Pages

Friday, December 11, 2015

* BABALA SA PAGHAHATOL( FATWA) NA WALANG KARUNUNGAN *


Ang katangian ng isang mapagkumbabang Muslim ay ang pag-amin sa bagay na hindi niya alam kung siya ay tinanong patungkol sa pamantayang Islamiko.

Ang pagsagot sa hindi niya nalalaman ay isang kamangmangan at kasinungalingan na nakapagdudulot ng pagkaligaw sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.

Sabi ni Allah sa banal na Quran:

وَلاَ تَقْفُ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ

(( At huwag mong itaguyod ang isang bagay na wala kang karunungan )) 17:36

At kanyang pang sinabi :

وَلا تَقُولُوا لِمَا تَصِفُ أَلْسِنَتُكُمُ الْكَذِبَ هَذَا حَلالٌ وَهَذَا حَرَامٌ لِتَفْتَرُوا عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ إِنَّ الَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ لا يُفْلِحُونَ* مَتَاعٌ قَلِيلٌ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

(( At huwag kayong mangusap ng kabulaanan na itinatambad ng inyong dila: " Ito ay pinahihintulutan (halal), at ito ay ipiniagbabawal (haram) ", upang kayo ay makakatha ng mga kasinungalingan laban kay Allah. Tunay! Sila na kumakatha ng kasinungalingan laban kay Allah ay hindi kailanman magtatagumpay.

Isang pansamantalang kasiyahan (ang sasakanila at lilipas din), datapuwa't sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan )). 16:116-117

Sabi ni Propeta Muhammad :

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال : قال رسول الله صلى الله عليه و سلم: من أفتى بغير علم كان إثمه على من أفتاه
أخرجه أبو داود في كتاب العلم باب التوقي في الفتيا (2657) و حسنه الألباني

" Sinuman ang maghatol sa isang bagay na walang karunungan, ang kasalanan ng taong nagkasala (dahil sa kanyang maling fatwa) ay mapapasakanya ".



No comments:

Post a Comment

Share