Pages

Friday, April 3, 2015

ANG PAG-IBIG SA ISLAM


Pag-usapan natin ang pag-ibig na siyang isa sa mga pinakamalalakas na puwersa na nakakaimpluwensiya sa isang tao sa kanyang mga pananaw sa buhay, politika, relihiyon at sa lahat ng bagay. Ang pag-ibig na nagdudulot ng pag-asa, saya at liwanag sa buhay para sa pananaw ng mga taong kulang sa kaalaman sa islam.. Ang pag-ibig na kung hindi mauunawaan nang tama ay mauuwi sa pagkariwara. Ang pagmamahal ay may apat na uri: Pagmamahal ng Allah sa lahat ng nilikha, pagmamahal ng nilikha kay Allah, pagmamahal ng nilikha sa kapawa nilikha at ang pag-ibig sa pagitan ng lalaki at babae. Ang Pag-ibig sa pangkalahatang pagkakaunawa ng mga tao muslim man o hindi muslim ay isang ispesyal na kataga na tumutukoy sa ispesyal na pagmamahal sa pagitan ng lalaki at babae. Sinabi ni Allah sa Qur'an: 

ومن آياته أن خلق لكم من أنفسكم أزواجاً لتسكنوا إليها وجعل بينكم مودة ورحمة إن في ذلك لآيات لقوم يتفكرون)21سورة الروم

 Mula sa mga palatandaan ni Allah ang paglikha Niya para sa inyo ng mga asawa upang makatagpo kayo ng kapanatagan sa kanila at siya ay lumikha sa pagitan ninyo ng mawaddah (pag-ibig) at rahmah (habag). Mula sa ayah na ito ay maaari nating maunawaan ang ilang mga aralin pangkalahatang aralin: Ang muslim ay nai-in love din tulad ng hindi muslim. Ang pagkakaroon ng kapareha ay hangad ng lahat. Nobody wants to be lonely ika nga. Subalit iba ang pag-ibig ng musim sa mga puntong ito: Itinakda ng Allah ang pag-ibig sa loob lamang ng hangganan ng Islam. Na ito ay maaari lamang mangyari sa loob ng relasyong pangmag-asawa. Ang pagiging mag-asawa na kung saan ay nagiging kapanatagan para sa mag-asawa ang isa't isa. Sa loob ng relasyong mag-asawa ay dumarating ang mga pagkakataon na kampante na masyado ang mag-asawa at napababayaan na nila ang ilang mga bagay na pinahahalagahan nila noong bago pa lamang silang nag-iibigan. Ito ay isang pandaigdigang pangyayari kaya si Allah ay nagpapaalala sa atin na kung darating man ang paahon na ang pag-ibig at ang kilig ay huhupa ay nararapat na manatili ang habag sa ating asawa. Ang habag na magpapatatag sa atingpagiging mag-asawa sa pagdating ng mga pagsubok. Ang habag na mananatili hanggang sa ating paghihiwalay kung nawala man ang pag-ibig. BABALA LABAN SA MGA IPINAGBABAWAL SA PAG-IBIG: ANG PAKIKIPAGSIYOTA Anumang pag-ibig liban pa sa loob ng pag-aasawa tulad ng mga pakiipag-siyota ay hindi pinahihintulutan kahit ano pa ang itawag nila dito tulad ng engagement o ano pa man. Ang pakikipagsiyota ay ang pag-ibig ng lalaki at babae na nasa labas nang kasal. Sinabi ni Propeta Muhammad;

 يا معشر الشباب من استطاع منكم الباءة فليتزوج

 O mga kabataan, sinuman sa inyo ang may kakayanan na mag-asawa ay mag-asawa. 

Para sa isang kafir ay nararapat lamang ang maging mag boyfriend o mag girlfriend muna bago magpakasal upang higit na makilala muna kuno ang isat isa.
 Ito ay hindi totoo dahil ang magkapareha ay hindi magkakakilala nang maayos liban na lamang na sila ay manahan sa isang tahanan o magkaroon ng mas malalim na pisikal na samahan. Kaya nga ang mga relasyong ganito ay nauuwi sa pagiging maglive-in, premarital sex, mga anak na walang ama, single moms at iba pang kasamaan bukod pa sa pangangalunya na nagagawa rin nila. Ngunit dahil sa ito ang nakikitang ginagawa ng mga artista ay ginagaya ng maraming mga muslim. Sa kasamaang palad ay nalason na ang utak ng maraming mga muslim lalo na ang mga kabataan ng maka-kanluraning media na kung saan ay ipinapakilala nila ang ideal na pag-ibig bilang ang pag-ibig na romantiko na taliwas sa mga moralidad na pinaninindigang ng Islam. Kapatid sa Islam, kung gugustuhin man ng magkaparehang muslim na higit silang magkakilala ay magpakasal sila at kung hindi man nila magugustuhan ang isat isa ay magdiborsiyo sila. Ang mahalaga ay magaganap ang kung anumang magaganap sa pagitan nila sa loob ng hangganan na itinakda para sa kanila ni Allah. Ang pag-aasawa ay minamadali at hindi isang trabaho na may probation period o pagkain na titikman na kung hindi magugustuhan ay iiwan. Ang pag-aasawa ay minamadali at huwag kang pumasok sa ganitong mga relasyon na ang hangad ay ang pagiging magkakilala lamang dahil tunay na si satanas ay laging nakabantay at nanunukso. Huwag kang magmalinis na hindi ka matutukso sa tawag ng laman dahil si Allah ang higit na nakaaalam dito kaya isinabatas Niya ang pag-aasawa. ANG THEME SONG Ang mga awiting pangpag-ibig ay normal sa mga taong hindi moslim dahil bahagi ng isang relasyon kahit sa mga muslim na kulang pa sakanila ang kaalaman sa islam sa kasamaan. Ito ay bahagi ng panlalason na nababanggit natin. May mga muslim na halos nakasalalay na sa musika ang kanilang buhay. Kapag nakarinig sila ng masayang musika ay masaya sila at kapag may musikang may mensahe ng pag-iibig na naririnig nila ay nararamdaman nila ang pag-ibig kahit pa ito ay pag-ibig na ipinagbabawal. Sinabi ni Allah:

 ومن الناس من يشتري لهو الحديث ليضل عن سبيل الله 

May mga tao na tumatangkilik ng mga walang katuturang pananalita na nagliligaw sa kanila mula sa landas ni Allah. 

والشعراء يتبعهم الغاوون ألم تر أنهم في كل واد يهيمون وأنهم يقولون ما لا يفعلون
 
Ang mga makata. Sumusunod sa kanila ang mga ligaw. Hindi mo ba sila nakikita na sa lahat ng dako ay ligaw at sinasabi nila ang hindi nila ginagawa? HUWAD NA KAGANDAHAN Likas para sa tao muslim man o hindi muslim ang maghangad ng mapapangasawang matikas o maganda. Aminin man natin o hindi ay ang pisikal ang kadalasang una nating nakikita sa tao at una natin silang hinuhusgahan sa kanilang anyo at maraming mga tao ang nailinlang nito. Kaya nga si Propeta Muhammad ay nagpahayag ng mga gabay. Sinabi niya: 

تنكح المرأة لأربع لمالها و حسبها و جمالها فاظفر بذات الدين

Hangarin ninyo ang babae upang mapangasawa sa apat na kadahilanan: sa kanyang kayamanan, angkan, kagandahan, at pananampalataya. At higit ninyong hangarin ang may pananampalataya. PAHIMAKAS Kapatid sa Islam, huwag mong akalain na ikaw ay mas may nalalaman pa kay Allah at sa Kanyang sugo kaya magpasakop ka sa Kanya at magbalik-loob sa Kanya kung nagagawa mo man ang mga paglabag na nabanggit at manatili dito kung ikaw man ay nananatili na sa matuwid na landas sa simula pa lamang.




No comments:

Post a Comment

Share