apoy na walang usok.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله: وَالجَآنَّ خَلَقنَاهُ مِن قَبلُ مِن نَّارِ السَّمُومِ.
27. At Aming unang nilalang ang mga jinn, mula sa apoy na walang usok.” Kabanata Al Hijr 15:27.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
وجاء في الحديث الصحيح عن عائشة رضي الله عنها قالت: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: “خُلِقَت الملائكة من نور، وّخُلِقَ الجَّان من مارجٍ من نار، وخُلِقَ آدم مما وُصِفَ لكم” رواه مسلم في صحيحه برقم 2996، ورواه أحمد برقم 24668، والبيهقي في السنن الكبرى برقم 18207 ، وابن حبان برقم 6155 .
24668. Isinalaysay ni ‘Aa’eeshah (kalugdan nawa siya ni Allaah) na sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag, ang mga jinn ay nilalang mula sa apoy na walang usok, at si Aadam ay nilalang mula sa kung papaano inilarawan sa inyo.” Iniulat ni Imaam Muslim 2996. Iniulat din ni Imaam Ahmad 24668, Al Bayhaqi sa Al Sunan Al Kubra 18207 at ni Ibnu Hibbaan 6155.
Bakit nilikha ni Allaah ang mga jinn?
Ayon sa iskolar ng islaam, na ang Banal na Qur’aan at Sunnah ay nagpapatunay sa atin na ang mga jinn ay totoo, at ang pagkakalikha sa kanila ay may malaking kadahilanan. Nilikha ni Allaah ang mga jinn upang Siya ay sambahin at sa Kanya ay huwag magtambal.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله: وَمَاخَلَقتُ الجِنَّ وَالإنسَ إِلاَّلِيَعبُدُون.
56. “At Aming nilikha ang mga jinn at mga tao, maliban na lamang na sila ay dapat sumamba sa Akin.” Kabanata Ad Dhaariyaat 51:56.
Pareho ba ang mundo ng mga jinn kumpara sa mga tao?
Ayon sa mga iskolar ng islaam: ‘Ang mundo ng mga jinn ay hindi katulad ng mundo ng mga tao, ang kanilang mundo ay hiwalay, at sila ay may sariling kalikasan at kagamitan.
وينبغي أن يعلم أن عالم الجن من عالم الغيب، لا نعلم عنه إلا ما أعلمنا الله تعالى عنه، في كتابه أو على لسان رسوله صلى الله عليه وسلم .
At dapat tandaan na ang mundo ng mga ‘jinn’ ay kabilang sa mga hindi nakikita, at wala silang ibang alam patungkol dito maliban na lamang sa kung ano ang sinabi ni Allaah patungkol dito sa Kanyang Aklat o kung ano ang nagmula sa labi ng Mensahero (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan).
وعلى هذا فلا نستطيع أن نتكلم عنهم بشيء إلا بما ورد في النصوص الشرعية، وما عدا ذلك يبقى خافياً علينا،
Kaya base dito wala tayong maaaring sabihin maliban na lamang kung ano ang naiulat sa islaam, at ang iba bukod dito ay tago na sa atin.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال تعالى: (وَلا تَقْفُ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ إِنَّ السَّمْعَ وَالْبَصَرَ وَالْفُؤَادَ كُلُّ أُولَئِكَ كَانَ عَنْهُ مَسْؤُولاً ) الإسراء/36 .
36. “At huwag sundan (ang mga bagay) na wala kang kaalaman (kabatiran), tunay na ang pandinig, paningin, at pang-unawa (puso) lahat ng mga ito ay mananagot (pananagutin).” Kabanata Al Isra’ 17:36.
وللتوسع في هذا الموضوع يراجع كتاب “عالم الجن والشياطين” للدكتور عمر سليمان الأشقر
Para sa mas malawak na kaalaman sa paksang ito, tignan ang aklat ng ‘Aalim Al Jinn wa’l-Shayateen ni Dr ‘Umar Sulaymaan Al Ashqar. At ang aklat na ito ay naisalin na sa wikang ingles na pinamagatang: ‘The World of the Jinn and Devils in the Light of the Qur’aan and Sunnah, Kabanata 03 ng Islamic Creed Series na nilimbag ng International Islamic Publishing House, Riyadh, Saudi Arabia.
Tanong Bilang: 20666
Saan namamalagi o saan nakatira ang mga jinn?
Ayon sa mga iskolar ng islaam:
وأما مساكنهم فيكثر تجمعهم في الخراب ومواضع النجاسات كالحمامات والمزابل
Ayon sa ating sa mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na ang kinaroroonan ng mga jinn ay kadalasan sa mga guhong lugar, at hindi malinis na pook.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا دخل الخلاء قال: اللهم إني أعوذ بك من الخبث والخبائث . رواه البخاري 142مسلم (375) قال الخطابي: الخُبُث جماعة الخبيث . والخبائث جمع الخبيثة يريد ذكران الشياطين وإناثهم .
375. Batay sa nag-ulat na sinabi ng Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Ang palikurang ito ay kinaroroonan ng mga jinn, kaya sinuman sa inyo ang magtungo sa palikuran, kanyang sabihin: Allaah humma in nee a’oodhu bika minal khubthi wa’l-khabaa’ith – ako ay nagpapakupkop kay Allaah laban sa mga lalake at babaeng demonyo.” Iniulat ni Imaam Al Bukhaaree 142 at Imaam Muslim 375.
At patungkol sa salitang Al khubthi wa’l-kabaa’ith na binigyang pakahulugan bilang lalake at babaeng demonyo, iminumungkahi din na ang kahulugan nito ay kasamaan at masamang espiritu, na kung saan ay kinabibilangan ng lalake at babaeng demonyo.
Tanong Bilang: 20666
Kapareho ba ng jinn ang mga tao?
Ayon sa mga iskolar ng islaam:
الجن خلق من خلق الله تعالى، وهم عباد مكلفون بالأوامر والنواهي، كالبشر، فمنهم المؤمن والكافر والفاسق، ومحسنهم يدخل الجنة، ومسيئهم يستحق العذاب
Ang mga ‘jinn’ ay kahabagi ng nilikha ni Allaah, at sila ay mga alipin ni Niya na pananagutin patungkol sa mga bagay na ipinag-utos at ipinagbawal Niya, tulad ng mga tao. Mayroong mga naniniwala at walang paniniwala at masasama sa kanila. Ang mga gumawa (gagawa) sa kanila ng mabuti ay papasok sa Paraiso at ang mga gumawa (gagawa) ng kasamaan ay paparusahan. Ang mga jinn at mga tao ay may ilang mga bagay na kung saan sila ay magkatulad. Isa na dito halimbawa ang katalinuhan na kaloob ni Allaah, ganun din ang pagkakaroon ng kalayaan na pumili sa pagitan ng mabuti at masama. Magkahintulad din ang mga ‘jinn’ at mga tao sa dahilan kung bakit sila nilikha.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله: وَمَاخَلَقتُ الجِنَّ وَالإنسَ إِلاَّلِيَعبُدُون.
56. “At Aming nilikha ang mga jinn at mga tao, maliban na lamang na sila ay dapat sumamba sa Akin.” Kabanata Ad Dhaariyaat 51:56.
قال شيخ الإسلام ابن تيمية رحمه الله: فهم مأمورون بالأصول والفروع بحسبهم، فإنهم ليسوا مماثلين الإنس في الحد والحقيقة، فلا يكون ما أمروا به ونهوا عنه مساوياً لما على الإنس في الحد، لكنهم مشاركون الإنس في جنس التكليف، بالأمر والنهي، والتحليل والتحريم، وهذا ما لم أعلم فيه نزاعا بين المسلمين” انتهى. مجموع الفتاوى (4/233) .
Ayon kay Shaykhul Islaam Ibnu Taymeeyah (kaawaan nawa siya ni Allaah): ‘Sila (ang mga ‘jinn’) ay pinag-utusan patungkol sa mga pangkaraniwang bagay at maliliit na bagay base sa kung ano ang kanilang anyo; hindi sila kahalintulad ng mga tao sa katotohanan, kaya ang utos at pagbabawal sa kanila ay hindi kahalintulad ng sa mga tao, ngunit sila ay may ibang mga kapareho sa mga tao, sa katotohanan na sila ay pinag-utusan at pinagbawalan, patungkol sa pambabatas ng mga pinayagan at pinagbawal. At patungkol dito ay wala akong alam na pagtatalo sa pagitan ng mga muslim. Mula sa aklat ng Majmoo’ al-Fataawa, 4/233.
Ngunit patungkol sa kung mula saan sila nilikha ni Allaah ay pinaniniwalaan na sila ay hindi magkapareho.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
وجاء في الحديث الصحيح عن عائشة رضي الله عنها قالت: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: “خُلِقَت الملائكة من نور، وّخُلِقَ الجَّان من مارجٍ من نار، وخُلِقَ آدم مما وُصِفَ لكم” رواه مسلم في صحيحه برقم 2996، ورواه أحمد برقم 24668، والبيهقي في السنن الكبرى برقم 18207، وابن حبان برقم 6155 .
24668. Isinalaysay ni ‘Aa’eeshah (kalugdan nawa siya ni Allaah) na sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag, ang mga jinn ay nilalang mula sa apoy na walang usok, at si Aadam ay nilalang mula sa kung papaano inilarawan sa inyo.” Iniulat ni Imaam Muslim 2996. Iniulat din ni Imaam Ahmad 24668, Al Bayhaqi sa Al Sunan Al Kubra 18207 at ni Ibnu Hibbaan 6155.
Tanong Bilang: 20666
May asawa at anak ba ang mga jinn?
Itinuturo ng islaam at pinaniniwalaan ng mga muslim, na ang mga jinn ay may pamilya katulad ng sa mga tao.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
أفَتَتَّخِذُونَهُ, وَذُرِّيَّتهُ أَولِيَآءَ مِن دُونِى وَهُم لَكُم عَدُوُّ بِئس لِلظَّالِمِين بَدَلاً.
50. “Inyo bang kukunin siya (Iblees) at ang kanyang angkan bilang inyong tagapangalaga maliban sa Akin bagama’t sila ay inyong kaaway? Ang samang kapalit na pinili ng mga Dhaalimeen (mapagmalabis).” Kabanata Al Kahf 18:50.
May mga muslim at mga kaafir ba sa mga jinn?
Ayon sa mga iskolar ng islaam:
فمنهم المؤمن والكافر والفاسق ، ومحسنهم يدخل الجنة، ومسيئهم يستحق العذاب،
‘Ang mga jinn ay may kalayaan tulad ng mga tao. May mga muslim at kaafir sa kanila.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
وقال تعالى عن الجن : ( وَأَنَّا مِنَّا الصَّالِحُونَ وَمِنَّا دُونَ ذَلِكَ كُنَّا طَرَائِقَ قِدَداً ) الجـن/11 .
11. “At may mga matutuwid sa aming lipon, at ang iba naman ay kabaliktaran; kami ay may iba’t-ibang (sektang) sinusundan” Kabanata Al-Jinn 72:11.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
وقال أيضاً : ( وَأَنَّا مِنَّا الْمُسْلِمُونَ وَمِنَّا الْقَاسِطُونَ فَمَنْ أَسْلَمَ فَأُولَئِكَ تَحَرَّوْا رَشَداً * وَأَمَّا الْقَاسِطُونَ فَكَانُوا لِجَهَنَّمَ حَطَبًا ) الجن/14، 15 .
14. “At may ‘muslim’ (tumalima at sumuko) sa amin at may mga ‘Qaasitoon’ (walang paniniwala at ligaw). At sinuman ang sumuko, sila ang mga nagabayan (sa tuwid na daan). 15. At ang mga ‘Qaasitoon’ ay mga panggatong sa impiyerno.” Kabanata Al Jinn 72:14, 15.
Tanong Bilang: 20666
Ano ang kaibahan ng mga shaytaan (demonyo) sa mga jinn?
Ayon sa ating mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na ang mga shaytaan ay hindi lamang sa mga uri ng jinn maging sa mga tao ay may shaytaan. Ito ay tumutukoy sa mga masasamang uri ng tao at mga jinn.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله: الَّذِي يُوَسوِسُفِى صُدُرِ النَّـاسِ. مِن الجِنَّةِ وَالنَّـاسِ. سورة الناس 114:5-6
5. “Ang mga bumubulong sa dibdib (puso) ng mga tao. 6. mula sa mga jinn at mga tao.” Kabanata An Naas 114:5-6.
May papasok ba ng Paraiso at Impiyerno sa mga jinn?
Ayon sa ating mga faqeeh – o maaalam sa islaam, na ang jinn ay gagantimplaan at parurusahan ni Allaah sa Huling Araw tulad ng mga tao.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
وَإِنَّا مِنَّا المُسلِمُونَ وَمِنَّا القَاسِطُون فَمَن أَسلَمَ فَأُولَئِكَ تَحَرَّوا رَشَدًا. وَأَمَّا القّاسِطُونَ فَكَانُوا لِجَهَنَّمَ حَطَبًا.
14. “At ang iba sa amin ay mga muslim, at ang iba naman sa amin ay mga Al Qaasitoon (mga naligaw sa tamang landas). At sinuman ang yumakap sa islaam , ay tunay na natagpuan ang tamang daan. 15. At para naman sa mga Qaasitoon (mga naligaw sa tamang landas), sila ay magiging mga panggatong sa Impiyerno.” Kabanata Al Jinn 72:14-15.
May kalayaan ba ang mga jinn tulad ng mga tao?
Itinuturo ng islaam at pinaniniwalaan ng mga muslim, na ang mga jinn at mga tao ay ang mga nilalang ni Allaah na may kalayaang pumili sa pagitan ng tama at mali, ng masama at mabuti. Pinaniniwalaan sa islaam na pagdating ng Araw ng Paghuhukom, ang dalawang uring nilalang na ito ay pananagutin ni Allaah sa kanilang mga ginawa. At wala ni sinuman sa kanila ang maaring pumigil nito.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله: يَامَعشَرَ الجِنِّ وَالإِنسِ إِنِ استَطَعتُم أَنتَنفُذُوا مِن أَقطَارِ السَّمَاوَاتِ وَالأَرضِ فَانفُذُوا لاَتَنفُذُونَ إِلاَّبِسُلطَانٍ. سورة الرحمان 55:33
33. “Oh kapulungan ng mga jinn at mga tao! Kung kayo ay may kakayahan na lagpasan ang hangganan ng mga kalangitan at kalupaan ay gawin ninyo! Ngunit ito ay hindi ninyo magagawa, maliban lamang kung ito ay pahintulutan!” Kabanata Ar Rahmaan 55:33.
Namamatay ba ang mga jinn?
Itinuturo ng islaam at pinaniniwalaan, ng mga muslim na ang lahat ng may buhay ay mamamatay.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله:كلّ مَن عَلَيهَا فَان. وَيبَقَى وَجهُ رَبُّكَ ذُوالَجَالاَلِ وَالإكرَام. سورة الرحمان 55:26-27
26. “At anumang bagay na nandito ay maglalaho. 27. “At mananatili magpakailanman ang mukha ng inyong Panginoon, ang Pinaka-Dakila at Puno ng Papuri” Kabanata Ar Rahmaan 55:26-27.
Ayon kay Imaam Ibnu Katheer (kaawaan nawa siya ni Allaah) na sa bersikulong ito, tuwirang sinabi ni Allaah sa atin na lahat ng nananahan sa kalupaan ay maglalaho at mamamatay, ganundin ang mga nasa kalangitan, maliban na lamang sa mga naisin ni Allaah na manatili. At walang matitira kung hindi ang Kanyang Dakilang Mukha, dahil tunay na si Allaah ay hindi mamamatay. Dahil Siya ang Walang Hanggang Buhay. Ang pahayag na ito ay ating matatagpuan sa Tafseer ng Qur’aan il ‘Adheem 4/273.
Nakikita ba ang mga jinn?
Ayon sa ating mufassiroon – o mga nagpapaliwanag ng islaam:
أولا : اعلم أن الأصل في الجن أنهم مستترون عن الإنس ، ولهذا سُمُّوا (جنا) لأن المادة اللغوية (جن) الجيم والنون تدل على أصل واحد ، وهو السَّتْر و التستُّر .
“Na dahil sa Awa at Habag ni Allaah, sila ay hindi natin nakikita ngunit nakikita nila tayo.”
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
إِنَّهُ يَرَئكُم هُوَوَقِبِيلُهُ مِن حَيثُ لاَتَرَونَهُم.
27. “Katunayan, siya (si Iblees) at ang Qabeeluhu (mga sundalo ni Iblees) ay nakikita kayo sa lugar na hindi nyo sila nakikita.” Kabanata Al A’raaf 7:27.
الإسلام سؤال وجواب
Islam Q&A
Tanong Bilang: 40703
Kumakain ba ang mga jinn?
Batay sa ating mga faqeeh – o maaalam sa islaam, na ang mga jinn ay kumakain din tulad ng mga tao.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
عن ابن مسعود قال : قال رسول الله : ” أتاني داعي الجن فذهبت معه فقرأت عليهم القرآن قال : فانطلق بنا فأرانا آثارهم وآثار نيرانهم وسألوه الزاد فقال : لكم كل عظم ذكر اسم الله عليه يقع في أيديكم لحما وكل بعرة علف لدوابكم فقال النبي : ” فلا تستنجوا بهما فإنهما زاد إخوانكم ” رواه مسلم 3571
3571. Batay sa nag-ulat na sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan):”Ang mga mananampalatayang jinn ay maaring kumain ng mga buto ng kung saan ay binanggit ang pangalan ni Allaah, at ito naman ay hindi pinahihintulutan sa mga walang paniniwala, bagkus ang para sa kanila ay ang mga butong hindi nabanggit ang pangalan ni Allaah.” Iniulat ni Imaam Al Bukhaaree 3571.
Ano naman ang kinakain ng mga jinn?
Ayon sa ating mufassiroon – o mga nagpapaliwanag ng islaam, na ang mga jinn ay kumakain at umiinom at ang kanilang mga pagkain ay ang mga buto ng hayop.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
الجن يأكلون ويشربون : عن ابن مسعود قال : قال رسول الله : ” أتاني داعي الجن فذهبت معه فقرأت عليهم القرآن قال : فانطلق بنا فأرانا آثارهم وآثار نيرانهم وسألوه الزاد فقال : لكم كل عظم ذكر اسم الله عليه يقع في أيديكم لحما وكل بعرة علف لدوابكم فقال النبي . وفي رواية : إِنَّهُ أَتَانِي وَفْدُ جِنِّ نَصِيبِينَ وَنِعْمَ الْجِنُّ فَسَأَلُونِي الزَّادَ فَدَعَوْتُ اللَّهَ لَهُمْ أَنْ لا يَمُرُّوا بِعَظْمٍ وَلا بِرَوْثَةٍ إِلا وَجَدُوا عَلَيْهَا طَعَامًا . رواه البخاري 3571 ، فالمؤمنون من الجن لهم كل عظم ذكر اسم الله عليه لأن الرسول لم يبح لهم متروك
450. Isinalaysay ni Ibnu Mas’ood (kalugdan nawa siya ni Allaah) na sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Ang ilan sa mga jinn ay tinawag ako, ako ay pumaroon sa kanila at binasa ang Banal na Qur’aan para sa kanila.” Kami (mga sahaabah) ay tinawag ng Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) at ipinakita sa amin ang kanilang bakas na animoy bakas ng sinunog na apoy. At ayon sa Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan), siya ay tinanong ng mga jinn kung ano ang kanilang maaring kainin at kanyang sinabi sa kanila, “Maari ninyong kainin ang mga buto na kung saan ay binanggit ang pangalan ni Allaah na mula sa pagkain ng mga tao, at maging ang kanilang mga dumi at dumi ng kanilang mga hayop.” Iniulat ni Imaam Muslim 450.
Batay muli sa isang salaysay (hadeeth):
عن ابن مسعود قال : قال رسول الله : ” فلا تستنجوا بهما فإنهما زاد إخوانكم ” رواه مسلم (450)
450. Isinalaysay ni Ibnu Mas’ood (kalugdan nawa siya ni Allaah) na sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Kaya huwag gamitin ang mga bagay na ito (mga buto at dumi ng hayop) upang linisin ang inyong mga sarili pagkatapos gumamit ng palikuran, dahil ito ay pagkain ng inyong mga kapatiran (mga jinn).” Iniulat ni Imaam Muslim 450.
Ano ang tunay na hitsura ng jinn? May katotohanan ba ang mga ipinakikitang litrato ng mga tao patungkol sa tunay na hitsura ng mga jinn?
Ayon sa ating mufassiroon – o mga nagpapaliwanag ng islaam:
أما الشق الثاني من السؤال وهو هل هناك صورة صحيحة للجن ؟ فإن مسألة تصوير الجن صورة فوتوغرافية من الأمور التي شغف بها كثير من الناس وانتشرت في بعض مواقع الإنترنت ولا يمكن الجزم بصحة ما في هذه المواقع خاصة في هذه الآونة التي تفنن الناس فيها بأنواع الخدع التصويرية ، ثم إن البحث في مثل هذه الأمور ليس ذا فائدة أو جدوى في الدين أو الدنيا ، والأولى بالإنسان أن يشتغل بما يعود عليه بالفائدة الدينية أو الدنيوية من قراءة وتفهم لما في القرآن وصحيح السنة وما يجب على الإنسان في عقيدته وعبادته ، والأخلاق والآداب التي ينبغي أن يتحلى بها المسلم وغير ذلك ، علما بأن نشر صور ذوات الأرواح محرم شرعا وقد وردت النصوص الشرعية بذلك ،
Patungkol naman sa katanungan na kung ang mga jinn ba ay may tunay na hugis o anyo, na kung saan ang ibang mga tao ay nagpapakita pa ng mga litrato bilang katibayan daw ng tunay na hitsura at hugis ng jinn, na kanilang gawa-gawa lamang at ang iba pa sa mga ito ay naging talamak sa mga ‘websites’ sa ‘internet’, hindi posible na matukoy kung totoo ba o hindi ang mga ‘websites’, lalo sa ating kapanahunan na kung saan ang mga tao ay bihasa sa paggawa ng mga pekeng litrato. Higit pa dito hindi mainam na gawing abala ng isa ang kanyang sarili sa paghahanap ng mga bagay na walang maidudulot na kapakinabangan at layunin sa kanyang sarili mismo. Mas mainam na gawing abala ng isa ang kanyang sarili sa mga bagay na magdudulot sa kanya ng kapakinabangan sa espiritwal o makamundo man tulad ng pagbabasa at pag-unawa ng Qur’aan at mga saheeh Sunnah, at kung ano ang dapat gawin ng isang tao upang maging tama ang kanyang pamamaraan sa mga gawaing pagsamba, at ang tamang pag-uugali ng isang muslim at papaano palaguin ang mga ito. At dapat tandaan ng isa na ang pagpapaskil ng mga litrato ng mga hayop ay ipinagbabawal batay sa sharee’ah ayon na din sa mga teksto na naiulat.
Maari bang mag hitsurang tao ang mga jinn?
Batay sa ating mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na napatunayan sa Sunnah (bahagdan) na sa totoong buhay ay maaring mag katawang tao ang mga jinn, sila din ay maaring magkatawang hayop.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ : وَكَّلَنِي رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِحِفْظِ زَكَاةِ رَمَضَانَ ، فَأَتَانِي آتٍ فَجَعَلَ يَحْثُو مِنْ الطَّعَامِ ، فَأَخَذْتُهُ وَقُلْتُ : وَاللَّهِ لأَرْفَعَنَّكَ إِلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّم َ. فشكا حاجة وعيالا فرحمه أبو هريرة وتركه حتى تكرر هذا ثلاث مرات وفي الثالثة قال أبو هريرة : لأَرْفَعَنَّكَ إِلَى رَسُولِ اللَّهِ وَهَذَا آخِرُ ثَلاثِ مَرَّاتٍ أَنَّكَ تَزْعُمُ لا تَعُودُ ثُمَّ تَعُودُ ، قَالَ : دَعْنِي أُعَلِّمْكَ كَلِمَاتٍ يَنْفَعُكَ اللَّهُ بِهَا ، قُلْتُ : مَا هُوَ ؟ قَالَ : إِذَا أَوَيْتَ إِلَى فِرَاشِكَ فَاقْرَأْ آيَةَ الْكُرْسِيِّ ( اللَّهُ لا إِلَهَ إِلا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ ) حَتَّى تَخْتِمَ الآيَةَ ، فَإِنَّكَ لَنْ يَزَالَ عَلَيْكَ مِنْ اللَّهِ حَافِظٌ ، وَلا يَقْرَبَنَّكَ شَيْطَانٌ حَتَّى تُصْبِحَ فَخَلَّيْتُ سَبِيلَهُ . وحين أصبح أخبر رسولَ الله صلى الله عليه وسلم بما حصل . فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ : أَمَا إِنَّهُ قَدْ صَدَقَكَ وَهُوَ كَذُوبٌ . أتَعْلَمُ مَنْ تُخَاطِبُ مُنْذُ ثَلاثِ لَيَالٍ يَا أَبَا هُرَيْرَةَ ؟ قَالَ : لا . قَالَ : ( ذَاكَ شَيْطَانٌ) . رواها البخاري (3275)
3275. Isinalaysay ni Abee Hurayrah (kalugdan nawa siya ni Allaah) na ako ay itinalaga ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) bilang taga bantay ng zakaah sa Ramadhaan. May isang lalaki ang nagtungo sa akin at nagsimulang kumuha ng mga pagkain, at aking sinabi sa kanya, “Sumpa man kay Allaah, akin kitang dadalhin sa Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan).” Kanyang sinabi sa akin na siya ay may mahigpit na pangangailangan at siya ang inaasahan sa pamilya. Kaya ako ay naawa sa kanya at siya ay aking pinalaya. Ang pangyayaring ito ay makatlong ulit na nangyari, muli kanyang sinabi sa lalake: “Dadalhin kita sa Mensahero ni Allaah, dahil ito ay pangatlong ulit munang ginawa, sa tuwing ikaw ay aking mahuhuli, iyong sinasabi sa akin na ikaw ay hindi na babalik.” Sinabi niya sa akin, “Pakawalan mo ako, tuturuan kita na kung saan ay pakikinabangin ka ni Allaah.” Aking sinabi: Ano yun? “Kapag ikaw ay tutungo sa iyong higaan basahin mo ang Aayatul Kursee, ‘Allaahu! Laa ilaaha il la Huwal Hayyul-Qayyoom…” Kabanata Al Baqarah 2:255. Ng kinaumagahan aking sinabi sa Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) ang mga nangyari at kanyang sinabi sa akin: “Sinabi niya sa iyo ang totoo, ngunit siya ay isang sinungaling. Alam mo ba kung sino ang kausap mo sa tatlong gabing iyon, Abee Hurayrah?” aking sinabi; Hindi, kanyang sinabi sa akin; Siya ay isang shaytaan.” Iniulat ni Imaam Al Bukhaaree 3275.
ومثل هذا في الواقع كثير ، قال شيخ الإسلام : ( والجن يتصورون في صور الإنس والبهائم فيتصورون في صور الحيات والعقارب وغيرها وفي صور الإبل والبقر والغنم والخيل والبغال والحمير وفى صور الطير وفى صور بنى آدم كما أتى الشيطان قريشا في صورة سراقة بن مالك بن جعشم لما أرادوا الخروج إلى بدر ) مجموع الفتاوى ( 19/44
Ayon naman kay Shaykhul Islaam Ibnu Taymiyyah (kaawaan nawa siya ni Allaah): “Ang jinn ay maaring mag hitsurang tao, tulad ng pumaroon sa mga Quraysh ng ginaya nito ang hitsura ni Suraaqah ibnu Maalik ibnu Ju’sham, ng sila ay nagnanais tumungo sa Badr. Ang pahayag na ito ay nakasulat sa aklat ng Majmoo’ al-Fataawa, 19/44.
Maari bang mag hitsurang hayop ang mga jinn?
Ayon sa ating mga faqeeh – o maaalam sa islaam, na napatunayan sa ahaadeth – o mga salaysay na ang mga jinn ay pinagkalooban ni Allaah ng kakayahan na mag-hitsurang hayop.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
وفي صحيح مسلم (2236) عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيِّ رضي الله عنه قَالَ : سَمِعْتُ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يقول : ( إِنَّ بِالْمَدِينَةِ نَفَرًا مِنْ الْجِنِّ قَدْ أَسْلَمُوا فَمَنْ رَأَى شَيْئًا مِنْ هَذِهِ الْعَوَامِرِ فَلْيُؤْذِنْهُ ثَلاثًا فَإِنْ بَدَا لَهُ بَعْدُ فَلْيَقْتُلْهُ فَإِنَّهُ شَيْطَانٌ ) .
236. Isinalaysay ni Aboo Sa’eed Al Khudree (kalugdan nawa siya ni Allaah) aking narinig na sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Sa Madeenah mayroong grupo ng mga jinn na yumakap sa islaam, kaya sinuman sa inyo ang makakita ng nilalang, babalaan niya ito ng tatlong ulit, ngunit kung ito ay hindi umalis, ito ay maari niyang patayin, dahil ito ay isang demonyo.” Iniulat ni Imaam Muslim 236.
والعوامر : الحيات والثعابين التي تكون في البيوت ، لا تقتل حتى تستأذن ثلاثاً فقد تكون من الجن . انظر ” غريب الحديث ” لابن الأثير .
Ang salitang nilalang na ginamit sa hadeeth ay tumutukoy sa ahas na lumilitaw kadalasan sa loob ng bahay; sila ay hindi dapat agad patayin, kailangang bigyan sila ng tatlong ulit na babala, dahil maaaring sila ay mga jinn. Ang pahayag na ito ay matatagpuan sa Ghareeb al-Hadeeth ni Ibnu al-Atheer.
قال النووي : « معناه : وإذا لم يذهب بالإنذار علمتم أنَّه ليس من عوامر البيوت ، ولا ممَّن أسلم من الجنِّ ، بل هو شيطان ، فلا حرمة عليكم فاقتلوه ، ولن يجعل اللهُ له سبيلاً للانتصار عليكم بثأره بخلاف العوامر ومن أسلم ، واللهُ أعلم » . شرح مسلم 14/236
Ayon naman kay Imaam Al-Nawwawee (kaawaan nawa siya ni Allaah): Na ang kahulugan na kapag sila ay hindi umalis pagkatapos bigyan ng babala ng tatlong ulit, sila ay hindi kabilang sa mga uri ng jinn na muslim, bagkus sila ay mga demonyo, kaya walang pagkakasala kung sila ay paslangin. At sila ay hindi pahihintulutan ni Allaah na maghiganti sa inyo maliban lamang sa mga jinn na muslim. At si Allaah pa din ang mas nakakaalam. Ang pahayag na ito ay matatagpuan sa aklat ng Sharh Muslim14/236.
ومثل هذا في الواقع كثير ، قال شيخ الإسلام : ( والجن يتصورون في صور الإنس والبهائم فيتصورون في صور الحيات والعقارب وغيرها وفي صور الإبل والبقر والغنم والخيل والبغال والحمير وفى صور الطير وفى صور بنى آدم كما أتى الشيطان قريشا في صورة سراقة بن مالك بن جعشم لما أرادوا الخروج إلى بدر ) مجموع الفتاوى ( 19/44
Ayon naman kay Shaykhul Islaam Ibnu Taymiyyah (kaawaan nawa siya ni Allaah): “Ang jinn ay maaring maghitsurang hayop, sila ay maaaring maghitsurang ahas, alakdan, kamelyo, baka, tupa, kambing, kabayo, ibon atbp. Ang pahayag na ito ay nakasulat sa aklat ng Majmoo’ al-Fataawa, 19/44.
Ano-ano ang uri ng mga jinn?
Ayon sa ating mufassiroon – o mga nagpapaliwanag ng islaam, nilalang ni Allaah ang jinn na may ibat-ibang uri. Ang iba sa kanila ay may kakayahan na gumaya ng ibat-ibang anyo.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
عن أبي ثعلبة الخشني قال : قال رسول الله : ” الجن ثلاثة أصناف : صنف لهم أجنحة يطيرون في الهواء وصنف حيات وكلاب وصنف يحلون ويظعنون .” رواه الطحاوي في مشكل الآثار (4/95) ورواه الطبراني في الكبير (22/214) وقال الشيخ الألباني في المشكاة (2/1206 رقم 4148) : ورواه الطحاوي وأبو الشيخ بسند صحيح .
4/95. Isinalaysay ni Aboo Tha’labah Al Khusanee (kalugdan nawa siya ni Allaah) na sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Ang mga jinn ay may tatlong uri, ang unang uri ay may mga pakpak, sila ay lumilipad sa hangin. Pangalawa; ay hitsurang aso at ahas. Ang pangatlo naman ay mga namamahinga upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.” Ito ay iniulat ni Al Tahhaawi ni Mushkil Al Athaar 4/95, at ni At Tabaraani sa Al Kabeer 22/214. At ayon kay Shaykh Al Baanee na ang salaysay na ito ay saheeh.
Totoo bang may kakambal na jinn ang bawat tao?
Ayon sa ating mga faqeeh – o maaalam sa islaam, na bawat tao ay may itinalaga si Allaah na jinn na kapareha na tinatawag sa wikang arabiko bilang qareen.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
عن ابن مسعود أنه قال : قال رسول الله : ” ما منكم من أحد إلا وقد وكل به قرينه من الجن . قالوا : وإياك يا رسول الله ؟ قال : وإياي إلا أن الله أعانني عليه فأسلم فلا يأمرني إلا بخير . رواه مسلم (2814) قال النووي في شرحه لمسلم (17/175)
2814. Isinalaysay ni Ibnu Mas’ood (kalugdan nawa siya ni Allaah) na sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Ang bawat isa sa inyo ay may itinalagang jinn bilang kasama.” At kanilang sinabi; “Kahit ba ikaw Oh! Mensahero ni Allaah?” kanyang sinabi: “Kahit na ako, ngunit ako ay tinulungan ni Allaah at siya ay sumuko na, kaya tinutulungan niya akong gumawa ng mabuti.” Iniulat ni Imaam Muslim 2814.
Ayon kay Imaam Nawwawee (kaawaan nawa siya ni Allaah) na ang kahulugan ng sinabi ng Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) na ang kanyang qareen ay sumuko na, ito ay muslim na.
Gaano kalakas ang mga jinn?
Batay sa ating mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na pinagkalooban ni Allaah ng lakas ang jinn na hindi pinagkaloob sa mga tao. Ang iba sa kanilang mga kakayahan ay ipinahayag sa atin ni Allaah, tulad halimbawa ng paglalakbay ng ubod ng bilis. Isang uri ng jinn nuong kapanahunan ni Propeta Sulaymaan (sumakanya nawa ang kapayapaan) na nagngangalang Ifreet ang nangako kay Propeta Sulaymaan (sumakanya nawa ang kapayapaan) na kaya niyang dalhin ang trono ng reyna ng Yemen sa Herusalem sa isang saglit, mas mabilis pa sa pagbangon ng isang tao mula sa kanyang kinauupuan.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال تعالى : ( قال عفريت من الجن أنا آتيك به قبل أن تقوم من مقامك وإني عليه لقوي أمين . قال الذي عنده علم من الكتاب أنا آتيك به قبل أن يرتد إليك طرفك فلما رآه مستقرا عنده قال هذا من فضل ربي ) النمل : 39-40 .
39. “Sinabi ni ‘Ifreet na mula sa mga jinn: Aking dadalhin ito (trono) sa iyo, bago ka pa man tumayo sa iyong kinaroroonan. At katunayan, ako ay malakas at mapagkakatiwalaan sa ganitong gawain. 40. Sinabi ng isang may kaalaman sa kasulatan: “Aking dadalhin ito (trono) sa iyo sa isang kisap mata! At ng ito ay makita ni Sulaymaan na malapit sa kanyang kinaroroonan, kanyang sinabi: Ito ay dahil sa Kadakilaan ng aking Panginoon.” Kabanata An Naml 24:39-40.
Maari bang sumapi ang jinn sa mga tao?
Ayon sa ating mga mufassiroon – o nagpapaliwanag ng islaam:
قال الإمام شيخ الإسلام في الفتاوى بعد كلام سبق :
Sinabi ni Imaam Shaykhul Islaam (kaawaan nawa siya ni Allaah) sa kanyang Fataawa pagkatapos magkomento ang iba patungkol dito:
( ولهذا أنكر طائفة من المعتزلة ، كالجبائي وأبو بكر الرازي وغيرهما دخول الجني في بدن المصروع ولم ينكروا وجود الجن ، إذ لم يكن ظهور هذا في المنقول عن الرسول صلى الله عليه وسلم كظهور هذا ، وإن كانوا مخطئين في ذلك ، ولهذا ذكر الأشعري في مقالات أهل السنة والجماعة أنهم يقولون : إن الجني يدخل في بدن المصروع
“Dahil dito ang mga grupo ng Mu’tazilah, tulad ng al-Jabbaa’ee, Abee Bakr al-Raazee at iba pa, ay itinatanggi na ang mga jinn ay maaaring pumasok sa katawan ng may sakit na ‘epileptic’, ngunit hindi nila itinatanggi na mayroong mga jinn, dahil ayon sa kanila ang mga bagay na ito ay hindi binigyang linaw sa mga pahayag na naiulat mula sa Mensahero (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) hindi tulad ng patungkol sa kanilang pagiging ganap. Sila ay nagkakamali sa mga bagay na ito. Dahil si Ash Ash’aree ay nagbanggit sa Maqaalaat Ahl As Sunnah wa’l Jamaa’ah na ang samahan ng mga tumatalima sa Sunnah ay naniniwala na ang mga jinn ay maaaring pumasok sa katawan ng taong may ‘epileptic’.”
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
كما قال تعالى ( الذين يأكلون الربا لا يقومون إلا كما يقوم الذي يتخبطه الشيطان من المس … ) البقرة/275 .
275. “Silang mga kumain ng Riba ay hindi babangon maliban na lamang na animo’y tatayo sila na tinuklaw ng Shaytaan mula sa mga baliw.” Kabanata al-Baqarah 2:275.
وقال عبد الله بن الإمام أحمد : قلت لأبي إن قوماً يزعمون أن الجني لا يدخل في بدن الإنسي ، فقال : يا بني ، يكذبون هو ذا يتكلم على لسانه وهو مبسوط في موضعه ) مجموع فتاوى شيخ الإسلام ابن تيمية ( 19 / 12 ) وقال أيضاً رحمه الله ، في المجلد الرابع والعشرين من الفتاوى ( ص 276 ، 277 ) ما نصه :
Ayon kay ‘Abdullaah ibnu Al Imaam Ahmad: “Aking sinabi sa aking ama, na ang karamihan sa mga tao ay nagsasabi na hindi daw maaring sumanib ang engkanto sa mga tao. Kanyang sinabi sa akin, Oh aking anak, sila ay nagsisinungaling, dahil ang mga engkanto ay maaring magsalita na tulad ng mga tao upang kausapin ang mga taong nakaratay sa higaan. Makikita ang pahayag na ito sa Majmoo’ Fataawa Shaykhul Islaam Ibnu Taymiyah 19/12, Aklat 24 / Pahina 276 at 277.
( وجود الجن ثابت بكتاب الله وسنة رسوله صلى الله عليه وسلم واتفاق سلف الأمة وأئمتها ، وكذلك دخول الجني في بدن الإنسان ثابت باتفاق أئمة أهل السنة والجماعة ،
“Ang pagigigng ganap ng mga jinn ay napatunayan mula sa Aklat ni Allaah at sa Sunnah ng Kanyang Mensahero (ang dasal nawa ay sumakanya at kapaypaan), at maging sa pananaw ng mga salaf at iskolar ng ‘ummah’ na ito. Kahalintulad nito ang pagigigng totoo na ang mga jinn ay maaaring pumasok sa katawan ay napatunayan din mula sa pananaw ng mga imaam ng Ahal As Sunnah wa’l-Jamaa’ah.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله تعالى : ( الذين يأكلون الربا لا يقومون إلا كما يقوم الذي يتخبطه الشيطان من المس ) البقرة/275
275. “Silang mga kumain ng Riba ay hindi babangon maliban na lamang na animo’y tatayo sila na tinuklaw ng Shaytaan mula sa mga baliw.” Kabanata al-Baqarah 2:275.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
وفي الصحيح عن النبي صلى الله عليه وسلم ( إن الشيطان يجري من ابن آدم مجرى الدم ) ….
Sa As Saheeh iniulat na sinabi ng Propeta (ang dasal nawa ay sumakanya at kapaypaan): ‘Ang Shaytaan ay dumadaloy sa inapo ni Adan, dumadaloy sa dugo.”
إلى أن قال رحمه الله : وليس في أئمة المسلمين من ينكر دخول الجني في بدن المصروع ، ومن انكر ذلك وادعى أن الشرع يكذب ذلك فقد كذب على الشرع ، وليس في الأدلة الشرعية ما ينفي ذلك … ) إلخ .
Wala ni sinuman sa mga imaam ng mga muslim ang tumatanggi na ang mga jinn ay maaaring pumasok sa katawan ng ‘epileptic’. Sinuman ang tumanggi at magsabi na ang Islaam at itinatanggi ang mga bagay na ito ay nagsasabi ng kasinungalingan patungkol sa sharee’ah, dahil walang ebidensiya mula sa sharee’ah na nagsasaad na ito ay hindi totoo.”
مجموع فتاوى ومقالات متنوعة لسماحة الشيخ عبد العزيز ابن باز رحمه الله م/8. ص / 60
Mula sa aklat ng Majmoo’ Fataawa wa Maqaalaat Mutanawwi’ah li Samaahat al-Shaykh ‘Abdul ‘Azeez ibn Baaz (kaawaan nawa siya ni Allaah), pahina 60
Tanong Bilang: 11447
Nakakaakyat ba ng kalangitan ang mga jinn?
Batay sa ating mga faqeeh – o maaalam sa islaam, na ang mga jinn ay may lugar malapit sa kalangitan na kanilang tinitigilan, upang sila ay makinig sa usapan (sa kalangitan). Ngunit ng isugo ni Allaah si Propeta Muhammad (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) sila ay hindi na pinahintulutang mamalagi dito. Sinuman ang sumubok sa kanila na makinig sa usapan sa kalangitan ay sinusunog ng lumalagablab na apoy.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
وَأَنَّا لَمَسنَا السَّمَآءَ فَوَجَدنَاهَا مُلِئَت حَرَسًا شَدِيدًا وَشُهُبًا.
8. “At aming (mga jinn) natagpuan ang kalangitan na puno ng mga bantay at bulalakaw. 9. At katunayan, kami nuon ay nauupo sa lugar duon upang makinig, ngunit ngayon, sinuman ang makinig ay makakatagpo ng lumalagablab na apoy upang siya ay tambangan.” Kabanata Jinn 72: 8-9.
May mga tagapagbabala (mangangaral) din ba sa mga jinn?
Ayon sa ating mga mufassiroon – o nagpapaliwanag ng islaam, na may mga mangangaral sa mga jinn, ito ay batay sa kasaysayan ng Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) ng siya ay nasa Makkah, may grupo ng mga engkanto na sa kanya ay pumaroon at nakinig ng kanyang pagbabasa ng Banal na Qur’aan:
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
وَإِصَرَفنَآ إِلَيكَ نَفَرًا مِّنَ الجِنِّ يَستَمِعُونَ القُرءَانَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوا أَنصِتُوا فَلَمَّاقُضِىَ وَلَّوا إِلَى قَومِهِم مُّنذِرِين.
29. “At (tandaan) ng Aming ipinadala patungo sa iyo (Muhammad) ang grupo ng mga jinn, sila ay nakinig ng Qur’aan. At ng sila ay tumayo, sila ay nagsabi: “Tumahimik at makinig!” At ng ito ay matapos, sila ay bumalik sa kanilang mga kasamahan, bilang tagapagbabala.” Kabanata Al Ahqaaf 46:29.
Huhukaman ba ni Allaah ang mga jinn sa Araw ng Paghuhukom?
Batay sa ating mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na huhukaman din ni Allaah ang mga jinn sa Yawmul Qiyyamah. Ayon kay Imaam Mujaahid (kaawaan nawa siya ni Allaah) na ang katibayan dito ay ang sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan.
. . . . .وَلَقَد عَلِمَت الجنّة إنّهُم لَمُحضَىُون.
158. “. . . . .ngunit batid na mabuti ng mga jinn na sila ay haharap sa Kanyang harapan.” Kabanata As Saffaat 37:158.
Ayon kay Imaam Al Bukhaaree (kaawaan nawa siya ni Allaah) na ang kahulugan ng bersikulong ito, na may kasiguruhan na ang mga jinn ay haharap kay Allaah upang hukuman.” Ang pahayag na ito ay ating makikita sa aklat ni Imaam Al Bukhaaree na Baab Dhikr Al Jinn wa Thawaabihim wa ‘iqaabihim.
Maari bang tumakas ang mga jinn sa kaparusahan ni Allaah?
Batay sa ating mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na sinuman ang magnais na tumakas sa kaparusahan ni Allaah, maging sila ay mula sa mga jinn o mga tao ay hindi nila kayang gawin.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
يُرسَلُ عَلَيكُمَا شُوَاظٌ مِّن نَّارٍ وَنُحَاسٌ فَلاَ تَنتَصِرَان.
35. “Ipadadala para sa inyong dalawa, ang apoy at usok, at hindi ninyo kayang proteksiyunan ang inyong mga sarili laban dito.” Kabanata Ar Rahmaan 55:35.
Maari bang makipag-usap sa jinn o makipagkaibigan?
Ayon kay Shaykh ‘Abdul-Kareem al-Khudayr (pangalagaan nawa siya ni Allaah) ng siya ay tanungin patungkol sa mga bagay na ito: “Posible na maaaring makipag-usap ang mga jinn sa mga tao, ngunit ang hanapin ang mga bagay na Al Ghayb at kung ano ang nasa na puso ng mga tao ay haraam. Ang paggamit ng mga bersikulo ng Banal na Qur’aan upang kontrolin ang mga jinn ay wala sa katuruan ng islaam.
Maaari bang hingin ang tulong ng ‘jinn’?
لا يجوز لذلك الرجل أن يستخدم الجن، ولا يجوز للناس أن يذهبوا إليه طلباً لعلاج الأمراض عن طريق ما يستخدمه من الجن ولا لقضاء المصالح عن ذلك الطريق .
Hindi pinahihintulutan sa isang tao na gamitin (ang serbisyo) ng ‘jinn’, at hindi pinahihintulutan sa isang tao na magtungo sa kanila upang humingi ng gamot para sa anumang kanilang sakit (nararamdaman), o hingin ang kanilang payo para magamot ang kanilang karamdaman o anumang kaparaanan.
وفي العلاج عن طريق الأطباء من الإنس بالأدوية المباحة مندوحة وغنية عن ذلك مع السلامة من كهانة الكهَّان .
Ang pagpapagamot ng ating mga sakit sa kaparaanan ng taong doctor (medisina) ay sapat na upang huwag kunin ang kanilang tulong, at upang makaiwas sa kanilang mahilka (masamang espiritu) at bulong.
وهذا الرجل وأصحابه من الجن يعتبرون من العرَّافين والكهنة، فلا يجوز سؤالهم ولا تصديقهم. فتاوى اللجنة الدائمة) 1 / 408 ، 409)
At ang lalake (manghuhula) at ang kanyang kasama mula sa ‘jinn’ ay kabilang sa mga nanghuhula o manghuhula. Hindi pinahihintulutan na tanungin sila (magpahula sa kanila) o maniwala sa kanilang (mga hula o sinasabi). Mula sa aklat ng Fataawa Al Lajnah Al Daa’imah, 1/408, 409.
Tanong Bilang: 6846
Bakit ipinagbabawal na hilingin ang tulong ng ‘jinn’?
Ayon sa mga iskolar ng islaam:
الاستعانة بالجن واللجوء إليهم في قضاء الحاجات مِن الإضرار بأحدٍ أو نفعه : شرك في العبادة ؛ لأنه نوعٌ من الاستمتاع بالجني بإجابته سؤاله وقضائه حوائجه في نظير استمتاع الجني بتعظيم الإنسي له ولجوئه إليه واستعانته به في تحقيق رغبته .
Ang pagpapakupkop sa mga mga ‘jinn’ o paghingi ng tulong sa kanila dahil sa kailangang-kailangan o upang kumuha ng pakinabang ay isang gawaing ‘shirk’ sa pagsamba, dahil ito ay uri ng pakikipagtulungan sa mga ‘jinn’ na kung saan ang mga tao ay hihiling sa mga ‘jinn’ at ang kapalit nito ay ang pagiging malapit ng tao sa ‘jinn’.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله تعالى : ( ويوم يحشرهم جميعاً يا معشر الجن قد استكثرتم من الإنس وقال أولياؤهم من الإنس ربنا استمتع بعضنا ببعض وبلغنا أجلنا الذي أجَّلتَ لنا ، قال النار مثواكم خالدين فيها إلا ما شاء الله إن ربك حكيم عليم ، وكذلك نولِّي بعض الظالمين بعضاً بما كانوا يكسبون ) الأنعام / 128 .
128. “At sa araw na titipunin ng sama-sama ang grupo ng mga ‘jinn’ na mga nagligaw (tumulong) sa mga tao at sasabihin (sa kanila): ‘O kayong mga naging tagapangalaga ng mga tao. ‘O aming Panginoon kami ay nakinabang sa bawat isa, ngunit ngayon ay aming inabot ang Iyong palugit na binigay sa amin. (Sasabihin ni Allaah): ’Ang apoy ang inyong hantungan at mananatili (kayo) duon maliban kung naisin ni Allaah (na kayo ay palabasin), tunay na ang inyong Panginoon ay Matalino, ang Nakakaalam.’ At ganito ang ginagawa Namin sa mga nagsama-samang nagmalabis, dahil sa kanilang mga ginawa (inipong masamang gawain).” Kabanata Al An’aam 6:128.
Tanong Bilang: 6846
Ano ba ang resulta sa tao ng paghingi niya ng tulong sa mga ‘jinn’?
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
وقال تعالى: (وأنه كان رجال من الإنس يعوذون برجال من الجن فزادوهم رهقاً) الجن / 6 .
6. “At tunay na nuon (paratian) na may isang lalake mula sa mga tao sa lalakeng ‘jinn’, (ngunit) pinalala lamang nila (mga ‘jinn’) ang kanilang pagkatakot (kasalanan).” Kabanata Al Jinn 72:6.
فاستعانة الإنسي بالجني في إنزال ضرر بغيره ، واستعانته به في حفظه مِن شرّ من يخاف شرَّه : كلُّه شرك
Kung ang mga tao ay hilingin ang tulong ng ‘jinn’ upang gawan ng kasamaan ang kanyang kapwa tao o kaya ay hingin ang pangangalaga ng ‘jinn’ laban sa kasamaan na maaaring idulot sa kanya ng kanyang kapwa tao, ang lahat ng gawain ito ay shirk. At ayon sa bersikulong naiulat na ang resulta lamang nito sa taong humingi ng tulong sa mga ‘jinn’ ay pagkatakot at kasalanan (‘rahaqa’).
Tanong Bilang: 6846
Ano ang masamang dulot sa mga tao ng paghingi nila ng tulong sa ‘jinn’ o sa taong may alagang ‘jinn’?
Ayon sa mga iskolar ng islaam:
ومن كان هذا شأنه: فلا صلاة له ولا صيام ،
Na ang gawaing paghingi ng tulong o pagpapakupkop sa mga ‘jinn’ ay gawaing ‘shirk’. At sinuman ang gumawa nito ang kanyang mga dasal (‘salaah’) at pag-aayuno ay mawawalan ng saysay.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
لقوله تعالى: ( لئن أشركتَ ليحبطنَّ عملُك ولتكونن من الخاسرين ) الزمر / 65.
65. “At kung sinuman ang magtambal (sa pagsamba kay Allaah) ay winalang saysay ang kanyang mga gawa (mabubuting gawa) at siya ay mapapabilang sa mga nalugi (malulugi).” Kabanata Az Zumar 39:65.
ومن عُرف عنه ذلك: لا يُصلَّى عليه إذا مات، ولا تُتبع جنازته ، ولا يُدفن في مقابر المسلمين . ” فتاوى اللجنة الدائمة ( 1 / 407 ، 408 ) .
Kung ang isang tao ay gumagawa ng bagay na ito, kung siya ay mamamatay ang kanyang bangkay ay hindi dapat pag-alayan ng pagdarasal (‘Salaatul Janaaza’), at hindi dapat sumama sa kanyang libing, at ang kanyang bangkay ay hindi dapat ilibing sa libingan ng mga muslim. Fataawa al-Lajnah al-Daa’imah, 1/407, 408
2. وسئلت اللجنة الدائمة سؤالا في الموضوع يقول :
Ayon sa Tumatayong Komite ng mga Iskolar ng Islaam (sa Kaharian ng Saudi Arabya:
وقد صحَّ عن الرسول صلى الله عليه وسلم أنه قال “من أتى عرَّافاً فسأله عن شيء: لم تُقبل له صلاة أربعين ليلة” رواه مسلم .
Iniulat sa mga salaysay na ‘saheeh’ na ang Mensahero (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) ay nagsabi: “Sinuman ang tumungo sa mga manghuhula (mambabarang at mangkukulam) at humingi dito ng anumang bagay (e.g nagpahula, nagpatawas, nagpabarang, nagpakulam), ang kanyang pagdarasal at hindi tatanggapin ng apatnapung araw.” Iniulat ni Imaam Muslim.
وخرَّج أهل السنن الأربعة والحاكم وصححه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال” من أتى كاهناً فصدَّقه بما يقول فقد كفر بما أنزل على محمد” .
At naiulat mula sa apat na grupo ng ‘sunan’ at Al Haakim at ‘saheehah’ na ang Propeta (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) ay nagsabi: “Sinuman ang magtungo sa manghuhula (‘kahanaa’) at naniwala sa sinabi nito at tunay na nagsiwalang paniniwala sa anumang ibinaba kay Muhammad.”
Tanong Bilang: 6846
Maari bang gamitin ang jinn upang magtaglay ng kapangyarihan ang isang tao?
Ayon kay Shaykh ‘Abdul-Kareem al-Khudayr (pangalagaan nawa siya ni Allaah) ng siya ay tanungin patungkol sa mga bagay na ito: “Hindi pinahihintulutan ng sharee’ah – o pambabatas ng islaam, o haraam na gamitin ang mga jinn upang magtaglay ang isang tao ng kapangyarihan, dahil ang mga bagay na ito ay pinahintulutan lamang ni Allaah kay Propeta Sulaymaan (sumakanya nawa ang kapayapaan). Maging ang Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) ay nagnais na itali ang jinn na kanyang nahuli, ng siya ay guluhin nito sa kanyang pagdarasal, ngunit kanyang naalala ang du’aa – o panalangin ni Propeta Sulaymaan (sumakanya nawa ang kapayapaan), kaya ito ay hindi niya pinagpatuloy.
Maari bang angkinin ng isang tao na kanyang nakita ang tunay na anyo ng jinn?
Ayon sa ating mga salaaf – matalino at rehiliyosong tao na nabuhay nuong unang panahon, na hindi maaaring mag-angkin ang isang tao na kanyang nakita ang tunay na anyo ng jinn, dahil ito ay hindi maaaring mangyari.
Ayon kay Imaam Al-Shaafa’ee: “Sinuman ang may magandang pag-uugali at nagsasabi na kanyang nakita ang tunay na anyo ng jinn, ang kanyang testimonya ay hindi na maaaring paniwalaan.
Sinabi ni Allaah sa Banal na Qur’aan:
قال الله: إِنَّهُ يَرَئكُم هُوَوَقِبِيلُهُ مِن حَيثُ لاَتَرَونَهُم. سوة العراف 7:27
27. “Katunayan, siya (si Iblees) at ang Qabeeluhu (mga sundalo ni Iblees) ay nakikita kayo sa lugar na hindi ninyo sila nakikita.” Kabanata Al A’raaf 7:27.
Maliban na lamang kung siya ay isang Mensahero o Propeta.” Ang pahayag na ito ay ating matatagpuan sa aklat ng Al Ahkaam al-Qur’aan, 2/195, 196.
Totoo bang kung pagkaminsan ay naninirahan ang mga jinn sa loob ng tahanan ng mga tao?
Ayon sa ating mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na ang mga jinn kung minsan ay nananahan at namamalagi sa loob ng tahanan ng mga tao. Maraming mga ulat ang ating maririnig na kung minsan ang taong yumao ay nagmumulto sa kanyang tahanan, o kaya naman ang mga ligaw daw na kaluluwa ay lumilikha ng mga ingay at kaguluhan sa bahay kung gabi. At ayon sa ating mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na ang mga ito ay gawa-gawa ng mga jinn upang takutin at gambalahin ang mga tao.
Kung itinalaga sa mga jinn ang manirahan sa marumi at liblib na lugar bakit sila naninirahan kung minsan sa loob ng tahanan ng mga tao?
Ayon sa ating mga mufassiroon – o nagpapaliwanag ng islaam, na ang dahilan kung bakit naninirahan ang mga jinn sa loob ng tahanan ng mga tao ay bunga ng pagpapabaya ng isang mananampalataya sa pag-alaala kay Allaah at paggawa ng mga bagay na labag sa pamantayan ng Islaam at iniwang katuruan ng Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan).
Batay pa muli sa ating mga mufassiroon – o nagpapaliwanag ng islaam, na ang paglalagay ng mga bagay na inanyuan na may buhay, ang pagsasabit ng mga larawang may buhay at pagkakaroon ng aso sa loob ng tahanan ay isa sa dahilan ng pagtira ng mga jinn sa loob ng tahanan ng mga tao.
Paano naman maiiwasan o paano paaalisin ang mga jinn sa tahanan kung sila ay namamalagi sa loob ng bahay?
Batay sa ating mga faqeeh – o maaalam sa islaam, na ang isang alipin ni Allaah ay dapat magsuot ng balute (kalasag) upang proteksiyunan ang kanyang sarili laban sa mga jinn.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
عن النبي صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أن الله تعالى أمر يحيى بن زكريا عليهما السلام بخمس كلمات أن يعمل بهن ويأمر بني إسرائيل أن يعملوا بهن، وكان منها : (وَآمُرُكُمْ أَنْ تَذْكُرُوا اللَّهَ فَإِنَّ مَثَلَ ذَلِكَ كَمَثَلِ رَجُلٍ خَرَجَ الْعَدُوُّ فِي أَثَرِهِ سِرَاعًا حَتَّى إِذَا أَتَى عَلَى حِصْنٍ حَصِينٍ فَأَحْرَزَ نَفْسَهُ مِنْهُمْ كَذَلِكَ الْعَبْدُ لَا يُحْرِزُ نَفْسَهُ مِنْ الشَّيْطَانِ إِلا بِذِكْرِ اللَّهِ). رواه الترمذي (2863). وصححه الألباني في صحيح الترمذي .
2863. Batay sa nag-ulat na sinabi ng Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) na si Allaah ay nag-utos kay Yahyah Ibnu Zakariya (kalugdan nawa siya ni Allaah) upang kanyang ipag-utos sa mga angkan ni Israa’eel ang mga bagay-bagay, at ang isa sa mga ito ay ang alalahanin si Allaah, dahil ang kahalintulad nito ay katulad ng isang lalake na kung saan ang kanyang kaaway ay pumaroon sa kanya. Hanggang sa isang matibay na balute (kalasag) ay dumating sa kanya upang proteksiyunan ang kanyang sarili laban sa kanyang mga kaaway. Kahalintulad nito, ang isang tao, hindi niya kayang protektahan ang kanyang sarili laban kay Iblees maliban lamang sa pag-alaala kay Allaah.” Iniulat ni Imaam Tirmidhee 2863 at ibinilang ni Imaam Albaanee bilang sa saheeh sa kanyang aklat na Saheeh at Tirmidhee.
Ayon pa muli sa mga mga faqeeh – o maaalam sa islaam, na dapat panatilihin ng isang mananampalataya na malaya ang kanyang tahanan mula sa rebulto at larawan na may buhay, ganun din ang pag-aalaga ng aso sa loob ng tahanan, dahil ito ang nagiging dahilan ng pag-alis ng anghel sa loob ng tahanan. At ayon pa sa kanila na kapag walang anghel sa loob ng tahanan, ang mga jinn ay nagdadagsaan.
Maari bang saktan ng jinn ang mga tao?
Ayon kay Shaykh Saalih Ibnu ‘Uthaymeen (kaawaan nawa siya ni Allaah): “Walang pagdududa na ang mga jinn ay kayang saktan at pinsalain ang mga tao, at sila ay maaring patayin din ng mga ito. Maaari nilang saktan ang tao sa pamamagitan ng paghagis ng bato sa mga ito, o sa pamamagitan ng takot at iba pang mga bagay na napatunayan sa Sunnah o kaya ay naiulat sa mga tunay na pangyayari.
Batay sa isang salaysay (hadeeth):
Batay sa nag-ulat na may isang sahaabah – o kapanalig (kalugdan nawa siya ni Allaah), ang humingi ng permiso sa Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapaypaan) na umuwi sa kanyang asawa habang sila ay nasa pakikipagdigma sa Al Khandaq. At batay sa ulat na ang batang lalakeng ito ay kakakasal lamang. Nang siya ay makarating sa kanyang tahanan, nakita niya ang kanyang asawa na nakatayo sa labas ng pintuan ng kanilang bahay. Ito ay kanyang ikinagalit at inutusan ang kanyang asawa na pumasok sa loob ng kanilang tahanan, sa kanyang pagpasok sa kanilang tirahan kanyang natagpuan ang isang ahas sa kanilang higaan. Siya ay mayroong palaso, kaya sinaksak niya ang ahas hanggang sa ito ay namatay. Sa pagkamatay ng ahas, ang lalake ay namatay din, ngunit hindi batid kung sino sa kanila ang unang namatay. Ang pangyayaring iyon ay nakarating sa Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan), kanyang ipinagbawal ang pagpatay sa mga hindi mapaminsalang ahas na nakikita sa loob ng kabahayan, maliban lamang kung ang mga ito ay namiminsala at makamandag na uri ng mga ahas.
Ayon kay Shaykh ‘Abdullaah ibnu Jibreen (pangalagaan nawa siya ni Allaah) napatunayan na si Sa’d ibnu ‘Ubaadah ay pinatay ng jinn ng siya ay umihi sa butas na pinamumugaran ng mga jinn, at kanilang sinabi (mga jinn): “Aming pinaslang ang pinuno ng Khazraj Sa’d ibnu ‘Ubaadah; amin siyang sinaksak ng palaso at hindi kami nagmintis na patamaan ang kanyang puso.”
Sa mga salaysay na nabanggit, ito ay nagpapatunay na ang mga jinn ay may kakayahan na saktan ang mga tao, ganuon din sa ating kapanahunan maraming pahayag ang ating maririnig na may mga taong nagtutungo sa disyerto at sila ay tinatamaan ng bato ngunit wala silang makitang taong sa kanila ay bumabato. O kaya ay may mga ulat na ang mga tao ay nakakarinig ng mga bagay na hindi pangkaraniwan na nagdudulot sa kanila ng pagkatakot.
Mayroon bang dapat gawin o paraan upang maiwasan ang pananakit ng jinn, kung sakaling pumaroon sa ilang na lugar upang magbawas?
Ayon sa ating mga ‘ulama – o iskolar ng islaam, na bago papanawin ni Allaah ang Kanyang Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan), Kanyang kinumpleto ang relihiyong ito. Sa sunnah – o bahagdan, ating matatagpuan na ang Mensahero ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) ay nag-iwan ng du’aa – o panalangin upang proteksiyunan ang ating mga sarili sa mga jinn, ito ay ang pagsasabi ng;
أَعُوذُ بِكَلِمَاتِ اللَّهِ التَّامَّاتِ مِن شَرَّ مَاخَلَقَ.
A’oodu bikalimatil lahi at tam maati min sharra maa khalaqa – Ako ay nagpapakupkop sa perpektong salita ni Allaah, mula sa kasamaan na kanyang nilikha.
No comments:
Post a Comment