Imaam Muhammad Naasir-ud-Deen Al-Albaanee (rahimahullaah)
[56] Tanong: Ano po ang batas tungkol sa masturbation?
Sagot: Wala tayong pag-aalinlangan patungkol sa paging haram ng ganitong gawain. At ito ay sa dalawang kadahilanan, una ay ang sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) bilang paglalarawan sa mga mananampalataya:
“Katiyakan! nagtagumpay ang mga naniniwala sa Allaah (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang Sugo na sumunod sa Kanyang batas. Na ang kanilang katangian ay sila sa kanilang pagsasagawa ng ‘Salah’ ay punong-puno ng pagkatakot, na ganap na dalisay sa kanilang mga kalooban at ganap na kapanatagan sa kanilang pagkatao. At ang mga yaon na iniiwasan nila lahat ng mga walang kabuluhan na salita at gawa. At ang mga yaon na nililinis ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga kayamanan sa pagpapatupad ng pagbibigay ng ‘Zakah’ ( o obligadong kawanggawa ayon sa iba’t-ibang uri nito). At ang mga yaon na inaalagaan nila ang mga pribadong bahagi ng kanilang katawan mula sa anumang ipinagbabawal ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na katulad ng pangangalunya at iba pang mahahalay na gawain. Maliban sa kanilang mga asawa o di kaya ay sa kanilang mga alipin na kababaihan ; dahil hindi ipinagbabawal sa kanila ang makipagtalik sa kanila at pasayahin sila ; dahil ang Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay ipinahintulot ito sa kanila. Na kung kaya, sinuman ang maghahangad ng kaligayahan na hindi sa pamamagitan ng kaniyang asawa at alipin na babae ay kabilang siya sa mga lumampas sa ipinahintulot ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) tungo sa Kanyang ipinagbawal at inilagay niya ang kanyang sarili sa kaparusahan ni Allaah at sa Kanyang Poot. At ang mga yaong inaalagaan nila ang anumang ipinagkatiwala sa kanila at tinutupad nila ang kanilang anumang pangako. ” [Surah Al-Mu’minoon: 1-8]
Ang ayah na ito ay ginamit ni Imaam Ash-Shaafi’ee (rahimahullaah) bilang patunay sa pagiging haram ng masturbation. Ito ay dahil sa ayah na ito, si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay nagtakda ng dalawang paraan para sa mga tunay na mananampalataya kung paano nila matutugunan ang kanilang pagnanasa– ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagpapakasal sa malayang kababaihan o sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga alipin na kababaihan at mga babaeng bihag mula sa digmaan. At pagkatapos ay sinabi NiysaThen : ” sinuman ang maghahangad ng kaligayahan na hindi sa pamamagitan ng kaniyang asawa at alipin na babae ay kabilang siya sa mga lumampas sa ipinahintulot ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) tungo sa Kanyang ipinagbawal at inilagay niya ang kanyang sarili sa kaparusahan ni Allaah at sa Kanyang Poot” ibig sabihin: Sinuman ang maghanap ng paraan upang mairaos ang kanyang pagnanasa , na bukod sa dalawang paraan na ito; ang pagpapakasal at ang pagkuha ng aliping babae mula sa digmaan , kung gayon ay siya ang mapagmalabis at mapaggawa ng kamalian.
At tungkol naman sa pangalawang dahilan, napatunayan sa medisina na ang gawaing ito ay mayroong hindi magandang epekto sa kalusugan ng sinumang gumagawa nito, lalo na sa palagian itong ginagawa araw at gabi. Naiulat mula sa Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) na kanyang sinabi: ”Huwag kayong manakit at huwag kayong masaktan.” Kung kay, hindi ipinahihintulot sa isang Muslim ang mapasali sa anumang gawain na magdudulot ng hindi maganda sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
Mayroon pang isang bagay na kailangan malaman ng mga tao , na ang mga taong gumagawa ng ganito ay napapabilang sa sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):
“Inaayawan ninyo ang biyaya ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na Kanyang pinili para sa inyo?” [Surah Al-Baqarah: 61]
At mayroon ring naiulat mula sa Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) na siyang makapagpapatibay ng pagbabawal ng gawking ito ng kanyang sinabi:
“O kayong grupo ng kabataang kalalakihan! Sinuman sa inyo ang mayroong kakayahan na magpakasal ay hayaan siya na magpakasal, katotohanan na ito ang pinakamabisang paraan ng pagbababa ng paningin at ang pinakamabisang paraan ng pangangalaga sa inyong pribadong bahagi ng katawan. At sinuman ang walang kakayahan na magpakasal, siya ay mag ayuno, katotohanan na siya ay bibigyang proteksiyon nito .”
~
Al-Asaalah Magazine (Issue #3)|Al-Ibaanah.com
~
Al-Asaalah Magazine (Issue #3)|Al-Ibaanah.com
No comments:
Post a Comment