Pages

Thursday, December 17, 2015

PAGKAKAKAIBA NG SHIA RAFIDAH AT AHLUS SUNNAH(SUNNI)


Sinabi ni Nidhamuddin Muhammad Al-A'dhami sa
panimula ng aklat na (Ang Shia at ang Mut'ah):
((Katotohanan ang pagkakaiba sa pagitan natin at nila ay
hindi lamang nakatuon sa sangay na pagkakaiba ng
pambabatas gaya ng usapin tungkol sa Mut'ah…Hindi,!
Katotohanan ang tunay na pagkakaiba ay pagkakaiba sa mga
paninindigan (paniniwala), Oo, pagkakaiba sa doktrina na
nakatuon sa mga sumusunod na mga punto:

1- Ang mga Shia Rafidah ay nagsasabing katotohanan ang
Qur'an ay binago at kulang, 

Ang Ahlus Sunnah nagsasabi:

"Katotohanan ang Qur'an ay salita ng Allah
kumpleto at hindi kulang, hindi at kailanman ay hindi
papasukan ng pagbabago, pagbabawas at pagpapalit
hanggang sa (araw na pagkagunaw ng mundo) babawiin na
ng Allah ang lupa at anumang napapaloob dito tulad ng
sinabi ng Allah: ((Katotohanan kami ang nagpanaog ng
Dhik'r (Qur'an) at tiyak na ito ay aming
pangangalagaan)).[Al-Hij'r:9].

===================================

2- Ang mga Shia Rafidah ay nagsasabing

katotohanan ang mga kasamahan ng Sugo ng 
Allah (SAW) maliban sa iilan ay tumalikod sa
Islam pagkatapos ng pagkamatay ng Sugo ng
Allah at sila'y tumalilis at sinira nila ang tiwala at
pananampalataya lalung-lalo na ang tatlong mga
Khalifa:"As-Siddiq, Al-faruoq at Dhun Nurain (Uthman).
At dahil diyan sila para sa mga Shia ay pinakamatindi ang
kawalan ng pananampalataya 

at Ang Ahlus Sunnah nagsasabi:

"Katotohanan ang mga kasamahan ng Sugo ng
Allah (SAW), sila ang pinakamainam sa mga tao
pagkatapos ng mga Propeta –sumakanilang lahat nawa
ang kapayapaan ng Allah – at silang lahat ang tunya
na makatarungan, hindi nila sinasadya
ang pagsisinungaling laban sa kanilang Propeta,
mapagkatiwalaan sa kanilang pag-uulat.

==================================

3- Ang mga Shia Rafidah nagsasabi:ay nagsasabi:

Katotohanan ang mga Imam (Imam ng Rafidah) na labindalawa
ay hindinagkakamali (hindi nagkakasala), nababatid nila ang lingid at
nalalaman nila ang lahat ng karunungan na siyang lumabas sa
mga Anghel, Propeta at mga Sugo at tunay na sila ay
nakababatid ng tungkol sa nakalipas at anumang hindi pa
nangyayari, hindi lingid sa kanila ang anumang bagay at
katotohanan alam nila ang lahat ng mga wika sa buong
mundo at katotohanan ang lahat lupa ay para lamang sa
kanila.

at Ang Ahlus Sunnah nagsasabi: 

"Katotohanan sila ay mga tao tulad ng lahat
ng tao, walang pagkakaiba sa pagitan nila at mayroon sa
kanila ang mga pantas, mga marurunong at mga pinuno,
hindi natin inuugnay sa kanila ang anumang hindi nila
inaangkin para sa kanilang mga sarili, bagkos, ipinagbawal at
itinakwil nila ito 77".


No comments:

Post a Comment

Share