Pages

Saturday, December 12, 2015

ANG AKLAT NG HANGARIN(MAQSUD)O MGA LIBRO NA PINANGHAWAKAN NG IBANG NINUNO NATIN:


Ang lahat ng mga papuri at pasasalamat ay sa Allah na namatnubay sa amin ,kailanman ay hindi kami makakatagpo ng patnubay kung hindi lamang kami pinatnubayan ng Allah (Qur`an 7:43)

Bago paman dumating ang Islam sa Pilipinas noong 1380 ng Arabong si Sharif Makhdum ay meron nang mga dayuhan na mangangalakal na galing pa ng India, bukod sa kalakal ay ang kanilang tradisyon at paniniwala ay ipinakilala din nila sa atin. Hanggang sa ngayon ay naging tradisyon na natin, tulad ng pag may namatayan ay kailangan magpakain ka sa mga tao para di magutom ang kaluluwa ng patay at mayroon pang mga naturang araw nito. Tulad ng Padtunggo sa Gay 3days, 7days, 40days,6 months, 1 yrs yan ay halimbawa lamang na, natutunan natin sa kanila, o namana natin sa mga magulang natin na maging ang mga Kristiano sa Luzon o mga Muslim sa Mindanao ay di pa nawawala sakanila ang ganoong traditional hanggang ngayon. Kapag ito’y ating susuriin sa Banal na Aklat na Qur’an o Hadith ay di matatagpuan maging sa Biblia ay walang nakasaad. Ito’y napag-alaman sa pag- aaral na isang panloloko. Dahil ang mga dayuhang nigosyanting ito ay napaniwala nila tayo na marurunong, matatalino at maunlad na at malayo na ang nararating ng sibilisasyon nila kaysa sa atin kaya madali tayo napaniwala sa mga itinuturong kaugalian. Ang pag-papakain sa taong maalam sa rilihiyon na siyang tumatawag sa ispirito at namumuno sa kanduli ( pagpapakain at pabaon) ang nagbabasa ng urasyon at para tawagin ang kaluluwa ng patay sa pamamagitan ng pagpapa usok(kumaniyan o tudtugan) at tinatawag ang iba pang kaluluwa at mga anghel. At pagkatapus ng salusalu ay pinapabaunan pa ng supot ng pagkain at pera,Ito’y sa ngayun ay napag alaman na panloloko lamang ng mga ito, para kumita at may baon pa. Dahiln sa Islam ay ang dadalo sa patay ang mag dadala ng pagkain at magbibigay ng pera para sa ikakasiya ng namatayan,ito ang tawag sa arabiko ay “Taa’jia” pag-aaliw.

ANG AKLAT NA MAQSUD (LAYUNIN HANGARIN) AY MAY ANIM NA PAHINA ITO AY ANG;

Lata’ Ayon; Ito’y naglalaman ng kung papano lumikha ang Panginoon at may kasamang pagtatanong Hal: Noong linikha ng Panginoon ang sang sinakloban saan siya naroon at anung uri na lupa ang tinuntungan nya o itinira nya para sa kanyang sarili at ano ang pinaka unang kataga na nabanggit ng tagapaglikha.

Kandul kapi ; Ito’y naglalaman ng ibat ibang uri ng mga alamat, Suara buni (pangitain)
Taguiamulok; Ito’y naglalaman ng mga ibat-ibang panghuhula, hal;
1).Misuara; ---warna (kulay) Puti—suwerti (kikita)
2).Kala---warna (kulay) Itim—Satro (malas)
3).Sri---warna (kulay) Gatas--Mal’bog(Malabo)
4).Vishnu---warna(kulay)kurit—pag-ibig.
5).Brahama---warna(kulay) Abo—tagumpay.

Mogiarabat; Ito ay naglalaman ng mga pagpapaliwanag tungkul sa mga panaginip.
ILmo Palkia; pagpapaliwanag tungkol sa lahi o pinag simulan hal: Ang lahat ng hayop na maliit ang tainga ay galing sa itlog kahit ito ay singlaki pa ng Dinosaur.
Samso Maarif; Pagpapaliwanag tungkol sa pana-panahon (Astrolohiya) hal; itong panahon ng mais, o panahon ng ibat-iban uri ng pananim.

Ito ang mga nilalaman ng aklat na Maksud, na ang may akda nito ay ang tanyag na Indiano na si Tuang Guro , Tuang Kali at Marof Kutin.

-Si Tuang Guro ang sikat na guro na maalam na nagtuturo ng pananampalatya.Ang mga katuruan niya ay laging kaakibat ang pangalan ng panginoon (Allah) kaya maka Diyos o maituturing malapi sa Diyus.
-Tuang Kali ay kilala sa katangian na ang kaniyang mahimalang kahilingan (Du’a) sa Diyos ay agad may resulta at nagpapatutuo.

-Marof Kutin ay kilala sa kamangha manghang lakas ng isip na may kakayahang butasin ang katawan ng malaking punong kahoy ng di hinahawakan at sa pamamagitan lakas ng isip lamang(TELEKENISIS).

Sila ang mga unang nagturo ng pananampalataya sa ating mga ninunu.Ngunit sa paglipas ng panahon ay may nagbabago na at may dumarating na ibang lahi o dayuhan na at nararamdaman nila na ang pagdating ng mangangaral ng Islam.At ito’y di nila pinag walang bahala,Inipon ang lahat ng naturoan at mga tinoturuan at nagpahayag na wala na silang tatanggapin na karunungan pang ispirituawal maliban sa turo nila marahil ito na ang katotohanan. Ngunit ayon kay Tuang Kali ito ay di sapat kailangan ang mahimalang kahilingan (Du’a) at may kasamang sumpa sa Panginoon (Allah).Kaya ang sumpa na ito ay mabisa pa hanggang ngayon sa mga taong nagpasakop at tumatangkilik dito sa aklat na ito.

Ayon sa pag aaral ng mga pantas ang mabisang pangontra sa sumpa ay ang kanduli (pagpapakain at pabaon o hindi pagtalikud sa kaugalian ng mga ninuno kahit itoy labag sa islam) sa may kaalaman ng maksud, pag ito ay naisakatuparan ay madali na daw umunawa sa tunay na aral ng Islam. Itong pananalig at tradisyon na ito ay makikita sa taga Mindanao.

Ayun sa hadith ng Propeta Muhammad (sakap) ay nagsabi;” Iiwan ko sa inyo ang dalawang bagay . Kung ito ang inyong panghahawakan ay kailanman ay di kayo maliligaw, Ang klat ng Allah (Qur’an) at ang Sunna(Hadith ng Propeta Muhammad [sakap]).
Ang Maqsuod ay naglalaman ng mga ipinagbabawal sa Islam tulad ng; Panghuhula,Pagbabasa ng pangitain, Pag babasa ng panaginip, at nagtuturo na ren ng di pangkaraniwang lakas o di karaniwang talas bag- isip.
Ang Propeta(sakap) ay nag sabi “Sinumang ang pumunta sa manghuhula at nagtanong sa kanya ng anumang bagay, ang kanyang pagdarasal ay hindi tatanggapin sa loob ng apatnapung araw”
Bukod pa diyan ay ang Punsoy, Agimat,Pambabarang, Pagpapalipad ng itlog(Pantak), Pag-amal (pag hingi ng agimat sa Jinn), o sa patay na sangol atbp.

Ang lahat ng yan ay Shirk (pagtatambal sa Allah) na
walang kapatawaran sa Islam.

“ Katotohanan, hindi pinapatawad ng Allah ang pag tatambal ng iba sa Kanya. Nguni’t Kanyang pinapatawad ang ibang kasalanam bukod dito sa sinu mang Kanyang nais” (Qur’an 4:48)

Ang sumampalataya ka sa kanilang kabanalan dahil lamang sa kanilang mahika, di tinatablan ng bala, lumulutang sa hangin, di nasusunog, manggagamot nagpapagaling ng may sakit, atbp.

At kung ikaw ay susunod sa karamihan sa kanila na nasa kalupaan, ikaw ay kanilang ililigaw ng malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod kundi mga haka-haka lamang at wala silang ginagawa kundi kasinungalingan. (Qur’an 6:116).

Ang kanilang mga kaalaman, pananampalataya na maysikreto ,tulad halimbawa ng “Pag-alam mo ang sikreto ng Panginoon (Allah) ay di mo na kailangan pa ang dasal (Salah),” O pinag iisa mo ang Panginoon sa sarili mo , ang ibig sabihin ang Panginoon ay nasakatawan mo. Ito ay iilan lang sa mga kasinungalingan ng mga manlolokong ito. Kahit na ang mga Sugo ay di nila ito nagawa sa kanilang sirili, Tulad ng Propetang Moises hiningi niyang Makita ang Panginoon ngunit binigyan ng babala si Moises kung ang kabundukan na matatag ay mananatiling matatag kapag nagpakita ang Panginoon, Ngunit nasaksihan niyang ang pagkaguho nito at nawalan ng malay kaya ng magkamalay ito ay humingi ng kapatawaran si Moises at nalaman niyang nagkasa la siya.( Qur’an 7:143) O ang huling Sugo Propeta Muhammad (sakap), ay Pinatawad na ang Una’t Huling kasalanan niya, Pero inutusan parin magdasal (salah) ng 50 beses sa isang araw pero nakahingi ng bawas hanggang naging 5 na lang. Kaibigan Magpapaloko ka ba sa kanila?

Na may nag sasabi na ang dasal na 5 beses sa isang araw ay hindi na kailangan, kung alam mo ang sekreto,

bakit? pagkagaling ba ng Propeta sa Sidrat-ul Muntaha ay ikaw ba ang sumunod humingi sa Allah, na kahit di magdasal ay makakapasok ng Paraiso, Habang ang Propeta ay nahihiyang bumalik sa kasunduan na 5 beses, ng pabalikin ni Propeta Moises sa Allah para bawasan pa ang 5 dasal sa isa ng araw.
Sinabi ng Propeta Muhamma (sakap) “ Ang pagitan ng walng pananampalataya (Kuf’r) at ang mananampataya (Muslim) ay ang dasal (salah),” O” ang salah ay susi ng Paraiso.
At katiyakan ito ay inihayag sa iyo (Muhammad), na katulad din nang pagkapahayag (sa mga Sugo ng Allah) na nauna pa sa iyo “Kung ikaw ay magtatambal, katoto hanang walang magiging saysay ang iyong mga gawa,at walang pagsala na ikaw ay kasama sa mga talunan. (Quran 39:65)
Ang pahina sa Taguiamulok naglalaman ng Shirk, tulad ng mga sinasamba ng mga Hindus na si Brahma at Vishnu.Hindus Triad (trinity);Brahma (the creator god), Visnu (the preserver god) and Siva (the god of destruction).Modern Hindus take Krishna the son of Divachi, the virgin, as Vishnu incarnate. Krishna is the savior,who as a sacrifice for their sin,had to suffer. He was crucified, died and then was raised from death.
At maliwanag ang tradisyon ay galing dito, tulad ng ; Bangapal: pag-aanod ng pagkain sa tubig,tanda pag-aalay, ang mga Hindus ay mga bulaklak.
Pansil: ang paniniwala sa namatay na ay isisilang muli Incarnate, Vishnu incarnate Krishna.
Ipahayag (O Muhammad).”Sundin ninyo ang Allah at ang Sugo ,Datapua’t kung sila ay tumalikod ,kung gayon ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga hindi sumasampalataya. (Qur’an 3:31, 32).


1 comment:

  1. Asslamu Alaikum..

    Bismillahirrahmanirrahiem


    tanung ko lang anu naman ang masasabi nyo sa sinabi ng allah na sabihin mo o muhammad na mas malapit ako sa kanila kaysa sa mahinang ugat....

    ReplyDelete

Share