Pages

Friday, April 3, 2015

ANG PAMIMILIT SA BABAE (Sa kanyang Mapapangasawa):

Sakop ng kapangyarihan at patakaran ng Islam ang pag-uutos sa mga ama (o tagapangalaga) na isaalang-alang ang opinyon ng kanilang mga anak na babae kung tungkol sa pag-aasawa, dahil ang kanyang opinyon ay mahalagang batayan para sa kaganapan ng kasal. Siya ay malaya sapamimilit, at maaari niyang tanggapin ang tao o tanggihan ang mungkahi sa kasal.

Ang Propeta ng Allah (saw) ay nagsabi:

“Ang diborsiyada o ang biyuda ay hindi dapat ikasal kung wala siyang pahintulot at ang birheng babae ay hindi dapat ipasok sa pagpapakasal hanggang hindi siya nagbibigay ng pahintulot. Tinanong ang Propeta: 'Papano malalaman kung siya ay pumayag O Sugo ng Allah?' Siya ay sumagot: 'Kung siya ay nanatiling tahimik (dahil sa kanyang pagkamahiyain, ngunit hindi palatandaan bilang pagtutol). (Bukhari atbp.)

Si Imam Ahmad at ang iba ay naglahad na si 'Aishah (raa) ay nagsabi: Isang babae ang lumapit sa Sugo ng Allah (saw) at sinabi:

“O, Propeta ng Allah! Ang aking ama ay inihandog ako bilang asawa sa kanyang pamangkin upang ang kanyang kalagayan ay makilala sa lipunan.” Ang Propeta ng Allah ay ibinalik ang usapan sa mga kamay ng babae, kung tatanggapin at sumang-ayon sa pagpapakasal o tatanggihan. Ang babae ay nagsabi: “Aking pinahihintulutan kung ano ang ginawa ng aking ama ngunit nais ko lamang ipaalam sa ibang kababaihan na ang kanilang mga ama ay walang karapatan sa ganito (pilitin ang kanilang anak na magpakasal sa sinumang naisin nila)."
Sapagka't ang kanilang mga anak na babae ay mahalaga, gaya ng naiulat sa tradisyon ng Sugo ng Allah (saw) na pinatunayan:

“Huwag ninyong pilitin ang inyong mga anak na babae at ang mga kababaihan sapagka't sila ay mahalaga at kalugod-lugod na kasama." (Ahmed at napatotohanan)



No comments:

Post a Comment

Share