AKING MGA SITES
Friday, April 3, 2015
MGA KAUGALIAN SA GABI NG KASAL
Kapag ang mag-asawa ay nagtagpo sa unang pagkakataon,
ang lalaking ikinasal ay pinapayuhang maging maginoo sa
paglapit at makipag-usap sa paraang kalugod-lugod sa kanyang
asawa, upang simulan ang magandang relasyon at mawala ang
nadaramang takot at pagkabahala.
“Si Asmaa bint. Yazeed b. As-Sakan, kalugdan nawa siya
ng Allah, ay nagsabi; ‘Inihanda ko si A’ishah para sa
Sugo ng Allah(_)’ at tinawag ko ang Sugo(_), siya ay
pumasok at umupo sa tabi ni A’ishah. Isang pitsel ng
gatas ang ibinigay sa kanya, at siya ay uminom mula
rito, at ibinigay kay A’ishah. Ibinaba niya ang kanyang
ulo dahil siya ay nahihiya. Si Asmaa ay nagsabi;
‘Pinagsabihan ko A’ishah at sinabi ko: ‘Kunin mo sa
kamay ng Propeta(_)!’ Kinuha niya ito at uminom siya
mula rito. Pagkatapos sinabi ng Propeta(_) sa kanya,
ibigay mo sa iyong mga kasama.’ Sinabi ni Asmaa; ‘O
Sugo ng Allah(_), kunin mo muna at uminom ka mula
rito, at iabot mo sa akin.’ Kinuha ng Propeta(_) at
uminom siya rito at ibinigay sa akin. ‘Ako ay umupo at
pinaikot ko ang lalagyan upang makainom ako sa lugar
mismo ng pinag-inuman ng Propeta(_). At sinabi niya;
‘Ibigay mo sa kanila.’ (i.e. Sa ibang kababaihan na
kasama ko). Sila ay nagsabi; ‘Hindi namin
nagugustuhan iyan.’ Ang Propeta(_) ay nagsabi;
‘Huwag kayong magtipon sa gitna ng pagkagutom at
kasinungalingan.” (Ibn Majah)
Iniulat din sa mga Sunnah na nararapat mag-alay ng panalangin
ang lalaki habang hawak ang ulo ng babaeng pinakasalan at
manalangin sa Allah(_), gaya ng naiulat sa isang Hadeeth:
“Al’lahum’ma in’nee asa’loo-ka khai’raha wa khair
maa jo’be’lat alaih wa a’oodthu be’ka min shar’re’haa
wa shar’ree maa jo’be’lat alaih..”
Ang kahulugan ay;
“O Allah! Ako ay nagsusumamo sa Iyo (na ipagkaloob
Mo sa akin) ang pinakamabuti sa babaeng ito at ang
pinakamaganda sa kanyang pag-uugali. O Allah!
Nagpapakupkop ako sa Iyo mula sa lahat ng kasamaan
at sa kanyang di-magandang pag-uugali”. (Bukhari).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment