Mayroong malinaw na alituntunin at patakaran ang Islam
tungkol sa paghahanap ng mapapangasawa, sapagka't ang
layunin ng pagpapakasal sa Islam ay hindi lamang para sa
kasiyahang pang-sekswal, bagkus ito ang unang hakbang
upang makapagtatag ng isang pamilya. Kaugnay nito, ang
isang Muslim ay kinakailangang pumili ng mapapangasawang
makapagpapanatili ng mabuting relasyon.
At hindi ito magaganap malibang ang isang Muslim ay magpakasal sa
isang mananampalatayang may takot sa Allah(_) at maingat
na isinasagawa ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa kanya,
na hindi nakakalimot sa ibang tungkulin, kagaya ng
pagpapaganda sa kanyang sarili para sa kanyang asawa. Ang
Allah(_) ay nagsabi ;
“At pakasalan yaong nabibilang sa inyo na malaya o
wala pang pananagutan (lalaki o babae na wala pang
asawa) o ang ‘Salihun’ (mga matatapat, malusog at may
kakayahan) ninyong mga (lalaking) alipin at alilang
babae. Kung sila man ay maralita, ang Allah ay
magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang
Kasaganaan. At ang Allah ay Sapat na Tagapanustos sa
pangangailanagan ng Kanyang mga nilikha at ang
Lubos na Maalam (sa kalagayan ng tao).” (Qur’an
24:32)
Ipinaliwanag ng Propeta(_) ang mga bagay na nanghihikayat
sa mga Muslim upang magpakasal. At tulad ng ating unang
nabanggit ang pinakamahalagang bagay kaugnay nito ay ang
pagiging makatuwiran at matapat. Sinabi niya (_);
“Ang katangiang hinahanap sa babae upang pakasalan
ay isa sa apat na sumusunod; dahil sa kanyang
kayamanan, sa kanyang angkan (may karangalan),
kagandahan at sa kanyang Deen (Relihiyon).”
Pakasalan ninyo ang babae dahil sa kanyang Deen
(Relihiyon), sana’y biyayaan ng Allah ang inyong
kamay.” (Bukhari)
Pinaghahanda ng Islam ang mga lalaki na maging uliran sa
pag-aasawa, na dapat ang pag-uugali ay angkop sa katangian
na inilarawan ng Propeta(_). Sinabi ng Propeta(_):
“Ang Muslim na walang kapintasan sa
pananampalataya ay ang mga nagtataglay ng
pinakamabuting katangian at pag-uugali. Ang
pinakamabuti sa inyo ay ang mga pinakamabuti sa
kanilang mga pamilya.” (Tirmidhi)
Pinaghahanda rin ng Islam ang mga babae na maging uliran sa
pag-aasawa, na dapat ang pag-uugali ay angkop sa katangian
na inilarawan ng Propeta(_). Siya ay tinanong; ‘Alin sa mga
babae ang pinakamabuti?
“Siya ay nagsabi; (Siya na babae) na nasisiyahan ang
kanyang asawa kapag ito ay nakikita, tumatalima sa
lahat ng ipinag-uutos o ipinapagawa14, sumusunod sa
kanyang kahilingan (upang masiyahan sa sekswal na
hangarin) at iniingatan ang kanyang kayamanan
(hanggat hindi labag sa batas ang mga bagay na
ginagawa).” (Nasa’ee)
==========================
Kailangang sumunod ang babae sa kanyang asawa habang hindi siya inuutusang
gumawa ng bagay na ipinagbabawal. (AM)
Pinaghahanda rin ng Islam na maging uliran ang bawat
pamilya upang maging matulungin sa lipunan. Ang Propeta(_)
ay nagsabi;
“Nawa’y kalugdan ng Allah ang isang lalaki na
nagsasagawa ng panggabing pagdarasal (Salah) at
ginigising ang asawa at kung hindi bumangon, magwilig
ng tubig sa kanyang mukha. At nawa’y kalugdan ng
Allah ang isang babaeng nagsasagawa ng panggabing
pagdarasal (Salah), ginigising ang asawa, at kung hindi
magising, magwilig ng tubig sa kanyang mukha.” (Ibn
Khuzaimah)
No comments:
Post a Comment