PARA PO SA MGA LALAKING MUSLIM NA GUSTONG MAG-ASAWA NG PANGALAWA, PANGATLO AT PANG-APAT:
فَانكِحُوا مَا طَابَ لَكُم مِّنَ النِّسَاءِ مَثْنَىٰ وَثُلَاثَ وَرُبَاعَ ۖ فَإِنْ خِفْتُمْ أَلَّا تَعْدِلُوا فَوَاحِدَةً أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ
IPINAHAYAG NG ALLAH (SWT) SA BANAL NA QUR’AN;
mag-asawa kayo ng ibang kababaihan bukod sa kanila, na inyong nagugustuhan, na dalawa, tatlo o di kaya ay apat; subali’t kapag natatakot kayo na hindi kayo magiging makatarungan sa pakikitungo ninyo sa kanila, ay maging sapat na lamang sa inyo ang isa o di kaya ay ang sinuman na pagmamay-ari ninyong alipin.
(Quran 4 : 3)
****PAKI BASA******NALANG PO ANG PAALAALA
ANG TATLONG KATANGI-AN NA KAILANGAN MA MAABOT NG ISANG LALAKING MUSLIM PARA SIYA AY VALID MAKAPAG ASAWA NG ISA, DALAWA, TATLO AT HANGGANG APAT...
1. ANG LALAKI AY MAY SAPAT NA FINANCIAL NA MASUSUPURTAHAN NIYA ANG PANGANGAILANGAN ANG KANYANG MGA ASAWA CAPABLE O MAY KAKAYAHAN SIYANG TUSTUSAN ANG KANYANG PAMILYA.
SA ISANG PAMILYA PA LAMANG AY HIRAP NA.....PAPAANO PA SIYA KUKUHA NG PANGALAWANG PAMILYA?..IISANG PAMILYA PA LANG AY KULANG PA ANG KANYANG KINIKITA...
2. KAILANGAN ANG ISANG LALAKING MUSLIM AY MALUSOG ANG KANYANG PANGANGATAWAN....
PAPAANO SIYA MAG AASAWA NG PANGALAWA...EH SA ISANG ASAWA PALANG AY HINIHINGAL NA SIYA ISANG ROUND LANG BAGSAK NA...SO IBIG SABIHIN WALA SIYANG KAKAYAHANG MAG DAGDAG NG ASAWA....
3. KAILANGANG ANG ISANG LALAKING MUSLIM AY MAY SAPAT NA ORAS SA KANYANG MGA PAMILYA....
SA ISANG PAMILYA PA NGA LAMANG AY WALA NA SIYANG ORAS? PAPAANO PA SIYA MAG AASAWA NG PANGALAWA?
MARAMING MGA MAYAYAMANG MUSLIM NA SA #3 AY HINDI PUMAPASA AT BUMABAGSAK NITO...
UMAALIS SIYA NG UMAGA AT UUWI SA BAHAY GABI NA...TULOG NA ANG MGA BATA AT ASAWA...PAPAANO PA SIYA KUKUHA NG PANGALAWANG PAMILYA???ISANG PAMILYA PA LANG AY HINDI NA NIYA MABIGYAN NG SAPAT NA ORAS ANG KANYANG PAMILYA....
KUKUHA PA SIYA NG PANGALAWA IISANG PAMILYA WALA NANG SIYANG MAIBIGAY NA SAPAT NA ORAS....
KUNG ANG ISANG LALAKI NA WALANG KAKAYAHAN SA 3 REQUIREMENTS NA NAKASULAT SA ITAAS WALA SIYANG KARAPATAN NA MAG-ASAWA NG HIGIT SA ISA.
No comments:
Post a Comment