Bakit kailangan nating pahirapan ang ating sarili sa mga bagay na nakalipas at tapos na?
Kung gusto mong gawing masaya ang iyong buhay,sundin mo ang prinsipyong ito:Huwag mong pansinin ang maliliit na bagay.Mga bagay na ikaw lamang ang nagpapalaki.,
Kalimitan ay pinahihirapan natin ang ating sarili,patuloy tayong nasasaktan,nagmumukmok sa isang tabi.Ngunit ang sakit,kailanman ay hindi magiging solusyon sa ating problema.
Isipin mo!Kapag patuloy ka sa ganitong sitwasyon,hindi bat ang sarili mo lamang ang iyong pinahihirapan?
Ang ating Propeta Muhammad(salallahu alayhi wa salam) ay nakaranas ng maraming mapapait na pangyayari sa kanyang buhay.Isang araw,habang magkalapit silang nakaupo ng kanyang pinakamamahal na asawang si 'Aisha(radiyallahu anha) ay tinanong siya nito:
"Mayroon bang araw sa buhay mo na mas matindi ang dinanas mong pighati kumpara sa Labanan sa Uhud?"
"Mayroon bang araw sa buhay mo na mas matindi ang dinanas mong pighati kumpara sa Labanan sa Uhud?"
Nagbalik sa alaala ng Propeta(salallahu alayhi wa salam) ang mga pangyayri ng araw na iyon.O napakasaklap ng araw na nabanggit!Napatay ang pinakamamahal niyang tiyuhin na si Hamza,habang nandoon siya at napapanood niya kung paano nila siya(Hamza) pinahirapan,ang kanyang ilong at tainga ay hiniwa at inalis,ang kanyang tiyan ay binuksan at doon ay lumabas na ang kanyang lamang-loob.
Iyon din ang araw kung saan ang ngipin ng Propeta(salallahu alayhi wa salam) ay nabungi,ang kanyang mukha ay nasugatan,at ang kanyang dugo ay umagos.
Ang Araw ng Uhud ay ang araw kung saan ang kanyang mga Kasamahan ay napatay sa kanyang harapan,na nakikita niya kung paano sila pinatay,at bumalik siya sa Madinah na Pitumpo sa kanyang kasamahan ang nalagas.Sinalubong siya ng mga naulilang anak at asawa ng kanyang mga kasama na nagbuwis ng buhay.Mga naulila na umaasang makakabalik ang kanilang mahal sa buhay.
Totoong napakasaklap ng araw na iyon.
Hinintay ni 'Aisha(radiyallahu anha) ang isasagot ng Propeta(salallahu alayhi wa salam).
Sumagot ang Propeta(salallahu alayhi wa salam):
Sumagot ang Propeta(salallahu alayhi wa salam):
"Mas masakit ang dinanas ko sa kamay ng mga tao sa iyong bayan.Ang Araw ng Aqabah kung saan inialay ko ang aking sarili....at ipinagpatuloy niya ang pagkukwento ng buong istorya ng paghingi niya ng tulong sa mga tao sa Taif,ang kanilang pagtanggi sa kanya at pagtataboy habang sinusundan siya at binabato hanggang sa magdugo na ang kanyang talampakan.
Sa kabila ng lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ng Propeta(salallahu alayhi wa salam),ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay na mayroong sigla at hindi niya hinayaan ang mapapait na alaala ay makahadlang sa pagpapatuloy niya.Walang dahilan upang balikan pa.Wala na ang sakit,ang natira na lamang ay alaala.Kung ganon,huwag mong patayin ang sarili mo sa pighati.At huwag kang pumatay dahil lamang namimighati ka at nagsisisi.
Kung minsan,hinaharap natin ang problema sa paraan na hindi naman natin iyon masusolusyunan.
PAALALA:
ANG PAGHARAP SA PROBLEMA SA PARAAN NA HINDI MAKAKATULONG AY PAGPAPAHIRAP LAMANG SA IYONG SARILI..........
No comments:
Post a Comment