Pages

Wednesday, April 1, 2015

ANG NAKARAAN AY LUMISAN NA NG LUBUSAN,,,,,


SA PAMAMAGITAN NG MALUNGKOT NA PAG-IISIP-ISIP SA NAKARAAN AT SA MGA TRAHEDYA NITO,ANG SINUMAN AY NAGLALANTAD NG ISANG ANYO NG PAGKABALIW, ISANG URI NG SAKIT NA NGWAWASAK SA KAPASIYAHAN NA MABUHAY SA PANGKASALUKUYANG SANDALI.

ANG MGA KWENTO NG NAKARAAN AY TINULDUKAN, ANG KALUNGKUTAN AY HND MAKAPAGPAPANUMBALIK SA MGA ITO, ANG KAPANGLAWAN AY HND MAKAKAGAWA SA MGA BAGAY NA MAGING WASTO, AT ANG KALUMBAYAN AY HND KAILANMAN MAKAPAGPAPANUMBALIK SA NAKARAAN SA BUHAY. ITOY SA DAHILANG ANG NAKARAAN AY HND NA NANANATILI PA.

HUWAG MABUHAY SA MASAMANG PANAGINIP NG UNANG PANAHON O SA ILALIM NG ANINO NG IYONG NALAGPASAN.
ILIGTAS MO ANG IYONG SARILI SA TILA MULTONG PAGPAPAKITA NG NAKARAAN.

NAPAG-AAKALA MO BA NA MAIBABALIK MO ANG ARAW SA KANYANG LUGAR NG PAGSIKAT?
ANG SANGGOL SA SINAPUPUNAN NG KANYANG INA?
O ANG MGA LUHA SA MGA MATA?

SA PATULOY NA PAMUMUHAY SA NAKARAAN AT SA MGA PANGYAYARI NITO, IYONG INILAGAY ANG IYONG SARILI SA PINAKANAKATATAKOT AT KALUNUS-LUNOS NA KALAGAYAN NG ISIPAN.
ANG LABIS NA PAGBABASA SA NAKARAAN AY ISANG PAG-AAKSAYA SA PANGKASALUKUYAN.

ANG NAKARAANG ARAW AY LUMISAN AT NATAPOS NA, AT IKAW AY WALANG MAPAPAKINABANGAN SA PAGGAWA NG ISANG AWTOPSIYA SA MGA ITO, SA PAMAMAGITAN NG PAGBABALIK-MULI SA GULONG NG KASAYSAYAN.

KUNG ANG BAWAT TAO AT BAWAT JINN AY MAGSASANIB UPANG IBALIK ANG NAKARAAN, SILA AY KATIYAKAN NA MABIBIGO.

ANG LAHAT NG NASA KALUPAAN AY NGMAMAMARTSA NG PASULONG, NA NGHAHANDA SA BAGONG KLIMA, AT MARAPAT MO RING GAWIN.



No comments:

Post a Comment

Share